Kahit natatakot naglakas-loob parin si Nenita na pumasok. Nakataas ang dalawa nitong kamay, hindi inalis ang tingin sa taong nakatutok ng sniper sa kanya.Hindi naman nangahas ang tao na iyon na putukan siya. Hinayaan lang siya nito na maglakad palapit sa kinaroonan niya. Habang papalapit s Nenita, palakas rin ng palakas ang dagundong ng kanyang puso. Kaba, takot ang kanyang naramdaman ngayon. Nasisiguro niya kaseng ati Ashnaie ang taong ito."Hanggang d'yan ka lang!" matigas na wika ng babae sampung metro ang layo ni Nenita sa kanya.Sa kanyang postora, kahit matanda na ito makikita paring malakas pa ito. Maganda ang hubog ng katawan tanda na inaalagaan ito ng tama. Hindi gaanong kulubot ang makinis nitong mukha. Kung titingnan mula ulo hanggang paa, mukha lang itong nasa kuwarenta ang edad."Sino ka at ano ang karapatan mong pumasok sa teretoryo ko?" matigas parin na wika nito.Lihim na napangisi si Nenita nang hindi niya man lang nakitaan ng kahit anong emosyon ang babae. Nakatu
"Uuwi na siya. " Kaba, excited, takot at pangamba, iyan ang naramdaman ni King matapos marinig ang balitang iyon kay Enrico. It's been six months na wala siyang balita kay Nenita, hindi nakita, hindi narinig ang boses, walang komunikasyon. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Walang naka aalam saan siya pumunta. Makalipas ang dalawang buwan sinubukan ni Enrico na tawagan si Nenita para mangamusta ngunit nakapatay ang cellphone nito. Dito na nag umpisa na mag alala ang magkapatid lalo na si King. Kaya malaki ang ipinagbago ng katawan ni King ay dahil hindi siya nakatutulong ng maayos sa gabi sa kaiisip kay Nenita. Laging sumasagi sa isip niya na baka Nenita took her life. Napabayaan ni King ang sarili niya. For him, patas lang iyon dahil sa sakit at hirap na dinulot niya kay Nenita. At ngayon na nagbabalik na ang babaeng mahal niya, hindi niya malaman ang gagawin. Natatakot siya na makaharap si Nenita. Naduduwag siyang sabihin kay Nenita ang katotohanan. Kinakabahan
Nagdadalawang-isip si Nenita kung tatanggapin niya ba ang maging personal maid ni King. Hindi kase biro ang gagawin niya. Makasama niya araw-araw ang lalaking pinagdasal niyang kalimutan. Nagtiis siya, naghirap para gumaling sa dinulot na sakit na iniwan ni King tapos sa isang iglap sa kanyang pagbalik muli na naman silang magsama na parang walang nangyari.Ngunit ang malaking katanungan ngayon ni Nenita ay kung ano ang nangyari kay King. Bakit hindi na ito makalakad. Maayos naman ang lalaki noong araw na nagplano itong pakasalan siya."Alam mo bang lagi kang hinahanap ni tita," wika ni Enrico na ipinagtaka ni Nenita. "Gusto niyang lagi kang nasa bahay nila. Ipagluto ka raw niya ng favorite mong maja blanca."Sumikdo ang puso ni Nenita nang maalala ang nanay niya. Ayaw niya man itong isipin ngunit hindi niya mapigilang magtanong sa isipan kung kamusta na ito. Kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ama."Hindi naman iba si King sayo kaya ikaw nalang ni prese
Nang wala na si Nenita, kahit wala siyang tulog pinilit niyang bumangon para maligo. Kahit walang alalay kaya niyang bumangon at lumipat sa wheelchair niya. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para tulungan ang sarili na bumangon mula sa pagkalugmok. Ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang magulang niya. Ayaw niyang mahirapan ang mga ito gayong nasisiguro naman niya sa sarili na kaya niya kahit walang tumulong.Nilipat niya ang pagkain sa center table. Bago siya nagtungo sa banyo para maligo may tinawagan muna siya."Cancelled muna ang pag deliver ng bagong wheelchair ko."Ang wheelchair na ito ay high-tech. Hindi na niya kailangan alalayan para iangat ang binti kung siya ay magbihis, at kung lilipat na sa higaan niya. Ngunit dahil nandito na si Nenita bilang personal maid niya hindi na niya iyon kailangan."T-teka, saan ka pupunta?" Agarang sambit ni Nenita nang pagpasok niya ulit ay nasa wheelchair na si King. Nagtaka siya kung paano nagawa ni King na lumipat roon na walang alalay
