Chapter 25
Naalimpungatan ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. I blinked twice then yawn, itinaas ko pa ang dalawang kamay para mag-inat.Bumaba ang tingin ko sa sumilay kong mga dibdib matapos itaas ang mga kamay dahilan para bumaba ang kumot na nakapatong doon, pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko dahil may malaking kamay ang sumasakop sa kaliwa kong dibdib at kapag kuwan ay pumipisil pisil doon.“Putang!” sigaw ko matapos ay hinataw ang kamay ni Rivaill.Naokupa ang maliit na space na kinahihigaan ko sa gilid dahilan para bumulusok ako pababa. May kung ano pa akong nahawakan sa kamay ko at gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko matapos makita ang nagkalat na gamit na condom sa sahig.“A-Anong g-ginawa mo sa-sa ‘kin ha?” hiyaw ko habang hinihila pababa ang kumot para matakpan ang hubad kong katawan.Pumupungas pungas siyang tumingin sa akin. Nanatiling walang reaksyon ang mukha niya. Mabilis akoChapter 26 “Anak, ayos ka lang?”Bumuntong hininga ako at sumimsim muna sa iniinom kong kape bago nilingon si Mama Elle. May hawak siyang payong na ginagamit niya para hindi ako mainitan. Natawa pa ako ng mapansing ang payong na iyon ay kasama sa mga props na gagamitin mamaya. “Ayos lang ako, Ma. Siya nga pala, hindi naman gaanong mainit baka mapagalitan ka pa ni direk kapag nasira mo iyan,” litanya ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at saka inilagay ang daliri sa labi ani mo’y pinapatahimik ako. Ngunit nakita ko ang pagtaas ng balikat niya sa gulat ng humawak roon si Direk Niko. “Manipis lang ang tela niyan, kaunting hangin at mabubutas, gaya ng pasensya ko kaunting tira lang masasagad na,” nangigigil nitong wika, kinagat ko mula sa loob ang mga labi para pigilan ang pagtawa matapos mawalan ng kulay ang mukha ni Mama Elle. Talaga namang strikto ang direktor na ito, masasalamin sa strikto niyang personalidad ang mga pelikula niyang
Chapter 27 Nakuha ang atensyon ko matapos malakas na bumukas ang pinto ng studio. Mula roon ay pumasok ang hinihingal na si Mama Elle. We’re currently filming the last scene, ito na rin ang magiging katapusan ng kwento at baka ilang paghihintay lang ay i-e-ere na ang pelikula. “Anong meron ma?” tanong ko. Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya na siya namang ginawa ko. Dumiretso siya sa loob ng green room. He seems agitated with something, pinapatunog tunog din niya ang mga daliri senyales na hindi siya mapakali. “May bago kang project anak, this time ikaw na ang kinukuha nilang bida,” aniya sa nagaalalang tono. Tinapunan ko siya ng naguguluhang mga tingin. “Oh? Iyon naman pala ma e', hindi ba dapat nagsasaya tayo? Bakit mukha kang constipated diyan?” “May makakapareha kang lalaki,” saad niya. Tinaasan ko siya ng kilay, ipinapahiwatig na h’wag na siyang magpaligoy ligoy pa. “Kasama sa mga cast si Amadeo,”
Chapter 28 “Oh? We have an uninvited guest,” sarkastikong wika ni Stellar habang patuloy sa paginom ng alak na hawak niya. “Have a seat Mrs. Fontero, samahan mo ‘kong uminom,” “Tigilan mo na ‘to Stellar, tigilan niyo na ‘to!”Hinila ko si Jandy mula sa mga lalaking iyon at pinilit siyang isaklay sa balikat ko. Tinapik tapik ko pa ang mukha niya nagbabakasakaling magising ko siya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtagis ng mga bagang ni Stellar. Hindi ko na siya binalingan pa ng tingin at hahakbang na sana paalis. Hangga’t maaari ay ayaw kong madawit siya rito, that is the least thing I could do. “Not so fast Cinderella.” Bago pa man kami makalabas ni Jandy ay may humarang na sa pintuan. Mabilis kong sinipa ang isa, pero dahil marami sila ay wala pa rin akong nagawa. Hinawakan nang dalawang lalaki ang magkabilang braso ko habang itinapon naman nila si Jandy sa cushion. I tried my best resisting, pero sa oras na
Chapter 29 I slightly twisted my wrist, kumikirot ang buto ko roon masiyado kasing mahigpit iyong hawak noong mga lalaki. Nasa mga pulis na sila, sana lang ay hindi maulit iyong nangyari noon. Mas ibinalot ko ang sarili sa tuwalya matapos sumimoy ang malamig na hangin pang-gabi. Napahilot ako sa sintido matapos maramdaman ang hapdi sa gilid ng labi ko.Paniguradong lagot ako kay Mama Elle nito. Face is the main weapon of an actress like me. Kaunting galos lang sa mukha ay malaking epekto na sa career. Ihahanda ko na lang siguro ang singit ko sa napakasakit niyang kurot. “Ouch!” Marahas kong nilingon ang putanginang pumitik sa noo ko. Sinamaan ko ito ng tingin na kaagad ko ring binawi nang ang walang emosyon na mukha nang asawa ko ang sumalubong sa akin. He’s literally looking down at me, while rising his left eye brow. Tila kinukwestyon ang buong pagkatao ko, bakit pa ako nabuhay, bakit pa ako pinanganak sa mundong
Chapter 30 Namutawi ang mahabang katahimikan. Maging si Fifi ay hindi sigurado sa binabasa niya, makailang beses niya pa iyong binasa pa mata nagbabakasakaling namali lamang siya ng bigkas. Nakita kong itinutok mismo sa akin ang camera. Sinasabi ko na nga ba. Mas lalo pang umiinit ang tingin nila sa akin, matapos nang ginawa ko kay Stellar. Inilibot ang paningin, mula sa manonood, kay Fifi na nakatingin sa akin ng may paghingi ng tawad, si Lolo Bien na nagaalala, syempre hindi nakatakas sa mga mata ko ang nanguuyam na mga tingin ni Grace Alfonse. Nagsimulang magbulungan ang lahat. Ito ang ikinatatakot ni Mama Elle kanina pa, alam niyang pagtutulungan ako ng mga ito. Hinahayaan lamang maging noong direktor na gisahin ako ng mga tingin nang iba. Ano pa nga ba ang aasahan? Paniguradong tataas ang ratings nila dahil sa naungkat na issue na ito. Iyon ang hindi ko hahayaan. I want their downfall. “I am.” There's a momen
Chapter 31Pinanood ko na lamang ang lumalayong pigura ni Calix dahil hinila na ako ni Attorney Shelby palabas. Sinabi rin nitong pinauwi na niya si Mama Elle, kaya hindi ko na kailangan pang magalala. Pagbukas niya ng sasakyang sedan ay bumungad ang natutulog na si Aki. Tumabi ako rito at iniunan ang ulo niya sa mga hita ko. “Nakita ko ang batang ‘yan sa mansyon, akala ko ba nasa tour ang klase nila?” nagtatakang tanong ni Attorney Shelby habang patuloy sa pagmamaneho. Kinurot kurot ko ang pisngi ni Aki. “Ano pa nga ba?” Sinabi na kasi sa ‘kin ni Aki na ayaw niyang sumama, pinilit ko lang dahil nga required din iyon at dagdag grade. Hindi ko naman alam na tatakas pala ang batang ito. “Attorney, ano raw paguusapan namin?” pagbubukas ko ng usapan. Attorney Shelby looked at me using the rear view mirror, then rolled his eyes. “Just ask that jerk when you get there,” tipid niyang sagot. Napangiwi ako at saka binuksan na lamang ang bintana para pumasok
Chapter 32 Is it possible for a person to change in just a week? Pilit kong inaabot ang baso na malayo sa akin kalapit ng isang vase pero nang hindi ko magawa ay naiinis na lang akong napaupo, hinilot hilot ang sintido at napabuga nang hangin. “Kung ang definition ng haggard ay Linarie Ariscalde. Aba! Swak na swak,” pangaasar ni Jesusa habang inuusog ang baso palapit sa akin. Hinawakan niya ang baba ko. “Pangit ba ’ko? Kapalit palit ba ’ko? Then why?!” Natawa ako nang in character at may pagluha pa kunwaring wika niya habang ginagawa ang isang sikat na palabas. “Tigilan mo nga ako Jesusa,” “Ano? Ganiyan ka na ha, inaaway mo na kami ni pochi ko,” ani Jesusa, nakapatong ang isang kamay sa medyo may kalakihan niyang tiyan at nakatingin sa akin ng nagpapaawa. “Doon ka na nga, bumalik ka na sa pinanggalingan mo!” pagpapalayas ko sa kaniya matapos ay marahan siyang itinulak. Naputol ang pagbabangayan naming da
