"Hoy! Kahapon ka pa matamlay at parang wala sa sarili mo. Okay ka lang ba bess?" Tanong ni Kelly kay Devee nang umupo ito sa tabi niya. Hindi niya manlang namalayan ang pag dating nito sa room nila.Paano, nakahalukipkip naman siya sa arm chair niya. Nag eemot na parang iwan."Bakit ang laki ng eye bags mo bess?" Tanong pa nito ng makita niya ang haggard na mukha ng kaibigan.Isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan ni Devee pag kuwa'y muling sumubsob sa arm chair niya."Bess, may nagawa ba akong kasalanan sa'yo na hindi ko alam?" Mayamaya ay tanong ni Kelly sa kanya na sumilip pa sa ilalim ng braso niya."Tell me. Please. Alam kong nag tatampo ka sa'kin." Malungkot na saad nito at lumabi pa sa kanya."Wa-wala." Aniya at mabilis na nag iwas ng tingin sa kaibigan."Alam kong meron, kasi hindi ka tumitingin sa mata ko." Aniya.Kilala na nga talaga siya ni Kelly. Ultimong maliit na bagay ay napupuna at nalalaman agad nito pag dating sa kanya."May hindi ka ba sinasabi sa'kin
PAGKAPASOK palang ni Devee sa sala nang bahay ni Ericjan ay agad niyang nakita ang binata na nakahiga sa sofa habang may hawak itong news paper at abalang nag babasa.Hindi niya na lamang ito pinansin at nag tuloy ng umakyat sa hagdan. Pero mayamaya ay nadinig niya ang kanyang pangalan na tinawag ng binata, kung kaya't napahinto siya at hinarap ito."Devee...""Bakit?" Pag tataray na tanong niya rito.Umupo naman ito sa sofa at saglit na ipinatong sa lamesa ang hawak nitong news paper."Kumain ka na?" Tanong nito sa dalaga.Kunot noo namang natitigilan si Devee dahil sa hindi inaasahang tanong ni Ericjan sa kanya.Tinitigan niya pa ito ng mataman pag kuwa'y tinaasan ng kilay."What?" Anang binata."Bakit?" Balik na tanong niya rito.Nagkibit balikat pa ito bago tumayo sa sofa at nag lakad palapit sa kanya.Halos nasa gitna na rin siya ng hagdan kung kaya't nakatingin siya sa ibaba para harapin ang binata. Unti-unti itong umakyat hanggang sa magkatapat na sila.Halos pigil hininga pa s
"GOOD MORNING---" Napapikit pa ng mariin si Devee nang pagkalabas niya sa kanyang kuwarto ay biglang bumungad sa harapan niya si Ericjan."Jusko naman, oo!!" Anang dalaga. "Hindi ka ba marunong umabiso ng tao bago ka sumulpot sa kung saan? Papatayin mo ako sa nerbyos eh!" Naiinis na saad nito sa binata at sinamaan ng tingin."I'm sorry." Aniya."Tss. Bakit?""Just want to say good morning." Anang lalaki na hindi pa rin umaalis sa tapat niya."Well, walang GOOD sa morning ko kaya umalis ka na sa harap ko." Pag tataray pa nito.Wala sa sariling napabuntong-hininga ang binata at napasandal sa gilid ng pader habang nakapamulsa pa rin. Pag kuwa'y seryosong tinitigan ang dalaga."B-bakit?" Pag kuwa'y tanong ni Devee rito."Hanggang kailan mo ba ako susungitan?" Tanong nito. Agad naman napalunok ng laway si Devee dahil sa kakaibang emosyon na nakikita sa mga mata ng binata. Hindi niya matukoy kung tama ba ang hula niya na bigla itong nalungkot nang tanungin siya nito.Hanggang kailan nga ba
"KUYA..." Anang Kelly kay Ericjan habang nakaupo ito sa hood ng sasakyan niya at nasa tabi naman nito si Devee na kalmadong masiyado dahil sa nakikitang itsura ni Kelly. Para na itong mangangain ng buhay dahil sa talim ng titig sa kanya."Mmmm?" Tugon ng binata.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga si Kelly at nakapamaywang pa na nag lakad palapit sa harap nila."Is she your girlfriend?" Seryosong tanong nito sa pinsan pag kuwa'y binalingan din siya ng tingin. Mabilis namang nag iwas ng tingin si Devee sa kaibigan at wala sa oras na napapalunok ng laway."Kailan pa?""Bess---" "Hindi pa ako nag tatanong sa'yo, Devee." Anang dalaga na halata ngang nagalit sa kanya dahil sa pag lilihim niya rito tungkol sa bagay na iyon. "Is she your girlfriend?" Ulit na tanong nito. Mabilis namang lumingon si Devee sa katabi niya. Nag hihintay sa maaaring isagot nito sa tanong ng kaibigan niya."She's... she's not my girlfriend." Anang binata.Bakit may kung anong lungkot na naramdaman si
"WHERE IS SHE? Malalate na tayo..." Anang Ericjan habang nasa sala ito ng bahay nina Kelly at nag hihintay na sa pag baba ng dalaga. Hindi pa ito mapakali at panay ang tingin sa orasang pambisig nito."She's almost done, Kuya. Cool ka lang." Anang Kelly na hindi na rin maitago ang saya at excitement sa mukha nito."She's here..." Aniya habang nakatingin sa puno ng hagdan. Dahan-dahan pang lumingon si Ericjan sa gawi ng hagdan. Only to see Devee... pakiramdam niya biglang huminto ang buong paligid niya.Hanggang sa dumahandahan na ring bumaba ng hagdan ang nakangiting si Devee.She's beautiful. Parang ibang Devee ang nakikita niya ngayon habang pababa ito sa hagdan. Tila ay nag slow motion ito at wala siyang ibang makita sa paligid kundi ito lamang. He's right. Devee is beautiful kapag naisuot na nito ang damit na binili niya para rito.He didn't expected na ganon pala ang kalalabasan ng damit oras na maisuot iyon ng dalaga.Pakiramdam tuloy ni Ericjan, may kung anong biglang nabuhay n
"DEVEE...? Si Devee ang fiancee mo?" Gulat at nag tataka pa ring tanong ng mommy ni Ericjan."Yeah." Tipid na sagot nito sa ina pag kuwa'y nakangiting bumaling sa kinakabahang si Devee. Muli nitong pinisil ng masuyo ang kanyang palad pag kuwa'y iniangat ang kamay nilang magkasalikop at dinala sa tapat ng dibdib nito."Oh my God! Why you didn't tell me hija? Mag kasama tayo sa boutique pero wala ka naman nababanggit sa'kin. Oh! I'm happy to know na ikaw pala ang mapapangasawa ng anak ko. Come here. Give me a hug." Anang babae at nag mamadali pang bumitaw sa braso ng asawa para lapitan siya. Wala ngang nagawa si Devee ng yakapin siya nito at halikan sa mag kabila niyang pisngi. "God! You look so beautiful tonight." papuri pa nito sa kanya nang sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa."Sa-salamat po." Mag kahalong kaba at hiya ang nararamdaman ni Devee sa mga sandaling iyon. Though, nakikita niya sa kislap ng mga mata ng ina ni Ericjan na masaya itong malaman na siya ang fiance
NAG MAMADALING pinuntahan ni Kelly ang kanyang pinsan pagkatapos na maihatid sa loob ng bahay ang nahihilong si Devee. Kinailangan niya pa itong iwanan kasama si Kevin.Pagkabalik sa garden ng mansiyon ni Mrs. Esparagoza ay agad na hinagilap ng mga mata ni Kelly ang kanyang kuya Ericjan. Halos liparin pa nito ang daan papunta sa kinaroroonan nito kasama ang isang babae."Hey!" Tawag niya sa binata."Kels..." Nakangiti pang baling sa kanya nito."Kels? Tss. Do you want me to kill you po?" Naniinis na saad nito pag kuwa'y agad na binalingan ng masamang tingin ang babae na nakayakap sa braso ng binata. "And you... Get your hands off. I swear uuwi ka sa inyo na putol ang mga braso mo." Aniya na kinasinghap naman ng babae at mabilis pa sa alas kuwatro na humiwalay sa binata."W-why?" Nag tatakang tanong ni Ericjan sa pinsan."Why? Ako dapat ang nag tatanong niyan sa'yo kuya... Why did you left your fiancee alone? She's drunk right now, do you know that?" "What? Why? Where is she?" Anang b
AGAD na napabalikwas ng bangon si Devee kinabukasan nang tumama sa mukha niya ang sinag ng araw na nag mumula sa labas ng bintana nang kuwarto niya. Napadaing pa ito ng biglang makaramdam ng pag kirot sa sentido niya."Good morning po ma'am Devee." Bati sa kanya ng isang kasambahay ni Ericjan. Agad naman siyang napalingon rito."Nasa bahay na po ako?" Nag tatakang tanong niya sa babae."Opo ma'am. Dumating po kayo kagabi ni sir Eric bandang alas dose y medya na po. Tulog po kayo habang karga ni sir. Siguro po nag enjoy kayo sa birthday ni madam kaya napadami ang inom niyo." Anang madaldal na kasambahay pag kuwa'y ngumiti pa sa kanya ng makahulugan. Agad na lumalim ang guhit sa pagitan ng mga kilay ni Devee. "Lasing? Ako, lasing kagabi?" Nag tatakang tanong ng dalaga."Hindi ko po sigurado ma'am. O baka naman po nag lasing lasingan lang po kayo..." Aniya at humagikhik pa. Isang mabilis at matalim na tingin naman ang ibinigay niya sa kasambahay kung kaya't napatahimik rin ito. "Biro la
