Kumunot ang noo ni Felistia. Si Aeverie hihingi ng tawad sa isang Espejo? Sarkastiko siyang natawa sa kaniyang isip. Kung isa kay Rafael o Uriel ang narito at naririnig ang sinasabi ni Arabella, baka nagkagulo na agad. Isang malaking kalapastangan sa mga Cuesta ang hilingin na magpakumbaba ang nag-iisang anak na babae sa kanilang pamilya. Aeverie is like a precious gem. Everyone would die to protect her. And this Arabella Espejo is asking her to let Aeverie apologize? That would never happen. Matalim niyang tiningnan si Arabella. Her features were already defined. Sa tuwing madilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha, mas lalo siyang nakaka-intimidate na tingnan. Nangilabot naman ang babae dahil sa matalim niyang tingin. “W-walang k-kasalanan si Ate Avi.” Bigla’y saad ng isang malamyos at nanginginig na boses. Lahat ng kanilang atensyon ay natuon sa nagsalita. Natigilan si Aeverie nang makita si Amanda na palapit sa kanila. Nakasuot ito ng puting dress na umabot hanggang sa tuhod.
Nagkagulo sa auction hall dahil sa pagkahimatay ni Arsen. Agad nagpatawag ng medic ang pamilya ng babae, pero dahil walang naka-standby na medic ay kinailangan na itong e-diretso sa hospital.Agad na hinawakan ni Felistia ang braso ni Aeverie at inilayo na roon. Sapat nang napatunayan nila na walang kasalanan ang kaniyang anak.Nang makarating sa parking lot, lumabas agad ng sasakyan si Blue at lumapit sa kanila. Puno ng pag-aalala ang mukha ng lalaki. Alam niyang devoted si Blue sa pagiging personal assistant at sekretaryo niya, pero ang pag-aalalang ipinapamalas nito’y pag-aalala ng isang kapatid.“Madam Fely.” Bati ni Blue kay Felistia nang makita ito.Tumango lang si Felistia sa kaniya.“What happened? I heard from the guest that there’s a commotion inside. Kanina pa kita hinihintay, Aeve.” Baling naman ni Blue sa babae, nakalimutan nang maging pormal dahil sa pag-aalala.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at naunang pumasok si Felistia. Sumunod si Aeverie.Nakita niya ang nakabe
Si Arsen ay inilipat sa general ward pagkatapos e-rescue. Sinabi ng doktor na hindi naman malubha ang kaniyang natamong sugat. Kahit pa medyo malalim ang sugat, hindi naman iyon umabot sa puntong kailangan nang tahiin. Ang pangunahing rason ng pagkahimatay ng babae ay ang labis na pag-pa-panic at mental stress. “Oh, God! Arsen? Gising ka na, Hija.” Tila gumaan na sa wakas ang paghinga ni Arabella nang makitang nagising na ang kaniyang anak. “Arsen, please, don’t ever scare me again like that!” Pinunasan ni Arabella ang luha sa sulok ng kaniyang mga mata at inabot agad ang kamay ni Arsen. “Mom, stop shouting, will you?” Saway ni Arsen sa kaniyang ina dahil sa pananakit ng kaniyang tainga. “Nag-aalala lang naman ako sa iyo.” Sagot nito. “Silvestre’s outside. Kung maririnig ni Silver ang iyak mo, Ara, baka pumasok siya’t makitang gising na si Arsen.” Pinaikot ni Fatima ang kaniyang mga mata, senyales na naririndi na rin siya sa pag-iinarte ng kaniyang kapatid. Pinagkrus ni Fatima
“S-silver, hayaan mong ako ang magpaliwanag.” Humakbang si Arabella palapit kay Silvestre.“Ako ang may kasalanan ng lahat.” Nanginig ang kaniyang boses sa Pag-amin.Ngunit naisip niyang kaysa hintayin na sisihin siya ni Silvestre, mas mabuti nang siya mismo ang umamin sa mga kasalanang nagawa nila. Kailangan na magsakripisyo siya’t angkinin ang lahat ng sisi, upang mapawalang-sala si Arsen at hindi maapektuhan ang relasyon ng dalawa.Sa paraang iyon, maikakasal pa rin si Arsen sa mayamang pamilya.“I’m asking for an apology, Silver.” Pinalungkot ni Arabella ang kaniyang mukha, at hindi naman siya nahirapan.“Nalulugi na ang kompanya, kailangan namin ng pera para makapagsimula man lang ulit. Hindi lang ang mga physical stores and nagsara, maging ang mga factories ay paisa-isa nang bumabagsak. Ayaw ko nang magmakaawa ang anak ko na tulungan pa kami ng mga Galwynn dahil sobra-sobra na ang nagawa niyo para sa amin.”Nagbagsakan ang kaniyang mga luha, kasing bilis ng pagpatak ng ulan. Saa
“Are you in love with her already?! Bakit ang hirap para sa iyo na paniwalaan ako? Ayaw mo na ba sa akin, Silver?!”Para siyang sasabog sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Nagdidilim ang kaniyang paningin dahil sa matinding poot para kay Avi.That b*tch! I wanna kill her now!“I have always been yours. Even during my marriage with Avi, my feelings have not changed, and I have never touched her once.”Ikinuyom ni Silvestre ang kaniyang nanginginig na mga daliri. Ang lamig ay napalitan ng init ng apoy na biglang nagliyab nang masindihan ang galit sa kaniyang puso.Biglang bumalik sa kaniyang alaala ang mga sinabi ni Avi.Umuukit sa kaniyang alaala ang mga mata nitong puno ng poot at pagkabigo nang magsalubong ang kanilang tingin.“If I say no, would you believe me, Mr. Galwynn?”“‘Cause I don’t think my answer would mean so much to you. Hindi naman mababago ang katotohanan na nasaktan ang babae mo, hindi ba? Kahit na hindi ako ang gumawa, isisisi niyo pa rin sa akin. Because that’s
Pagkatapos ng isang bote ng alak, hindi na napigilan ni CK na magtanong, lalo pa’t umariba na ang impluwensya ng alkohol. Itinukod niya ang isang siko sa bar counter at tiningnan ng mataman ang kaibigan. Medyo marami na ang tao sa club, pero ilan lamang ang nakaupo sa high stool ng bar counter. Medyo malayo rin ang ibang customer, kaya silang dalawa lamang ni Silvestre sa sulok na iyon. “Can I ask you something? I've always been confused.” Saad ng binata. Sinulyapan ni Silvestre ang kaibigan at marahang tumango. “Why it must be Arsen? I mean, nakita mo ang ugali ng Mommy ni Arsen, pati na no’ng auntie at pinsan mo, maging si Arsen. Pinagkaisahan nila si Avi, ininsulto.” Napailing si CK nang maalala ang nangyari kanina. “Kung hindi pa dahil kay Amanda, talagang ididiin nila si Avi kahit wala siyang kasalanan. That's too much, I feel like it’s too personal." Sumimsim si CK sa inumin. Kumakatok na naman ang paghanga sa kaniyang dibdib nang maalala kung paano sinampal ni Avi si Arsen
“Remember the woman you’ve mentioned to me after your last battle in Israel?” Bigla’y saad ni CK.“What about her?”“You told me that you almost died in the battle field, but then, may nagligtas sa’yong babae. What happened to her? Did you already find her?” Agad na nagdilim ang mukha ni Silvestre. Naalala niya ang babaeng humila sa kaniya pabalik sa safezone. Ilang bala rin ang tumama sa kaniyang katawan dahil sa biglang pag-atake ng mga rebelde sa barracks.Half conscious na lamang siya nang maramdaman na may humihila sa kaniya, at nang buksan niya ang mga mata, malabong imahe ng babae ang nakita niya. Hindi niya nakilala, ngunit may ilang detalye siyang nakuha.Iyon nga lang, pagkatapos siyang mabigyan ng pangunahing lunas at magpagaling, hindi na niya alam kung paano hahanapin ang babae nang makapagpasalamat man lang siya.Huling misyon na niya iyon sa Israel, dahil pagkatapos ng nangyari sa kaniya, naisip niyang itigil na ang pagsusundalo at magpukos na lamang sa pamamalakad ng
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m
“Let’s forget it, Lucinda.” Hinawakan ni Cassandra ang braso ni Lucinda para hilahin ito paalis.Tila nagmamadali at gusto nang makawala sa eksena ang dalawang kaibigan ng babae. Nagtaas naman ng kilay si Aeverie nang makita ang reaksyon ng dalawa.“But I’m not done yet—”“Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, Lucy. Nahanap na rin naman ang necklace, let’s go. Let’s not make a scene here.”Wala nang nagawa si Lucinda, ipinasok niya sa kaniyang Hermes bag ang sirang alahas at tuluyang nagpahila kay Cassandra at sa Australian model.“Wait a minute, Miss Galwynn.” Malamig na tawag ni Aeverie sa babae, hindi hinayaan na makaalis ito.Humarang si Blue at ang ilang empleyado, para hindi tuluyang makaalis si Lucinda at ang mga kasama nito na halatang aligaga at tila pinapaso.“What else do you need?” Galit na tanong ng Australian model.“What else could it be?” Matalim na tanong pabalik ni Aeverie sa babae.“Just now, you have verbally humiliated our hotel employees in front of so many guests.
