Share

Kabanata 67

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sa loob ng halos isang buwan ay naging maayos ang pagsasama nina Calex at Krissy. Wala ng mahihiling pa ang babae sa kasiyahan na kanyang nararamdaman. Ganoon rin si Calex na todo asikaso sa kanyang asawa. Lagi na rin siyang kasama sa prenatal check-ups ng babae. Limang buwan na ang tiyan ni Krissy at mahahalata na ang umbok nito.

Magkasama na silang kumakain. At kahit magkaiba man ng kwartong hinihigaan ay tumatabi si Calex sa kanya sa pagtulog at halos gabi-gabi silang nagsasalo sa init ng kanilang mga katawan. At kapag hindi busy ang araw ni Calex ay lagi niyang inuubos ang oras na kasama si Krissy.

Kaya naman hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat ng staff ng La Paraiso ang totoong estado ng relasyon nilang dalawa. Dismayado pa ang ibang mga babaeng staff na may crush kay Calex dahil may asawa na pala ang lalaki. Gayun rin ang mga lalaking lihim na humahanga sa taglay na ganda ni Krissy.

Ngunit magkagayunpaman, supportive ang mga ito sa mag-asawa, lalong lalo na si Manang Rosa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
reader
Sabi na eh. d matutuloy hahahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Covetous Wife   Kabanata 68

    Mabilis na tinakbo ni Calex ang kahabaan ng exit para mahabol lang si Trisha Venice. Sinisigurado niyang hindi mawawala ang babae sa kanyang paningin. Labis ang pagwawala ng kanyang puso habang binibilisan ang kanyang naging kilos.Buti na lamang at nagtungo ito kasama ang isang babae papuntang parking lot.Agad ding sumakay si Calex sa kanyang sasakyan at mabilis na sinundan ang kotseng papaalis na sinasakyan ni Venice. Nawala na ng tuluyan sa isip niya ang naghihintay na si Krissy dahil walang ibang nais gawin ngayon si Calex kundi ang mahabol at makausap si Trisha Venice. Hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon na muli itong makausap at marinig mismo sa babae ang paliwanag nito. Ilang buwan na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay blangko pa rin sa isip ni Calex ang lahat. Na wala pa rin siyang ni isang sagot kung bakit siya biglang iniwan na lamang ng babae sa ere.Gusto niyang maliwanagan sa lahat. Minahal niya ang babae at hindi basta laro lang sa kanya ang naging r

  • His Covetous Wife   Kabanata 69

    "Takot na takot ako Calex kaya hindi mo ako masisisi. Sinira niya tayo. Ang sabi niya sa akin noon ay gusto niyang maghiganti sayo. Na kung hindi siya sasaya ay hindi ka rin niya hahayaang sumaya. Yung babaeng yun ang humadlang sa pagmamahalan natin Calex. Kaya sana may magawa ka para ipaghiganti ang nabigo nating relasyon. Ipaghiganti mo ako at ang pamilya kong tinakot niya! Walang kasing sama ang babaeng yun!" Mahabang salaysay ng lumuluhang si Venice habang nakahaplos sa blangkong ekpresyon ng mukha ni Calex. Ramdam ni Calex kung anong pinagdaanang hirap ni Venice noong mga panahong iyon. Si Venice na kilala niyang napakabuting babae ay nagawang pagbantaan ni Krissy para lang maisakatuparan ang masamang balak nito!Parang tinutusok ng ilang libong karayom ang dibdib ni Calex. Buong buhay niya ngayon lamang siya nasaktan ng ganito. Sakit na hindi niya maipaliwanag. He felt betrayed at sa babae pang sinisimulan niya ng mahalin at pagkatiwalaan. Sa babaebg akala niya ay tuluyan ng na

  • His Covetous Wife   Kabanata 70

    Ilang oras lang ata ang naitulog ni Krissy dahil sa labis na pag-iisip at pag-aalala kay Calex. Hindi niya mabilang kung nakailang balik siya sa kwarto ng lalaki kagabi, umaasang umuwi na ito. Ngunit inabot nalang siya ng madaling araw sa pag-aabang ay wala pa rin ito.Magang-maga na ang kanyang mga mata. At para siyang may sakit sa nararamdamang panghihina ng kanyang katawan ngunit pinilit niya pa ring makabangon para muling puntahan ang kwarto ni Calex at echeck kung nakabalik na ba ito.Tiningnan niya ang oras at napagtantong mag-aalas otso na pala ng umaga. Matamlay man ang kanyang katawan ay hindi niya ito ininda at tuloy tuloy siyang bumangon. Wala siyang ibang nasa isip ngayon kundi ang kanyang asawa.Pagkatapos niyang magpalit ng suot at magpunas ng mukha ay agad din siyang lumabas ng kwarto. Dumiritso na siya patungo sa kwarto ni Calex.Naglalakad siya at papalapit na sana sa pintuan ng lalaki nang bigla siyang natigilan. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng sa

  • His Covetous Wife   Kabanata 71

    Halos hindi maihakbang ni Calex ang kanyang mga paa habang pinapakinggan ang sinasabing ito ni Krissy. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa pagtatapat nito. Ngunit paano siya magbubunyi gayung sinira nito ang naunang relasyon niya? Ang relasyon niya sa babaeng kaytagal niyang hinangaan at pinangarap? At kung hindi pa niya aksidenteng nakita si Venice ay mababaon sa limot ang lahat!Si Krissy mismo ang sumira sa tiwalang ibinigay niya rito!"Mahal na mahal kita Calex! Damn! Mahal na mahal kita!" Hagulhol ni Krissy habang sinasabi ang katagang ito ng paulit-ulit.Hindi alam ni Calex kung totoo ba ito o pagpapanggap lamang. At kahit gusto man ng puso niya ang naririnig ay hindi naman mababago ang katotohanan na selfish ito at kayang manira ng tao para sa sariling kapakanan. Gusto niyang ipamukha kay Krissy sa huling pagkakataon na hindi na siya kailanman madadala sa mapanlinlang na kilos at salita nito."You love me? Sorry but I am fucking hate you! At kahit kailan hindi ko magagawa

  • His Covetous Wife   Kabanata 72

    Buong araw lang nakahilata si Krissy sa kanyang kwarto. Pati sa pagkain ay hirap na hirap siyang makalunok. She's completely stress and depress at ang mas masakit ay walang pakialam sa kanya si Calex knowing na nasa resort lang din ito.Kung tutuusin gusto na sana ng lalaki na noon pa siya umalis sa resort na ito. Kaso sadyang hinihintay lang nila ang abogadong mag-aasikaso ng papeles para sa kanilang magiging anak. May ibang importanteng kliyente pa raw kasi ang nauna kaya kinailangang maghintay ni Calex ng ilang araw.Paulit-ulit siyang nasasaktan sa tuwing naiisip kung gaano na kagusto ni Calex na lisanin niya ang lugar. Na kung umasta ito ay para silang walang pinagsamahan at pinagsaluhan.Kayang kaya naman sana magprovide ni Krissy ng personal na abogadong mag-aasikaso ngunit hinayaan na lamang niya si Calex ,total ito naman ang nagdesisyon so hindi niya ito papakialaman. Pero ang itinatak niya sa kanyang isipan ay hinding hindi niya pipirmahan ang ihahain nitong annulment. Magka

  • His Covetous Wife   Kabanata 73

    "Bro, what happened? Nabalitaan namin ang nangyari. Akala namin maayos na kayo ni Krissy. Last week lang masaya mong binahagi sa amin ni dad ang tungkol sa proposal mo. Why everything happened so fast?" Sunod-sunod na tanong ni Brandon kay Calex via phonecall. Siya na ang kusang tumawag kay Calex nang mabalitaan nila ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa.Ganoon kabilis kumalat ang balita. Na kahit nasa US sila ay agad nilang nalaman ang tungkol sa malaking issue na ito.Hindi man nakikita ni Calex ang reaksyon ng mukha ni Brandon ay ramdam niya ang labis na kalituhan at pagtataka sa hitsura ng kanyang kuya.Huminga siya ng malalim bago nagpaliwanag. Kailangan niyang sabihin dito ang tungkol sa natuklasan niyang kawalangyaan ni Krissy."Kuya, Just last time nung mag-mall kami ni Krissy, aksidente kong nakita si Venice. Sinundan ko siya coz I really wanted to hear her explanations. And then luckily naabutan ko siya. We talked and she told me na tinakot at binayaran siya ni Krissy para lay

  • His Covetous Wife   Kabanata 74

    "So, you're the husband of the patient?" Bungad na tanong ng doktor kay Calex. Ngunit hindi na hinayaan ni Brenda na magsalita pa ang lalaki. Sa nararamdaman niyang galit rito ay umapela siya agad sa usapan."Ex-husband po siya doc. I'm the patient's cousin so sa akin niyo na po sabihin." Buong loob na saad ni Brenda sabay irap kay Calex. Hindi niya alam kung saan kumuha ng kakapalan ng mukha ang lalaki para pumunta pa rito at umaaktong concern gayung ito ang nagpapahirap sa damdamin ni Krissy. Tumikhim naman ang doktor dahil sa napapansin nitong tensyon na namagitan sa dalawa."Anyway, thanks God coz the patient and her baby inside her are safe now. Ilang minuto din namin siyang nirevived and luckily nagresponse na siya. But she needs to stay here for further observations. Pwede na kayong pumasok sa room to check on her." Paliwanag ng doktor. Parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Brenda. Napakuros pa siya sa labis na pasasalamat. Samantala, nakahinga rin ng maluwag si C

  • His Covetous Wife   Kabanata 75

    "Isang buwan" Paulit-ulit na tumatatak sa isip ni Krissy ang palugit na binigay sa kanya ni Calex. Isang buwan na lamang siyang magiging Mrs. Vargas. Isang buwan niyang pag-iisipan ang pagpirma sa annulment na inihain ni Calex. Kung hindi lang sana siya ipinagtabuyan ng lalaki ay gagamitin niya ang isang buwan na iyon para suyuin ito.Ngunit kakalabas pa lamang nila ng hospital ni Brenda ay sinalubong na agad sila ng staff ng La Paraiso. Dala ang mensahe na pinapaalis na sila ni Calex ngayon din mismo.Kasama si Brenda ay kasalukuyang iniimpake ni Krissy ang kanyang mga dalang gamit. Napakasakit sa parte niya na kakalabas pa lamang nila ng ospital ngunit agaran din silang pinapaalis ng lalaki. Ni hindi man lang nito kinumusta ang kalagayan niya. Ni hindi man lang siya hinayaang makapagpahinga muna bago bumiyahe ng mahabang oras. Wala na ring nangyaring settlement dahil sa naging hiling ni Krissy kay Calex noong nag-usap sila sa ospital. Na hindi na nila kailangang magharap pa dahil

Latest chapter

  • His Covetous Wife   Kabanata 106 (WAKAS)

    Makalipas ang isang buwan.Humahagulhol na nakaharap si Krissy sa isang lapida. Alam niyang huli na para magpatawad ngunit alang alang sa ikapapanatag ng loob niya ay ibibigay niya ito sa babaeng nagdulot ng labis na hinanakit sa kanya."Kung naririnig mo ako ngayon mom. Pinapatawad ko na po kayo. Sana mapatawad niyo rin po ako." Madamdaming usal ni Krissy. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lamang niya nabisita ang puntod ng kanyang mommy.Lumapit sa kanya si Calex at buong puso siyang niyakap. Tahimik lang ang lalaki bilang respeto sa nagdadalamhating puso ng asawa.At nang matapos si Krissy ay niyakag na rin niya ang babae pauwi."Tara na love, baby CK is waiting for us." Malambing na turan ni Calex."Pwede bang samahan mo ako bukas para dalawin sa kulungan ang kapatid ko love?" Pakiusap ni Krissy sa asawa. Mailap pa si Eliz sa kanya kaya niya sinasanay ang babae sa lagi niyang pagdalaw. Nagbabakasakaling balang araw ay magkaroon din sila ng pagkakaunawaan despite sa mga nangyar

  • His Covetous Wife   Kabanata 105

    "Sino ka ba at anong naging kasalan ko sayo para gawin mo ang kahayupang ito!?" Sigaw ni Krissy sa nakahalukipkip na babae sa kanyang harapan. Maganda ito at may balingkinitang katawan. She looks harmless ngunit nakatago pala ang sungay nito.Hindi paman nito sinasabi ang pangalan ay malakas ang kutob niyang ito ang babaeng tinutukoy ni Philip na si Eliz.Nang mahuli siya ng babae kanina ay agad siyang dinala sa isang tagong kwarto. Ginapos ang kanyang buong katawan habang nakaupo siya sa isang upuan."Well, hindi mo talaga ako makikilala dahil never mo namang naisipan na kilalanin ako! Ni minsan hindi mo naisip na nag-eexist ang isang tulad ko Krissy Parker!" Bulyaw ng babae. Puno ng hinanakit ang bawat katagang binitawan nito.Talagang kahit anong isipin ni Krissy ay hindi niya maalala na nagkrus ang landas nila ng babae."Oh shit! I don't even know you at wala akong maalala na nasaktan kita. For goddamn sake ngayon pa lamang tayo nagkita kaya hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan

  • His Covetous Wife   Kabanata 104

    Mabilis na naasikaso ni Calex ang lahat kaya't agad rin silang nakalipad pauwi ng Pilipinas.Si Brenda na ang dumiritso sa mansyon para dalhin ang kanilang mga gamit dahil agad na nakipagkita sina Calex at Krissy kay Philip sa isang exclusive restaurant. Kaligtasan ng kanilang anak ang nakasalalay rito kaya bawat segundo ay mahalaga.Sakto namang pagdating nila ay naghihintay na si Philip sa table number na binanggit nito.Agad na umorder si Krissy ng pagkain para sa kanilang tatlo."Philip, gusto kong malaman kung bakit malakas ang hinala mong si Ms. Eliz Teng ang nagpakidnap sa anak namin." Bukas ni Calex sa paksa.Si Krissy naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang lalaki."Gusto kong sabihin sa inyo lahat ng nalalaman ko. Sabihin nalang natin na gusto kong bumawi sa kasalanan ko kay Brenda. I love her so much kaya mahalaga na rin sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay niya." Salaysay ni Philip."What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Krissy."Isa ako sa binayaran ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 103

    Nagbubunyi ngayon si Eliz habang karga karga ang sanggol ng isa sa kanyang mga katulong."Kuwawang bata, nadamay pa sa kawalangyaan ng mommy niya. Kung sana kinilala ako ng mommy mo, hindi ako maghihiganti ng ganito." Usal ng babae habang nakatitig sa napakagwapong sanggol na mahimbing na natutulog.Sa wakas ay napagtagumpayan din ni Wesley ang kanilang plano.Lumapit si Wesley at niyakap nito si Eliz sa beywang sabay halik sa leeg ng babae."Are you happy now my baby?" Masayang usal ni Wesley. Matupad lang niya ang kagustuhan ng babaeng minamahal ay sobra na siyang kontento.Humarap si Eliz sa lalaki at sinagot ito ng isang mapusok na halik sa mga labi. "Sobra mo akong pinasaya babe! Kaya ngayon may premyo ka sa'kin." Bulalas ng babae matapos maghiwalay ang kanilang mga labi.Inakay niya si Wesley patungo sa kwarto at doon isinagawa niya ang premyong ibinigay para sa lalaki. At yun ay ang muling ipaubaya ang sarili sa lalaki."Sayong- sayo ako ngayon babe!" Mapanuksong usal ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 102

    Nagdaan ang mga araw na puro saya na lamang ang nararamdam nina Krissy at Calex sa kanilang mga puso. Ang kulang nalang talaga ay si baby CK. At araw nalang din ang kanilang bibilangin para tuluyan nila itong makasama at magiging buo na rin sila.Samantala, sa kabilang dako naman ay abalang abala si Wesley sa kilos na gagawin ng mga utusan niya. Ngayong araw nakatakda nilang gawin ang nakasaad na plano ni Eliz.Nakakabit ang malilit na hearing aid sa kani-kanilang tainga para sa maayos na komunikasyon at monitoring sa kilos ng bawat isa.Kasalukuyang nasa tinutuluyang apartment si Wesley dahil dito nila plinano ang mga hakbang na gagawin nila.At nang matapos ang kanilang pagpupulong ay pinaalis na rin ni Wesley ang kanyang mga utusan. Kailangang makapwesto na ang mga ito para hindi pumapalpak pagdating ng oras.Nakahanda na rin ang private airplane na gagamitin niya sa pagtakas dala ang sanggol.Yun talaga ang pinakaplano ni Eliz, kunin ang anak ni Krissy at ilayo ito! Alam ni Eliz

  • His Covetous Wife   Kabanata 101

    Nagkakatuwaan sa pag-uusap sina Calex, Krissy at Brenda nang maabutan nina Jaxon at Aries sa loob."Wow ang saya ah! May party ba?" Bungad ni Jaxon habang nakahawak sa braso ni Aries.Nagagalak na binati ang dalawa nina Krissy at Calex. Samantalang si Brenda ay hindi maialis ang mga mata nito sa nakapulot na kamay ni Jaxon.Bakas ang gulat sa echuserang tingin nito. Wala naman kasing itong alam tungkol sa tunay na pagkatao ni Jaxon."Ui teka Jaxon, ano yan?" Di mapigilang puna ni Brenda sabay turo nito sa kamay ni Jaxon na nakapulupot sa braso ni Aries.Napahalakhak naman si Jaxon. Ramdam niya kasing hindi makapaniwala si Brenda sa nakikita nito."Bakit bawal bang maglambing sa BOYFRIEND ko?" Confident na sagot ni Jaxon na talagang diniinan pa ang salitang boyfriend. Ngayong nagkaaminan na sila ni Aries ay wala ng makakapigil pa sa pagmamahalan nila. Malaya na nilang ipangalandakan sa ibang tao at sa buong mundo kung ano talaga sila at never nilang ikakahiya ito."What!?? Boyfriend!?

  • His Covetous Wife   Kabanata 100

    "Kristela mahal na mahal kita, sana naman wag ka ng gumawa ng dahilan para ipagtabuyan pa ako sa buhay mo." Nagsusumamong pakiusap ni Calex."Sa tingin mo ba ganoon lang kadaling hayaan kang makabalik sa buhay ko? Sa buhay namin ng anak ko? Sobra mo akong sinaktan Calex! At hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan ulit." Nasasaktang tugon ni Krissy."Kulang pa ba itong ginagawa ko para mapatawad mo ako? Dahil kung oo, hindi ako magsasawang suyuin ka oras-oras hanggang sa bigyan mo ulit ako ng chance." Emosyonal at buong pusong salaysay ni Calex. Kulang nalang umiyak ang lalaki sa harapan niya.Umiling si Krissy, senyales na labis pang naguguluhan ang kanyang isip."Hindi ko pa alam Calex. Bigyan mo muna ako ng panahong makapag-isip ng maayos. Just leave!" Ma-autoridad na tugon ni Krissy sabay hawak sa sumasakit niyang sintido. Nagtatalo kasi ang isip at puso niya"Aalis ako ngayon at bibigyan kita ng panahong makapag-isip ng maayos. Pero bago ko gagawin yun, gusto ko munang mal

  • His Covetous Wife   Kabanata 99

    "So what do you want to eat for dinner girls? Sagot ko na. Celebration man lang natin dahil malapit ng makalabas si baby sa NICU." Masayang turan ni Wesley. Abot tainga naman ang ngiti ni Krissy nang kumpirmahin ito ng doktor kanina. Isang linggo nalang ang hihintayin niya at sa wakas ay makakalabas na ng NICU ang kanyang anak. At kapag nangyari yun, makakauwi na rin sila ng Pilipinas matapos ang mahigit dalawang buwan na pamamalagi nila rito."Anything you want. Kayo na ni Brenda ang bahala." Tugon ni Krissy."Naku! Kung wala lang tayo sa ospital hindi lang pagkain ang oorderin ko eh. Tiyak pati inuman din. Magwawalwal ako kasi finally, makakasama ko na rin ang baby Philip ko. Miss na miss ko na kasi talaga siya." Ani Brenda na hindi napigilan ang kilig na nararamdaman, na kinurap-kurap pa nito ang mga mata na parang nagday-dreaming.Napailing na lamang si Krissy. Iba talaga ang tama ng babae sa nobyo nito."Drama mo Bren ha!" Nakangising turan ni Wesley."Bakit? Hindi mo ba narana

  • His Covetous Wife   Kabanata 98

    "Well, seems like mukhang malabo na magkaayos ang dalawa babe." Balita ng nobyo ni Eliz sa kabilang linya. Na walang ibang tinutukoy kundi ang mag-asawang Calex at Krissy."Magandang balita yan babe. Sana tuluyan ng magkahiwalay ang dalawang iyan." Natutuwang usal ni Eliz. Ikakatuwa niya kasi talagang makita na nahihirapan at nasasaktan si Krissy."Hayaan mo babe, susulsulan ko pa si Krissy para mas lamunin ng galit." Nakabungisngis na pahayag ng lalaki. Mabuti na lang at kasundong kasundo ni Eliz ang kanyang kasintahan, na nasasakyan nito lahat ng masamang plano niya. Actually, nahawa na ang lalaki sa budhing meron siya. Dahil sa nakwento niyang hirap na kanyang pinagdaanan magmula paslit pa lamang siya ay wala na ring ibang hangad ang lalaki kundi ang samahan siyang makamit ang paghihiganting nais ng kanyang puso."Go on babe, that's right! Ikaw nalang talaga ang maasahan ko diyan. Anyway, sa bata anong balita?" Segundang tanong ni Eliz. Hindi na siya makapaghintay, pati araw ay bi

DMCA.com Protection Status