PABABA NG HAGDAN si Devee ng makita niya ang binata na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay nito. Kunot noo niyang inirapan ito ng makita niya ang kakaibang ngiti sa kanya ng binata pag kuwa'y kumindat ito. Sumipol pa ito ng mapadaan siya sa tapat nito bago siya tuluyang makapasok sa kusina."Ma'am Devee may ipag uutos po kayo?" Anang kasambahay ni Ericjan na agad lumapit sa dalaga nang makita nitong nag bubukas siya ng ref."Wala. Ako na ang gagawa. Okay lang." Aniya."Pero ma'am... baka po magalit si sir Eric." "Sige na Aning, hayaan mo na kami rito." Anang binata na sumumod din pala sa kanya sa kusina."P-po sir?""Kausapin mo si Marie, at mag day off kayo ngayon. Wala naman kayong gagawin at aalis kami mamaya ng ma'am Devee niyo. Go on." Saad pa nito at mabilis na tinapunan ng tingin ang dalaga na nakatingin na rin sa kanya. Agad namang sumilay ang matamis na ngiti nito sa mga labi at nag lakad palapit sa kanya. "Can I help you, babe?" Tanong nito. Sa halip na sagutin ni D
"E-ericjan. Anong---anong." Hindi magawang makapag salita ni Devee ng maayos dahil sa mga rebelisasyong nalaman mula sa binata. Halos dumoble ang kabang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Halos panghinaan ng lakas sa kanyang mga tuhod habang mataman na sinasalubong ang mga titig ng binata sa kanya. Pakiramdam ng dalaga, kung hindi lamang siya hawak ni Ericjan sa kanyang mga braso, panigurado siyang kanina pa siya natumba sa harap ng simabahang iyon.Mayamaya ay muli niyang naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa balat niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito na naroon sa mga braso niya."I love you Devee. Please. Please say you loved me too." May pag mamakaawang saad nito sa dalaga."A---""Ericjan." Ang matinis na sigaw ng babae ang muling umagaw sa atensyon ng dalawa. Pareho pang napalingon sina Devee at Ericjan sa may pinto ng simbahan kung saan nakatayo ang babaing ngayon lamang nakita ni Devee sa personal. Tama. Ito nga si Ingrid. Ang babaing nakita niyang kasama ni
NAKAUPO SA isang silya si Devee habang tinititigan ang repleksyon niya mula sa malaking salamin. Hanggang ngayon ay hindi niya parin mawari ang sari-saring emosyon na nararamdaman. Ilang minuto na lang ay ikakasal na siya kay Ericjan. Sa lalaking lihim niyang minamahal. Ang lalaking, malabo pa ata sa tubig kanal na mag ka-gusto sa kanya.Muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga ang dalaga nang muli na namang sumagi sa utak niya ang mga sinabi sa kanya ni Ericjan sa nag daang gabi.'Are you excited?' Tanong nito mula sa kabilang linya nang telepono. Dahil nga sa mga pamahiin na pinaniniwalaan ng mga pinoy. Isang araw bago ang kasal nila ay pumunta ang mommy ni Ericjan sa bahay ng binata upang sunduin siya at sa mansyon ng mga Esparagoza siya na muna tutuloy ng isang gabi.'B-bakit naman ako magiging excited?' Sa halip ay balik na tanong ng dalaga sa kausap. Narinig niya pa ang pag buntong hininga nito mula sa kabila. Parang nakikinita na ni Devee sa kanyang utak ang hitsura n
"BES, BAKIT ka ba umiiyak diyan?" Nag aalalang tanong ni Kelly sa kanyang kaibigan habang nasa labas ito ng pinto nang banyo. Mayamaya ay bumukas iyon at iniluwa roon si Devee na namamaga ang mga mata at humihikbi pa. Mabilis siyang nilapitan ni Kelly at inalalayan sa braso upang dalhin sa kama. "Ano bang problema? Nag away ba kayo ni Kuya?" Tanong pa nitong muli."H-hindi." Aniya."Hindi? Eh! Bakit ka umiiyak? Tapos nakasalubong ko pa si kuya kanina, parang mananapak ng tao. Galit ang hitsura niya." Anang Kelly pag kuwa'y tumabi sa kanya sa pag-upo sa gilid ng kama. "You can tell me. Nag away ba kayo?" Wala sa sariling muling nag pakawala ng malalim na buntong hininga niya si Devee pag kuwa'y niyakap ang mga tuhod nitong nakaangat sa kama."Magagalit ka ba sa'kin kapag sinabi kong...hindi kami totoong mag Fiancee?" Sa halip ay balik tanong nito sa kaibigan. Mabilis namang nag salubong ang mga kilay ni Kelly. Kunot noong tumitig sa kanya na tila ay tinatantya siya nito."What do you
