Ginawa ni Lucian ang pangako niya, wala kaming ginawa na kung ano, maliban sa nakatulog agad ako sa sandaling mahiga ako sa kama, sawakas ay pinawi nito ang pagod ko.
Nagising ako na malapit ng mag alas-otso. Walang tao sa tabi ko. Ang magulong estado ng kama at ng kumot ay nagsasaad na kakailis niya lamang ng kama. Nakaramdam ako ng uri ng pag-iisa at pagkabigo na parang inaasahan kong gisingin niya ako.
Biglang bumukas ang pinto ng banyo, at si Lucian ay lumabas at na nakaligo na at nag-ahit, isang tuwalya na nakatali sa pang-ibaba niya, napakababa sa kanyang baywang. Nakita ko na siya na kalahating hubad, pero palaging paring nakakabihagni kapag nakikita ko ang kanyang perpektong hubog ng katawan.
Ngumisi siy
Pumasok si Lucian sa silid-aralan o library, kahit ano pa man iyon, humawak ako ng mahigpit sa dulo ng lamesa gamit ang dalawa kong kamay.Sobrang natatakot ako ng husto.May kausap siya sa phone at hindi ako pinansin. Naghintay lang ako ng tahimik at nakasandal sa lamesa, takot na gumalaw.Inilagay niya ang phone niya sa loob ng kanyang bulsa. At saka inilagay ang dalawang daliri niya sa baba ko at itinaas ang ulo ko hanggang magtama ang aming mata. Lumapit siya at hinalikan ang labi ko. Hindi iyon pamilyar na kilos para sa akin, naghalikan na kami ng higit pa sa isa. Ganunpaman, mayroong kung ano sa paraan niyang humalik. Sinubukan kong kumalma, at sinubukan siyang halikan pabalik, kahit na nanginginig ako. Bigla siyang huminto.
Alice’s POV"May kailangan akong sabihin sa’yo," sinabi ko na nakatingin sa kanyang berdeng mata."Oo naman, sabihin mo sa akin, mahal, ano iyon?"Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili.Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Umikot ang kanyang mga mata sa umiilaw na screen nito. Tapos humarap sa akin."Pasensya na mahal, ngunit kailangan kong sagutin ang tawag na ito." Tumingin siya sa akin na humihingi ng paumanhin.Tumango ako at binitawan a
Nagising ako sa huni ng mga ibo na sa may bintana. Tinignan ko kaagad ang relo ko. 5 am na, napakaaga pa.Lumingon ako para tignan ang nakakatuwang tunog, kahalusan, sarado ang mga bintana para sa seguridad na dahilan. Napaisip ako kung sino ang nagbukas sa mga iyon.“Magandang umaga, dear,” sabi ng boses mula kay Lucian na nasa tabi ng silid.Medyo nagulat ako, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, at agad na hinila ang kumot sa katawan ko sa sandaling makita ko siya. Naupo siya agad sa upuan malapit sa may apoy, nagmumukha siyang pagod at haggard.Naupo siya sa dulo ng kama at inayos ang mga bedcover sa harapan niya. Mukha siyang pagod na pagod, na may maitim na bilog sa ilalim ng kanyang mga
Si Katherine at Savannah ay takot akong pinapanood habang naghahanda sa laban namin ni hinamon ni Eliza."Bakit mo ginagawa ito, Eliza?" tanong niya."Ako ang pinakamahusay at pinakamalakas na babae sa pack na ito. Kahit si Alpha Lucian ay sang-ayon doon. Ano naman ang masama sa paghamon sa Luna? Makatarungan naman iyon," nagkibit balikat siya."Stupido ka ba? Hinahamon mo ang mate bond! Hindi mo mapapalitan ang pwesto niya bilang mate sa pamamagitan ng labanan, tigilan mo na ito ngayon! Hindi magiging masaya si Alpha Lucian," babala ni Katherine.Tama siya
“Malabo! Mr. Blake,’ sagot ko.“Ang isang lalaki ay pwede namang subukan palagi,” sabi niya.Tumawa ako, “Bakit hindi ka na lang bumalik sa kama at maghabol na muna ng tulog. Habang ako, magiging abala muna ako sa pakikipaglaban sa nagseselos mong mga ex?”“Wala naman akong ganoong karaming mga ex, at isa pa hindi sa pack na ito. Pagkatapos ng kay Eliza, nangako ako na hindi ako makikipagrelasyon ng mula sa pack ko. Ayaw ko ng kahit anong hindi magandang vibes mula sa pack.”“Salamat sa Diyos sa kaunting awa,” bulong ko.“Ngayon halika na, at bumalik ka ng
Chapter 27 - Old secretsAlice’s POV“Anong narinig mo?” maingat kong tanong.Tinikom niya ang kanyang labi at saka tumingin pababa, “Lahat.”“Damn!” nagbuntong hininga ako at saka hinaplos ang aking noo.“Pasensy na po, hindi ko sinasadya na... Hindi naman ako nakikialam. Pero, ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ka pa namamarkahan,” sinabi niya sa napakahinahong tono. Hindi ko maintindihan kung paano niya iyon nauunawaan. Bilang isang beta, ang katapatan niya ay laging na sa kanyanmg Alpha.“Hindi ganun kasimple iyon, Savannah,” nagbuntong-hininga ako.
Naupo sa harap ko si Savannah, nakatingin ng mabuti. Naikwento ko sa kanya ang buong kalagayan namin nina Mark at Lucian. Ako ay nasa isang malaking panganib, ngunit wala akong pagpipilian."Medyo magulo nga iyan," sagot niya.Tumango ako bilang pagsang-ayon."Naiintindihan mo, hindi ba?" pagmamakaawa ko sa kanya.“sa tingin ko tama ang kaibigan mong si Emma, dapat niyong pag-usapan ng Alpha ang tungkol dito, at linisin ito. Masasaktan siya dahil desperado at matagal niya ng hinhintay ang kanyang mate. Sobrang nahirapan siya nitong nakaraang dalawang taon. Pero iyon ang makakabuti sa palag
Tumitig siya sa mukha ko ng ilang mga minuto.“Ang nanay mo ay isang tao, hindi ba?”Tumango ako, “Oo, isa siyang keeper katulad ni tita Flora.”“Sigurado ka ba?” mahinang tanong niya.“Anong ibig mong sabihin?” gulat kong tanong.“Sa pagpupulong ngayon ng mga Alpha, ay nakilala ko ang dati kong kaibigan. Kilala niya ang magulang mo. Sinabi sa akin ni Micaelson na ang nanay mo ay isang witch.”“Ano! Isa yang pinakawalang-kwentang narinig ko,” sagot ko, pakiramdam ko medyo nagagalit ako, “Iyon ba ang mga ginagawa ng mga Al
Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk
AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n
AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na
Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip
OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap
Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit
Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin
OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa
"Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa