Please support my story for the baby wingman contest! thanks a lot readers!
Nang makarecover si Kent mula sa pagkaka ospital ay kaagad siyang pumunta sa mga Angeles upang sunduin si Jaydah, gamit ang mustang niya, doon ay nakita niya si Don Juancho na nagka-kape sa may Veranda kung kaya't tumungo siya roon at binati ang matanda. "Good afternoon ho Tatang, andyan ho ba si May?" tanong niya sa matanda. "Magandang hapon din sayo Kent, Oo nandito sila ni Coop, siya ba ang sinadya mo dito?" tanong ni Don Juancho. "Ah-eh, opo Tatang, may usapan kasi kami na magda-date kami," pag amin ni Kent. "Really? That's my boy!" saad ni Don Juancho na tuwang-tuwa sa sinabi nito at tinapik-tapik pa ang likod niya"Tatang naman eh, wag mo naman ako anuhin, nakakahiya!" saad ni Kent na kinikilig-kilig habang natatawa. "Oh siya, sige na puntahan mo na," saad ni Don Juancho. Nagpatuloy na sa paglalakad si Kent nang makasalubong niya si Coop sa may hallway ngunit biglang tumama sa noo niya ang laruan nito na arrow at natumba siya dahil sa lakas ng pagkakapana nito. "Bulls eye
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa mansyon ng mga Angeles dahil birthday ni Jaydah ngunit hindi siya masaya dahil alam niya naman na wala siyang kaibigan doon sa mga bisita kahit isa, ang iba naman ay halos hindi niya naman kilala, nakikibati ngunit nginingitian niya lang ang mga iyon. Dumating din ang mga staff’s niya mula sa cosmetics line company niya at ang mga iyon lamang ang inentertain niya, wala kasi siyang kaibigan. Bata pa lang ay nasanay na siyang mag isa at walang gaanong kaibigan kaya din siguro si Kent at Alaric lang ang naging boyfriend niya sa tanang buhay niya dahil hindi siya mahilig makipag socialize at sila lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na tanggapin ang kanyang mga kakulangan. People know her as the spoiled brat Angeles, the good for nothing but a drop dead gorgeous woman. Dahil sa karangyaan ng pamilya niya ay pakiramdam niya ay makakabili na siya ng sarili niyang mundo. Malimit niyang marinig sa mga tao na wala siyang silbi at puro pasarap lang sa buhay
Nagpunta si Jaydah sa tiyahin niyang si Claudia na nasa mental hospital. Nabaliw ito dahil namatayan siya ng asawa at anak. Kalidad naman ang mga gamot at mga treatment na ginagawa rito ngunit sa paanong dahilan ay hindi pa rin ito gumagaling. Napabuntong hininga na lang siya, miss na miss niya na ito at kung hindi sana ito nabaliw ay malamang ay natulungan siya nito sa kanyang problema noon sa pagbubuntis niya kay Coop. Mas kasundo niya kasi ang tiyahin kumpara sa kanyang sariling ina na walang ibang ginawa kundi ang sermunan siya dahil sa mga pinag gagagawa niya sa buhay niya. Dahan dahan siyang pumasok sa kwarto nito. "Tita Claudia, nakikilala mo ba ako?" tanong niya na halos maiyak na dahil awang awa siya sa sitwasyon ng pinakamamahal na tiyahin. "Jaydah? You're Jaydah right?” saad ng kanyang tiyahin ng makita siya, kaagad siyang niyakap nito. “Tita Claudia, buti naman naaalala mo na ako, kamusta ka na? Magaling ka na ba huh?” tanong ni Jaydah na alalang alala dito. “Sshh!
