"Mauna akong papasok," ani Genesaret habang pinagmamasdan ang malaking bahay nina Jarred at Jasmine. Tumalim ang kaniyang mga mata. Ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Siniguro niya na pumasok si Jarred para maisakatuparan ang plano dahil mahihirapan siya kung sakaling narito ito. Nagtanong siya sa isang investor ni Jarred na investor rin ng kaniyang ama. Mabuti na lang at may cellphone number siya nito at hindi niya naisipang burahin ng minsang tumawag ito sa kaniya na ang sadya ay ang kaniyang ama. Kakailanganin pala niya ang numero nito. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng passenger's seat ng pigilin siya ni Arman sa braso. Nilingon niya ito."Bakit?" tanong niya na nakakunot-noo."Mag-iingat ka," ani Arman habang malamlam ang mga matang nakatitig sa kaniya."Nang planuhin ko ito, alam ko ang pwedeng mangyari sa'kin. Pwede akong mamatay sa gagawin ko. Naihanda ko na ang sarili ko para doon," aniya at tuluyan ng lumabas ng kotse. Sumunod na lumabas si Arman at sumunod sa kan
Nagising si Jasmine sa pakiramdam na nakatali siya.Nagmulat siya ng kaniyang mga mata. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo dala ng ipinaamoy sa kaniya ni Genesaret. Hindi nga siya nagkamali dahil nakatali ang mga kamay at paa niya sa silya. Iginala niya ang paningin sa kung saan siya naroon. Lumang mga gamit, sirang bintana at nangingitim na dingding. Sigurado, nasa abandonadong gusali siya. Galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Ano ba ang ginawa niyang masama para gawin ni Genesaret sa kaniya ito? "Genesaret! Palayain mo ako! Kailangan ako ng anak at asawa ko!" sigaw niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan sa kaniyang likuran at ang sunod-sunod na yabag. "Ang ingay mo!" sigaw nito at nagtungo sa harapan niya. Yumuko ito at hinawakan ang kaniyang baba saka siya pinakatitigan. "Ano akala mo sa'kin bobo para palayain ka?" tanong nito habang naniningkit ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nakipagtitigan siya rito. Natawa ito ng malakas. " Si Jasmine Racqueza? Nagmamak
Nagising si Tessa na masakit ang ulo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto kung saan siya naroon. Nasa kwarto niya siya. Sino ang nagdala sa kaniya rito? Marahil dinala siya rito ni Jarred. Biglang bumalik sa kaniyang ala-ala ang nagyari kanina. Ang pagpasok ni Genesaret sa bahay. Naalala niya si Jasmine! Si Jasmine lang ang alam niyang sadya ni Genesaret kaya pumunta ito dito kanina. Dali-dali siyang bumangon. Napahawak siya sa bed post ng makaramdam siya ng pagkahilo. Nang maramdaman niyang okay na siya, naglakad na siya palabas ng kwarto. Hinanap ng kaniyang mga mata si Jarred. Narinig niyang may nag-uusap sa salas kaya nagmamadaling bumaba siya ng hagdan. Nakahinga siya ng maluwag ng makita sina Wilson, Khael, Sean at Jarred na nag-uusap."Jarred," tawag niya. Lumingon sa kaniya si Jarred. Tumayo ito at nilapitan siya."Okay na po ba kayo? Baka kailangan niyong magpahinga?" tanong ni Jarred. Nginitian niya ito, isang tipid na ngiti. Ng