Pabagsak na inilapag ni Nenita ang papel na hawak. Bigla siyang na stress. Naguluhan na naman siya kung ano ang dapat na gagawin.Binibigyan siya ni King ng pagpipilian kung itutuloy niya ba ang pagiging personal maid o ang umatras. Wala siyang pagtutol sa kontratang naka saad, ngunit may isang bukod tangi siyang hindi nagustuhan. Iyon ay ang paliguan si King at bihisan.Hindi pa man nangyayari kinikilabutan na si Nenita. "Ano naman ngayon? Besides, hindi naman ito ang unang beses na makita ko ang hubad niyang katawan. Kaya walang problema. Walang malesya. Hindi ito big ddeal." Pangumbinsi nito sa sarili.Panay ang pagpakawala niya ng hangin para tuluyang umayos ang pakiramdam. Nagtungo siya sa kusina para uminom ng tubig, ngunit parang sinilaban ang buong mukha niya nang may maalala. Kahit saang parte rito sa kusina parang nag aapoy na punyal iyon na tumama sa kanyang mga mata.Dito sa parteng ito kasi kung saan madalas silang nagmimilagro ni King dalawa. Dali dali siyang nagkuha n
Tigagal si King nang wala na si Nenita sa kaniyang harapan. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Nenita. Ngunit bago pa makalabas ng silid si Nenita nagsalita na si King dahilan ng paghinto ng dalaga."Huwag ka ng umalis. Tulungan mo ako para mapadali ang galaw ko. May pupuntahan ako at ikaw ang driver ko."Kaswal ang mukha na bumalik si Nenita. Tinulungan niyang bumaba si King sa kama papunta sa wheelchair nito at dinala sa loob ng banyo. Tinulungan niya rin itong maghubad ng kasuotan at pati sa paglipat sa bathtab ay naka alalay si Nenita na parang sanay na siya sa ginagawa. Pinaliguan niya si King. Sinabon ang buong katawan na walang karea-reaksyon kahit nakabalandara ang kaselanan ni King. Habang si King, pigil hininga ang kaniyang ginawa sa hindi maipaliwag na emosyong naramdaman sa pinaghalong lamig ng tubig at init ng katawan.Nakagat ni Nenita ang sariling dila sa pagkabigla nang muntik na niyang masagi ang pribadong parte ni King ng hawakan niya sana ito sa beywang para al
Ang plano ni King na dumaan sa Airlines hindi na niya nagawa nang umatake ang anxiety at panic attack niya. Mabuti nalang at walang pakialam si Nenita hindi iyon napansin ng dalaga habang pauwi sila. Nang makarating sa bahay nagkulong kaagad si King sa kanyang kwarto. Walang reaksyon na bumalik sa ibaba si Nenita at pinaghanda ng makakain si King. Pagbalik niya sa kwarto ni King mahimbing ng natutulog ito. Hindi niya kayang panindigan ang pagiging walang pakialam sa binata. Hindi niya kayang magpanggap na hindi siya nasaktan at hindi naapektuhan sa kalagayan ni King. Dahil kung nahihirapan si King, nahihirapan rin siya na makita si King sa ganitong kalagayan na pilit magpakatatag kahit nahihirapan.Inayos niya ang kumot ni King. Ni hindi man lang ito nagbihis bago maisipang matulog. Nanginginig ang kamay, dahan dahan na pinatong ni Nenita ang kamay sa braso ni King. Miss na miss na niya ito. Hindi niya alam ano ang kanyang gagawin maibabalik lang ang dati nilang samahan.Naniniki