Naalimpungatan si Kent dahil tumutunog ang cellphone niya at may tumatawag mula sa isang unknown number. Napatingin siya sa katabi at hindi niya namalayan na nakatulog pala si Siobeh sa kwarto niya sa sobrang kalasingan nito. Ini ayos niya ang higa nito at kinumutan. Kaagad siyang tumayo at sinagot ang tawag. “Hello? Who’s this?”“Uh.. is this Uncle Kent?” “Uncle… what? Wait, Coop?!” “Uncle! I’m only using a burner phone now!” “Burner what?! What the fuck are you doing Coop?! It’s not a toy, okay?! Seriously?! A five year old using a burner phone!” “I have something to tell you!” “What is it? It’s 3AM, go back to sleep, kiddo, and don’t call me again!”“But Mommy isn’t home yet!” “What?!”“I don’t know where she is, she said she will just visit Grandma Claudia from the mental hospital but she isn’t home yet,” “Totoo ba yan?! Pag ako niloloko mo, humanda ka talaga sa aking bata ka!” “I’m serious Uncle! I’m getting worried, please save my Mom!” “Okay, papunta na ako, sandali,
Nagising si Jaydah na masakit na masakit ang ulo niya at katabi niya na sa higaan ang anak na si Coop. Hindi niya matandaan kung paano siya nakauwi kagabi at ang tanging naaalala niya lang ay nag iinom siya sa Bar. “Good morning Mommy, I love you,” malambing na sambit ng batang si Coop na hindi pa rin idinidilat ang mata ngunit nakangiti ito. “Good morning Baby, I love you too, do you know how Mommy got home last night?” tanong niya sa bata. “Oh, I called Uncle Kent to drive you home,” saad ni Coop na naghihikab pa ngunit nanlaki ang mga mata ni Jaydah sa gulat sa tinuran ng anak. “What?! Coop, Anak, you can’t just do that! Don’t ever call that man again okay?! I told you already, right? He’s dangerous!” singhal ni Jaydah na pinapagalitan ang anak. “But Mommy, I’m desperate, hindi ko alam kung kanino lalapit, ang tagal mo umuwi,” saad ni Coop. “I’m so sorry Baby, basta wag na wag mo ng tatawagan ang lalaking iyon, maliwanag ba?” “But Mommy, Uncle Kent is not dangerous because i
Kaagad na pumasok si Kent na tuwang tuwa sa apartment na kinuha ni Don Juancho para sa kanya. “Yun oh! Ganda! The best talaga si Tatang!” saad ni Kent. “Ano? Ayos na ba yan? Pinapatanong ni daddy,” saad ni Kevin, hindi niya alam kung anong trip nito dahil mukhang kanina pa ito naiinis ngunit walang magawa. “Oo Vin, ayos na ‘to pakisabi kay Tatang, salamat!” saad niya kay Kevin ngunit nilapitan siya ni Kevin. “You better finish your task as soon as possible, or I will be the one to kill you,” pagbabanta ni Kevin at saka umalis. Una pa lang ay alam niya ng hindi siya gusto ni Kevin, lalong lalo na ang pagiging close niya kay Don Juancho ngunit wala siyang magagawa doon dahil paborito siya ng matanda at marahil ay naiinis na ito sa kanya dahil siya lamang ang laging pinapaboran ni Don Juancho. Kaagad niyang sinet up ang mga binoculars. Ang kinakailangan niya lang ay makapasok sa loob upang makapagkabit ng mga CCTV Camera’s. Kitang kita niya ang buong kabahayan ng kalaban mula sa ni
Nagsimula na si Kent sa kanyang bagong trabaho sa mga Vasquez bilang hardinero, pinag aralan niyang mabuti ang pasikot sikot sa lugar, pati na rin kung saan nakatago ang mga CCTV Camera’s sa loob ng mansyon. Inayos niya na ang hose upang lumabas doon ang tubig at madiligan niya na ang mga halaman ngunit nalaglag ang panga niya sa kagandahan ni Lorna, nakasuot ito ng ternong white two piece na bumagay sa makinis at maputi nitong balat. Umupo ito sa beach chair sa may gilid ng pool at inenjoy ang magandang sikat ng araw mula roon. Napakaganda ng katawan nito at lalaki lamang si Kent na normal na mahumaling sa angking karisma at alindog ng babae ngunit kaagad siyang nag iwas ng tingin ng mapansin siya ni Lorna na nakatingin. “Kent!” bulyaw nito sa kanya ngunit nagkunwari siyang hindi narinig iyon. “Kent!” bulyaw ulit nito at napalingon siya doon, nakangiti ito sa kanya ng matamis at sinesenyasan siya na lumapit. “Yes, Mrs. Vasquez?” tanong niya ngunit inabot nito sa kanya ang isang