Hindi niya man gustong aminin, pero napansin niyang matalino si Aeverie sa pamamahala sa ganitong sitwasyon. She handled the incident decisively. She was calm and resourceful, domineering but graceful, and very much like a manager who’s ready for anything. Kumento ng isip ni Silvestre. Hindi na siya ang dati niyang asawa na palaging nakakulong sa isang maliit at masikip na lugar, mapagpatawad, at sunud-sunuran, mahiyain at takot na humarap sa mga tao. How could she have two different personalities all at the same time? Mapait na tanong ni Silvestre sa kaniyang sarili. “Okay, you said it, you will kneel down in front of me and ask an apology once na mapatunayan kong magnanakaw ang mga empleyado mo!” Nagtatagis ang bagang na sabi ni Lucinda. “I am the manager of the hotel and I should be responsible for my guests. Kung may nagawang mali ang isa sa mga empleyado ko, ako ang hihingi ng tawad at didipensa.” Sagot ni Aeverie saka ngumiti ngunit walang emosyon ang mga mata. “I found th
Nang mga oras na iyon, kapapasok lang ni Silvestre at Gino sa lobby.Nang makita ni Silvestre si Aeverie hindi niya maunawaan ang kaniyang nararamdaman. Bigla nalang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalo pa nang makitang naglakad ito palapit sa mga nagkakagulong tao.Hindi niya maalis ang tingin kay Aeverie, namamangha siya sa ganda nito. Tila nakalimutan na niyang kumurap dahil sa pagsunod ng tingin sa babae.“Grabe. Ang hirap paniwalaan na ganiyan pala talaga kaganda si Avi.” Naiiling na sabi ni Gino sa kaniyang tabi na sinusundan din ng tingin ang babae.“Wait. Isn't that Miss Lucinda Galwynn?” Napansin ni Gino si Lucinda kasama ang dalawang babae.“Manager?” Narinig nilang singhap ni Lucinda.“Oh, you are now a manager, Avi? That’s good for you.” Puno ng sarkasmong turan ni Lucinda at hinagod ng tingin si Aeverie.“I’m actually much more better than before.” Nagtaas ng kilay si Aeverie at sinukat din ng tingin ang babaeng Galwynn.“At least now, I could feel that I’m living in
Ang huling gumamit sa kanilang presidential suite ay si CK noong nakaraang dalawang taon. Nabalitaan niyang doon ginanap ang intimate birthday celebration nito. Sa bagay, sa sobrang yaman ng mga Huo ay hindi sila magdadalawang-isip na magwaldas ng daan-daang libong piso para sa isang kuwarto. “Hindi si CK.” Bigla’y sagot ni Blue. “Sino?” “Si Miss Cassandra Recto. She’s a daughter of a former ambassador in Kuwait. Kasama niya kagabi si Lucinda Galwynn at ang isa pang foreigner na babae.” Tumaas agad ang kilay ni Aeverie nang marinig ang pangalan ni Lucinda. “Really? Why would they check into such a big room?” “They’re having a party in the room last night. Fortunately, our hotel has good sound insulation, kaya hindi naging problema kagabi ang ingay nilang tatlo. I reviewed the CCTV this morning, nakita kong may pumasok na dalawang lalaki sa loob ng presidential suite nang bandang hatinggabi. Mga mukhang modelo. Nakakapagtaka lang na hatinggabi na sila pumunta at madaling araw pa
Ilang araw ang lumipas, mas lalong naging magagalitin si Silvestre at nawalan ng gana sa lahat ng bagay.Hindi niya ma-contact si Avi, o si Rafael Cuesta. Medyo frustrated na siya dahil sa maya’t mayang pagtawag ng kaniyang Abuelo at pangungulit nitong hanapin si Avi at iharap dito. Malapit nang mag-otsenta si Lucio Galwynn at mas lalo siyang nahihirapan na hindian ito, lalo pa’t alam niyang makikipag-away lamang sa kaniya ang matanda.“How about we report this to the police?” Wala sa sariling suhestyon ni Gino sa kaniya.“And why would we do that?” Sarkastiko niyang tanong sa sekretaryo.“Because, ah, legally she’s still your wife, since you haven't completed the divorce procedure yet, but her family is hiding her away from you? Maybe the police could help us with that.”“What?” Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Silvestre.“That’s the best idea you could come up with?” Matalim niyang tiningnan ang lalaki.“E, ano pa ba ang gagawin natin, Sir? Hindi natin mahanap si Avi, or Aeverie,
Nang sumunod na gabi, hindi inaasahan ni Aeverie na makikita niya si Rafael at Uriel pagkauwi niya galing sa trabaho. Kapwa madilim ang mukha ng dalawang kapatid nang maabutan niya sa sala. “Kuya Rafael? Kailan ka pa?” Nagtataka niyang tanong nang makabawi sa pagkabigla. Akala niya ay bukas pa ito ng umaga dadating. Tumayo si Rafael at hinintay siyang makalapit. Medyo nagdalawang-isip pa siya, pero lumapit pa rin at hinalikan ang pisngi nito. “How’s your business trip?” Tanong niya, pilit pinapagaan ang mabigat na atmospera sa sala. “I learned about what happened at the auction from Mom.” Ani Rafael sa seryosong tinig. Bumaba ang tingin ni Rafael at Uriel sa nakabenda niya pa rin na kamay. Nagtagis ang bagang ng panganay nilang kapatid. Nagtagal ang tingin ni Rafael sa kaniyang kamay na pilit naman niyang itinago. Naisip agad ni Rafael na hindi sana magkakaganito si Aeve kung hindi niya hiniling na ito ang pumunta sa auction para sa kaniya. Hindi sana ito nasaktan. “How is your
Nagawang pakalmahin ni Silvestre si Amanda sa pamamagitan ng pagsabing maaari pa naman bumisita si Avi sa kanilang tahanan.Inalalayan niya pabalik si Amanda sa mansyon, ngunit tumigil din siya sa paglalakad nang makatanggap siya ng tawag mula sa isang numero. Nang makita niya ang naka-register na pangalan ay nagbuntong-hininga na lamang siya.Anong oras na? Bakit gising pa si Abuelo? Tanong niya sa sarili.Natanaw niya si Manang Petrina na puno ng pag-aalala ang mukha habang naghihintay sa may hagdan.“Nanang, dalhin niyo sa kuwarto si Amanda. Marumi na rin ang damit niya dahil sa dalang stuffed toy. Help her.”“S-sige, Silver.”Hinawakan ni Manang Petrina ang braso ni Amanda para dalhin ito sa taas. Samantalang sinagot naman ni Silvestre ang tawag ng kaniyang Abuelo.“Abue—”“Why I can’t contact Avi again? What did you do to her?” Galit nitong tanong, hindi na siya pinatapos.Habang tumatanda si Lucio Galwynn, bumabalik naman ito sa pagkabata. Madalas na itong magtantrums, dahilan p
Hindi na hinintay ni Amanda na tulungan siya ng mga katulong na kunin ang malaking teddy bear na itinapon ni Lucinda. Dali-dali siyang lumayo kay Manang Petrina at tumakbo palabas ng mansyon para kunin sa likod ang nahulog na stuffed toy. Mabilis na sumunod si Manang Petrina, natatakot na baka nasa labas si Lucinda at makita na naman nito si Amanda. Ngunit pagkababa sa hagdan, nakita niyang nasa may pinto si Silvestre, sinusundan ng tingin ang tumatakbong si Amanda. “What happened, Nanang?” Tanong ni Silvestre, nakakunot ang noo. Napalunok siya. Alam niyang kapag magsumbong siya kay Silvestre sa nangyari ay magagalit ito ng husto kay Lucinda, malaking gulo na naman. Alam pa naman niya na mas malapit si Amanda kay Silvestre kumpara sa ibang anak ni Fatima. “Ah, si Anda…” hindi niya alam kung paano ipapaliwanag. “Bakit tumatakbo si Amanda? Saan pupunta ‘yong bata?” Tanong nito. “Kukunin ‘yong stuffed toy na nahulog.” Tanging nasagot ni Manang Petrina. Mas lalong nagsalubo
Samantalang sa mansyon ng mga Galwynn, mas lalong pinag-initan ni Lucinda ang kaniyang kapatid dahil sa pagtatanggol nito kay Avi. Nasa ospital pa rin si Fatima kasama si Arsen at Arabella, si Bernard ay may business trip, si Silvestre ay nasa labas pa kaya si Lucinda at Amanda lamang ang nasa bahay. Tahimik na sinusuklay ni Amanda ang kaniyang buhok, matutulog na dapat siya nang marinig ang katok mula sa kaniyang pinto. Kumunot ang kaniyang noo. Madalas ang mga katulong lamang ang bumibisita sa kaniyang kuwarto, minsan ay para dalhan siya ng mainit na gatas. Baka si Manang Petrina. Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa pinto. Binuksan niya iyon ng may ngiti sa kaniyang labi, pero agad iyon naglaho nang makita si Lucinda. “Ate—” “You little b*tch! Have you been bribed by that promdi girl? Are you someone she sent to spy on us?!” Naamoy ni Amanda ang alak sa hininga ni Lucinda. Napaatras siya, agad na kinabahan. “Kagayang-kagaya ka ni Avi! Kunwari ay isang santa pero m