Ilang minutong katahimikan ang namayani kina Arman at Jasmine. Hinihintay ang pagbabalik ni Genesaret mula sa pagbili ng pagkain sa labas. Tumayo ito at nagtungo sa likuran niya."Anong ginagawa mo?" kuryos niyang tanong."Kakalagan ka. Itatakas kita," tipid nitong sagot."Huwag na, Arman. Baka mapahamak ka lang. Hihintayin ko si Jarred na iligtas ako. Siguradong may plano siya," aniya. Alam niyang gumagawa na ngayon ng paraan si Jarred para iligtas siya. Malaki ang tiwala niya sa asawa. Itinigil ni Arman ang ginagawa at hinarap siya. Ngumiti ito."Ngayon alam ko na kung bakit hindi magawang sirain ni Genesaret ang relasyon ninyo. Wagas ang inyong pag-ibig sa isa't-isa at may tiwala kayo sa isa't-isa. Pinahanga mo ako, Jasmine. Pero, nangako ako na ililigtas kita hindi ba? Gusto kong tuparin iyon," tanong nito na may paglamlam na mga mata. Ngumiti siya rito."Okay lang iyon. Sapat na ang kabaitan na ipinakita mo sa'kin. Kung iba lang, baka sinaktan na ako. At saka ayaw ko rin na mapa
Nang marating nila ang pinakamalapit na ospital, pinausad iyon papasok ni Sean at ipinark sa parking area. Nag-aalalang tiningnan ni Jasmine ang asawa na ngayon ay nakapikit, mabuti na lang at may ipinantapal sina Sean sa nagdurugo niyang tagiliran. Hinaplos niya ang pisngi nito at buong pagsuyong tinitigan."Baby, nandito na tayo," aniya at binuksan ang pintuan ng backseat. Nasa labas na ng ospital ang dalawang strecher. May dalawang nurse na nakaantabay sa kanilang pagpasok. Nagmamadaling nagtungo si Khael sa backseat pagkatapos kausapin ang nurse na nakahawak sa strecher at hinihintay sila. Lumabas siya ng kotse para mailabas nila si Jarred. Si Sean naman ay nauna na at akbay si Arman. Tinulungan niya si Khael na madala si Jarred sa stretcher. Nang maihiga ang dalawa, itinulak na iyon kasama sina Khael at Sean. Sumunod siya sa mga ito. Kababakasan sa mukha ni Jasmine ang labis na pag-aalala sa asawa. Hinihiling na sana maging ligtas ang dalawa."Tabi! Emergency!" sigaw ni Sean sa
Pagkatapos maipatingin sa isang nurse ang kaniyang pasa, nilapatan iyon ng paunang-panlunas. Nilagyan iyon ng bandage. Lumabas sila ng silid at bumalik sa labas ng Emergency Room. Sakto na pagdating nila, inilabas si Jarred at Arman na nakahiga sa strecher."Jarred!" sigaw niya pero pinigilan siya ni Khael."Magiging okay siya. Ililipat lang siya ng silid," anito. Napakagat-labi siya habang nakatingin sa stretcher. Lumabas ang doktor sa emergency room kaya nabaling ang tingin nila rito. "Doc, kamusta po ang asawa ko?" tanong niya ng makalapit dito. Ngumiti ito."Okay na siya. You don't need to worry. Kailangan lang siyang salinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kaniya," sagot nito. Nakahinga ng maluwag si Jasmine dahil sa tinuran ng doktor. Ligtas ang asawa niya! Hinawakan niya ang kamay nito."Maraming-maraming salamat po, doc," aniya habang nakatitig rito at punong-puno ng pasasalamat ang kaniyang mukha. Ngumiti ito at ipinatong ang isang kamay sa magkadaop nilang palad.
