BRIAN CLYDE DE JESUSInayos ko muna ang aking suot na kurbata bago kumatok sa pinto ng office ni Xeno. After a few knock, I've cleared my throat first to ease up the tension within me before I went inside the room."Sir," I said calmly, "let me remind you about your schedule for this day and for tommorow as well." Sinilip ko si Xeno mula sa tablet na hawak ko. I stopped for a while nang makitang nakaduko siya mula sa lamesa. Seems like his asleep. I sighed bago lumapit sa kaniya."Sir?" Saad ko sabay tapik sa braso niya, pero hindi siya nagigising, "Sir?" Tawag ko ulit.I sighed again. Ano bang ginagawa nito kagabi at mukhang puyat na puyat, at pati rito sa opisina niya ay natutulog siya? Inangat ko bahagya ang aking kamay upang makita kung anong oras sa relo ko. Nine nineteen in the morning. Nilapag ko ang mga papeles na hawak ko kasama na ang tablet sa mesa saka tinungo ang dulo kung saan may coffee brewer. I brewed coffee and kumuha ng malinis na tasa at sinalinan ito ng kape. A
"E, bakit naman kasi siya napadpad sa puder na gagong walang hiyang hinayupak na 'yan?!" Giit pa ni Fe, "..Ang tanga naman! Dahil gwapo at mayaman pinakasalan na niya? E marami namang gwapong naghahabol sa kaniya at mabait, pinili pa talaga niya 'yang walang mudong lalaki?! Grrrrrrr! Ako 'yung nabubuwisit sa karupokan niya! Asan na ba 'yon, para mapagsabihan ko?!""Ikaw naman Fe," anang Neca na nangaling pa sa tindahan dahil bumili ng soft drinks, "... h'wag mo namang husgahan agad si Ley. We don't know the real story, and we don't know the reason kung bakit pinakasalan niya 'yang walang pusong mandurugas na anak ng hayop na lalaking manlolokong 'yan. So let's just wait untill Leylah comes back," Neca said and flash her sweet smile. It left me dumbfounded. She know how to swear!Nakakatindig balahibo talaga 'pag si Neca ang nagsasalita.Umismid lang si Fe at tumahimik na sa kararatat-tat.Isang oras na ang lumipas mula nang umalis si Leylah sa bahay ko, at mga ilang minuto na rin a
"HOLY SH*T!"Halos habulin ko na ang hininga nang makaalis ako sa bahay namin ni Xeno. Sh*t wrong timing!Nagsadya ako do'n kasi kumuha lang ako ng mga damit dahil wala akong naidala last time. Mabuti na rin at wala si Manang Kora at si Mang Kaloy sa bahay. Pero nang paalis na ako ay saka naman dumating si Xeno! I was able to get out, I don't know if he noticed me or not, pero sana hindi niya ako nakita. I felt my phone vibrate so I fished it out from my pocket.From Kienna: Umalis na sina Fe ang tagal mo kasi. Anyway, umuwi ka ng maaga, may foundation day pang gagawin sa school mamaya. Attendance is a must."Manong," tawag ko sa taxi driver, "...balik po tayo sa pinanggalingan natin kanina,"I puffed some air bago binalik ang phone sa bulsa. Hindi na ako sinagot ni Manong at pinaandar na ang taxi. Ang taxi na 'to rin ang sinakyan ko kanina. Tapos pinahintay ko nalang siya labas ng bahay para less hassle... Well, I thi
A Twist Not So TwistedThird Lahat ng kaibigan ni Leylah ay nakaabang sa waiting area kung kailan matatapus ang check up ng doctor nito sa kaniya. Silang lahat ay pawang hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Lahat sila ngayon ay balisa at nag-aalala sa kalagayan ng naturang kaibigan. It's almost an hour at hindi parin tapos ang doctor sa loob ng emergency room. Hindi na sila pinapasok kasi iisa lang ang pwede ro'n, at sa lahat ng pwedeng pumasok ay isang estranghero pa ang nabigyan ng pagkakataong makapasok sa loob. E, hindi naman nila kilala ang estrangherong lalaking 'yon. Hindi rin sila tiyak kung kakilala ba ito ni Leylah.Subali't wala na silang nagawa nang magpresenta itong magpaiwan sa loob. Mukha namang napag kakatiwalaan ang lalaki basi narin sa itsura, at bukod pa ro'n ang estrangherong lalaking 'yon ang siyang tumulong sa kanila na dalhin si Leylah sa pinakamalapit na hospital."Sa tingin niyo may sakit kaya si Leyl
