This is the last day of our outing.
Nagising ako ng maaga kita kong tulog pa ang aking asawa sa tabi ko. Nakayakap ito sa akin at humihilik pa.
Sa totoo lang, hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi mawala sa aking isipan ang nangyari kagabi. Labis akong nasasaktan sa pagtataksil ng aking asawa sa akin. Gustuhin ko mang magtanong pero ayokong gawin dahil baka magsimula na naman ang hindi pagkakaintindihan namin.
Naiiyak ako kaya naman ay pumunta muna ako sa banyo para maghilamos ng mukha at mag-ayos na rin. Ayokong makita ako ng aking asawa na gan'to.
Napatingin naman ako sa salamin at napangiti. Kita ko ang isang nakangiwing babae sa salamin. Hindi ko rin kayang ngumiti ng totoo. Napabuntong hininga naman ako. Sana pala ay hindi na ako lumabas ng gabing iyon, sana hindi ko nalang hinanap ang aking asawa nang sa gano'n ay hindi na ako nasasaktan ng ganito.
"Wife?," tawag naman sa akin ng aking asawa.
"Y-yes? I'm here. Maliligo lang ako jus
Dahlia POVIsang napakagandang gate ang bumungad sa amin. Binuksan naman ito ni Tristan para makapasok kami."This is our secret place, exclusive lang ito sa mga taong pumupunta rito like the VIP's. Ayaw naming ipakita sa lahat dahil iniingatan namin ito," sabi niya habang binubuksan ang gate.Halata ngang iniingatan nila ito dahil lahat ay pulido at malinis. Isang napakalaking garden park ang nakikita ko. It was like a greenhouse.Pumasok kami at kita ko ang isang mataas na puno sa gitna."What'sh the name of that tree?" tanong naman ni Emery.The tree was stunning, it was like a glorious evening sky with dashes of pink and purple."Old Wisteria," sabi naman ni Travis."Yes. Its an Old Wisteria," sabi naman ni TristanNapangiti naman si Trista
"Nakakainis ka naman Tristan! Sabi kong mine eh, meaning sa akin iyon! Bakit mo tinira?" sigaw ni Emery sa kaniya.Kita kong nagpapapadyak si Emery sa inis habang tumatawa naman si Tristan. kasalukuyan kasi kaming naglalaro ng volleyball. Kami ang magkateam ng aking asawa, si Emery naman at si Tristan.Natatawa nalang ako sa tuwing nagaagawan silang dalawa. Actually, si Emery lang iyong nangaagaw parang hindi nito pinapatiran si Tristan. Kaya naman imbis na matira nila iyong bola ay naiilagan nila ito."Mine!" sabi naman ni Emery pero parang tumira lang ito sa hangin dahil hindi lumanding sa kaniya ang bola dahil inagaw ito ni Tristan sa kaniya."Tangina naman Tristan! How many times do I have to tell you na if I say mine. Ako 'yong titira at hindi ikaw! Ang pangit mo namang kabonding! " naiinis na sabi ni Emery sa kaniya.