Nang malaman ni Allan Viesta ang nangyari sa kaniyang anak, dali-dali siyang lumabas ng bahay at sumakay sa kaniyang Sedan saka pinausad iyon patungo sa presinto. Tinawagan siya ni PO2 Franco Martin at ibinalita sa kaniya na nakakulong ngayon si Genesaret.Nalaman din niya ang ginawa ni Genesaret kay Jasmine at ang pagkakabaril ni Jarred base na rin sa testimonya mismo ni Genesaret.Habang daan, hindi niya maiwasang isipin kung bakit nakagawa ng ganoong bagay si Genesaret. Bagay na hindi niya aakalain na magagawa nito. Sinisisi ang kaniyang sarili sa nangyari. Pakiramdam niya siya ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon si Genesaret. Huminga siya ng malalim para kahit papaano mawala ang paninikip ng kaniyang dibidb.Biglang pumasok sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Mga payo nito na talagang nakakapagpagaan sa kaniyang dinadalang problema. Kailangan niyang puntahan mamaya si Jasmine at humingi ng tawad sa pagkakasalang nagawa ni Genesaret sa kanila.Nang marating niya a
Nagpaalam sina Celeste, Khael at Sean para bigyan sina Jarred at Jasmine ng privacy makapag-usap. Nang makalabas sila, umusog si Jarred para bigyan ng space si Jasmine na makaupo sa tabi niya. Nang makaupo ito, pinagsiklop niya ang kanilang kamay. Nagkatitigan sila. Titig na para bang kaytagal nilang nawalay sa isa't-isa. Bumaba ang tingin niya sa pulsuhan nito na may benda at muling tiningnan ang asawa. "Kamusta ang pasa mo?" tanong niya."Okay na. Huwag mo na ako alalahanin, baby. Dahil ang inaalala ko ay ikaw," anito at masuyo siyang nginitian. Bumuntong hininga siya. Napakabigat para sa kaniya na makitang ganito ang nangyari kay Jasmine. Hinaplos niya ang pulsuhan nito na para bang sa pamamagitan niyon ay mawawala ang sakit na dulot ng pasa nito."Patawarin mo ako, baby. Naging pabaya ako. Naging kampante ako na wala ng mangyayaring masama sa iyo. Sana kung naging maingat lang ako—" Pinutol na ni Jasmine ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng paglapat ng labi nito sa kan
Makalipas ang labim-apat na taon. May dalawang lalaki at isang babae na anak ang mag-asawang Racqueza. Ang panganay na si Jayron na dalawampung taong gulang, pangalawa si Jayraine na labing-apat at ang bunso ay Jarren na labindalawang taong gulang. Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng nag-iisang babae at ang kagwapuhan ng dalawang lalaki. Sa murang edad ay responsable na ang mga ito. Si Jayron ay sinasanay ng kaniyang magulang dahil pagtuntong nito sa dalawampu't-dalawang taong gulang ay ito na ang mamamahala ng Racqueza Steel Corporation. Sa ngayon, sinasanay na siya ng ni Jarred. Soon, si Jarren at Jayraine ang mamamahala ng Saderra's Steel Corporation."Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nina mom at dad ang plano natin?" tanong ni Jayraine sa kaniyang kuya Jayron. Ngumisi si Jayron."Oo naman, magugustuhan iyon nina mom at dad. Alam mo naman na simpleng effort lang ay masaya na sila," anito. Nagplaplano ang magkakapatid ng sorpresa para sa kanilang magulang na ngayon ay nasa CK R
Pagdating ni Jarred sa mansiyon at maipark ang sports car sa garahe, lumabas na siya ng sasakyan kasabay ng paglabas din ni Jayron. Papunta pa lang siya sa pintuan ng lumabas si Jasmine at sinalubong siya."Baby!" anito at niyakap siya. Niyakap din niya pabalik ang asawa. Napunta ang paningin ni Jasmine sa anak."Hello baby," anito."Good afternoon, mommy. Sabi ni dad may surprise ka daw po sa kaniya? Ano po iyon?" kuryos nitong tanong. Tumingin sa kaniya ang asawa at ngumiti."Yes, i have a suprise. Kaya pipiringan ko ang daddy mo, okay? Kapag nakita mo ang surprise ni moomy sa loob huwag kang maingay ah," anito na at inilagay ang hintuturo sa labi nito. Tumango-tango naman si Jayron. "Yes, mommy! Promise, quiet lang ako!" masigla nitong sagot. Napangiti na naiiling na lang siya. Hinarap siya ni Jasmine at naglabas ng panyo saka nagtungo sa kaniyang likuran at piniringan."Baby, na-eexcite tuloy ako sa surpresang ito? Gender reveal ba ito?" tanong niya. Naramdaman niya na natigilan s
Makalipas ang anim na buwan, may kalakihan na ang tiyan ni Jasmine. Nahirapan man siya sa pagbubuntis pero kinakaya niya. Naging maselan din ang paglilihi niya pero dahil sa pag-alalay sa kaniya ng asawang si Jarred, hindi niya naramdaman ang hirap. Ginawa nila ang lahat para maging malusog ang bata. Umiwas rin siya sa mga bagay na makakapagdulot sa kaniya ng stress at pagod. Umabsent muna siya sa trabaho ngayong araw. Nagprisinta ang kaniyang ama na ito na muna ang bahala sa mga trabaho niya ng araw na iyon. Sabagay, nandoon naman si Claria para gabayan ang kaniyang ama. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ang repleksiyon sa salamin. Napangiti siya habang tinitingnan ang may kaumbukan niyang tiyan. Tatlong buwan na lang ilalabas na niya ang kanilang anak ni Jarred. Hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang anak. Pupunta pa lang ngayon si Jasmine sa OB-Gyne para magpa-ultrasound. Sasamahan siya ng kaniyang ina. Hinihiling na sana ay babae ang nasa loob ng kaniyang sinapupunan.