XENO LU MAÑUZIT WAS a loud voice coming from a distance inside the gymnasium. A high pitched voice of a desperate woman. "F*ckers! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong tabi?! Ayaw makaindtindi? Bingi lang? Kita namang may naghihingalo na dito, may gana pa talaga kayong mag video?! Ano?! May naiambag ba kayong tulong mga depungal sa pagvi-video niyo?!"Lahat kami ay nadako ang tingin sa boses na 'yon. Even the speaker at the stage stopped."Kindly let them through please. It seems emergency," anunsyo pa ng MC. Pagkatapos sabihin ng MC 'yon ay saka palang humilera sa magkabilang side ang mga estudyante at saka palang namin naaninagan ang iilang estudyante na may buhat-buhat ring babae."Carl tumawag ka ng taxi dadalhin natin si Leylah sa hospital."At the end of her words, I was taken aback. My eyes widened. Did they just said, "Leylah?"Umiling ako. Nope. That can't be. I've been searchi
Kinuha ko muli ang selpon at kagaya kanina ay unknown number parin nanggaling ang text..From Unknown Number: Akala ko temporary lang Yon? Pero bakit hanggang ngayon wala parin?From Unknown Number: Xeno napakagago moAkala ko prank lang 'to. But how the fucking hell did he know my number?! To Unknown Number: Sino 'to?From Unknown Number: Wala kang KWENTAFrom Unknown Number: Dapat sayo mabulok sa empyerno!I gritted my teeth. Isang tulak na lang ibabato ko na 'tong selpon ko sa inis. Teka nga. Hindi kaya si To Unknown Number: Leylah?Siya lang talaga ang naisip kong sagot e. Sa lahat yata ng kakilala ko, siya lang ang alam kong may galit sa akin ng ganitoTo Unknown Number: No. You're not her. Sino ka ba?!As much as I want to accuse Leylah, I doubt siya to. She may have hated me a lot, but she won't stoop too low like these. Kung gusto man niya akong magalit, this is not
When I arrived at the said hospital, I immediately went to the private room where Leylah was confined. I cleared my throat when I'm in front of the door. Nandito ba talaga si Leylah? Hindi ba nahimatay lang siya? Bakit kailangan pang maconfine siya? Hindi ba dapat sa E.R lang siya ngayon? Is she alright? I gathered some courage to open the door after a few knock. Bumungad agad sa akin ang isang pamilyar na hospital room at iilang pares ng mga mata nang buksan ko ang pinto. Napahinto ako and stared at them crowding the hospital bed-probably where Leylah is. Dahan-dahan akong naglakad papasok at sinara ang pinto and as I did that those pairs of eye did not leave me."Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ng isang lalake habang nakatalikod pa ako sa kanila.I ignored them living my stoic face before I went near to Leyllah."May gana ka pa talagang pumunta dito after you did to her?!" Another aggressive tone of the same guy."Carl, tama
RAYMOND PINEDAI ENDED THE CALL AND TOOK A STEP BACKWARD.I sighed and massaged my temple before leaning on the wall. God, they're really making my life ain't easy. All of them. But I'm fine with it. As long as I can help. Tinitigan ko muli ang aking cellphone bago ito binalik sa bulsa ng aking pantaloon. Kakatawag ko lang sa mga magulang ni Leylah. They're both shock when they took my call. Pero hindi ko alam kung pupunta ba sila, since they sound hesitant. Well, they always sound hesitant when it comes to their child. Dati pa nila 'yang drama. Even the very first time I met them. Pero sana nga lang at pupunta sila. They should at least come and see their own child.Tumayo na ako ng maayos at inayos ang kusot kong damit bago tinungo ang daan pabalik sa kuwarto ni Leylah. Pagdating ko doon ay naabutan kong nakasimangot ang limang ugok sa labas ng pinto. Kumunot ang noo ko. "Anong ginagawa niyo sa labas?"Sab
Paano siya makakauwi mamaya kung may butas ang gulong ng sasakyan niya?"Ayos na. Pinaayos ko na sa talyer na dinaanan ko kanina kaya okay na," aniya. "Sabihin na lang nating may inggit sa akin ang taong gumawa n'yon kaya niya naisipang gawin iyon sa sasakyan ko. Pero ayos lang. Kilala ko naman kung sino iyong may gawa."Kumunot ang noo ko. Subalit hindi na ako nagtanong dahil alam kong magsasalita pa siya."But you know what? Never had I expected him to have a cute personality like that. That's probably why mom likes him a lot." Then he giggled.Mas lalo akong naguluhan sa kinuwento niya pero hinayaan ko na. Maya maya ay may kinuha si Cayster mula sa kaniyang bulsa. Pagkatapos ay inabo niya sa akin."Inumin mo 'yan twice a day para hindi lalong mamaga and to relieve the pain.""Thanks.""Habang may pamamaga pa rin, iwasan mo muna ang tumakbo, sumayaw, o kahit anong sports activities. Then..." he said in suspe
