Lumipas ang tatlong araw na paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa bahay nina Lucian. Buong araw na nakadikit sa akin ang nurse na si Jane habang si Lucian, Cloud at Arazela ay nasa opisina nila para magtrabaho. Si Sunny naman ay may pasok at kahit gusto niyang manatili sa bahay ay hindi rin niya magawa dahil graduating student siya.Kung hindi ang nurse, ang mga kasambahay nila ang kausap ko. Minsan naman ay nagbabasa na lang ako ng mga libro na mayroon si Lucian.Simula kahapon ay nakakalakad na ulit ako nang maayos. Hindi ko na naging ganoon kahigpit sa akin si Lucian dahil kahit paano ay nakakaya ko na rin naman na alagaan ang sarili ko.Tumayo ako at pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang pool at gym area. Umupo ako sa isang upuan at iginala ang paningin ko.Malaki ang property nila at mataas ang mga pader na nakapaligid sa bahay. Halos bawat sulok ng mga matataas na pader ay may mga guwardiya na nakabantay kaya talagang ligtas dito sa loob."Ma'am, gusto n'yo ho ba ng maiinom?"
Hinayaan ko na si Lucian na mag-ayos ng sarili niya habang ako naman ay naiwang nagbabasa ng libro sa sala. I enjoy reading ever since I was a kid.Nakarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa hagdan pero hindi ko 'yon pinansin dahil masyado akong invested sa pagbabasa ng libro.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin and because of curiosity, I looked at that person.Si Arazela lang pala."Kailan ka papasok?" tanong niya sa akin."Hindi ko lang alam kay Lucian at Cloud. Maayos naman na ako kaso ayaw pa nila akong papasukin," tugon ko.Hindi siya umimik. "Ikaw? Kailan ka uuwi? Hindi ka ba hinahanap nina Terrence?" tanong ko naman sa kanya."Uuwi na rin ako bukas," tipid na sagot niya.Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Ilang minuto rin kaming hindi nag-usap pero binasag niya rin ang katahimikan na bumabalot sa amin kanina."Kayo na ni Lucian?"Nawala ang pokus ko sa pagbabasa dahil sa tanong niya. I closed the book that I was reading and looked at her."Were you eavesdropping?"
I woke up because of the light hitting my face. Sinulyapan ko ang bintana mula sa kuwarto at nakita si Lucian na itinataas ang blinds na nakakabit doon para pumasok ang ilaw sa loob ng madalim niyang kuwarto."Wake up, love. Alas-diyes na ng tanghali."The dark room was finally filled with sunshine. Maliwanag at maaliwalas na."You look pretty in my bed," usap sa akin ni Lucian habang nakatingin sa gawi ko.Mahina akong tumawa. "I'm not even wearing anything, Lucian."Naglakad ito papunta sa side table ng kama at nakita ko na may dala siyang pagkain."Which made it better." sabay abot niya sa akin ng plato. Ang aga-aga pa at sinisimulan na niya ang mga ganiyang biro niya.I pulled the sheets up to cover my upper body before sitting, then I took the plate from him.Tatlong croissant pastry ang laman ng plato na inabot niya sa akin."Ikaw ang gumawa nito?" tanong ko sa kanya.He nodded. "Actually, magkakaiba 'yan. This one's chocolate, ito naman ay vanilla and ito naman, ham and cheese.
Lucian's Point Of ViewI checked the time when Cloud and I got home. It's already twelve midnight.Sumalubong si Sunny sa amin nang pumasok kami ni Cloud sa bahay. "Tulog na siya. Ano ba kasi ang nangyari?"I sighed deeply before answering her. "Nagkagulo sa headquarters. Nakatanggap raw sila ng mensahe na may nakatagong bomba sa building kaya napilitan kaming halughugin ang buong sulok ng headquarters."Sunny's face was disappointed. She also sighed deeply, alam ko na nararamdaman niya rin ang pressure dahil sa mga nakaraang araw."Hindi ba puwedeng ibigay na lang natin ang gusto ni Xed? Pera lang naman 'yon at kayang-kaya n'yo namang palitan ang gano'n kalaki sa loob ng limang araw," Sunny said.Agad na sumagot si Cloud, "Hindi puwede dahil magiging abuso si Xed. The chances we gave him before are already enough.""At kung balak niya talaga tayong kalabanin, edi sige. Palugi na ang negosyo ni Xed. Kung wala siyang malaking pera, saan siya kukuha ng kakampi? Alam n'yong mas kumakapit
Mag-isa akong naiwan rito sa 12th floor kasama ang receptionist at isang guwardiya na nag-iikot dito.Medyo nanibago lang ako dahil parang humigpit na ang security sa loob at labas ng building.Ang meeting na dapat noong tangahali ng lunes pa ay nalipat ngayong umaga, hindi ko lang alam kung bakit hindi ako ipinasa ni Cloud.Bigla kong naalala si Cheska... Ang sabi niya ay pupunta siya sa HongKong kaya siya nag-resign, pero kasama niya si Terrence at mukhang may relasyon silang dalawa.Posible kayang alam ni Cloud at Lucian ang tungkol doon? Kaso ang sabi naman ni Lucian ay ibang Cheska ang asawa ni Terrence.Medyo nalito ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong paniwalaan dahil mukhang pare-parehas silang may pinagtatakpan.Alas-diyes pa lang ay natapos ko na ang mga naiwan kong trabaho. Hindi naman 'yon gano'n karami dahil mukhang inako ni Cloud ang iba doon."Max."Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko.It was James.Inabot niya sa akin ang limang folder na dala-dala niya
Ramdam ko ang galit ni Lucian matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari. Sinubukan kong palabasin na kahit paano ay may mali rin akong nagawa dahil ayoko ng gulo, so he'll think that it's just quits. Nagbawian lang kami, kumbaga. "Palampasin mo na lang 'to, Lucian. Hindi ko lang natanggap 'yung pangungutya nila dahil pati ikaw ay dinamay nila," I said almost begging him. Hangga't maari ay gusto ko sanang umiwas sa mga issue o problema. Mas maganda kung kasundo ko ang mga kasama ko sa trabaho. "Maxine, hindi tama ang ginawa nila. Hindi mo naman gagawin 'yon kung wala silang sinabing masama sa'yo, 'di ba?" he said while removing his coat. May punto siya, pero kahit ganoon ay ayoko pa rin na palakihin ang gulo. "Pero ayoko ng gulo. Huwag na natin 'tong palakihin." He walked up to me while unbuttoning his white long sleeve polo. "Max, they need to learn their lesson," aniya at tinanggal niya ang long sleeve polo niya nang makalapit sa akin, "sa tingin mo ba titigilan ka n
Halos tatlong linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang aksidente sa event. Medyo kampante na ako ngayon at hindi na tulad noong kailan na bantay-sarado ako ng magkakapatid. I finally got the chance to stay in my condo unit again. Si Lucian naman ay busy sa trabaho, but despite of that, gumagawa pa rin siya ng paraan para makasama ako.Hindi ko naman hinihiling na makasama siya araw-araw dahil naiintindihan ko na malaki ang pakinabang niya sa kumpanya. Since boss ko si Cloud, matiwasay naman kaming nakakapag-usap.Napansin ko lang na humigpit ang security sa bawat lugar na pinupuntahan ko. Una ay dito sa kumpanya, sunod naman ay sa condominium na tinitirhan ko. May mga guwardiya na umiikot sa buong sulok ng building at hindi na rin basta-bastang nagpapapasok ng visitors sa condominium.Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit walang balita na lumabas tungkol sa nangyari dito sa condominium... Cloud was almost killed here, yet he chose not to say anything. Ang sabi lang sa akin ni
Halos dalawang oras na kaming naglilibot ni Lucian sa mall. Tuloy ang paglibre niya sa akin ng kung ano-anong mga bagay. Magkano na ata ang nagagastos niya sa akin ngayong araw.We decided to take a break and have our lunch. Malapit na rin namang mag alas-dose ng tanghali kaya naisipan naming kumain na muna bago ipagpatuloy ang paglilibot sa mall."Are you having fun?" Lucian asked while eating his lunch with me.Tumango ako. With him, everything is fun."Oo naman. Feeling ko nga spoiled na 'ko nento, eh!" natatawang sagot ko sa kanya.Kung tatanungin ako, ito na ata ang pinakamalaking nagastos ko sa mall. Hindi naman kasi ako bumibili noon ng mga bagay na hindi ko kailangan dahil lahat ng pera ko noong nag-aaral pa ako ay nakalaan para sa mga projects at kung ano pang kailangan bayaran sa paaralan."You should expect more of this," ani Lucian.Napatingin ako sa kanya. "No, save your money. May sarili akong pera at kung buwan-buwan mo 'kong balak bilhan ng ganito karaming mga gamit, b