Noong araw din na iyon ay hinintay ni Jaydah na matapos ang trabaho kuno ni Kent na sinasabi ni Lorna. Gusto niyang kumprontahin ang dating kasintahan dahil alam niyang gulo na naman ang pinapasok nito at ayaw niyang masira sa kliyente niya.Puno ng pasensya niyang hinintay ito sa kotse niya hanggang sa lumabas si Kent at mukhang uuwi na, inabangan niya ito sa gate. “Hey, stop right there,” saad ni Jaydah.“What?” tanong ni Kent na iiling iling na napakunot ang noo at saka lumakad palayo. “Kent! Wag mo nga akong talikuran! What the fuck are you doing here? Huh?! Are you doing some mob work again? That’s your real job right?!” Nagulat si Kent sa sinabi nito at nagpalinga linga siya sa paligid kung may nakarinig ba kay Jaydah sa sinabi nito, ngunit buti na lamang ay wala. Nanggigil sa inis si Kent at saka hinigit sa braso Jaydah. “Ouch! Let me go!” singhal niya na nagpupumiglas kay Kent ngunit hindi siya pinapansin nito at sige lang sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang
Nang makauwi sila sa safehouse ay kaagad na binuhat ni Kent si Coop upang makapagpahinga na sa kwarto. Paglabas niya ng pinto ay nakita niya si Jaydah sa kabilang kwarto, nakatalikod ito at animo'y nagpupunas ng luha. Maingat niyang sinara ang pinto ng kwarto ni Coop at lumingon ulit kay Jaydah, pagtingin niya dito ay may hawak na itong first aid kit. "Gamutin natin 'yang mga sugat mo," saad niya kay Kent at saka kinuha ang braso nito ngunit kumalas si Kent sa paghawak niya. "No. I'm fine, you should get to sleep," saad niya kay Jaydah. "Kent," saad ni Jaydah. "Fine," saad ni Kent, iginiya naman siya ni Jaydah sa sala at doon ay umupo sila pareho, sinimulang kumuha ni Jaydah ang alcohol at bulak at saka idinampi sa mukha ni Kent. "Ah-aray! Aray! Mahapdi!" reklamo ni Kent na napapangiwi sa sakit. "I'm sorry, I'll be more careful," saad ni Jaydah na dahan-dahang dinampi ang bulak na may alcohol sa mukha ni Kent. Ngunit habang ginagawa niya iyon ay hindi nakikisama ang kanyang k
"Dad, tama na! Anong kasalanan ni Kent?! Bakit niyo siya pinapabugbog?!" singhal ni Jaydah na naalarma na dahil oumutok na ang labi ni Kent at nagtatamo na rin ito ng mga sugat at galos sa buong katawan nito dahil sa malakas na pagsuntok. "Tatang," nanghihinang saad ni Kent na dumura na ng dugo. Tadyak, sipa, suntok ang natamo niya mula kay Kevin, habang si Kevin naman ay natutuwa lang sa ginagawa. "Ayoko sa lahat yung naglilihim sa akin, alam mo yan Kent," saad ni Don Juancho. "Wala akong tinatago sayo, Tatang, iniwan ko ang Black Hyrax para sayo," saad pa ni Kent. Sumenyas naman si Don Juancho sa isa niyang tauhan, maya maya ay may dala na itong metal baseball bat at saka ibinigay iyon kay Don Juancho. "Dad please, stop!" singhal ni Jaydah. "Ano Kent?! Hindi ka pa rin aamin?!" singhal ni Don Juancho. "Ano bang ibig niyong sabihin, Tatang," saad ni Kent, hinawakan siya ng dalawang tauhan ni Don Juancho sa magkabilang braso at saka iniharap siya sa ginoo. "How dare you ruin m
