Isang biglaang pagdiriwang ng pack ang madali lang isaayos. Ang tanging kailangan namin ay may magandang klima, pinakamainam kapag full moon ng gabi. Mga ilang inumin at firewood. Ang nanghuli sila ng maiiluluto.
Hindi na kailangan na magsuot ng magara o espesyal. Heck, hindi naman na talaga kailangang magbihis pa maaalis rin lang naman ito mamaya.
Ang pack party ay pwedeng maging wild o manatiling isang family barbeque. Nakadepende naman talaga iyon sa mga taong dumalo. Ang pack run at pangagaso ay laging hindi nawawala.
Nakasalubong ko ang sobrang masayang si Katherine sa may koridor habang ang miyembro ng pack ay nagmamadaling lumabas ng mga alas otso ng gabi.
“Alice, hindi ko makumbinsi ang bagong dating n
Hindi ako nagseselos kay Savannah, gusto ko lamang na hindi na siya nag-iisa pa. Wala naman akong karapatang manghusga, marahil talagang masaya na siya sa estado ng buhay niya, katulad lang sa akin noon bago ko nakilala si Lucian. Gayunpaman, ang magkaroon ng mate ay baka magpabago ng pananaw niya katulad ng nagawa nito sa akin.“Alright, ladies, mananatili tayo sa Jade Moon pack ng dalawang araw at makikipagkilala sa mga unmated mates mula sa mga iba’t ibang pack, By Luna’s blessing, lahat kayo ay hahanapin ang inyong mga mate. At kahit pa hindi kayo magtagumpay na hanapin ang mga mate niyo huwag kayong malungkot. Magsaya lamang kayo.”Hinarap ko ang humigit-kumulang 50 na mga dalaga at babae na pupunta sa Jade moon pack para sa mating barbeque, sayaw at piknik. Ang walang mga mate mula sa humigit-kumulang sampung ib
Nagising ako na nakahiga sa matigas na sahig. May narinig akong pumatak na tubig mula sa kung saan, amoy masangsang ang hangin at kumikirot ang ulo ko. Sinubukan kong bumangon ngunit ang matinding sakit mula sa ulo ko ang dahilan para manatili ako sa sahig. Nakakagulat, hindi ako nakatali. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong masyadong makita, kaya nag-ipon ako ng lakas ng loob na dahan-dahang tumayo. Ang mga kadena ay kumikiliti sa aking mga paa habang ginagalaw ko ang mga ito. Nawala agad ang panandaliang kaligayahan ko sa pagkakatali, nakadena pala ako.Ang paningin ko ay medyo naging malinaw na, palagay ko nasa isang kweba ako.“Lucian,” tawag ko sa isipan ko.Wala siyang sagot.Marahil masyado akong malayo mula sa ka
Alice's POV“Isang kalokohan!” sigaw ko sa kanya. Ang dalawang ito ay naloko ni Regina, nabulag sila sa mga kagustuhan nila.“Paano niyo nagawang pagkatiwalaan ang babaeng iyan? Maaaring ginagamit niya lamang kayong dalawa.”“Posible iyon hindi ba?” lumingon siya kay Regina.Nanginig siya ng kaunti, “Oo naman! Nakita mong gumana ang lason ko, hindi ba?”“Dapat lang na gumana. Nagbabayad ako ng malaki para lamang dito, bitch!”Habang nagtatalo sila, naisip ko na ang buong plano nila. Gusto ni Regina ang dugo ko para sa kahit anong spell na ginagawa niya, gusto ni Savannah na paalis
