“Taray! Ang ganda ni accla!” Napangiti ako sa sinabi no’ng beki na nag-ayos sa akin sa araw na ito. Siya ang nag rebond at nilagyan pa niya ng konting make up ang mukha ko. Inayusan ako no’ng graduation day ko pero ngayon ko lang na appreicate ang beauty ko na nakalugay lang ang mahaba at straight na buhok ko dahil bagong rebond. Narinig ko rin ang palakpak ni Ivy at ni Madam Madonna habang nakatingin sa akin. Naroon ang paghanga sa mga mata nila habang nakatingin sa akin. Namumula ko silang sinalubong lalo’t hindi ako sanay na purihin nila. “Ang ganda mo hija…” Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila. Si Ivy rin e agad na kinuha ang cellphone niya at kinunan ako ng litrato. “Nakakahiya po pero salamat,” sabi ko sa kanilang dalawa. Sabay na natawa si Ivy at Madam Madonna. Mas lalong pumula ang pisngi ko hindi dahil sa blush-on kun’di dahil sa namumula na ako sa mga papuri nila. “Gusto sana kitang isama sa lakad namin ni Ivy ngayon pero may naghihintay na sa ‘yo sa waiting area.”
Ivory “She’ll be fine,” nakangiting sabi ko sa kuya kong heto at umiinom ng alak kasama ni Masson. Months had passed and 2nd birthday na ng anak namin bukas. Busy kaming lahat para sa handaan na gaganapin bukas ng gabi. Narito ang pamilya namin sa bahay ng Wang dahil lahat ay tulungan sa birthday celebration ni Eda. Kahit sina Mommy at Dad kasama nina Dainne ay nandoon. Si mommy Madonna naman at Dad Antonio ay noong isang araw pa sa bahay namin sa Jasaan. Umuwi lang talaga kami ni Masson para samahan si Oliver dito na nagluluksa. Ewan ko ba sa kaniya, ang OA niya kasi. Sinabi ng it’s best for them to be this way for a while dahil hindi naman dito magtatapos ang meron sila ni Ary ngayon. May bukas pa sila and may kailanman. Naging maayos na ang lahat sa amin magpapamilya. Kasama ko na sina mommy, dad at sina tita Alma at papa. Dumadalaw na rin dito sina ate Dainne kasama ni Scarlet. Nagkapatawaran na. Mabilis na lumipas ang araw at malaki na si Eda. Hinawakan ako ni Masson sa kamay
Many are invited to our daughter’s birthday party. Halos lahat ng dumalo ay ang mga magsasaka sa bayan namin. Masaya naming sinalubong ang birthday party ni Eda at nagsasaya rin si Eda kasama ng mga bata na kalaro nila ni Scarlet. “Mama! This is the best birthday party ever!” Natawa kami ni Masson sa sinabi niya. Of course it is dahil ngayon lang naman siya nagkamalay lalo’t nong 1st birthday party niya ay halos karga namin siya dahil baby pa siya. “Thank you, mama! Thank you, papa!” Aww …So cuteeee. Minsan talaga ay pinanggigilan ko ang pisngi niya. I have the guts para sabihing ini spoiled nila si Eda ngunit heto ako’t sinisigurado ang mga yaman na mamanahin niya paglaki niya. I never tell her about the hacienda at mga kayamanan na pagmamay-ari ko at ng papa niya dahil gusto kong maging masinop siya sa pera. I want to implant to her mind how to survive kung sakaling mag-isa nalang siya. Naramdaman ko ang kamay ni Masson na ipinulupot niya sa bewang ko at naramdaman ko ang baba n
Masson at his younger life. “M!!” Carlo Monte, the first born of Monte in the south keeps on shouting the name of Masson. Hindi nakinig si Masson instead mas binilisan pa niya ang pagba-bike sa bisekleta habang palayo nang palayo sa dalawa niyang kapatid na kilos pagong at ni Carlo na yamot na yamot sa kanilang tatlo. “Nakakainis!!” Nagmamadaling nag pedal si Carlo dahil hindi niya talaga mahabol si Masson habang si Maddox at Maddix ay nasa likuran na at namamahinga. Masson seems enjoying na making nahihirapan ang mga tao sa paligid niya. “Mapapatay talaga kita M!” Galit na sigaw ni Carlo at mas binilisan lalo ang pag pedal sa bisekleta paakyat ng bundok. Sa kabilang banda, dala ni Ivory ang manika niya at kasama niya si Ary na papunta ng bayan malapit sa may palengke kasama lamang ang katulong. “Faster, Ary!” Natatawa nalang si Ary at mas binilisan pa ang paglalakad para makasabay sa kaniyang amo na tuwang tuwa sa mga nakikita niya sa paligid. Aliw na aliw si Ivory sa mga confe