Pinilit kong kumawala sa pagkakasabunot ni Emery pero nahihirapan ako. Nakakalmot na rin niya ang aking mukha."Stop it Emery. Bakit ka ba nagkakaganiyan!" sigaw ko sa kaniya"Sa akin lang si Travis! Akin lang siya!" sigaw nito"Emery! Anong ginagawa mo?Napalingon naman ako at si Travis pala iyon kasama si TristanAgad na lumapit si Travis sa amin at hinila si Emery paalis sa akin. Nang makalaya na ako ay iniwan niya ito at ako naman ay niyakap."Tristan, awatin mo muna si Emery, please." sabi ni Travis. Lumapit naman si Tristan kay Emery at inawat siya"Travis sa akin ka nalang! May gusto ko naman sa akin 'di ba? Naghalikan pa nga tayo sa bar eh! Alam naman na ni Dahlia kaya wala na tayong dapat itago pa," sabi nito sa akinNapalingon naman si Travis sa akin at napaiwas ako ng tingi"Stop it Emery
Nagising ako sa tunog ng shower sa banyo. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.Umaga na pala. Naginat-inat naman ako ng aking katawan at napahikab pa.Rinig ko naman na huminto na ang tunog ng shower sa cr at maya-maya lumabas na ang aking asawa."Goodmorning my beautiful wife!" bati nito sa akin."Goodmorning," bati ko sa kaniya at napahikab ulit.Lumapit naman ito sa akin at tinitigan ako. Tiningnan ko naman siya na parang sinasabi kong "Ano ang problema mo?""Iyong goodmorning kiss ko," napanguso naman ito sa akin.Napatawa naman ako sa kaniya. Agad ko naman siyang hinalikan pero dampi lang saka tumakbo na papuntang cr."Madaya," sabi nito sa akin.Napadila naman ako sa kaniya bago ko isinara ang pinto.
Kasalukuyan kaming naghahanda ni Travis para sa paparating na Welcome Party ni Emery.Ayaw pa sana naming pumunta dahil magkakagulo lang pero panay ang tawag sa amin ni Mommy, tinatanong kung pupunta pa raw kami. Nakahanda na raw doon at kami nalang nila Emery at Travis ang hinihintay.Nagsuot lang ako ng simpleng dress at tinernohan ito ng sandals. Si Travis naman ay shirt at shorts lang.Nang makarating kami sa mansion ay nagsisimula na ang party. Naandon na rin si Emery kasama si Mommy na nagtatawanan. Napatingin naman si Mommy sa amin kaya naman ay mas lumawak pa ang kaniyang ngiti. Lumapit naman kami sa kanila na nakahawak kamay."Oh! Here's come the lovely couple! Buti ay dumating kayo," sabi ni Mommy sa amin."Hello, mommy," bati ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinaplos ang aking buhok. Nang kumalas kami ay na
Travis POVNagising ako sa nalalanghap kong aroma na sa palagay ko'y adobo. Napabalikwas naman ako nang makapa ko na wala na sa tabi ko ang aking asawa.Agad naman akong napangiti ng mapagtanto kong iyong nalalanghap kong adobo ay luto niya. Ang sarap talaga kapag may asawa ka. Iyong pag-uuwi ka ng bahay ay may naghihintay sa'yo at paghahainan ka ng paborito mong ulam. Kapag ka naman sa pagising sa umaga ay aasikasuhin ka.Bumaba naman ako para batiin ang aking magandang asawa. Sa pagbaba ko ay kita ko na alas sais palang ng umaga. Napangiti ako ng makita ko siyang nakatalikod na abalang-abala sa pagluto.Nang magsasandok na siya ng adobo ay lumapit na ako sa kaniya."Goodmorning, mahal! Ako na," sabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagkakagulat niya sa ginawa ko. Kinuha ko naman sa kaniya iyong sandok."G-gising ka na pala," s
Dahlia PovDumating ang araw ng pag-alis ng aking asawa. Gustuhin ko mang sumama ay hindi puwede. Wala naman kasi akong gagawin doon talagang mababagot lang ako. Isa pa, hindi naman niya ako maasikaso dahil nasa trabaho siya lagi. Subalit nangangamba ako, dahil kasama niya si Emery. Natatakot ako na sa oras na umuwi ang aking asawa baka makalimutan niyang ako ang asawa niya. Pero may tiwala ako kay Travis, panghahawakan ko iyong pangako niya sa akin na hindi na niya ako pagtataksilan at lolokohin.Kasalukuyan siyang nagiimpake ng kaniyang mga gamit ako naman ay tinutulungan siya."Huwag na lang kaya akong umalis?"Basag niya sa katahimikan. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya."Hindi puwede ikaw ang CEO bawal kang mawala roon," sabi ko sa kaniya."Mamimiss kita, Dahlia. 2 weeks is like a year for me." Umupo naman ito na parang nahihir
Labis akong nababahala at natatakot dahil sa nakita ko sa loob ng box. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi mapakali.Agad kong binuksan ang aking laptop at skype app upang matawagan ang aking asawa. Kailangan kong makausap ito.Nakita ko namang offline ito pero tinawagan ko pa rin siya ng ilang beses. Nang ako'y magsawa ay nagtype nalang ako ng message sa kaniya habang pasulyap-sulyap sa profile niya baka mag appear doon ang green light na nangangahulugang online na siya.Naisend ko na ang aking sasabihin at naghintay pa sa kaniya, nagbabakasaling tumawag siya. Pero ilang oras na rin ako naghintay ay wala pa rin ito. Napabuntong hininga naman ako. Hindi na ako kumain dahil ayokong lumabas ng kwarto, natatakot ako baka may taong sumulpot sa likod ko at bigla nalang akong saktan.Napapikit naman ako ng mariin para pigilan ang mga masasamang eksenang naiimagine ko sa aking isipan.&n
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.
