“Bakit ka naandito!? Hindi ba sabi ko sa iyo ay lumayas ka na!?” Nagulat ako nang may sumigaw sa loob ng aking kwarto. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatakot dahil sa nakakapanindig balahibo nitong boses na umalingawngaw sa aking kwarto.
Napalingon ako sa kaniya, kita ko ang puno ng galit nito sa mukha. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin para pakalmahin siya. Linapitan niya ako at agad naman akong napaatras. Sobrang natatakot ako dahil nanlilisik ang kaniyang mata akala mo’y kakainin ako nito ng buhay.
“Huminahon ka muna, Travis,” nanginginig kong saad.
“Bakit ka pa naandito!?Wala ka nang hiya! May gana ka pang matulog dito sa pamamahay ko, matapos mong gawan ng masama si Mommy!? Ang kapal naman talaga ng mukha mo!” Hinila niya ang aking buhok at kinaladkad sa pababa ng aking kama. Tanging pagtangis ko lang ang naririnig ko, ni wala akong maintindihan sa sigaw niya. Bigla kasing sumakit ang aking pakiramdam.
“This is the last time na makikita mo ako, lalayo na ako. I love you so much na kahit ang sakit-sakit na ay tinitiis ko ito para lang masalba ang relasiyon na iniingat-ingatan ko ng ilang taon pero may hangganan din pala ang pagmamahal ko sa iyo. Pagod na pagod na akong ipaglaban ka, pagod na pagod na rin akong mahalin ka. I love you and I hope masaya ka na dahil pinapalaya na kita."Nakita kong natigilan at pansin kong lumungkot ang kaniyang mga mata ngunit nawala rin agad iyon at napalitan ng pagkaseryoso."Mas mabuti pa nga, sige lumayas ka na rito! Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha mo," sambit nito saka ako iniwan sa kwarto. At doon na ako napatakip ng mukha, iyak lang ako na iyak. So, this is the end of our relationship. Wala na talaga, ito na iyong huli.Dahan-dahan naman akong pumunta sa aking cabinet at kinuha ang mga damit ko, nilagay ko lahat ito sa aking maleta. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Buti nala
Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng kabaong ng aking ina. Nakatulala at panay lang tulo ng aking luha. Wala akong maramdaman kung di sakit lamang, nawawalan na ako ng pag-asang mabuhay. Nanatili lang ako roon sa harap habang tinitingnan kung saan nakahimlay si Nanay.Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon, sising-sisi ako. Labis na sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nawala ang aking ina. Kung maaga ko pa sanang pinaalam ang nangyayari sa amin ng aking asawa ay hindi siya aatakihin sa puso. Hindi ko alam ang nangyari between Emery and her ngunit alam ko na siya ang dahilan kung bakit nawala ang aking ina. Ang sabi ni Ethan sa akin ay nakita raw ni Ate Loling si Emery at nanay na nag-uusap sa labas ng gate, nang bumalik ito ay nagulat na lamang siya nang makitang nakahandusay si Nanay sa sahig at wala na roon si Emery.Kung sana ay umuwi nalang ako sa bahay, kung sana sumuko at tinanggap ko na lamang na wala na talaga kaming pag-asa ng aki
“Tangina! Ang lakas din ng apog ninyong pumunta rito para ibigay lang iyang annulment papers sa akin!” sigaw ko sa kanila. Kasalukuyan akong hinahawakan ni Ethan para awatin ako. Si Travis naman ay hawak si Emery.“Walang hiya ka! Hindi ko kasalanang ako ang na-anakan ng asawa mo dahil baog ka! Puta! Kasalanan mo naman ang lahat, kung hindi ka sana pabaya sa sarili, kung hindi ka sana naging losyang at boring na asawa ay hindi maghahanap ng iba ang asawa mo! Gaga ka ba? Palibhasa anak ka ng katulong kaya wala kang utak! Gumraduate ka pa naman ng Cum Laude, hindi mo man lang maintindihan na hindi ka na nga mahal ng asawa mo!” Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko na kilala itong nasa harapan ko, kailanman ay hindi niya ito masasabi sa akin. Oo sinasaktan niya ako, pero alam kung may respeto siya kay Nanay Lilet. Hindi niya magagawang—Oo nga pala siya ang