Si Gregory at ang ilan sa kanyang mga wolf ay palipat-lipat na nag-aayos ng mga bato at mga kahon habang si Regina ay nagpapakulo ng bagay na mukhang hindi maganda sa isang kaldero, tulad ng isang tipikal na witch.Ang apoy ay sinindihan sa paligid nito, na nagbibigay ng kulay kahel na liwanag sa paligid. Na siyang nagbigay sa akin ng magandang tanawin para matuloy ang bilang ng wolf na nasa paligid ng kweba. May 10 Beta at mandirigma sa paligid namin. Natitiyak kong marami pa sa sila sa kagubatan.Hindi ako makakalaban sa napakaraming mga wolf. Kailangan namingmakatakas kahit papaano."Isasakripisyo mo ba ako o ano?" kaswal na tanong ko."Masyado kang mahal para isakripisyo, sweetheart," nakangiting sabi ni Gregory."Hindi s
10 years ago.LUCIANAng pagiging isa sa iilang werewolves sa high school para sa mga tao ay may mga pakinabang din.Mas malakas ako, na may mas malakas na pangagatawan at may mas matalas na pandama kaysa sa mga tao. Nakuha ko na sana lahat ng sports records, pero pinigilan kong gamitin ang buong potensyal ko dahil hindi iyon patas, pangalawa, makakukuha lamang ako ng hindi kanais-nais na atensyon pero hindi naging hadlang iyon para maging pinakamahusay ako sa football team. Gustong-gusto ko iyon.Isang araw bago ang aking ika-18 na kaarawan. Natutuwa ako at kinakabahan. Para sa werewolves, ang kanyang ika-18 na taon ay napakahalaga. Pagkatapos mag-18, ang aming wolf ay handa na para sa kanyang mate at nagsimula itong maghanap. Hahanapin ko ang soulmate ko sumula bukas. Maaaring maging kah
Nakaratiung ako sa isang walang tao na lugar malapit sa isang sapa.“Savannah, lumabas ka! Alam kong nandirito ka. Ang gubat ay napapaligiran na at hindi ka makakatakas,” sabi ko sa kanyang isipan nang maramdaman ko ang presensya niya.Bago pa man ako matapos magsalita ay nilusob ako ng isang babae. Si Savannah ay lumabas mula sa mga bato. Napatumba ako sa may tabi bago ko pa man siya harapin.Inilabas ni Savannah ang kanyang ngipin at umgol ng mahina at nagagalit. Ginawa ko rin iyon sa kanya at nanginig si Savannah sa napaatras ng kaunti.Tumingn ako sa likuran niya at nakita si Lucian kasama ang iba pa sa pack. Nanatili siyang nakatayo at pinapanuod ang mangyayari.&ldqu
Anim na taon na ang nakalipas...Tumatama ang napakainit na sikat ng araw sa may bintana mula sa silangan na pinapainit ang kama. Binuksan ko ang mata ko at umupo. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko."Sorry," mahinang sabi ko."Hindi ko sinasadyang gisingin ka."Naalis ang kumot sa katawan niya habang lumalapit siya para halikan ako."Anong oras na?" tanong niya."Malapit ng mag ala-sais," sagot ko at bumangon sa kama.Pumunta ako sa bintana at sinilip ang umaga."Bakit hindi ka muna bumalik dito sa kama?" tanong niya."Hindi, maliligo na ak
"Ano tong tinitingnan ko?" tanong niya na nakatitig sa 2D model ng bahay niya. Bahay ng magulang niya."Iyan ang dati mong tahanan, binago ko lang siya. Tignan mo, nagdagdag ako ng extension dito. Para magkaroon ang nanay ko ng sarili niyang balkunahe. Ang maliit na kwartong ito ay pwedeng ipagsama sa silid niya. Magiging isa itong napakagandang nursery..." sinabi ko ang tungkol sa mga bagong balak ko at lumaki ang ngiti niya."Ang ganda, pero bakit gusto mong ayusin ang bahay?""Para makalipat na tayo. Maganda naman na siya pero naisipan kong magdagdag ng mga ilang improvements.""Gusto mong lumipat tayo bahay ko?"bulong niya, at hindi ako sigurado kung nagustuhan niya ba ang ideya ko.
