Hello po, masaya po ako na malaman na may nag-aabang pa sa story na ito. Thank you so much po sa inyong lahat at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
LIYANNA’S POV“Mommy!”"Mommy!"Nagising ako dahil narinig ko ang boses ni Mireya. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko siyang nakangiti sa akin.“Baby,” malungkot na tawag ko sa kanya.“Mommy, may gusto ka bang food?” Nakangiti na tanong sa akin nang anak ko. Marahil ay iniisip niya na nagugutom na ako dahil hindi naman ako kumain kanina.“Baby, hindi ka ba nagtatampo kay mommy?” Tanong ko sa kanya dahil alam ko na nasaktan ko ang damdamin niya. Alam ko na hindi tama ang ipinakita kong asal sa kanya.“I’m okay now, mommy. Nagtampo lang po ako pero love ko po kayo. I knew that it's not your intention to hurt my feelings. Siguro po ay hindi po okay sa pang-amoy niyo ang food. Diba po sabi ni Doc pogi marami po ang magbabago sa 'yo?” sabi sa akin nang anak ko.“I’m sorry, baby. Alam ni mommy na nahihirapan kayo ng daddy mo sa akin. Thank you for understanding me.” Naiiyak na sabi ko sa anak ko.Ngumiti lang siya at niyakap ako. Alam ko na mahirap unawain ang ugali ko pero nandiyan
WARNING! MATURED CONTENT!!READ AT YOUR OWN RISK! (R18+)LIYANNA'S POV Kaagad akong hinalikan ni Carlos. Napapikit naman ako at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata ng asawa ko. Kahit ako rin naman ay gustong-gusto ko siyang maramdaman. Gusto ko ang init na nagmumula sa katawan niya.Aminado ako na dahil sa pagiging antukin ko ay nawalan na ako ng oras sa kanya. Alam ko na may pangangailangan siya at obligasyon ko rin 'yon na ibigay sa kanya. Wala namang sinabi ang doktor na bawal namin 'yon gawin. Malakas naman ako at katunayan ay bumubuti na ang kondisyon ko. May mga pagbabago lang sa akin lalo na sa behavior ko."Ohhh… Carlos!" Sin*psip niya ang balat ko sa leeg. Gigil na gigil siya sa parte na 'yon. Kapwa na kami walang saplot sa katawan dahil kagaya ng dati ay sinira na naman niya ito. Nahagip ng paningin ko ang strawberry syrup na nakapatong sa side table. Pinapak ko kasi ito kanina."Vava, wait." Pigil ko sa kanya.Kaagad naman siyan
LIYANNA'S POVHindi ko talaga alam ang mga nangyayari sa akin. Sa loob ng isang linggo ay palagi akong nahihilo at nagsusuka. Iniisip ko na baka dahil sa mga gamot ko. Sinisikmura kasi ako palagi."I'm home!" Narinig kong sigaw ni Carlos.Napangiti naman ako dahil sa wakas nakauwi na siya. Kaagad akong lumabas dito sa kusina at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya dahil namimiss ko na talaga siya. Pero kaagad ko rin siyang tinulak dahil ang baho niya. Naiinis ako sa amoy niya. Hindi ko nagustuhan ang pabango na gamit niya."Vava, ang baho mo." Naiinis na sabi ko sa kanya."What? Ako mabaho?" Nagtataka na tanong niya sa akin sabay amoy sa sarili niya."Oo, nagpalit ka ba ng pabango?" Tanong ko ulit sa kanya."Hindi, babe. Diba ito ang gusto mong pabango ko?" Sagot naman niya sa akin."Pero ang baho mo talaga," sabi ko pa sa kanya."Sige, maliligo na lang muna ako." aniya sa akin at akmang papasok sa silid namin."No! I mean 'wag kang maligo dahil alam ko na pagod ka sa b
LIYANNA'S POVHindi ko kayang ipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. It's positive! Buntis ako! Napa-hagulgol ako sa sobrang saya. Mahigpit ang hawak ko sa dalawang PT na may positive na resulta. Mabilis kong kinuha ang phone ko. Alam ko na sobrang aga pa pero gusto kong kausapin si Doc. Alam ko na dapat kung sabihin sa kanya ito dahil siya ang nakakaalam sa dapat kong gawin."Hello, Doc good morning. May itatanong sana ako sa 'yo?" Bungad ko sa kanya."Ang aga mo tumawag. Ano 'yun? Hindi ba 'yan makapaghintay mamaya?" Inaantok na tanong niya sa akin."Doc, anong mangyayari kapag nabuntis ako?" I asked him directly."What? Wait, are you pregnant?" Tanong niya sa akin."It's positive, Doc. Anong dapat kong gawin?" Patanong na sagot ko sa kanya."Pumunta ka mamaya sa hospital. We need to check something." Sabi niya sa akin."Okay, lang ba na ngayon na ako pumunta?" Tanong ko pa ulit sa kanya."What the h*ll?! Ang aga pa at isturbo ka sa tulog ko. Sa tingin mo Liyanna Ballarta, nakakatuw