HE LOOKED SHOCK."Leylah?" Kung gulat na siyang makita ako ay mas lalo pa nang mapansin niya ang isa ko pang paa. Kumunot ang kaniyang noo pagkatapos ay madaling lumapit sa akin. Maging si kuya Raymond na nasa likuran niya kanina ay iyon rin ang ginawa."Anong nangyari riyan sa paa mo?" sabay na tanong nina Cayster at Kuya Raymond."I—""She sprained her ankle," bara ni Xeno sa sasabihin ko. Halata ang pagkairita sa kanyang boses and I rolled my eyes because of it. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" dagdag niya pang tanong. Saglit na natigilan si Cayster nang marinig ang boses ni Xeno. Nakita ko pa kung paano bumukol ang kanyang kaliwang pisngi saka niya nilingon si Xeno. He gave him a bored expression bago ulit ako binalingan ng tingin."Masakit pa rin ba?" Cayster asked me, totally ignoring Xeno."Hindi na masyado." Sabay iling ko. "Saka, why are you here? Hindi ba't dapat nasa hospital ka ngayon?" "B
Natawa ako sa huling linya. Naimagine ko kasi ang mukha ni Manang."At saka umuwi ka na raw, miss ka na niya," dagling dagdag niya.Napangiwi naman ako dahil do'n. "Sinungaling ka talaga. Hindi naman iyon sinabi ni, Manang, e," sagot ko sa kanya.Hindi naman talaga ako pinapauwi ni Manang dahil alam niya kung nasaan ako. Saka minsan nga bumibisita siya sa condo ko na may dalang kung anu-anong ulam."Bakit naman? Miss ka naman talaga ni, Manang. Kahit nga ako miss na kita." Tumigil siya sa paglalakad. "Iyong mga gamit mo, nasa kwarto mo pa. Walang pinagbago ro'n. Araw-araw iyong nililinisan ni, Manang, baka kamo raw bumalik ka. And I'm sure, malungkot iyon kasi kahit ako, wala doon."He sighed. "Promise ko kasi sa kanya papauwiin kita. And I'm glad I'm showing results. Sapat na sa akin iyong alam kong nag-aalala ka pa rin pala."Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad ulit. Saka ay sinundan na naman ng katahimikan. Ma
Umurong ata ang luha ko after I heard him sighed.Wait.WAIT. WAIT. WAIT. WAIT. WAIT!Naglo-loading na naman ang kinakalawang kong utak dahil sa kagagawan ko ngayon. I'm still processing what just happened and when I finally realized my reality, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig, iyong may yelo at umuusok pa sa lamig. WHAT THE ACTUAL F*CK HAVE I DONE AGAIN?D-Did I actually ran back here, like an actual crazy woman, lashed out to those men just because I was worried about this guy? SA LALAKING 'TO?Muli kong inangat ang tingin kay Xeno at maging siya ay nakatingin din pala sa akin. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang nag-aalala sa akin ng husto. "You feeling fine now?" Inabot niya ang pisngi ko at pinahiran ito gamit ang kaniyang hinlalaki. Hindi ko siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kaniya habang unti-unti na namang bumabalik sa ulirat ko ang mga nangyari. I freaking panicked think
"Miss, maling direksyon ka!" rinig ko pang saway noong lalaking nasa unahan ko nang magtagpo ang aming mga mata pero nagkibit-balikat lang ako. Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit kinakapos na ako ng hangin. Ang nasa isip ko lang sa sandaling 'to ay ang makarating ako roon. Kakalimutan ko na lang muna sa ngayon ang atraso't kasalanan niya sa akin basta makita ko lang ang kalagayan niya. Hindi ko maiwasan ang kung anu-anong pumapasok sa isipan ko kaya mas lalo lang akong nag-aalala."S-Sandali!" Hinihingal akong napahinto sa tapat ng ambulansya na limang metro ang layo sa akin. Wala iyong nagkukumpulang tao."H-Huwag niyo munang isara!" pakiusap ko nang makitang kong isasara na nila iyong ambulansya.Nagtatakang lumingon sa akin iyong dalawang medics kaya mas lalo akong nataranta."Baka kilala ko siya!" pilit kong dagdag kahit hinahabol ko pa ang hininga."Sa tent mo na lang siya puntahan pagkatapos ng Marathon, Miss."