Six years Later-AliceNakaupo kami ni Emma sa labas sa hardin habang pinapanood ang kulitan ng aming anak. Madalas kaming bumisita sa isa't isa."Paano mo naaalagaan ng sabay iyang mga tatlo, hindi ko malalaman. Nahihirapan na ako kay Arya,” sabi niya.“Mahirap kung minsan, pero nakakatuwa din,” sabi ko at tumingin ako sa anim na taong si Aiden at apat na gulang kong kambal, sina Rose at Leo. Isang nakakatuwang pagkabigla ang naramdaman ko nang malaman kong nagkaroon ako ng anak na kambal, isang taon matapos kong ipanganak si Aiden.Ang mga bata ay tumingin sa amin at ngumiti, sila ay cute na mga tuta. Parehong minana nina Aiden at Rose ang berdeng mata at maitim na buhok ni Lucian. Mas hawig ko naman si Leo na may hazel na mata at brown na buhok. Napahawak si Arya sa tenga ni Aiden habang sina Rose at Leo ay nagk
AliceHabang naglalakad ako patungo sa isang pabilog na linya upang sumali sa pack, sa aming mga bisita, at sa mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang humanga sa mga palamuti, sa mga ilaw, at sa nakakaakit na amoy ng iniihaw na karne. Lahat ay ginawa ni Katherine.Ang buong paligid ay napuno ng mga maliwanag na mga ilaw at mga makukulay na mga rosas. Isang malambing na musika ang tinutugtog ng isang live band. Luma na ang musika ngunit kaakit-akit ang tunog nito.Lahat ng mga bisita ay nakangiti at nagbibiruan. Agad akong sinamahan ni Lucian at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa kanyang mga bisig. Ngumiti siya sa akin at saka ako hinalikan. Dumaan ang dila niya sa labi ko at ibinuka ko ang bibig niya para halikan siya. Naglaro ang kamay ko sa butones ng damit niya, hiling ko na sana nasa kwarto kami.“Pareho tayo ng hiling dear,” sabi niya at binigyan ako ng magandang ngiti.&n
AliceAlam ko ang tungkol sa Doppler monitor na ginagamit para marinig ang tibok ng puso ng mga baby. Ang ideya iyon ay parehong ikinatuwa at ikinatakot ko.“Basta mahiga ka lang,” sabi ni Dr. Armand, at itinaas ang damit ko para ilabas ang tiyan ko. Naghaplos siya ng isang likido sa aking tiyan. “Kaunting gel lamang. Makakatulong ito sa paghanap ng heartbeat ng bata.”Isang kaluskos na tunog tulad ng isang lumang transistor radio ang narinig namin sa silid. Tumingin sa akin si Lucian, at natataranta."Ang naririnig ba natin ay ang tibok ng puso ng bata?"Tumango ang doktor at iginalaw ang hawak niyang instrumento sa aking tiyan."Ang puso niya ay nagsisimulang tumibok ng napakaaga pa lamang."Ilan pang mga pagtunog ang narinig namin mula sa maliit na speaker na hawak ng doktor sa kamay niya. Isang mabilis at matubig na tunog ang naririnig na
Alice‘Alice, mahal kita, babe. Ngayon makinig kang mabuti. Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka lang!’ sabi ni Lucian sa aking isipan.‘Pero si Max…’‘Ililigtas din namin siya, huwag kang mag-alala. Hindi nila alam na nandito kami dahil iba ang direksyon ng hangin, Pero malalaman din nila kinalaunan. Kaya gawin mo na lang kung anong sasabihin ko, please!’‘Gagawin ko, dear,’ sagot ko.Nanghihinalang tumingin sa akin si Frank; Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko. Hindi ako sigurado kung kaya kong magpalit ng anyo, hindi kaya ng mga buntis na wolf. Ngunit sinigurado sa akin ng aking wolf na maaari siyang lumabas anumang oras.‘Takbo!’ sigaw ni Lucian sa aking isip
OliviaNagising akong sumisigaw mula sa pagkakabangungot.“Olivia! Ayos ka lang ba?” Hawak-hawak ni Zaiden ang nanginginig kong katawan."Nakita ko siya... Nakita ko si Madam Luna, nasa kweba siya, hindi sa isang lab. Dalhin mo ako sa Alpha. Parang-awa mo na,” pagmamakaawa ko. Napakalinaw ng nakita ko. Parang bang nandoon ako.“Sige, magbihis ka,” inabutan niya ako ng damit.Gabi na o madaling araw na. Anong oras pa man iyon, basata alas-tres na ng umaga nang makarating kami sa opisina ng Alpha. Ang mga nagmamadali at pagod na mga beta at ng mga trackers ay natiyak ang katotohanan na walang sinuman sa kanila ang natulog ng ilang oras. Sinusubukan ni Alpha ang lahat para mahanap si Alice. Napakaraming nakapilang mga SUV sa daan na tila papunta sila para sa isang pagsalakay o kaya’y kakauwi pa lamang nila.“Kailangan kong makausap