Lucian's Point Of View"Tito Lucian, can you please buy me toys next time? Papa won't buy me one."Nagtataka akong tumingin kay Terrence. Ang dami-dami niyang pera pero ayaw niyang ibili ng laruan ang naka niya, ang kuripot lang."Sure, Tristan. Mukhang nagtitipid ang papa mo," biro ko.Terrence scoffed. "Huwag mo ngang i-spoil 'yang anak ko, masasanay 'yan nang ganiyan!"Tinawanan ko lang ang reklamo niya. Tristan is smart, alam niya na hindi dapat abusuhin ang mga ganitong bagay."I love Tito Lucian! He gives me many gifts," ani Tristan at yumakap sa akin.Yumakap ako pabalik para asarin si Terrence dahil mukhang napapalapit na sa akin ang anak niya.Napalingon kaming tatlong lalaki nang bumukas ang pinto."Hey! Why are you hugging my daddy?"Tumakbo papalapit sa akin si Lara at nagmamadaling umakyat sa sofa para paalisin si Tristan sa tabi ko.Agad kong inilayo si Tristan mula kay Lara bago pa niya masaktan ito."Don't you love me anymore? Why are you choosing him over me!?" angal
3 Years AfterI started catching my breath when Therese came inside my room. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, this is my special day."Maxine, ikaw na lang..."I looked at the mirror and calmed myself. When I was good enough to come outside, I lifted my dress where I couldn't step on it.Tinungo ko ang labas ng cottage at saka kami naglakad ni Therese papunta sa ocean front area.I saw my father standing before the arc. Kinuha niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. Finally we are fine now, I thought.Before walking towards the priest, I wandered my eyes around and saw everyone — including my family and some of our friends from the bratva.Then I saw him.Nakangiti siya pero kita ko pa rin ang pagluluha ng mga mata niya. I smiled at him and then we started walking.I could feel everyone's attention, yet my attention was on him.The whole walk took long for me, but when I was already in front of him, kitang-kita ko ang kinabukasan naming dalawa, the pur
Maxine's Point Of ViewDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Halos masilaw ako sa ilaw na magmumula sa itaas. I whole body felt sore.Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko rin naituloy dahil sa sakit na naramdaman ko sa ibabang parte ng katawan ko."Maxine?"Inilipat ko ang tingin ko sa kanan nang marinig ko ang boses ni Lucian... Mukhang kagigising lang niya."May masakit ba sa'yo? Ayos ka lang ba?" natatarangtang tanong nito sa akin.Umiling ako. "Ayos lang ako.""Teka lang, tatawagin ko si doktora." Dere-deretso siyang lumabas ng silid.Naalala ko si Xed.His throat was slit open because of Sunny. Naalala ko kung paano siya tumumba nang mangyari iyon.I sighed in frustration.Nabaling ang tingin ko sa isang doktora na pumasok kasama si Lucian, Cloud at Sunny.Bahagya akong nginitian ni Cloud at Sunny, so I did the same. I have to apologize right after this."Ms. Maxine, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doktora sa akin."Maayos naman po... medyo masakit lang ang ibabang par
Maxine's Point Of ViewPumasok kami ni Xed sa isang malawak na silid, agad akong naupo sa isang upuan habang siya naman ay may inaasikasong gamit. Ang sabi niya ay pupunta ngayon si Lucian para ibigay ang pera niya, at tapos no'n ay tutulungan niya 'kong makalayo sa kanila.Dalawang araw na ang nakalipas simula nang magising ako at ni isang beses ay hindi ako sinaktan ni Xed o kahit ginalaw man lang. He even played board games with me."Ayos ka na ba?" tanong niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot.The large room made me feel anxious. Hindi ako napakali at tumayo. Lumabas ako patungo sa balcony at saglit na nagpahangin.Madilim na sa labas. Tulad sa bahay nina Lucian ay may mga bantay na umaaligid sa labas. Maliwanag ang buwan at kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan.I heard footsteps near me, and I immediately suspected that it was Xed."Oh, if I could only know what you are thinking."He leaned on the balcony. Hawak niya ang isang baril pero nakatutok lang 'yon sa ibaba."W
