“Hey Z careful,” saway ko sa kanya ng patalon talon siyang bumaba ng hagdan, pinauna ko muna silang bumaba bago ako sumunod. “Good morning, Ma.” Humalik ako sa pisngi niya.Iniwan ko muna ang tatlo sa lamesa bago pumunta dito sa kusina.“Good morning baby,” nakangiting ani niya.“Anong niluluto niyo?” tanong ko matapos ay sinilip ang kasirola na nakasalang sa kalan.“Sinigang.” Inilapit niya sa bibig ko ang sandok na may lamang sabaw tila sinasabing tikman ko iyon. Hinipan ko muna ito bago tinikman. “So?” naghihintay niyang tanong sa mgiging reaksyon ko.“This is great, Mom,”Tamang tama ang timpla ng luto niya. Tama lang ang pagkaasim. Na-miss ko na rin ang kumain ng mga ganito. “Halika, tulungan mo akong maghanda.” Tumango ako sa sinabi niya at ako na ang nagdala ng mga plato.Hinugasan ko muna ito bago naglakad pabalik sa lamesa. Naglaho ang ngiti ko ng madatnan sa lamesa si dad, bakit ko nga ba nakalimutang nasa pamamahay niya ako. Nakakalong sa kanya si Z habang nagkukwento
"Go." Inalalayan ko si Z paakyat ng kotse, nang masiguradong nakapasok na silang tatlo ay binalingan ko ng tingin si Mom."Bye, mom," paalam ko bago yakapin siya ng mahigpit, ramdam kong nalulungkot siya dahil sa paglipat namin."Kailangan nyo ba talagang umalis?" nakasimangot at may pagaalala niyang tanong.Naawa man ako kay mom pero wala akong magagawa maski ako rin naman ay ayaw umalis pero kailangan, nakita na ako ni Tyler at paniguradong unang una niya akong hahanapin dito at kapag nangyari iyon malalaman niya ang tungkol sa mga anak ko. "Alam niyo naman po ang dahilan ‘di ba?Bibisita na lang po kami dito ng mga bata," panigurado ko sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim. "Ano pa nga ba? Oh, siya umalis na kayo at baka kayo’y gabihin pa." Hinalikan ko siya sa pisngi at kumaway bago pumasok sa loob ng driver seat."Bye mga apo ingat kayo!" malungkot man ang boses ni mama alam ko namang naiintindihan niyaa ako. "Bye grandma!" paalam ng tatlo.Kumaway pa ako sa huling beses at s
Chapter 18Five days had passed and hopefully sa loob ng limang araw na nagdaan ay walang bakas ng isang Tyler ang nagparamdam."Bruha bilis!" nagmamadaling hiyaw ni Lily mula sa labas."Oo na sandali lang,"Hindi pa kasi maayos ang pagkakasintas ng sapatos ko, atat na atat siyang lumarga gayong maaga pa naman.Papunta kasi kami sa baguio ngayon, plano naming mamasyal do’n tutal nandito na rin naman kami ay mailibot na rin ang tatlo. Wala naman kasi silang ginagawa sa loob ng condo."Done, tara na." Lumapit ako sa kanila nang matapos ayusin ang sintas. "Stop na, masakit na!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si lily. Hindi pa man ako nakakarating sa kinaroonan nila ay sinalubong na niya ako habang buhat buhat si Y. "Oh, anyare sa ’yo?" taka kong tanong, para kasi siyang iiyak sa itsura niya."Lagi na lang siya nakatingin kay Trina, paano naman ako?" nakanguso niyang atungal.Hindi ko na napigilan at napahagalpak ng tawa kasama rin kasi namin si Trina, iniwan siya ni Traisy dahil may a
Chapter 19Nakatitig lang ako sa kanya habang nagtitipa siya sa loptop niya. I admit, na sobrang gwapo niya sa suot niyang salamin, pero hindi iyon ang issue dito. "Can you just let me go? Please?" pakiusap pero para lang akong hangin sa kanya dahil patuloy lang siya sa ginagawa.Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa niya. "Kailan mo’ko balak paalisin?" kunot noo kong tanong at sa wakas ay nagangat na siya ng tingin, tinanggal niya ang salamin at hinimas himas ang baba niya na parang nagiisip."Hmm? How about," pagputol niya na kaagad kong ikinairita. "I don't have a plan on letting you go." Marahas akong napabuntong hininga dahil sa isinagot niya. Padabog akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya."Argh!"Inis na asik ko matapos ay ginulo ang buhok. Isang araw na akong nandito at paniguradong hinahanap na ako ng tatlo, hindi rin naman kasi 'yon uuwi nang hindi ako kasama kaya nakakasiguro akong nag-check in lang sila, hindi rin nam
Chapter 20"Bes naman, nasa'n ka ba kasi?" rinig kong reklamo ni lily sa kabilang linya, pasalamat na lang ako at ibinalik ni Tyler ang phone ko. "Ano ha? Nagtanan na ba kayo? Bakit naman kung kailan may anak na kayo?" Napairap ako sa kabaliwan niya, kung nandito lang siguro siya ay baka nabatukan ko na siya. Masiyadong oa. "Bruha ka, h'wag ka ngang maingay," pabulong kong saway, tinanaw ko mula rito si Tyler na nakaupo sa sofa. Kaagad akong nakahinga nang maluwag matapos makitang busy ito sa panonood nang tv."E' kasi naman po, nade-drain na ang utak ko sa kakaisip ng palusot sa tatlong 'to, bes 'di ko na kaya," reklamo niya dahilan ng pagbuntong hininga ko, naawa naman ako sa sinabi niya. "Magisip ka na lang muna ng kahit ano, gagawa na ako ng paraan para makaalis dito," pabulong kong sagot."Oo na! Basta bilisan mo, nagdududa na ang tatlo. And for sure, hihiritan na nila akong hanapin ka sa kahit saang sulok ng Baguio," aniya sa nangungunsuming tono. "Kung kailangan kong talun
Chapter 21Isinandal ko ang ulo sa bintana puro ilaw ang mga nadadaan at naliliwanag ang paligid sa kabila ng dilim, gabi na rin kasi at papunta ako sa pinag-check-in-an nila Lily. Habang nakatingin sa labas ay hindi ko sinasadiyang mapatingin sa repleksyon ko mula sa bintana nang sinasakyan kong taxi.Mugto ang mata ko namumula rin ang ilong at pisngi ko, agad kong pinunasan ang luhang tumulo na naman sa pisngi ko. I've been through so much today. Parang gusto ko na lang mahiga sa kama kasama ng mga anak ko. Pagkatigil sa tapat nang hotel ay bumaba na ako. Pumasok na ako sa loob at saka dumiretso sa unit na sinabi ni Lily.Pinunasan ko ang mukha at saka kinalma ang sarili bago pinindot ang door bell. Matapos ng ilang minuto ay bumukas ang pinto. Sumalubong sa 'kin ang tatlo ko, siguro ay dala na rin ng pagod padausdos akong lumuhod para bigyan sila ng mahigpit na yakap. "Where have you been mom?" usisang tanong nang panganay ko."Z is worried, Z is worried," malungkot namang aniy
Chapter 22Naabutan ko si X na nakasubsob sa unan niya. Hays, kanina pa siya nandito hindi manlang siya lumabas para sa ama niya mukha nga talagang galit siya. Tumabi ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Xyler, baby are you mad?" malambing kong pagaalo sa kaniya, tumambad sa 'kin ang namumula niyang mata na may bahid pa ng luha, na kaagad ko namang pinunasan."Are you mad at mommy?" paguulit ko sa sinabi kanina."No, I hate him!" Niyakap ko siya dahil sa sinagot niya matapos ay sinilip ko siya sa gitna ng mga braso ko."Why do you hate him hmm?" tanong koHumiwalay siya sa pagkakayakap ko. "’Cause you're hurting because of him," pumupungas pungas niyang sagot dahilan para mas lalo ko siyang ikulong sa mga bisig ko. This is the reason why I love the three of them, they're always here for me, they're always protecting me."Hmm? Then mommy will hate herself too." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran ko. "You hate your daddy because of me, so mommy will hate herself also."Ih
Chapter 23"Hi, mom!" Nakipagbeso ako sa kaniya pagkapasok namin sa venue, as usual puro businesses ang mga pinaguusapan. This party was more like a business meeting than a freaking party."Misha my daughter you're here." Nagbaba ang tingin niya at tumama ito sa tatlong bata na nasa tabi ko. Malamlam ang mga mata niya pero kaagad ding nagiwas nang mapansin ko.Sakto at sumingit si Kuya Mico. "Lil sis, sa akin na muna ’tong tatlong itlog para makapag party-party ka naman!" Napangiwi ako nang sumayaw sayaw pa siya. If I know gusto niya lang makatakas doon sa mga babaeng nilalandi niya kanina lang."Where's dad?" Sumilay ang ngiti sa mukha ni mom bago itinuro ang isang lamesa. "Ayun kausap ang mga kasosyo niya." Tango na lamang ang naging sagot ko.Inilibot ko ang paningin sa buong venue, all of the designs screams elegance hindi na ako magtatakang puro mga businessman ang nandito. Iniwan ako ni mom sa isang table kaya wala akong nagawa kundi tumunganga, kinuha ko ang baso ng tequila