SATURDAY, ANGELES UNDERGROUND HIDEOUTNang makarating sila ay kaagad na tumambad sa kanila ang mga armadong guards ni Don Juancho. Dalawang lalaking may takip sa mukha at may hawak na malalaking baril. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na papasok si Kent doon dahil hindi niya pa nakita ang lugar na iyon sa tanang buhay niya. "Daddy, where are we going?" tanong ni Coop ngunit napatingin lang si Kent kay Jaydah. "Kent, hindi ko dadalhin si Coop dyan," saad ni Jaydah. Maya maya ay napalingon sila ng biglang lumabas ang isang babaeng postura at nakapang office attire sa loob ng hideout. "Good evening, Mr. Saavedra and Ms. Angeles, I'm Kate, I will be your guide inside," saad ng babae at saka inilahad ang kamay sa kanila. Makikipag kamay sana si Kent ngunit inunahan na siya ni Jaydah. "Nice to meet you, Kate, actually, you don't have to guide us. I know where to find my uncle but… can you keep my child company? I don't want him to enter the hideout," saad ni Jaydah na nag aalala para
One week later…Nagsisibak ng kahoy si Kent sa harap ng safehouse habang si Jaydah naman ay nagluluto ng tanghalian. Si Coop naman ay naglalaro ng bola sa labas, ginawan lang siya ni Kent ng maliit na ring sa may puno at doon ay sinubuk-subukan niyang i shoot ang bola sa ring. "Yes! Three points!" saad ni Coop habang naglalaro. Si Jaydah naman ay nakamasid lang sa mag ama niya, nakita niya namang naghubad na ng suot na tshirt si Kent dahil pawis na pawis na ito at saka buong lakas na sinibak ang kahoy gamit ang itak. "Shit na abs yan, ang sarap! Hays, bakit ba pinagpapantasyahan ko ang ex ko na tatay ng anak ko?!" saad ni Jaydah sa isip at tila pinapagalitan ang sarili. Hindi namalayan ni Jaydah na umaapaw na pala ang tubig na sinasalin niya sa baso dahil abala siya sa pagtingin sa malapad na dibdib at mala pandesal na abs ni Kent. "Holy shit!" singhal niya sa isip at nagmadaling inilapag ang hawak na pitsel, napansin naman iyon ni Kent at saka dumiretso papasok ng bahay. "Babe,
Nang makarating sila sa lugar ay isa iyong safehouse. "Yown! The best talaga si Tatang, ang ganda naman dito," saad ni Kent na luminga linga sa paligid at tila gandang ganda sa bahay. "What is this place? Bakit tayo nandito?" "Your fa– I mean your Uncle, Don Juancho, arranged this place for me, ito yung nakuha kong premyo noong pinapatay niya sa akin si Ricky, ngayon ko nga lang napuntahan eh, ang ganda pala dito at ang laki ng bahay," saad ni Kent na muntikan ng madulas kay Jaydah. Hindi pa kasi nito alam ang totoo at sila pa lamang ni Don Juancho ang nakakaalam. "Mommy, can I choose a room upstairs? This place is cool!" saad ni Coop. "Okay, Honey, knock yourself out," saad ni Jaydah sa anak, tumakbo naman paakyat ng second floor si Coop. "Tayo na lang dalawa ngayon, can we talk? How dare you Kent?! Nawala lang ako, sinama mo na ang anak mo sa mga trabaho mo?! Paano kung napahamak si Coop, huh?! Maibabalik mo pa ba?!" singhal ni Jaydah na inis na inis. "Hindi ko siya sinama,
Nanlulumong tinignan ni Kent ang mag ina niya, nag iiyakan ang dalawa habang magkayakap dahil sa sobrang pagkasabik sa isa't-isa. "Hindi ka na lang sana nagsinungaling sa pamilya mo, sana sinabi mo na lang sa akin, papanagutan ko naman 'yang bata eh," saad ni Kent na tila naghihirap ang kalooban. Naiiyak siya sa sama ng loob dahil para siyang tanga kakahanap kay Jaydah sa loob ng limang taon at pagkatapos ay buntis pala ito kaya nagtago sa kanya. "I know how upset you are, but ple-" saad ni Jaydah ngunit naputol ang mga sasabihin pa niya ng sumigaw bigla si Kent. "Yes, May! I'm so upset right now!" Kasabay ng pagsigaw ni Kent ang mga umalingawngaw na putok ng baril sa buong lugar kung kaya't napadapa silang tatlo. "Fuck! Kailangan na nating umalis dito, bilis!" singhal ni Kent at saka mabilis na iginiya si Jaydah at Coop. Mas alam ni Jaydah ang pasikot sikot sa loob ng building niya kung kaya't pinabuhat niya kay Kent si Coop at saka sila nagmadaling tumakas. "Daddy, I'm scare