KANINA pa nag lalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito sumipot sa puwesto dapat nila."Tss. Where are you, Devee?" Naiinip na tanong nito sa sarili pag kuwa'y tumigil sa pag lalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayoan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kanya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nag mamadaling lumapit roon."Kelly---?" Nag tatakang sambit nito sa pangalan ng kanyang pinsan."Kuya... hey! How are you?" Nakangiting tanong nito nag mag baling sa kanya ng tingin. Agad din naman itong lumapit sa binata at yumapos. "Bakit hindi mo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito ni Devee?" May pag tatampo pang saad nito."Tss. Where is she?" Sa halip ay tanong nito."Ayaw mo na ba ako kasama sa outing?" Muling tanong nito sa pins
BIG BOSS is in LOVE"DEVEE---hey! Huwag kang malikot kundi mabibitawan kita." Anang Ericjan ng biglang kumawag ang dalaga. Muntikan niya pa itong mabitawan pagkapasok niya pa lamang sa lobby nang hotel."Ibaba mo ako." Anito at muling nag kakawag sa ere. Walang nagawa ang binata kundi ibaba ito at alalayan na lamang sa braso upang mag lakad."Let's go. You need to take a rest, Devee." Anito. "Gusto ko pa ng alak. Please. Isa na lang." Hirit pa nito sa kanya na parang bata."You're drunk, wifey. Matutulog na tayo." Aniya habang nakayakap sa baywang ng dalaga ang braso niya at hawak niya naman ang isang kamay nito. Mayamaya ay agad na napaatras ng lakad ang binata ng biglang lumihis ng lakad si Devee. Lumapit ito sa front desk at kinausap ang dalawang lalaki na nakatayo roon."Hi..." Nakangiting bati ni Devee sa mga ito."Good evening, ma'am... sir." "May alak ba kayo rito? Puwede ako pahingi?" Anang Devee. Agad na nagkatingin ang dalawang lalaki pag kuwa'y tinapunan ng tingin si Eric
"HEY! Are you okay?" Untag na tanong ni Ericjan kay Devee ng lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kanya ang dalaga."Ah---""Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" Puno ng kuryusidad na tanong nito sa kanya. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga saka iyon pinakawalan sa ere."Iniisip ko lang kung---kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo. I mean, mabait sila. Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pag sisinungaling ko sa kanya." Malungkot na pag tatapat nito."You know what... You don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya nang usapan natin, ibibigay ko ang bayad ko sa'yo once na matapos na ang kontrata mo sa'kin. I knew my mom... ako na ang bahalang mag paliwanag sa kanya kapag nabuko niya tayo. So, don't feel guilty. It's okay." Anang bi
DALAWANG ARAW ding nag kulong sa kuwarto niya si Devee habang hindi parin nawawala ang pamamaga ng kanyang paa. Wala siyang ibang ginawa kundi ang kumain, mag cellphone at matulog kung kailan niya gusto. Ang totoo niyan ay bagot na bagot na rin siya. Gusto na niyang tumayo para naman gumalaw-galaw siya. Nananakit na ang likuran niya kakahiga at kakaupo mag hapon.Kahit kaya niya naman mag lakad pababa sa kusina para doon na kumain, hindi naman pumapayag si Ericjan. Lagi nitong hinahatid sa kuwarto niya ang kanyang pagkain."Haist! Gusto ko ng maligo. Nababanasan na ako." Pag rereklamo nito sa sarili habang nakatingin sa pinto ng kanyang banyo. Mayamaya ay naagaw ang kanyang atensyon sa katok na nag mumula sa labas ng kanyang kuwarto. Bumukas iyon at iniluwa roon ang maliit na babae na kasambahay ni Ericjan."Ma'am Devee, tumawag po si sir Eric. Mag bihis daw po kayo at aalis kayo mamaya pagkadating niya." Anito. Agad na gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Devee pag kuwa'y nag
PAIKA-IKANG nag lalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at wala naman maayos na klase dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation.Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaihan na nag titilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili ang mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saglit na tumayo sa gilid ng hagdan para ipahinga ang paa niya."Ahhhh. God! Bes, ang guwapo niya." Tili nong isang babae habang nakikipag siksikan it