20 of May (Fiesta) “Let’s go and watch, Ary! May kilala ako sa maglalaro sa plaza ngayon.” Sabi ni Ivory dahil may maglalaro ng basketball mamaya sa plaza at nakita nila ang poster ng mga players. Kumunot naman ang noo ni Ary at nagtatakang binalingan nang tingin si Ivory. “Sino naman itong tinutukoy mo, ma’am Ivory?” Inalala ni Ivory ang mukha ni Masson at nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala na hindi pala niya alam ang pangalan no’ng lalaking nakausap niya no’ng nakaraan. “Hindi ko alam e,” ani ni Ivory kaya mahinang natawa si Ary. Tumuloy na si Ivory at Ary sa plaza, particular sa loob ng court at naupo sa pinaka itaas lalo’t wala pa namang masiyadong tao sa loob. Habang hinihintay nila na magsimula ang game ay dumating si Oliver na nagmamasid kay Ivory sa malayo. “Kuya, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cedric na 12 years old na. Hindi sumagot si Oliver dahil hindi niya narinig ang tanong ng kapatid lalo’t occupied ang isipan niya sa kapatid niyang nasa mga tao ang tin
23 of May (Extended Celebration) “M, you keep on looking at her. Stop it! Para kang manyak. She’s a child.” Ani ni Carlo. Itinulak lang siya ni Masson at nailing. “Sira ka! Ang dumi lang talaga ng isipan mo.” Sabi ni Masson at tumayo para puntahan ang mga kapatid niya sa loob ng Center. The Vitaliano and Villaranza are in sync to donate foods sa mga taong nakatira sa Villanueva at isa sila sa mga volunteer para ipamahagi ang biyaya ng mga angkan nila. Nang makaalis si Masson ay nilapitan ni Carlo si Ivory na busy mamigay ng tubig sa ilan pang mga volunteers. Kumunot ang noo ni Ivory nang makita ang mukha no’ng lalaki. “Ano na namang ginagawa mo dito ma-ma?” napataas ang kilay ni Carlo nang marinig ang sinabi ni Ivory na tinawag siyang ma-ma. Do I look old to this kid’s eyes? What the fudge. “Hey, I’m still 18!” Depensa ni Carlo sa kaniyang sarili. Tinaasan lang siya ng kilay ni Ivory na para bang iyon na ang pinaka walang kwenta niyang narinig buong buhay niya. “Ang m*****a mong
“Do you know her?” tanong ni Maddox sa isang bar kasama ni Masson. Bar na pagmamay-ari ni Sadik. Uminom si Masson ng alak at umiling, but his mind wanders—where had he seen that face. Uminom ulit siya ng isang shot ng alak and a memory of him in his teens flashed with someone na napabalik tingin sa kaniya sa dalaga. “No way…” Hindi makapaniwalang ani ni Masson habang nakatitig sa mukha ng dalaga na nakangiti at nakapikit habang sumayaw. He is debating to himself dahil hindi niya matanggap na ang babaeng sumasayaw sa gitna ay ang batang babae na nakilala niya sa Villanueva way back years ago. Masson can’t believe that the little girl who was innocent and sweet that he met back then is now a woman who can make someone’s head turned. “She’s…. She changed…” bulong ni Masson sa kaniyang sarili habang nakatitig kay Ivory na sumasayaw sa dance floor na para bang kaniya ang dance floor, kung saan ay nangibabaw ang lahat sa kaniya. Sa ganda, at appeal nitong nagpapahinto sa iba. “Nakita mo
"Son, how's Carlo?" tanong ni Maddix dahil matagal ng hindi sumasama sa kanila si Carlo buhat no'ng sinulot ni Masson si Dainne. Kahit sa outing na silang apat magsasama, hindi na sinisipot ni Carlo at naiinis na si Maddix sa sitwasyon nila. "You know the answer, Dix. Stop asking that." Naiinis na ani ni Maddox. "It's just a bet right, Son? Why bother to stay?" dagdag na tanong ni Maddox sa kapatid na tila ay hindi apektado sa kaartehan ni Carlo. "It's fun," kibit balikat na sagot ni Masson habang tinitira ang natitirang arrow piece sa dart board. Nang makita ni Maddix ang itsura ni Masson ay agad na nalukot ang mukha nito. "It's not fun. You don't even like Dainne." Nakasimangot na sabi ni Maddix sa kakambal. Carlo is their friend kahit no’ng mga bata pa sila. Gusto nito si Dainne ngunit niligawan ni Masson para lang pag tripan si Carlo, at unexpectedly, sinagot ni Dainne si Masson kaya tuluyang napasubo ang lalaki sa kagaguhang ginawa niya. Sumama ang kalooban ni Carlo no’ng ma