A girl with a blonde curly hair emphasized her innocence in a deep-cut white V-neck dress, adorned with elegant jewelry, which further highlighted her sophistication. Gayunpaman, ang mukhang iyon ay hinding-hindi nakalimutan ni Nenita kahit isang beses niya lang iyon nakita. Her face as beautiful as a painting. Her flawless skin. With her densely captivating and enchanting visuals, she is look like a doll.Ganyan ilarawan ni Nenita ang babae—ang babaeng minsan ng dumaan sa buhay ni King at ngayon ay muling nagbabalik."Ano nga ulit ang pangalan mo, hija?" alanganin na usisa ni Cathalea. "Pasensiya ka na ha, hindi ka kasi pamilyar sa akin. "Ngumiti ang babae saka inilahad ang kamay nito. "I'm Lorraine Areston, tita. I'm Harvin's ex-girlfriend. ""Oh! Have a seat, hija." ani Cathalea matapos makipagakamay dto. "I'm really sorry I didn't know you. Hindi ko kasi alam na may naging girlfriend pala ang anak ko noon. Saan ka pala nakatira?"Habang nakamasid si Nenita hindi niya mapigil
Graving will always hits you. Later on, you're okay; you're accepting that someone will never be with you anymore. But, on the other side you miss them, and hope that they are still with you, celebrating the small wins in your life.“Ikakasal na ako," saad ni Nenita habang hinahaplos ang lapida ng ina. “Sorry ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang lumakas ang loob ko. Nito ko lang natanggap ng buo ang lahat ng nangyari. Thank you, “ she started to cry. " Thank you sa lahat ng mga sinakripisyo mo, sa pagmamahal mo.”She's getting emosyonal again. Pero maayos na siya. Tanggap na niya. Naiiyak lang siya dahil isa sa mahalagang tao sa buhay niya ang wala sa araw ng kasal niya. “Sa susunod na pagbalik ko, kasama ko na ang lalaking mahal ko. Ipakilala ko siya sayo." PINAG-ISIPAN, pinagplanuhan niya ito ng maigi. Nang maka uwi sa kanilang bahay kinausap ni Nenita ang mga magulang.“Hihingi sana ako ng tulong sa inyo, ‘tay." Aniya at sinabi sa mga ito kung ano ang dahilan bakit siya humin
Hindi pa nila napag-usapan dalawa kung kailan ang kanilang kasal. Sinusulit pa nilang dalawa ang pagiging mag-fiance nila. Sinusulit pa nila ang mga araw na wala pa silang ibang responsibilidad kundi ang bawat isa. They always go on date. Mamasyal kung saan nila gusto. At ang paborito nilang gawin, is to travel. So, King decided to transform his car into a camping house car to tour around the beautiful places here in Philippines—that's their goal. And soon, when King can walk again, iikutin nila ang buong mundo kasama ang kanilang mga anak. Salitan silang dalawa ni Nenita sa pagmaneho. They were both happy and enjoy. King planned where to propose Nenita again. He wanted to make it something special and memorable for both of them. “Parte pa ba ito ng Sagada?" Tanong niya kay King dahil ngayon lang siya napadpad sa lugar na ito. Paakyat sila sa matarik sa lugar. Ang daan ay napalibutan ng mga nagtataasang pine trees at iba't ibang uri ng mga kahoy. Hindi naman mukhang nakakatakot
“Ang dami mong call sign sa’kin. Tangina mo ka!" Naiiyak na pinalo ni Nenita ang balikat ni King.Paano pa siya iiwas at pagtakpan ang tunay niyang naramdaman kung may pagbabanta ng sinabi si King sa kanya? Wala parin siyang kawala kung lalayo siya at magtago. Tama rin ang mga sinabi ni King, kung patuloy siyang magpadala sa takot at pagdududa siya lang rin ang masasaktan at mahihirapan. Parehas silang dalawa ng nararamdaman, nang gustong mangyari, at wala na ring hadlang, ngayon pa ba nila sukuan ang bawat isa?King chuckled ang gigglingly hugged Nenita. “Ano ang bumabagabag sayo bakit hindi mo masabi sa akin na mahal mo ako?" King asked in sweetie's way.Kusa siyang binitawan ni King. Hindi na pumalag ai Nenita nang ipagsiklop ni King ang kanilang mga palad. Habang tinitingnan niya si King, kung paano ito magmaka-awa sa kanya, paano ito umiyak sa harap niya at ipakita ang tunay na siya, napagtanto ni Nenita na ang swerte niya dahil may King sa buhay niyang mahal na mahal siya.H