Lumipas na ang halos apat na araw pero hindi pa rin nagpaparamdam si Maxine. Hindi ko alam kung nasaan siya at kung may balak pa ba siyang makipag-usap sa amin.Si Xed naman ay pa rin namin mahanap. Puro pekeng leads lang ang nahahanap namin at distraction, pero sigurado akong malapit lang siya sa amin.Lumabas ako mula sa kuwarto ko nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko. Sa sala ay nakita ko sina Cloud at Arazela na may kausap sa sarili nilang mga telepono."Wala pa rin tayong lead na maayos," ani Daniel nang makalapiy siya sa akin."Witness? Kahit sinong kasama ni Xed?" tanong ko.Umiling lang siya bilang sagot.Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano ko mahahanap si Xed. It's like he spent a big amount just to escape from us. Sigurado akong hindi lang siya mag-isa sa plano niyang ito, someone is helping him escape.Napatingin kaming lahat nang sa pinto nang bumukas 'yon at nagulat sa taong dumating."Ma, Pa!"Lumapit si Cloud at Sunny sa kanila habang ako naman ay nanatil
Bumaba agad ako sa taxi na sinasakyan ko nang makarating ako sa bahay nina Lucian. Awtomatikong bumukas ang malaking gate na nagsisilbing harang at binati ako ng mga bantay.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit pa galit at halos sumikip ang dibdib ko.Bago ko pa mabuksan ang pintuan ng bahay ay bumukas na 'yon at tumambad sa akin si Terrence at Cheska."Maxine! Akala ko ba—"Napatigil si Cheska sa pagsasalita nang bahagya ko siyang itulak para makapasok ako sa loob ng bahay. Dali-dali akong umakyat pero bago ko pa maabot ang ikalawang palapag ng bahay ay nahawakan ni Terrence ang kamay ko."Maxine, anong problema mo?" Nakita ko sa mata niya ang pag-aalala, ngunit hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin."Anong problema ko?" ulit ko sa tanong niya. "Kayo ang problema ko!" Sinubukan kong kumalma pero masyadong mahirap para sa akin ang sitwasyon ko ngayon.I saw how confused they were when I said that. Hindi sila makapagsalita dahil alam nilang hindi ako ayos — alam may mali."All of you
I looked at myself in the mirror, I have to be calm before leaving the house. Kailangan magmukhang natural ang lahat dahil kung hindi, baka mahalata ni Cheska ang balak ko.Kinuha ko ang isang backpack pati na rin ang sling bag ko. It was heavy, but I managed to handle them both.Paglabas ko sa kuwarto ay agad akong bumaba sa sala, doon ay nakita ko si Cheska habang kausap ang asawa niya."Umuwi ka pala?" usap ko kay Terrence. "Si Lucian?" tanong ko pa.Umiling siya. "Hindi siya umiwi, eh."Napakagat ako sa labi ko at tumango na lang. I should've expected that."Mauna na 'ko, baka ma-traffic pa kami papunta sa condo ng tita ko." Iyon na ang huling paalam ko sa kanila at deretsong lumabas ng bahay.Naghihintay na roon ang kotse na palagi kong sinasakyan kaya tinulungan na rin ako ng driver na isakay ang backpack ko na punong-puno.Naramdaman ko ang presensya nina Terrence at Cheska sa likod ko kaya naman hinarap ko sila para magpaalam muli."See you tomorrow?"They both nodded. "Babali
Sabay kaming naupo ni Tita Malou sa sofa pagtapos naming kumain. I missed this, kung minsan talaga ay naiisip ko kung ano kaya ang puwedeng mangyari kung hindi ko pinutol ang koneksiyon naming dalawa pag-alis ko sa probinsya."Nasaan nga pala si Tito Luis?" kuryosong tanong ko sa kanya."Dalawang araw sa Makati ang Tito Luis mo. Doon na siya tutuloy, pupuntahan niya na lang kami rito sa Martes."Tumango ako bilang sagot. So, they're just here for Tito Luis' work."Iyong nobyo mo? Hindi mo isinama, nasaan ba siya?"Napangiti ako sa tanong niya. Lucian is someone that I would love to brag about, not because he's rich, but because he's the best man for me... kahit pa nagagawa niyang magsinungaling at palaging nasa trabaho."Nasa trabaho siya, tita."Hindi na siya nagulat sa sinabi ko, bagkus ay natuwa pa siya. Alam ko na magugustuhan niya si Lucian dahil noon pa man, gusto na niyang mahanap ko ang lalaking magpapasaya sa akin. Akala niya nga noon ay babae rin ang gusto ko dahil ni isang
Limang na araw na ang nakalilipas simula noong tawag ako ni Lucian. Pagtapos no'n ay puro text na lang ang ginagawa niya, mas madalas pa nga kung tumawag si Cloud.Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya, pero kahit ganoon ay tiniis ko dahil sa tuwing tumatawag sa amin ni Sunny si Cloud, itinatanong ko naman kung kamusta na si Lucian.Hindi rin naman kami nagkikita ni Lucian sa bahay nila dahil kadalasan ay ala-una o alas-dos na siyang umuuwi para lang kumuha ng gamit. Sinubukan ko na intindihin ang sitwasyon niya dahil mukhang aligaga silang dalawa ni Cloud sa trabaho.Kung si Lucian ay umuuwi pa rito tuwing madaling-araw, si Cloud naman ay nananatili lang sa headquarters. Pati nga ang graduation ni Sunny ay hindi nila napuntahan — kami lang nina Cheska at Terrence ang pumunta at naghanda para sa graduation niya.Pero kahit ganoon ay hindi ako nakakita ng pagkadismaya sa mukha ni Sunny noong araw na 'yon dahil pinadalhan siya ng regalo ng mga kapatid niya. Panandalian siyang pumunta sa