Chapter 33 Kumuyom ang kanang kamao ko at unti unting nalukot ang paper cup na nasa loob niyon. Nanlaki ang butas ng ilong ko at naiiritang pinanood kung paano halikan ng kiridang ito ang pisngi ni Rivaill. It’s been a month now, pang apat na babae na rin itong si Janilla na dinala niya rito sa mansyon. Wow naman, flavor of the week isang espasol na kinulang sa kuskos at ahit ng kilikili. Wala na ba siyang mahanap na maganda ganda naman sa akin? Nakaka-offend ha.“H’wag ka ng mahiya, sabunutan mo na,” sulsol ni Lyka na nasa likuran ko at bumubulong bulong. “Manahimik ka Lyka, maglinis ka na lang nga ro’n. Pagagalitan ka na naman ni Manang Teresita,” pagtataboy ko sa kaniya paalis. “Sigurado ka ayaw mong sabunutan?” pabulong pa nitong paghirit pero itinulak ko na siya papasok nang kusina. Umakyat na rin ako sa kwarto para magbihis dahil may trabaho pa ako. Isang off shoulder na bishop sleeves ang sinuot kong pangitaas habang
Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Chapter 63“P’wede mo ba akong saluhan?” Nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman, kung matutuwa ba ako o ano. Inilipat ko ang paningin kay Henry at tumango ito sa ’kin bago naglakad palayo. Dahan-dahan ay lumapit ako sa lamesa at naupo sa bakanteng upuan katapat nang sa kaniya. She has a smile, at umaabot iyon sa mga mata niya. Hindi ko magawang suklian pagkat hindi naman ako sigurado kung siya nga ba talaga ang tunay kong nanay. “You’ve grown so much, iyong huling nagkasama tayo ay siyam na taon ka pa lamang. I still remember you holding my hand each time.” Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. Ilang segundo ang lumipas ay binawi ko ang kamay ko. “Paano?” naguguluhan kong tanong. Lumabas ang mumunting kulubot sa kaniyang noo’t pisngi nang ngumiti siya. Sinundan ko siya ng tingin matapos niyang tumayo. Naglakad siya, nakakailang habang pa lamang
Chapter 62 “Happy Fiesta!” Sari-saring tunog ng tambol at lyre ang maririnig kahit saan ako lumingon. Kahit hindi pa ako lumabas nang bahay ay rinig na rinig ang mga hiyawan at kantyawan sa labas. Sa kabila nga ay naririndi na ako dahil kahapon pa lang ay nagsusumigaw na iyong Videoke. “Pakibantayan mo muna ito anak mga niluto ko, makikihingi akong ube roon kay Aling Tasing. Isasama ko na rin itong si Lake dahil narinig ko may mga palaro raw doon makikisali kami.” Tumango tango ako ngunit bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya si Lake at nagdire-diretso palabas. Iyong totoo? Pusta ko ay dadalaw lamang siya roon sa hinaharot niyang lalaki, idadamay niya pa iyong anak ko. Patakbo akong sumunod palabas. “Ma! Sabihin mo kay Henry pakidamihan ang ube!” hirit ko. Kaagad akong humagalpak ng tawa nang umasim ang mukha niya tila ba nahuli sa ginawa niyang krimen. Inirapan lamang ako nito at saka tumuloy paalis. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay pinagbawalan ko siyang pumunta ro
Chapter 61 Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang mahinang pagubo ni Mama Elle para kuhain ang atensyon ko. Inginuso niya ang plato kong hindi manlang nabawasan ang pagkain mula nang maupo kami sa hapag. “Anong problema, anak? Sa lalim ng iniisip mo kulang na lang malunod kami rito.”Sandali akong natigilan at kapagkuwan ay umiling. “Wala ho, ma. Iniisip ko lang ho kasi ’yong trabaho ko pagbalik ko,” “Gano’n? At satingin mo naman maniniwala ako sa ’yo?” Napanguso ako dahil sa tinuran niya. Kilalang kilala niya talaga ako. Bukod kay Tita Pat siya na talaga ang nakasama ko mula noong nagsimula ako sa showbiz hanggang sa malaos ako, bumalik at malaos ulit. “You know that I’m always here for you, p’wede mo akong. . .” Mabilis akong napatulala sa sinabi niya. Hindi ko na narinig pa iyong iba dahil nagsimulang sumakit ang ulo ko. Wala akong ibang nadidinig kung hindi ang matinis at nakakabinging tunog sa ulo ko. It was a long ring, hindi ko maipaliwanag pero parang sasabog ang utak