“Congratulations! You are two weeks pregnant!” Anim na salita ngunit sobrang laki ng epekto. Hindi ko akalaing itong anim na salita ang magpapabago ng buhay ko. Totoo ngang words are powerful. Words can influence us, inspire us, or just easily bring us to tears. Itong mga salitang ito ang nagpa-inspire sa akin at binigyan ako ng lakas para mabuhay ulit. Sobra ang impact nito sa aking buhay. Napa-iyak ako ng sobrang lakas, wala na akong pakialam kung nasa harap ko ang Doctor, ang mahalaga nailabas ko ang emosiyon ko sa aking kaloob-looban. Matagal na naming hinintay itong mag-asawa, ngayon lang binigay ng Diyos sa akin. Ilang taon rin akong naghintay at nanalangin para rito. Nakakatawa na nakakalungkot. Pero naisip kong hindi na mahalaga iyon. Kinalma ko ang aking sarili, umalis na rin naman ang Doctor dahil busy rin ito, nagpasalamat na lamang ako sa kaniyang magandang balita. “Congratulations, Dahlia! Magiging Mommy ka na!” wika ni Ethan sa a
Dahlia’s POV Ngayon ang burol ng aking ina, narito kami sa sementeryo para ihatid siya sa huling hantungan. Masakit mawalan ng minamahal dahil kailanman ay hindi mo na makikita sila. Araw-araw kang magdudusa at araw-araw mo ring ma-mi-miss sila. Narito ako kasama nila Ethan sa unahan at nakikinig sa misa ng pari. “Kadalasan ang pamamaalam ay sobrang lungkot. Ang paglisan ng isang tao rito sa mundo ay nagdudulot ng dalamhati at pighati sa mga nakararami. Pero tayong mga Kristyano ay may ibang pananaw sa kamatayan, kahit na itinuturing natin itong permanenting pamamaalam ng ating mahal sa buhay…” Unti-unting tumulo ang aking luha sa aking pisngi dahil sa mga naririnig ko sa pari. Hindi ko alam kung mayro’n pa ba akong lakas para manitili rito dahil sobrang hinang-hina ako. Gusto kong magwala dahil sa mga nangyayari sa akin. Kung sana hindi ko na lang pinasok ang buhay ng mga Monte Cristo ay hin
SCARLET’s POVKASALUKUYAN akong nasa kwarto namin ni nanay nagpapahinga. Nakatulala lamang ako sa kisame, wondering kung paano nga ba ako mabubuhay na wala siya. Yakap-yakap ko ang kaniyang litrato habang natulo ang aking luha.Napapikit ako ng mariin dahil doon. Medyo kumikirot na rin ang aking ulo, pinipilit kong matulog ngunit hindi ko magawa.Buhay na buhay pa rin ang diwa ko. Ano na ang aking gagawin pagkatapos nito? Ayaw ko rin namang manatili rito dahil puder ito ng mga Monte Cristo. Ayaw ko nang ma-involve sa kanila lalo na kay Travis. Wala naman akong problema kay Mr. and Mrs. Monte Cristo ngunit kay anak nila, mayro’n.Habang ako ay nagmumuni-muni mayro’n akong naaninag na kumikislap sa taas ng aparador naming. Napakunot ang aking noo dahil doon. Tila ba may kung anong humihigop sa akin para puntahan iyon. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko inaabot iyong malaking box sa taas.Nang maabot ko ito ay napaubo ako dahil sa sobrang
Dahlia’s POV"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong sa kaniya."Why? Bawal bang bumisita sa bahay ng mga magiging in-laws ko? " tanong niya rin sa akin."Umalis ka na rito," malamig kong saad sa kaniya."Ikaw ang dapat umalis dito.”"Nasabihan ka na ba ng asawa ko na dapat ay umalis ka na? Pasalamat ka pinakiusapan niya akong bigyan ka ng dalawang araw para makapag-impake."Napairap ako sa kaniya at aalis na sana nang hilahin niya ang aking braso."Saan ka pupunta? Huwag mo akong tatalikuran!" galit na saad niya sa akin.Napatingin ako sa kaniyang tiyan. Hindi ko dapat siya patulan baka pati bata ay madamay."Aalis na ako, ayaw kong makipag-away sa iyo, Emery kaya puwede ba layuan mo ako?" saad ko sa kaniya."Bakit? Natatakot ka ba? Baka mapagalitan ka ni Travis?" tanong niya sa akin."Ayaw ko lang ng gulo," seryo
Nagising ako sa isang maliwanag na paligid sobrang nakakasilaw ito kaya napapapikit ako. Mayamaya lang ay tila nawawala ito kaya nakaka-adjust na ang aking mga mata sa liwanag. Napatingin ako sa paligid, sobra ang aking pagkamangha dahil sa mga bulaklak na nakapalagid sa akin. Iba't-ibang klaseng mga bulaklak ang nakatanim doon. May iba't-ibang amoy at kulay. Napangiti ako ng matamis, oh God! Para itong paraiso."Dahlia, anak..." Nagpalingon ako sa paligid at hinanap ng aking mga mata ang tumawag sa akin. It was my Nanay Lilet, I'm sure of that."'Nay! Nasaan ka po?" naiiyak kong sigaw sa kaniya."Dahlia, iha!" sigaw rin ng aking nanay sa akin. Nilibot ko ang aking paningin at napahinto iyon sa isang puno ng narra. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod sa akin na nasa duyan. Kahugis ito ng aking Nanay Lilet kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya."'Nay! Narito na po ako! Hindi na po tayo maghihiwalay!" sigaw ko sa kaniya. Nang makarating a
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a