Lumipas ang mga araw at linggo na wala na ulit naging problema at hidwaan sina Krissy at Calex. At wala ng mas sasaya pa sa nararamdaman ngayon ni Krissy lalo pa't ramdam niya na ang unti-unting pagtanggap ni Calex sa kanya at sa kanilang baby sa kanyang sinapupunan.Hindi siya makapaniwalang unti-unti ng natutupad ang isa sa kanyang mga kahilingan. Kulang nalang talaga ay ang opisyal na isasapubliko ng lalaki ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Hinihintay niya lang kasi ang hudyat ni Calex pagkat sa kanilang dalawa, ito ang nagdedesisyon. At sana mangyari na iyon, bago tuluyang lumubo ang kanyang tiyan.Dapit hapon na at kasalukuyang nagmumuni-muni si Krissy sa labas ng kanyang kwarto nang makatanggap siya ng tawag.Nakaramdam siya ng kaba nang magpop-up sa screen ang pangalan ng katiwala ng orphanage. Ang bilin niya kasi sa ginang ay tawagan siya kung may problema sa orphanage kaya niya ito binigyan ng kanyang contact number.Huminga muna ng malalim si Krissy bago sinagot ang
WARNING: SPG ALERT! THIS CHAPTER INCLUDES SEXUAL LANGUAGES AND EXPLICIT CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE AUDIENCES. PLEASE BE GUIDED.Katatapos lang ni Krissy sa kanyang half bath. Nagbihis siya at nagsuklay ng kanyang buhok bago naisipang humiga na sa kama. Simula ng lumipat si Calex ng kwarto ay sa kama na siya natutulog at hindi na sa couch. Kailangan niyang matulog ng maaga para makapag-ipon ng lakas sa malayong biyahe bukas.Tanging dim light na lamang ang pinailaw niya para magbigay liwanag sa kanyang kwarto. Ipinikit niya na sana ang kanyang mga mata nang tumunog ang doorbell ng kanyang kwarto.Nagtataka siyang bumangon at tiningnan ang orasan na nasa bedside table."Alas nuebe na ng gabi ah. Sino naman kaya 'to." Nagtatakang usal niya sa sarili bago humakbang papalapit sa pintuan.At gayun na lamang ang paglukso ng puso niya nang mabuksan ang pintuan at makita ang nakatayong si Calex. Seryoso ang mukha ng lalaki na medyo namumula pa habang nakahalukipkip an
Nagising si Calex gawa ng sinag ng araw na tumama sa bintana ng kwarto. He's naked at tanging kumot lamang ang nakatakip sa kanyang hubad na katawan.Nag-unat siya ng kamay at dahan-dahang bumangon nang marealize niyang nag-iisa na lang pala siya sa kama."Fuck! Where is she? Umalis na ba siya? Bakit hindi niya man lang ako ginising!" Natatarantang usal niya sa sarili nang mapagtantong wala na si Krissy sa kwarto.Agad siyang tumayo at isinuot ang kanyang Tshirt at shorts na ngayon ay maayos na nakalagay na sa ibabaw ng table. Mukhang si Krissy na rin ang nagligpit nito. Sakto namang patapos na siya sa pagbibihis nang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon si Krissy na may dalang tray ng pagkain."Goodmorning. Breakfast in bed?" Nakangiting bati nito kay Calex. Bagong ligo at napakafresh ng awra ng babae kaya mas lalong lumantad ang maamo at napakagandang mukha nito na walang anumang bahid ng kolorete sa mukha.Nakaramdam naman ng ginhawa si Calex nang makita si Krissy. Ewan ba niya ngun
Gumanti naman ng mapusok na halik si Calex. Napayakap na rin ng tuluyan si Calex sa katawan ni Krissy habang nagsimula ng maglakbay ang isa niyang kamay sa dibdib ng babae.Kapwa dalang-dala ang dalawa sa kanilang nag-aalab na emosyon while french kissing.Ngunit bigla na lamang silang natigil dahil sa katok na nagmumula sa labas ng windshield ng sasakyan ni Calex. "Fuck!" Dismayadong usal ni Calex. Muntik na niyang makalimutan na wala sila sa tamang lugar para paligayahin ang sarili. At kung hindi pa dahil sa katok na ito ay baka tuluyan na silang nakalimot at nadala sa init ng kanilang katawan.Kapwa hingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Agad namang inayos ni Krissy ang sarili at bahagya pang nasuklay ang magulong buhok. Ganoon rin si Calex bago binuksan ang bintana ng sasakyan para makausap ang taong kumatok, na napag-alaman niyang guard ayon na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga po sir. Pasensiya na po. Ipinagbabawal po kasi ang pagpapark dito." Magalang na tu