Malinaw ang sinabi niya kay King na wala silang relasyon dalawa, tapos na ang ugnayang mayroon sila noon kaya wala siyang ibang maisip na dahilan bakit panay ang pag punta ni King dito sa bahay nila kundi ang tungkol sa ama niya.She's prepared for this. Pero ngayon na nandito na siya sa sitwasyon bigla siyang naduwag, bigla siyang natakot sa maaring kahinatnan ng kanyang ama. But, how about King? What about the fear, trauma and being person with disability for the rest of his life kung hindi niya makuha ang hustisya sa sarili at pagbayarin ang taong sumira ng buhay niya?It's not fair. Hindi makatarungan kung hahayaan na lang iyon at kalimutan.Huwag lang marinig ni Nenita na dahil sa pagmamahalan ni King sa kanya kaya nagbago ang kanyang desisyon. Dahil ayaw niyang gawin na dahilan ang sarili para lang maudlot ang katarungang dapat makuha ni King.Sa bakuran niya natagpuan si King. Ka aalis lang ng mga magulang niya at kapatid, siguro upang mabigyan sila ni King ng oras na makausap
“Nak, mag iisang oras ka na diyan hindi ka pa ba tapos maligo?" Wika ni Fatima habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Nenita. “Papasok ako ha." Naka upo sa gilid ng kama, tulala si Nenita sa kawalan habang tuwalya lang ang tanging sapin sa katawan. Mukhang kanina pa ito tapos maligo dahil tuyo na ibang parte ng buhok nito.Fatima crossed her arm. Sumandal siya sa nakasaradong pinto, nakataas ang isnag kilay at nanunuri ang tingin kay Nenita. “Nagdadalawang-isip ka ba na magpakita sa kanya o kung hindi ka makapili ng damit na susuotin mo?" Pabagsak na humiga sa kama si Nenita. Wala siyang pakialam kung lumihis man ang tuwalya niya sa hita at makita ng nanay niya ang hindi dapat makita. “Wala sa choices, Nay." Ngunit ang totoo, nahihiya siyang magpakita kay King nang maalala ang mga nangyari noong isang araw. Ang mga pagyakap niyang daig pa ang linta kung lumingkis.“Okay, sabi mo e. Kaya pala ako nandito dahil aalis kami ng tatay mo." Umangat ang ulo ni Nenita upang silipin ang
Bumitaw ng yakap ang mag-asawa nang makita si Nenita na tumatakbo palapit sa kanila na walang sapin sa paa. Umiiyak ito.“Anak, bakit—”Naputol ang dapat na sasabihin ni Hernan nang salubungin siya ng mahigpit na yakap ni Nenita at doon humagulgol sa bisig nito. Malungkot, naaawa kay Nenita na nagkatinginan ang mag-asawa ngunit kalaunan parehas nila itong niyakap.Tanging iyak lang ang nagawa ni Nenita. Nawalan siya ng sasabihin sa nabasa niyang sulat galing sa ina. Ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Nasagot na ang tanong na dapat niyang marinig. Wala ng kulang. Wala ng espasyo at puwag sa puso niya. Finally, sa mahabang panahon na puno siya ng pagkukulang, naging buo na rin ang pagkatao niya.“Tay…” umaatungal niyang tawag sa ama. Panay naman ang pagpapatahan ni Hernan habang nasa tuktok ng ulo ni Nenita ang labi at yakap ito ng mahigpit—yakap ng isang ama na ramdam mong ligtas ka." Tay, nasagot na ang lahat ng mga tanong ko,” puno ng luha ang mata na tiningala niya ang ama.