Sinubukan kong panatilihing bukas ang aking mga mata, habang si Stuart ay patuloy lang sa pagkwento patungkol sa mga scientific advancements. Halos hindi ko na matandaan kung ano na ba ang mga pinagsasabi niya, pero tumatango na lamang ako at ngumingiti para magmukhang interesado ako dito.‘Lucian, asan ka na?’ bulong ko sa kawalan."Kaya naman, itong mga babaeng mga ito ay hindi nabuntis, hindi dahil nabigo ang eksperimento ko. Mahina lang sila. Mahina at walang silbi. Kahit ang mga lalaking hukbo ko ay hindi rin nagtagumpay sa nga inaasahan ko. Kaya naman, nagsimula akong maghanap ng mga maaring gawin. At ang pinakamahusay na bagay ay ang maging natural. Likhain ang aking mga hybrid na anak."Ipinagpatong niya ang kanyang paa at saka tiniklop ang kanyang mga kamay, at saka ipinatong ang baba niya sa kanyang kamao.“Kung ganun, iyon ang dahilan kung bakit
Lucian‘Isa itong kabaliwan! Hindi sana ako nakinig sa kanya,’ sabi ko sa sarili ko. Pero wala na ring silbe, wala na siya.“Alpha, hindi na po namin mahanap ang chopper,” malungkot na sabi ni Damon.Ramdam ko ang pagbaon ng aking mga kuko sa sa aking palad, masyado akong nanggigigil ng husto. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim."Gawin niyo ang lahat ng iyong makakaya. Sundin ang lahat ng mga pahiwatig at hanapin siya,” nagawa ko din magsalita.“Alpha, may hiling kami.”Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kyle at ang mga guard na nakayuko. Nagagalit ang wolf ko. Gusto niyang putulin ang kanilang mga ulo, dahil sa pagkabigo nilang protektahan ang aking mate.“Ano iyon?” tanong ko at hindi makapaghintay.“Hindi kami… hindi kami… Hin
OliviaNaglalakad ako patungo sa mga puno bago ko napagtanto ang nangyayari.'Huwag, bumalik ka,' sabi ko sarili ko at pagkatapos ay napagtanto kong hindi ako ang may kontrol sa sarili ko kundi ang aking wolf.Lumabas na ang aking wolf. Nararamdaman ko siya habang tumatakbo ako. Lumalabo ang mga puno sa tabi ko, at nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakaramdam ako ng lakas.Ang parte ng sarili ko bilang isang tao ay nababahala pa rin at sinusubukang makalusot sa aking wolf. Tumakbo ako ng milya-milya upang tingnan ang aking teritoryo.Bumaba ang tingin ko sa aking mga paa at ang mga ito ay paa pa rin ng isang tao, na may maliit na mga puting balahibo ng isang wolf. Humaba ang mga kuko ko sa aking mga kamay, ngunit mukha pa rin itong kamay ng tao. Napagtanto ko na bahagya akong nagpalit ng anyo bilang isang hybrid wolf woman. At napakasarap sa pakiramdam. Hindi na ako makapa
"Hanggang kailan bago siya makakalabas?" nag-aalalang tanong ni Zaiden.Lahat kami ay naghahanda kanina para kumain nang sumulpot siya ilang saglit lamang na bitbit si Olivia. Tila mahimbing ang tulog niya, isang kuntentong ngiti ang puminta sa kanyang mukha."Nagbabago na siya. Ilang araw na lang magigising na din siya. Gaano katagal nakatulog si Rain nung ginawa mo siyang were?" tanong ko kay Damon.“Isang linggo,” buntong-hininga niya. “Bagama't kalaunan ay nalaman kong nagising na pala siya ilang oras na ang nakalipas at nag-eenjoy lang siya sa atensyon kaya nagkunwari siyang tulog."Nagpipigil ako ng tawa habang nakatingin naman sa kanya si Rain."Ano ba ang dapat kong gawin, kinagat mo ako ng walang pasabi!" sagot niya.Umiling ako sa kalokohan nila."Magigising siya sa loob ng 24 na oras. Baka mapapabilis ito dahil nag-uumpisa