"Pero malay mo, baka miss ka nga nila kasi wala namang mga magulang na hindi nami-miss iyong sarili nilang anak. Baka dahil na rin sa pride nila bilang magulang, na ikaw iyong lumayas—alangan namang sila pa iyong magkandarapang habulin o hanapin ka, e ikaw nga iyong lumayas di 'ba? But that doesn't mean, hindi ka na nila na-miss."Ngumiwi ako. "You don't know them. Hindi sila kagaya ng mga magulang na nai-imagine mo. Marami akong nababasa sa libro at napanood na documentary videos sa YouTube tungkol sa mga magulang na di kayang tiisin ang mga anak nila, pero sila Mom and Dad? They're different. Mas mami-miss pa yata nila iyong aso, kaysa sa akin."Lumamlam ang mga mata ni Kuya Raymond. "Ley," tawag niya sa pangalan ko na parang dinadamayan ako.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ayos lang naman ako. Nandiyan naman kayo, e! Alam ko namang hindi niyo ako iiwan."Sumingot si Kuya. "Malamang! Ako pa?" Turo niya sa sarili. "Kuya mo 'ko, kaya hindi kita ii
MUGTO ANG MGA MATA KO KINABUKASAN. Dinaig ko pa 'yong taong kinagat ng bubuyog sa mga mata sa sobrang maga. To the point na feeling ko hindi na ako makakita ng maayos dahil may sagabal sa paningin ko. Mabigat pa rin ang loob ko pero kailangan ko pa ring bumangon.Napagalitan pa nga ako ni kuya Raymond nang magkita kami sa venue ng marathon. Dapat kasi five ng umaga ang all in, kasi may kaunting aktibidades na gagawin, pero lampas five na yata akong narating. Hindi ko na naabutan ang prayers at ang pa-zumba nila."Umiyak ka na naman siguro kagabi. Tsk. Di raw affected pero ang maga ng mata." Heto nga't nanenermon na si Kuya Raymond."Di na lang kasi aminin, e. Nagtatapang-tapangan pa, para namang iba na ako sa 'yo," dagdag niya pa bago niya inabot sa akin ang isang plastic bottle na may lamang tubig, malamig pa 'yon. Kinuha niya pa 'yon sa ilang staff na naatasan sa event ngayon."Lagay mo diyan sa mata mo. Mukha kanang panda, tatakbo ka pa naman m
I immediately averted my eyes when I saw him staring at me. May kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ko ang concern sa boses niya. Sh*t. Bakit ba kasi narinig ko pa si Maricar kanina? Kung anu-ano na tuloy 'tong naaalala ko.Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin. Bahagyang lumuhod ang isang binti niya upang magpantay ang mga mata namin."Sinong nagpaiyak sa 'yo?"Winaksi ko agad ang kamay niya nang iniangat niya 'yon. "Wala," pait kong sagot. Wala naman palagi 'yong nasasagot ko. Wala lang.Saglit siyang natigilan pagkatapos ay bumalik na sa upuan niya, nakatanga. "May nagawa na naman ba akong mali? Bakit feeling ko, ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ang mga mata mo ngayon?"Hindi ko siya sinagot at hindi rin ako makatingin sa kanya. Siya 'yang may kasalanan sa akin, pero bakit ako pa ang may guilty conscience sa amin? Bakit ba ganito ako? Bakit isang paalala lang, nagiging lam
"OKAY KA LANG, LEY?"Agad kong pinunasan ang nagbabadya kong luha nang marinig ko ang boses ni Kuya Raymond."Teka, umiiyak ka ba?" "H-Hindi. Napuwing lang ako," agad kong kaila sabay kusot ng mga mata. "May kung anong maliit na bato kasi ang pumasok sa mata ko. Ang sakit nga, e." Pero bakit iba yata 'yong klase ng sakit? Hindi sa mata ko, kundi sa kaliwang banda ng dibdib ko?"Pa tingin nga." "W-Wala na," dagli kong sagot nang makitang mas lalo siyang lumapit sa akin. "Nawala na. Okay na, ako, Kuya."Halata ang pagdududa sa mga mata ni Kuya Raymond pero hindi niya na pinagpilitan ang gusto. Mayamaya'y sabay naman kaming napalingon nang marinig naming muling nagsalita si Maricar."Kaya kayo, kapag magmamahal kayo, piliin niyo 'yong matino at hindi kayo lolokohin. Piliin niyo 'yong taong kayo lang 'yong mamahalin at hindi kayo sasaktan. But above all, h'wag kayong masyadong tanga.""... Okay lang na m