The power of being Montefalco is that they do something you don't expect. The Montefalco’s along with Hernan decision, they agreed to take down the news towards Ashnaie. Siniguro din nila na hindi lalabas sa balita ang pagkitil ni Ashnaie sa sarili. Ginawa nila ito para kay Nenita dahil kalabisan na ito para sa dalaga kung kakalat pa sa balita ang tungkol sa ginawa ng kanyang ina. Hindi man nila nakuha ang makatarungan na hustisyang nararapat sa kanila, gayunpaman sapat na sa kanila na maging tahimik na ang kanilang buhay at nalinawan sa lahat ng mga tanong na kay tagal nalutasan. “Kumusta na siya?” tanong ni Emmanuel kay Hernan nang makarating agad siya sa bahay. Umupo sila sa lantay sa labas ng bahay. “Nagmukmok sa kwarto. Panay parin ang pag iyak,” madamdaming usal ni Hernan. Naka ilang balik na siya sa kwarto ni Nenita upang tingnan ang anak ngunit hindi niya magawang silipin gayong hikbi ni Nenita ang kanyang naririnig sa labas. “Bigyan muna natin siya ng mahabang oras. Hi
KAYA BA NIYA?Habang papunta sila sa pinaglamayan ni Ashnaie unti-unting naninikip ang dibdib ni Nenita. At habang papalapit sila ay para ring hinihiwa ang puso niya ng dahan-dahan. Hindi niya kaya. Napakasakit sa kanya na harapin ang wala ng buhay niyang ina. HIndi niya maipaliwanag ang nararamaman niya basta ang alam niya lang subrang sakit sa dibdib, mabigat, hindi niya kaya. Napa angat siya ng tingin kay King nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. She saw a concern, sympathy in King's eye's while looking at her. Si King na hindi siya iniwan. Si King na hindi narindi sa mga iyak niya. Si King na kahit nahihirapan sa kalagayan niya dinamayan parin siya. “H-huwag mo na a-ako ihatid," nahihiya na siya sa abalang ibinigay kay King. “P-pwede ka na umuwi. Mag… magpahinga ka na,”aniya at binawi ang kamay.Mariin siyang napalunok at naiilang na sinalubong ang tingin ni King nang mahigpit na hinawakan ni King ang kamay niya upang hindi niya iyon mabawi. King didn't answer her. “Gusto mo
Sa lahat ng nangyari sa buhay ni Nenita ang kamatayan ng kanyang ina ang hindi niya makayanang tanggapin, hindi niya magawang intindihin, unawain ang sitwasyon kung bakit ito nagawa ng kanyang ina. Wala man silang pinagsamahan ng kanyang ina ngunit napakahirap sa kanya na gawing madali ang lahat. "After all, nagpakaina ka parin sa akin... I thought you abandoned me. I thought you don't love me but I was wrong. I'm so sorry... I'm sorry wholeheartedly for being to late to realize how important you are to me, " puno ng luha ang mga mata na hinaplos niya ang litrato nilang dalawa ni Ashnaie. "Nagsisisi ako kung bakit ko pinairal ang pagmamatigas na hindi ka kilalanin. Now, that you're gone, paano ako babawi sayo? Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga. "Hindi na natiis ni King na lapitan si Nenita. Nais na niyang ilayo si Nenita rito ngunit hindi niya alam paano patahanin ang babae. "Net, kailangan na nating umalis rito. "Piniga ang puso ni King nang makita ang namumugto na mata ni