LIYANNA'S POV"Vava, gusto ko ng bibingka." Biglang sabi ko sa kanya. Bigla akong natakam sa tostadong bibingka na may itlog maalat."Babe, hindi ko alam kung meron dito ng bibingka. Wait, maghahanap ako." Sagot niya sa akin."Gusto ko ikaw mismo ang gumawa." Biglang sabi ko sa kanya."What?! Ako ang gagawa? Seryoso ka?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin."Oo, tapos gawin mong tostada pero maputi." Nakangiti pa na sagot ko sa kanya."Babe, puwede naman na maghanap na lang ak—""Sumusuko kana agad. Di mo pa nga sinusubukan. Mas gusto ko na ikaw mismo ang gagawa mahirap ba 'yon?" Naiinis na sabi ko sa kanya."Babe, bakit kasi kailangan pang ako. Bakit ka ba ganyan? Kahapon halo-halo tapos ngayon bibingka naman.""Naging maselan na kasi ang panlasa ko. Sabi ni Doc nangyayari daw talaga 'yon. Pero kung ayaw mo ay okay lang naman. Hindi naman kita pinipilit." Parang naiiyak na sabi ko sa kanya."Okay gagawa na ako. Pero don't expect too much dahil hindi naman ako marunong sa mga ganiton
CARLOS' POVKakabalik ko lang dito sa US galing sa Pilipinas. May mga kailangan lang akong ayusin sa company. Sobrang excited ko pagkalapag pa lang ng eroplanong sinakyan ko ay gusto ko ng liparin makarating lang kaagad sa mag-ina ko. Ang masaya kong mood ay biglang napalitan ng lungkot. Sinabi niya kasi na mabaho ako. Mabilis ko naman inamoy ang sarili ko pero hindi naman. Sa totoo lang ay nagulat ako sa naging reaksyon at ang mga kinikilos niya. Nasaktan ako dahil nilalayuan niya ako. Mabilis siyang magalit at sensitive ang pang-amoy niya.Nilalawakan ko pa rin ang pag-unawa ko dahil alam ko na epekto lang ito ng mga gamot na iniinom niya. Alam ko rin na hindi naman niya ito sinasadya.May mga gusto siya na kapag hindi ko naibibigay ay kaagad na sumasama ang loob niya. Mabilis siyang umiyak at magdamdam. I tried my very best na igawa siya ng bibingka. But I failed pero laking gulat ko dahil sarap na sarap siya. Napilitan pa akong kainin ang ginawa ko. Tiniis kong ubusin kahit na ang
CARLOS' POV"Babe, wala namang santol na walang buto. Diba hindi ka naman kumakain ng ganun?" Sabi ko sa kanya. Never ko pa naman siyang nakita na kumain ng ganun."Gusto ko na ngayon, hanapan mo ako. Nakatikim na ako noong college tayo. Kaso may buto 'yon eh. Sinawsaw ko pa nga 'yon sa asin na may sili. Pero mas gusto ko na isawsaw sa ketchup. Vava, please." Malambing na sabi niya sa akin."Babe, hindi ko talaga alam kung may santol na walang buto at kung may santol ba dito sa Amerika." Sagot ko sa kanya.Nakita ko na malungkot na naman ito. Pero ano nga ba ang gagawin ko. Saan ba ako makakahanap ng ganun? Dahil hindi nga ako pamilyar sa ganoong prutas. Buti pa nga siya nakakain na ng ganun ako hindi pa."Babe, uwi na lang kaya tayo sa Pilipinas?" Tanong ko sa kanya."Ayoko, gusto ko dito. Sigurado ako na mainit na naman sa Pilipinas. Dito na lang muna tayo kapag five months na si baby ay saka na tayo umuwi. Pwede rin naman na dito na tayo manganak." Sagot naman niya sa akin.Napaisip
LIYANNA'S POVHindi ko maintindihan ang mga cravings ko ngayon. Ibang-iba sa cravings ko noon kay Mireya. Alam ko na nahihirapan ang asawa ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag hindi niya naiibigay ang gusto ko ay mabilis na sumama ang loob ko. Sobrang maraming nangyayari sa akin lalo na sa ugali ko.Mabilis akong mainis sa kahit na maliit lang na bagay. Ang sabi ko ay uuwi na kami pero nagbago ang isip ko lalo na mabilis akong magalit tapos sobrang init pa sa Pilipinas. At masasabi ko rin na maganda rin talaga na dito na lang ako manganak dahil sa kakagaling ko pa lang naman sa sakit ko at under observation pa rin ako.Ngayon ang araw ng check-up ko. Actually hindi pa naman talaga sana ngayon kaya lang makulit lang talaga si Carlos. Kasama namin si Mireya dahil na rin sa wala siyang kasama sa bahay at excited rin itong marinig ang heartbeat ng kapatid niya.Pagdating namin sa hospital ay sobrang excited na ang mag-ama ko. Kahit na ako ay excited rin na marinig ang heartbeat