Chapter 60“M-Mama?” Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang mahihinang d***g ni Lake. Kaagad kong nilingon ang food court at ilang metrong na ang layo namin doon. “Are you okay?” Sa kabila nang nakakunot na noo ng anak ko ay nakuha pa nitong himasin ang kamay ko at itanong kung ayos lamang ba ako. Kaagad na napawi ang tensyon na nararamdaman ko at yumuko para kalungin siya. “Mama’s fine,” naisagot ko na lamang habang nagpipilit ng ngiti. “It’s okay, you don’t have to cry.” Mabilis na lumamlam ang mga mata ko nang kasalungat sa sinabi ko ay sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. How careless of me, para sa pansarili kong kapakanan ay hinayaan kong matakot ang anak ko ng ganito. It’s true that I'm not ready to face him again but not like this, hindi dapat madamay si Lake roon.Hinapit ko siya sa dibdib ko at saka pinara ang taxi na saktong dumaan sa harapan namin. Ilang minutong biyahe at nakatuon lamang ang dalawang mata ko kay Lake, natutulog na ito sa hita ko, I'm
Chapter 59 Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng sintas at saka pinagbuhol iyon, nang matapos ay tinapik ko ang paa niya.“Tapos na anak, come here.” Kaagad namang naghiwalay ang dalawang kamay niya at kumapit sa batok ko. Bumuka ang bibig ko at kumawala ang tawa nang maging ang dalawang paa niya ay ikapit sa baywang ko na parang unggoy. “Lake, your feet. Madudumihan ang damit ni mama.” Kunot noong saway ko sa kaniya pero humagikhik lamang siya at mas hinigpitan pa ang kapit. Napairap na lamang ako at sinubukang maglakad kahit nahihirapang humakbang dahil sa ginagawa niya. Isinukbit ko ang bag na naglalaman ng wallet at ibang pang mahahalagang bagay sa balikat ko bago tinungo ang pintuan. Sinigurado kong na-lock ko iyon ng maigi bago pumunta sa elevator. Ala syete palang at inagahan talaga namin dahil maghihintay pa kami ng bus. Extended naman kasi ang bakasyon ko ng isang linggo. I can’t even count how many times Lake asked if she wasn’t dreaming, medyo masakit iyon para sa ’kin
Chapter 58 “Ariscalde! Linarie!” Pabalikwas akong napabangon. Habol ang hiningang binalingin ko nang tingin si Mikasa, puno ng pagaalala ang mukha niya at nakapatong ang dalawang kamay sa balikat ko. Satingin ko ay sinubukan niya akong gisingin. “Are you okay? Napanaginipan mo na naman ba?” Dahan-dahan akong tumango, kaagad naman siyang napabuntong hininga. Pinasadahan ko ng mga daliri ang buhok ko bago sinubukang tumayo. “That’s it, our session ends here. Bumalik ka matapos ng dalawang buwan para masimulan na natin ang hypnosis.” Pinanood kong ayusin niya ang suot na puting coat. Ngumiti siya at saka ako inalalayang tumayo. “You’ll be okay, maaalala mo rin lahat tutulungan kita.” Matamis na ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. “Thanks, Doc.” Tinungo ko ang pinto matapos ay kinabig iyon para bumukas. “See you after a few months, Mika.”She only nodded her, so I made my way out. Isang tahimik na hallway ang sumalubong sa ’kin. Hindi na ako nagatubili pa at binaybay ang daan pa
Chapter 57 “Anong nangyari? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ’yo? May bali ka ba? Ano?” I chuckled when he’s barely even closer yet his loud voice are surpassing the noise here in the hospital, as he run towards me. Mabilis niya akong pinaikot at in-examine ang katawan ko. “Ma, it’s no big deal.” Ang mukha niyang puno ng pagaalala ay napalitan ng takot. Ani mo’y nakakita siya ng multo. “Anak, nauntog ka ba? Hindi ka naman umi-english dati e,” mangiyak ngiyak niyang wika. Napangiwi ako ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Umupo siya sa mga nakahilerang bakal na upuan katabi ko. Seryoso akong pinakatitigan bago bumuntong hininga. “Iyong totoo anak, nasaktan ka ba?” Hindi ako nakasagot agad, naroon ang tumango ako pagkatapos ay umiling. “Ayos lang ako ma.”Hindi ako tao kung sasabihin kong hindi. Nasaktan ako sa mga nalaman ko, nasasaktan ako kasi parang hindi manlang ako hinanap ni Rivaill. Ngayon ko napagtantong wala nga talaga siyang pakialam sa akin, at pinakikisa
Chapter 56 Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada. Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan. Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon. Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?” Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon. Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina. “Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na