“I want to eat, I’m starving Daddy,” saad ni Coop habang patuloy sa pagmamaneho si Kent. “Okay, we will eat, maghahanap na lang ako ng madadaanan nating kainan,” saad ni Kent at saka tumingin tingin sa paligid, sa totoo ay hindi alam ni Kent kung saan niya hahanapin si Jaydah at nagda drive lang siya kung saan sila mapadpad ni Coop. Nadaanan nila ang isang convenient store kung kaya’t inihinto na doon ni Kent ang sasakyan at saka pinalabas si Coop. “I want ice cream, Daddy!” saad ni Coop na kaagad na tumakbo palapit sa ice cream section at tumuro doon. Tinignan ni Kent ang wristwatch niya at ala stres na ng madaling araw. “It’s just 3 o'clock in the morning Coop, hindi ba sasakit ang tiyan mo nyan ang aga aga, ice cream,” saway niya sa bata habang kumukuha ng footlong at naglagay ng cup sa coffee vending machine. “But I want ice cream,” saad ni Coop na nagmumukmok. “How about a hot chocolate?” tanong niya rito. “Fine,” saad ni Coop kung kaya’t ikinuha siya ni Kent ng hot choco
ANGELES MANSIONNang makarating doon si Kent ay kaagad niyang pinuntahan si Don Juancho. “I cut my ties with the Black Hyrax, Sir, to fulfill my mission, ” saad niya sa ginoo. “Magaling Kent, but first things first, find Jaydah and sent her back here, and I will explain further,” saad ni Don Juancho. “Tatang, may request ako,” “Ano iyon?” “Pwede ko ho bang isama yung anak k— anak ni Jaydah,” saad ni Kent na muntik pang madulas sa matanda, napalunok siya sa nasabi, hindi pa kasi nito alam na siya ang ama ng bata, dahil baka pag nalaman ni Don Juancho na siya ang ama ni Coop ay baka magalit ito sa kanya. “Bakit?” “To be a bait. Sigurado akong si May na mismo ang lalapit sa akin kapag nalaman niyang nasa akin ang anak niya, wag ho kayong mag alala, ligtas ho sa akin ang apo ninyo,” “I believe you, yeah, sure, go ahead pero kailangan mo siyang itakas dito kung gusto mo siyang isama, masama pa rin ang loob ng kapatid kong si Fernando at hindi niya hahayaang matangay si Coop ng kahi
Madilim. Masikip. Mainit. Iyon ang unang naramdaman ni Kent nang magmulat ang kanyang mga mata, tagaktak ang pawis sa kanyang buong katawan na para bang nasa sauna siya. “Tangina, nasaan ba ako?!” singhal niya sa sarili dahil wala siyang makita ng mga oras na iyion. Pakiramdam niya ay para siyang sanggol na nasa bahay bata pa ng kanyang ina dahil hindi siya makagalaw at ang mga paa niya’y nakasiksik lamang, animo’y pinagkasiya siya sa loob ng isang supot. “Siobeh! Pakawalan mo ako dito! Tangina niyo pag nakalabas ako dito, humanda kayo sa akin! Ugh! Puta!” sigaw niya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya, mainit doon at mauubusan na siya ng hininga dahil sa pagka kulob.Bigla niyang naramdaman ang isang malaking na suntok, nagsunud sunod na iyon na animo’y ginagawa siyang punching bag. “I hate you Kent! I hate you! Palagi ka na lang wala! Ano huh?! Akala ko ba loyal ka sa Black Hyrax?! Pero bakit hindi na kita halos mautusan ngayon?! Ano?! Kaya mo na sarili mo?! Minsan ka na lan