Narito kami sa loob ng dining table kasama sina Travis, Tristan, Isabella, Nanay at ang magulang ni Tristan. Natatawa na lamang ako sa sobra kong kaplastikan. Hindi ko alam kung paano ko nga ba nagawang ngumiti at makihalubilo sa kanila gayong nasasaktan ako. Awkward din ang mukha ni Isabella, ni hindi ito makatingin sa akin.“Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?” tanong ni Nanay sa akin kaya napalingon ako.“I want to surprise you all, pero ako pala ang na-surprise,” natatawang saad ko sa kaniya. Alam kong nakakaintindi ng Tagalog ang mga magulang ni Tristan dahil ang alam ko, nanirahan daw ang ina nito sa Pilipinas ng ilang taon. Hindi man lang sila natawa sa aking sinabi kaya napa-ubo ako.“ The wedding is on Sunday, are you going to attend, Princess Sofi
Nang makarating kami sa Spain ay agad kaming pumara ng taxi, kaagad akong nagsuot ng cap at sunglass baka kasi ay may makakilala sa akin. Nang makapasok kami ay agad na nagdadada si Mathilda napailing na lamang ako dahil sa katabilan niya. Hindi ko nga alam kung kanino ito nagmana, hindi naman kami ni Travis madaldal. "Mommy, can we tell to Abuela and Tita Isabella that we are already here in Spain?" tanong ni Mathilda sa akin na ikinailing ko naman. "No, honey. We will surprise your Abuela, you want that, right? You like surprises.".Napatango ito sa akin at pumalakpak. "I can't wait to finally introduce my Daddy to them, right 'Tus?" tanong ni Mathilda sa kaniyang kapatid . Tumango lamang ito sa kaniya as a sign of agreement. Palagi na lamang tango ng tango si Matthew sa kaniyang kapatid. Nakakatawa rin minsan itong anak ko. Palaging ini-spoil ang kaniyang kapatid na babae, kahit siguro hindi gusto niya ay gagawin pa rin nito hindi lang ma-
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Travis. Kasal pa raw kaming dalawa? Pinagloloko niya lang ba ako o ano? Nakakainis din minsan itong lalaking ito, dahil tinatanong ko siya hindi naman nasagot. Sabi niya pag-uwi na lang daw namin sa Pilipinas pag-usapan. Kating-kati na nga akong malaman kung bakit hanggang ngayon ay kasal pa kaming dalawa. Akala ko ba malaya na ako sa kaniya? Hindi pa pala. Mapapamura ka na lang talaga sa inis. Kung hindi lang kami nasa loob ng eroplano ay kanina ko pa siya sinagawan.“Mas mabuting matulog ka na muna, ipagpahinga mo na muna iyang isip mo.”Napalingon ako sa kaniya at inarapan siya. “Hindi ako makatulog, kasalanan mo ito! Paano kasing kasal pa tayo? Pinagloloko mo na naman ba a