Stay tuned for more updates!
Sebastian Alcantara's POV Kinabukasan, bumangon ako nang maaga, tulad ng nakasanayan. Ang sikat ng araw ay bahagyang sumisilip sa malalaking bintana ng suite, pinupuno ang buong silid ng banayad na liwanag. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang bigat ng tensyon sa hangin—isang malamig at hindi nakikitang harang sa pagitan namin ni Cassandra. Mula sa kusina, naririnig ko ang mahihinang tunog ng porselana at kubyertos. Nandoon siya. Habang nag-aayos ako ng manggas ng aking damit, pinakinggan ko ang kilos niya. Ilang saglit pa, lumabas ako sa kwarto at nakita siyang nakaupo sa dining table, nakatingin sa harap niya habang iniikot ang kutsarita sa loob ng tasa ng kape. Wala siyang imik. Ni hindi niya ako tiningnan nang dumaan ako. Hindi ko rin naman siya pinansin. Naglakad ako papunta sa coffee machine at nagbuhos ng sarili kong inumin. Sa bawat segundo ng katahimikan, parang lumalawak ang distansya sa pagitan namin. Pero ganoon naman dapat, hindi ba? Hindi na niya ako aasahan.
Cassandra Dela Vega's POV Alak. Siguro ito lang ang tanging bagay na kayang patahimikin ang isip ko ngayong gabi. Napagod na akong isipin ang mga bagay na wala naman talagang kasagutan. Napagod na akong habulin ang isang lalaking paulit-ulit akong tinutulak palayo. At higit sa lahat, napagod na akong maramdaman na parang wala akong halaga sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa isa sa pinakamahal na bar sa buong siyudad, iniinom ang pangatlo—o pang-apat?—na baso ng tequila. Hindi ko na rin maalala. Hindi ko alam kung anong dumapo sa akin at bigla na lang akong nagdesisyong lumabas ngayong gabi. Hindi naman ako mahilig uminom nang mag-isa, pero ramdam kong ito lang ang tanging paraan para makalimot, kahit sandali lang. Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang paligid. Mga high-end na negosyante, socialites, at ilang mayayamang foreigner ang nasa loob ng bar. Lahat sila ay mukhang abala sa kani-kanilang mundo—mga mundong malayo sa sakit na dala-dala ko ngayon. Napangiti ako ng
Cassandra Dela Vega's POV Paglabas ko ng bar, sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng gabi. Niyakap ako ng dilim, tila gustong sipsipin ang lahat ng emosyon sa katawan ko.Napabuntong-hininga ako habang pinipilit linawin ang isipan kong unti-unting bumibigat dahil sa alak. Ayoko pang umuwi. Ayoko pang bumalik sa kwartong iyon kung saan naroon si Sebastian—kung saan paulit-ulit kong mararamdaman ang kawalan niya, kahit siya mismo ang nasa harapan ko.Malamig. Masyado nang malamig ang lahat.Ngunit bago pa ako tuluyang makalakad palayo, isang pamilyar na boses ang pumukaw sa atensyon ko."Cassandra?"Napahinto ako.Dahan-dahan akong lumingon, at sa ilalim ng malambot na ilaw ng mga poste sa sidewalk, doon ko siya nakita—si Lucas Montenegro.Halos limang taon na ang nakalipas mula noong huli ko siyang nakita sa Paris. Noong panahong iyon, isa siya sa mga lalaking nagpakita ng interes sa akin, pero hindi ko siya kailanman binigyan ng pagkakataon.Bakit nga ba?Ah.Dahil kay Sebastian
Cassandra Dela Vega's POV Tahimik akong nakaupo sa loob ng kotse ni Sebastian, ang malamig na hangin mula sa aircon ay tumatama sa balat ko, pero hindi iyon sapat para palamigin ang kumukulong emosyon sa loob ko. Masyado nang marami ang nangyari ngayong gabi—masyado nang maraming salita ang binitawan, at masyado nang maraming sugat ang nadagdag sa hindi pa gumagaling na mga luma. Nakahawak ako sa seatbelt, pinipigilan ang sarili kong magsalita. Pero ang hirap. Ang hirap-hirap. Lalo na ngayong siya ang nagmamaneho, seryoso ang ekspresyon, at tila wala siyang pakialam sa pagkulo ng hangin sa pagitan namin. Napapikit ako, pilit na nilulunok ang inis ko. Pero hindi ko kayang manahimik. "You’re unbelievable," bulong ko, pero sapat na lakas para marinig niya. Wala siyang reaksyon. Mas lalong lumalim ang inis ko. "Ano ‘yon kanina? Sinong binabakuran mo? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na kontrolin ang buhay ko, ha?" Saglit niyang iniangat ang isang kilay pero hindi sumagot. Na
Cassandra Dela Vega's POV Tahimik lang si Sebastian habang nakatingin sa akin, pero kita ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. Parang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Pero ano pa bang aasahan niya? Mula pa lang sa simula, wala siyang ibang ginawa kung 'di itulak ako palayo. Gusto niyang bumitiw ako? Fine. I’ll give him what he wants. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Narinig mo ako, Sebastian. Bukas, aayusin ko na ang annulment natin." Ine-expect kong sasang-ayon siya. Ine-expect kong mapapahinga siya nang maluwag dahil sa wakas, hindi ko na siya magiging problema. Pero hindi. Nakita ko ang unti-unting pagliit ng mga mata niya. Kita ko rin ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa manibela. At pagkatapos ng ilang segundo, tumawa siya. Isang mapaklang tawa. "Ganoon lang?" tanong niya, may halong paghamon sa tinig niya. Napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Ganoon lang kadali para sa 'yo?" inulit niya, saka bumaling sa akin, seryoso an
Cassandra Dela Vega's POV Ang utak ko ay parang isang sirang plaka, paulit-ulit na tinatanong ang parehong bagay—Ano ba talaga ang gusto ni Sebastian?Hindi ba’t ito rin naman ang gusto niya? Ang lumayo ako? Ang bumitaw?Pero bakit?Bakit nandito pa rin siya?Bakit hindi niya ako hinayaang umalis?Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot ng hotel, pilit na hindi iniintindi ang malamig na hangin ng gabi. Pero kahit anong bilis ng mga hakbang ko, naririnig ko pa rin ang tunog ng sapatos ni Sebastian na naglalakad sa likuran ko.Alam kong sinusundan niya ako.Alam kong hindi niya ako titigilan.At iyon ang mas lalong nagpapainit ng ulo ko.Nang marating ko ang sasakyan ko, mabilis kong binuksan ang pinto. Pero bago ko pa man maisara ito, biglang sumampa si Sebastian sa passenger seat, walang paalam, walang pasabi."Get out," malamig kong sabi.Hindi siya gumalaw.Napakapit ako sa manibela, pinipigilan ang sarili kong sumabog sa harap niya."Sebastian, I said—""No."Mabilis akong l
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko na alam kung saan ako kumukuha ng lakas.Pagod na pagod na ako, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal.Pagkalabas ni Sebastian sa sasakyan, alam kong iyon na ang huli naming pag-uusap ngayong gabi. Kaya pinaharurot ko na ang kotse ko, dumiretso sa bahay ng mga magulang ko, pilit na inaapula ang sakit at galit na bumabalot sa dibdib ko.Ngunit pagdating ko sa harapan ng malaking mansyon ng pamilya Dela Vega, para bang may bumigat sa loob ko.Alam ko na kung anong mangyayari.Alam kong wala akong maaasahang yakap o kahit anong pang-unawa mula sa kanila.Pero kahit gano’n, bumaba ako ng kotse at huminga nang malalim bago pumasok sa loob.—Pagkapasok ko pa lang sa malawak na sala, agad akong sinalubong ng malamig na titig ni Don Romano, ang aking ama, habang nakaupo sa kaniyang paboritong upuan.Si Doña Esther naman, ang aking ina, ay nakatayo sa tabi niya, mahigpit ang hawak sa kanyang perlas na kwintas—isang senyales na hindi siya natutuwa sa pagda
Cassandra Dela Vega's POV Nang tumalikod ako at lumabas mula sa bahay ng mga magulang ko, pakiramdam ko ay para akong nasa isang panaginip—hindi, bangungot.Kailan ko pa inakala na darating ang araw na ganito ang mararamdaman ko? Na mawawalan ako ng pamilya? Na itatakwil nila ako nang ganoonn-ganoon na lang?Habang naglalakad ako patungo sa kotse ko, nanginginig ang mga daliri ko habang kinukuha ang susi mula sa clutch bag ko. Pilit kong pinapatahan ang sarili ko, pilit na sinasabi sa isip ko na ito ang tamang desisyon.Pero bakit gano’n?Bakit parang ang sakit-sakit?Pagkaupo ko sa driver’s seat, hindi ko na napigilan ang luha ko. Pumikit ako nang mariin, hinayaan ang init ng emosyon na dumaloy palabas. Hindi ko alam kung ilang minuto akong ganoon, pero nang maramdaman kong hindi na ako makahinga sa bigat ng damdamin, pilit kong pinunasan ang luha ko at hinawakan nang mahigpit ang manibela.Kailangan kong umalis dito. Kailangan kong lumayo.Habang binabaybay ko ang daan, hindi ko al
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakayakap kay Sebastian. Ramdam ko ang mahigpit niyang yakap, ang init ng katawan niya na tila nagbibigay sa akin ng kahit kaunting lakas sa gitna ng magulong emosyon ko. Pero kahit anong yakap niya, hindi kayang burahin ng init niya ang malamig na katotohanang natuklasan ko.Si Daniel… ang lalaking dapat kong pakasalan noon… ay kapatid ko pala.Paano nangyari ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? At paano ko haharapin ang pamilya ko pagkatapos ng rebelasyong ito?Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko, pero alam kong may isang tao lang ang makakapagbigay ng sagot sa lahat ng ito—ang sarili kong ama.Dahan-dahan akong kumalas mula sa yakap ni Sebastian at tiningnan siya. May pag-aalala sa mga mata niya, ngunit hindi niya ako pinigilan nang tumayo ako at kumuha ng coat.“Where are you going?” mahina niyang tanong.I swallowed hard before answering. “I need to see my father.”Habang nasa loob ako ng sasakyan, h
Cassandra Dela Vega's Isang buwan na ako sa trabaho sa Alcantara Group of Companies, at sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong pinapatunayan sa sarili ko na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko ginamit ang pangalan ko bilang asawa ni Sebastian para makakuha ng special treatment. Sa halip, nagsumikap ako upang patunayan sa lahat—at higit sa lahat, sa sarili ko—na may halaga ako, na kaya kong magtagumpay sa sarili kong paraan.Isang umaga habang nasa opisina ako, natanggap ko ang isang tawag mula sa isang hindi pamilyar na numero. Dahil abala ako sa paggawa ng reports, hindi ko na sana ito sinagot, pero may kung anong kaba sa dibdib ko kaya’t pinindot ko ang green button.“Hello?” sagot ko habang sinusulyapan ang laptop screen ko.“Cassandra.”Napatigil ako. Isang pamilyar na tinig ang narinig ko mula sa kabilang linya, isang boses na hindi ko inaasahang maririnig pa.Napasinghap ako. “Daniel?”“Can we meet?”Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Ilang linggo na ang nakalip
Cassandra Dela Vega's Hindi naging madali ang desisyong ito para sa akin. Ilang araw kong pinag-isipan kung ano ang dapat kong gawin matapos akong itakwil ng pamilya ko. Alam kong hindi ko na maibabalik ang dating buhay ko, pero hindi rin ako maaaring manatili lang sa bahay ni Sebastian at hayaang lamunin ako ng lungkot.Kailangan kong bumangon at ang unang hakbang ay ang maghanap ng trabaho.Alam kong maraming kumpanya ang maaaring tumanggap sa akin, lalo na’t may mataas akong pinag-aralan at maraming koneksyon. Pero gusto kong magsimula nang patas—gusto kong ipakita na kaya kong tumayo sa sarili kong paa.Kaya naman nagpasya akong mamasukan sa Alcantara Group of Companies, ang kumpanyang pagmamay-ari ni Sebastian.Noong una, tutol siya. Ayaw niyang makita akong nahihirapan, lalo na’t alam niyang hindi ko kailanman kinailangang magtrabaho noon. Pero nagmatigas ako.“Sebastian, hindi ko gustong umasa lang sa’yo habambuhay,” matigas kong sabi sa kanya isang gabi habang nasa kwarto kam
Cassandra Dela Vega's POVTahimik kaming nakasakay sa sasakyan ni Sebastian, pero hindi iyon dahil wala kaming gustong sabihin. Sa totoo lang, ang daming emosyon ang gustong kumawala sa dibdib ko—galit, sakit, lungkot, takot. Ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon ipapahayag nang hindi tuluyang bumigay.Nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang nilalandas namin ang kalsadang patungo sa bahay ni Sebastian. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kabilis nagbago ang buhay ko. Dati, buong akala ko na ang pamilya ko ang laging magiging tahanan ko, pero ngayon, sa isang iglap lang, itinakwil nila ako. Dahil lang sa pagmamahal ko kay Sebastian. Dahil lang hindi ko kayang ipagpalit ang taong pinakamahalaga sa akin.Ramdam ko ang matinding pagkapit ni Sebastian sa manibela. Halata sa panginginig ng kanyang kamay ang pagpipigil niya sa galit. Alam kong gusto niyang bumalik at makipagtalo pa sa Daddy ko, pero mas pinili niyang sumunod sa gusto ko—na umalis, lumayo, at hanapin ang katahimikan
Cassandra Dela Vega's POV Nananatili akong nakayakap kay Sebastian, ninanamnam ang init ng kanyang bisig habang hinahayaan kong humupa ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit pa anong pilit kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Daniel may have walked away, but I knew deep down that this wasn’t over. Hindi niya basta-basta tatanggapin ang desisyon ko. At higit sa lahat, hindi ko rin alam kung ano pa ang gagawin ni Mommy para ipilit ang gusto niya. "Hey," mahinang bulong ni Sebastian habang hinahaplos ang buhok ko. "Stop overthinking." Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm not overthinking," sagot ko, kahit na alam kong kasinungalingan iyon. Napangiti siya nang bahagya, pero halata ang pagod sa kanyang mga mata. He knew me too well to believe my lies. "You are," sagot niya. "And I get it. Alam kong hindi madali para sa'yo ang lahat ng nangyayari. Pero, Cassandra, hindi ka nag-iisa rito." Huminga ako nang malalim bag
Cassandra Dela Vega's POV Isang buwan at tatlong araw. Ganoon katagal kong hinintay ang araw na ito. Dumaan ako sa bawat umaga na umaasang pagpasok ko sa ospital ay sasalubungin ako ng boses ni Mommy, tatawagin ang pangalan ko, at yayakapin ako tulad ng dati. At ngayon, sa wakas, nagising na siya. “Mommy…” Nangingilid ang luha kong tinawag siya, nanginginig ang kamay ko habang hawak ang kamay niya. Hindi ako makapaniwala na muling mabubuksan ang kanyang mga mata at makikita ko ulit ang init sa kanyang mga titig. “Cassandra…” Mahina ang boses niya, tila nahihirapang magsalita matapos ang mahabang panahon ng pananahimik. Napaluha ako at agad na niyakap siya. “Mommy! Thank God! Akala ko…” Hinaplos niya ang buhok ko, pilit na pinapatahan ako. “I’m here, anak…” Walang mapagsidlan ang tuwa ko. Mula sa likuran, narinig kong suminghap si Sebastian, at nang lumingon ako sa kanya, nakita kong siya mismo ay hindi makapaniwala sa nangyari. Tumabi siya sa akin at marahang hinawakan ang kama
Cassandra Dela Vega's POV Nakahawak ako sa kamay ni Mommy habang nakaupo sa tabi ng hospital bed niya. Mula nang maaksidente sila ni Daddy, halos araw-araw akong nandito. Si Daddy ay patuloy nang bumubuti ang lagay, pero si Mommy… hindi pa rin siya nagigising.Hindi ko alam kung ilang beses ko na siyang kinausap. Paulit-ulit kong binubulong sa kanya na gumising na, na kailangan namin siya, pero nanatili siyang tahimik—walang kahit anong senyales na naririnig niya ako.Huminga ako nang malalim at tiningnan ang doktor na nakatayo sa paanan ng kama ni Mommy."Doc, hanggang kailan po ito?" mahina kong tanong, pilit na nilalabanan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.Nag-ayos ng salamin ang doktor bago sumagot. "Miss Cassandra, gaya ng paliwanag namin noong una, ang kondisyon ng iyong ina ay tinatawag na ‘medically induced coma.’ Ginawa namin ito upang maiwasan ang brain swelling matapos ang aksidente. However, it's been weeks, at kahit inalis na namin ang sedation, hindi pa rin siya nagig
Cassandra Dela Vega's POV Nagising ako sa malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata, ang unang bagay na nakita ko ay ang pamilyar na pigura ni Sebastian, nakaupo sa tabi ko, nakasandal sa armrest ng couch. Nasa lounge area pa rin kami ng ospital. Napabuntong-hininga ako at marahang umupo. Hindi ko alam kung anong oras na, pero base sa katahimikan ng paligid, siguro ay madaling araw pa lang. Nilingon ko si Sebastian. Nakapikit siya, halatang hindi rin maayos ang tulog. Napangiti ako nang mapansin kong mahigpit pa rin niyang hawak ang kamay ko, parang kahit sa pagtulog, ayaw niya akong pakawalan. Dahan-dahan akong bumangon, pero bago pa ako makalayo, naramdaman kong hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Nagmulat siya ng mata, diretso sa akin. "Saan ka pupunta?" "Babalik lang ako sa kwarto ni Daddy," sagot ko. Umiling siya at marahang hinila ako pabalik sa tabi niya. "You need more rest, Cassandra." "Hindi na ako pagod," sabi ko kahit alam kong
Cassandra Dela Vega's POV Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo rito sa waiting area ng ICU. Ang orasan sa dingding ay patuloy lang sa pagtakbo, pero para sa akin, tila bumagal ang oras—parang tumigil ang mundo ko kasabay ng pagbagsak ng mga magulang ko.Malamig ang paligid, pero tila mas malamig ang pakiramdam ko sa loob.Mula sa bintana ng ICU, tanaw ko ang mga magulang kong nakahiga sa kani-kanilang kama, napapaligiran ng iba't ibang medical equipment. May tubo sa bibig si Daddy, habang si Mommy naman ay halos hindi gumagalaw.Parang may nakadagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko sila.Hindi ko sila nakitang ganito noon. Si Daddy, kahit matanda na, ay laging matikas at matapang. Si Mommy, kahit istrikta, ay palaging composed at elegante. Pero ngayon…Nakasalalay ang buhay nila sa mga makina.Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Sebastian sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Tahimik lang siya, pero may halong pag-aalala ang tingin niya sa akin."You need to