Habang hinihintay ni Jasmine ang asawa na mga sandaling iyon ay patungo na sa Breadshop para bilhin ang ube cake na pinaglalawayan niya. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Pupunta siya sa Cruz Drug Store di-kayuan sa gusali para bumili ng pregnancy test."Mrs. Racqueza saan po kayo pupunta?" tanong sa kaniya ni Claria ng matapat siya sa mesa nito. Mula sa ginagawa ay nag-angat ito ng tingin. Lumingon siya rito at nginitian ang dalaga."Pupunta ako ngayon sa Cruz Drug Store para bumili ng pregnancy test. Gusto kong malaman kung buntis nga ba talaga ako lalo at nagcra-crave ako ng ube cake. Nagpabili nga ako kay Jarred eh," pagbibigay-alam niya. Kahit papaano naging malapit na sina Jasmine at Claria kaya nasasabi na rin niya rito ang ibang mga bagay patungkol sa kaniya. Natutop ni Claria ang labi kasabay ng panlalaki ng mga mata dahil sa gulat."Baka na po kayo?!" mangha nitong tanong."Hindi pa naman ako sigurado. Baka nagcra-crave lang ako pero..." Huminto siya sa pagsasalita ng maisi
Isang buwan ang nakalipas matapos ang kasal nina Jasmine at Jarred. Bumalik na rin siya sa trabaho sa Saderra Coffee Factory. May mga trabaho man siyang nadatnan dahil sa isang buwan na pagkawala, hindi naman niya kailangan gawin iyon kaagad. Kasama naman niya si Claria na tapusin ang mga iyon. Nang araw na iyon ay maaga siyang pumasok sa opisina. Inihatid siya ng asawang si Jarred. Nagsuhesiyon siya na kumuha na lang sila ng private driver para hindi ito mahirapan lalo at may kalayuan ang Racqueza Steel Corporation pero tumanggi ito. Ang sabi nito, mas mabuti na ito pa rin ang maghatid sa kaniya dahil ayaw nitong ihabilin siya sa iba. Bilang asawa, obligasyon nito ang kaligtasan niya at ayaw nitong ipasuyo sa iba ang bagay na kaya pa naman nitong gawin. Napangiti siya nang maalala ang pag-uusap nila tungkol doon. Kitang-kita sa mga mata ni Jarred ang labis na pagmamahal at pagtangi sa kaniya. Na sa tagal nilang pagsasama ay kailanman hindi iyon nagbago bagkus mas lalo pa iyong lumal
Ito na ang araw na pinakahihintay ni Jasmine. Ang muling pag-iisang dibdib nila ni Jarred. Narito siya ngayon sa kaniyang kwarto at inaayusan ni Celine. Habang nakatingin siya sa repleksiyon niya sa salamin, hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ibang-iba ang babae na nakikita niya sa kaniyang harapan. Babaeng punong-puno ng pag-asa ang mababakas sa kaniyang mukha. Napakaganda rin niya ng mga sandaling iyon. Gandang para lang kay Jarred. Pumalakpak si Celine nang matapos siya nitong ayusan."Ayan! Perfect!" bulalas ni Celine habang nakangiti na nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Nagtama ang mga mata nila. Makikita sa mga mata ni Celine ang kasiyahan para sa kaniya. "Napakaganda mo, Jasmine. Walang tulak kabigin ang iyong kagandahan. Tiyak na mas lalong maiinlove sa iyo si Jarred," anang kaniyang kaibigan. Ngumiti siya. Maski din naman siya ay lalong naiinlove sa asawa. "Thank you, Celine. Maraming salamat dahil ikaw ang kaibigan ko," aniya at nilingon ang kaibigan. Ngumiti ito.
Napabaling ang tingin ni Jasmine sa pintuan mula sa binabasang report galing sa isang branch nang marinig niya ang pagsigaw ni Jayron. Napangiti siya ng makitang nakatayo ang kaniyang anak at ang kaniyang butihing asawa sa pintuan na may ngiti sa mga labi. Bakas ang kasiyahan sa mukha."Mommy!" masiglang sigaw nito. Tumayo siya sa mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas sa mesa."Baby Jayron!" aniya at sinalubong ang anak nang patakbo itong lumapit sa kaniya. Yumuko siya para mayakap at anak at binuhat ito. "I miss you, baby," aniya at hinalikan ang pisngi nito. Hawig na hawig talaga ito ni Jarred. Wala man lang itong nakuha sa kaniya. Ayos lang. Malay mo sa susunod na magbuntis siya kamukha niya na."I miss you too, mom," tugon nito at mas niyakap siya ng mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap rito at muling hinalikan sa pisngi."Kamusta ang pag-aaral. Nakikinig ka ba kay teacher?" tanong niya. Ngumiti ito."Okay naman po. Madami po akong natutunan at nakinig po akong mabuti ka
Si Jarred na ang naghatid kay Jayron sa eskwelahan. Hindi na sumama si Jasmine dahil may mga aasikasuhin pa ito sa opisina. Preparatory na siya ngayon. Nang marating ang eskwelahan, inihatid na niya sa silid-aralan ang anak. Ipinakisuyo niya ang anak sa guro nito na si Mrs. Lee."Kayo na po ang bahala kay Jayron, Ma'am Lee," aniya. Tumango na may kasamang ngiti ang guro."Oo naman po, Mr. Racqueza," sagot nito."Susunduin ka ni Daddy mamaya, huh?" aniya."Okay po," sagot nito. Inakay na ni Mrs. Lee si Jayron patungo sa silya nito.Nginitian niya ang guro at umalis na ng silid-aralan. Nang marating niya ang kanyang mamahaling kotse, pumasok siya at pinasibad iyon patungo sa Jewelry Shop ni Celeste. Nang marating iyon, ipinark niya ang sasakyan sa parking area ng shop saka lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng jewelry shop. Nang makapasok siya, ngiti ang ibinungad sa kaniya ng saleslady."Good day, Sir Racqueza," bati nito. Tipid niya itong nginitian."Good day rin. Nandiyan ba si M
Pagdating nila Jasmine at Jarred sa mansiyon. Nagkatinginan silang dalawa ng makitang may itim na sports car sa labas ng gate. Lumabas si Jarred ng lamborghini at nilapitan ang gwardiya."Kanino pong sports car, iyon?" tanong nito habang ang mga mata ay nasa sasakyan."Bianca Cardova po kasama po niya ang anak niya. Pinapasok na po ni Tessa," pagbibigay-alam nito. Marahil alam ni Tessa na walang gagawing masama si Bianca kaya pinapasok na ito sa bahay. Hindi rin maganda kung sa labas sila mananatili. Lumabas si Jasmine at nilapitan ang asawa."Sino daw iyon, baby?" tanong niya. Liningon siya ni Jarred."Si Bianca at Beatriz, baby. Nandito sila sa bahay," anito. Tumango-tango siya. Marahil ay may sadya ang mga ito kung bakit sila narito."Mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay para makausap na rin natin sila," aniya na tinugon naman ng tango ni Jarred. Bilang gentleman, pinauna siya ng asawa maglakad at hindi napigilan ni Jasmine mapangiti sa ginawa ng asawa. Nang makapasok sila sa