"Kuya, dad uhmm" Kinakabahang sambit ni Calex habang kausap sa monitor ng computer ang kanyang ama at kuya Brandon. Kasalukuyan siyang nasa opisina at nakikipag video chat sa mga ito.Nang makasama niya si Krissy noong isang araw sa orphanage ay tuluyan niya ng napagdesisyunan na sabihin sa mga ito ang totoong estado nila ng babae. Sa totoo lang, gusto niya talaga sanang magpaliwanag sa personal para mas pormal lalo pa't si Krissy at ang kanyang kuya ay may nakaraan. Kaso lang, matatagalan pa ang balik ng mag-asawang Brandon at Meghan at ng kanyang daddy rito sa Pilipinas. At dahil ayaw niya ng mag-aksaya pa ng oras lalo pa't nagkaayos na rin naman sila ni Krissy ay ipagtatapat niya na lang ang lahat sa mga ito."Bro? Is everything okay? May problema ba?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Brandon. Gayun rin ang kanyang daddy na kanina pa naghihintay ng kanyang sasabihin."I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa inyo ni daddy ang tungkol dito." Kinakahabang usal ni Calex."What do you m
Sa loob ng halos isang buwan ay naging maayos ang pagsasama nina Calex at Krissy. Wala ng mahihiling pa ang babae sa kasiyahan na kanyang nararamdaman. Ganoon rin si Calex na todo asikaso sa kanyang asawa. Lagi na rin siyang kasama sa prenatal check-ups ng babae. Limang buwan na ang tiyan ni Krissy at mahahalata na ang umbok nito.Magkasama na silang kumakain. At kahit magkaiba man ng kwartong hinihigaan ay tumatabi si Calex sa kanya sa pagtulog at halos gabi-gabi silang nagsasalo sa init ng kanilang mga katawan. At kapag hindi busy ang araw ni Calex ay lagi niyang inuubos ang oras na kasama si Krissy. Kaya naman hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat ng staff ng La Paraiso ang totoong estado ng relasyon nilang dalawa. Dismayado pa ang ibang mga babaeng staff na may crush kay Calex dahil may asawa na pala ang lalaki. Gayun rin ang mga lalaking lihim na humahanga sa taglay na ganda ni Krissy. Ngunit magkagayunpaman, supportive ang mga ito sa mag-asawa, lalong lalo na si Manang Rosa
Mabilis na tinakbo ni Calex ang kahabaan ng exit para mahabol lang si Trisha Venice. Sinisigurado niyang hindi mawawala ang babae sa kanyang paningin. Labis ang pagwawala ng kanyang puso habang binibilisan ang kanyang naging kilos.Buti na lamang at nagtungo ito kasama ang isang babae papuntang parking lot.Agad ding sumakay si Calex sa kanyang sasakyan at mabilis na sinundan ang kotseng papaalis na sinasakyan ni Venice. Nawala na ng tuluyan sa isip niya ang naghihintay na si Krissy dahil walang ibang nais gawin ngayon si Calex kundi ang mahabol at makausap si Trisha Venice. Hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon na muli itong makausap at marinig mismo sa babae ang paliwanag nito. Ilang buwan na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay blangko pa rin sa isip ni Calex ang lahat. Na wala pa rin siyang ni isang sagot kung bakit siya biglang iniwan na lamang ng babae sa ere.Gusto niyang maliwanagan sa lahat. Minahal niya ang babae at hindi basta laro lang sa kanya ang naging r
"Takot na takot ako Calex kaya hindi mo ako masisisi. Sinira niya tayo. Ang sabi niya sa akin noon ay gusto niyang maghiganti sayo. Na kung hindi siya sasaya ay hindi ka rin niya hahayaang sumaya. Yung babaeng yun ang humadlang sa pagmamahalan natin Calex. Kaya sana may magawa ka para ipaghiganti ang nabigo nating relasyon. Ipaghiganti mo ako at ang pamilya kong tinakot niya! Walang kasing sama ang babaeng yun!" Mahabang salaysay ng lumuluhang si Venice habang nakahaplos sa blangkong ekpresyon ng mukha ni Calex. Ramdam ni Calex kung anong pinagdaanang hirap ni Venice noong mga panahong iyon. Si Venice na kilala niyang napakabuting babae ay nagawang pagbantaan ni Krissy para lang maisakatuparan ang masamang balak nito!Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang dibdib ni Calex. Buong buhay niya ngayon lamang siya nasaktan ng ganito. Sakit na hindi niya maipaliwanag. He felt betrayed at sa babae pang sinisimulan niya ng mahalin at pagkatiwalaan. Sa babaebg akala niya ay tuluyan ng na
Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar
"Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan
Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz
Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz
Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz
Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?
"Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal
"So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana
"Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi