Hindi niya tuloy maiwasang manlumo para sa sarili niya. Halatang mas pipiliin ni Sebastian ang modela kumpara sa kanila ng anak niya. Pagkaparada sa harap ng daycare school ay hinayaan niya munang kumalma ang sarili bago lumabas. Agad siyang ngumiti matapos makita ang anak niyang nakadungaw na sa h
"Sh*t! Kainis ka talaga, Sebastian!" dinig niyang maktol nito bago ibaba ang tawag. Napatitig tuloy siya dito. Nangungunot ang noo nito at iritadong nagtitipa sa cellphone. "Miss, I'm really sorry, but I have to go—" Bago pa man ito makatalikod ay pinigilan na niya ang kamay nito. Nagtataka pa it
"Si Sheena Perez nga 'yan. Pa-autograph kayo," nakangising bulong niya na kinabilog ng mga mata nito. Agad na kinalat nito ang nalaman at hindi na siya nagtaka noong pagkaguluhan ang dalaga. Ni hindi na nga siya nag-effort na magtago palabas dahil sa kumpulan. "Mama, hindi ba tayo hahanapin ni Ate
Palihim na nagtagis ang mga ngipin niya. Kahit pa hindi nagpapakita ng galit na ekspresyon si Sebastian, ramdam niyang may ibang balak ito. Alam niya ang likaw ng bituka nito."She's fine. Wala kayong dapat ipag-alala. Hindi ako magsasampa ng kaso," malamig niya ring sagot.Kumibot ang labi nito, "W
Wala na dapat siyang pakialam! Wala na dapat sa kanya kahit sampong babae pa ang dalhin ni Sebastian sa harap niya!"Kumalma ka, Averie. Hindi ka kawalan. Hindi kailangan ng anak mo ng tatay," pagkausap pa niya sa sarili.Naghilamos siya at nag-ayos ulit para mahimasmasan. Siya lang din ang mahihira
Hindi niya sinunod ang sinabi nito. Iniwan nga niya ito sa restaurant noong araw na iyon para sunduin ang anak niya sa takot na baka kunin nga ito ni Bruno, kaya lang wala naman siyang nadatnan na Bruno sa harap ng daycare. Lalo tuloy siyang nainis na naloko lang siya ni Sebastian. Kaya hindi niya r
"Appointment mo na sige. Pinaka-maaga, ngayon na kung pwede sana," diin niya pang utos dito. Napakamot ito sa batok, "Ma'am, mamayang before lunch pa ang available—" "Ano?! Hindi, ngayon na. Isingit mo. Sasampalin ko lang iyang amo mo—" "Hindi po pwede. Marami po siyang gagawin ngayon. Mamaya pa
Nalukot niya ang kontrata at mariing tinitigan si Sebastian. Siya pa yata ang delikado kapag nakasama niya ito muli sa iisang bubong. "Take it, or leave it?" nakangising tanong nito. Nanginig ang labi niya sa inis. Binagsak niya muli ang cellphone sa mesa. "I-take down mo muna lahat bago pirmahan