"Thank you all for coming tonight as I launched my new cosmetics line the Secret Seduction by Jaydah," saad ni Jaydah na nasa stage, habang nagsasalita ay napatingin siya kay Kent na matamang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit gusto niya ang mga tingin na iyon ng binata ngunit hindi siya nagpadala doon at itinuloy ang mga sasabihin pa niya.
"Uhmm, sana po ay suportahan ninyo ang produktong ito, you know, bago ako nag come up sa ideas na ito, I worked with so many successful people in the US when it comes to skincare and cosmetics kaya makasisiguro po kayo sa quality ng products and sa mga shades which is very in na in ngayon for the strong independent ladies out there, available na po siya sa mga Malls and may branch din tayo na malapit dito so, sana po mag enjoy kayo, iyon lang, thank you thank you so much!" kaagad na bumaba ng stage si Jaydah nang matapos niya ang speech niya na sinundan naman ng masigabong palakpakan ng mga bisita.
Kumuha naman kaagad ng champagne si Jaydah at ininom iyon. Nagfa-flashback sa isipan niya kung paano siya tignan ni Kent at hindi siya mapakali, nagulat nalang siya nang may biglang bumanggang baso sa wine glass niya.
"Cheers," napatingin siya sa nagsalita at nakita niya ang lalaking kanina pa ay laman ng kanyang isip.
"Cheers," iyon na lang ang nasabi ni Jaydah at yumuko.
"I didn't ruin the night," saad ni Kent.
"Yeah, I know," saad ni Jaydah at saka ininom pa ang natitirang champagne sa wine glass at akmang aalis na ngunit marahan siyang hinigit ni Kent sa braso.
"Don't leave, please," mahinahong saad ni Kent.
"Why Kent?!" saad ni Jaydah na parang nakukunsumi, she hated Kent. She hated those dashing eyes, she hates everything about him ngunit hindi niya maintindihan at ayaw makisama ng kanyang nararamdaman.
"Five fucking years Jaydah! You owe me an explanation!" singhal ni Kent na hindi na napigilan ang sama ng loob.
"Matagal ng tapos ang lahat sa atin Kent! Tinapos ko na ang lahat ng gabing iyon kaya pwede ba?! Pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko?!" saad ni Jaydah, ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya gustong sabihin iyon sa binata.
Napabuntong hininga si Kent.
"Fine! Tutal pinagmukha mo akong tanga kakahintay at kakahanap sayo ng limang taon kaya mas mabuti pang mawala na lang ako!" singhal ni Kent at saka binato ang wine glass sa sahig na gumawa ng napakalakas na ingay ng tunog ng mabasag na salamin.
"And it's my fault?! Sinabi ko bang hanapin at hintayin mo ako?!" singhal ni Jaydah, hindi niya na mapigilan pa ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata ngunit umalis na si Kent.
Pinagmasdan niya lang ang binata habang bumababa ng hagdan. Kung alam lang sana nito ang sinapit niya sa States noong nalaman niyang buntis siya at si Kent ang ama ng bata, siguro ay hindi gayon ang reaksyon nito ngunit mas pinili niyang manahimik at isikreto ang lahat.
Natapos ang pagdiriwang at ngayon ay magkasama si Jaydah at Coop sa kwarto at naghahanda na para matulog.
"Mommy, why do we have to pretend that I'm not your legitimate child?" tanong ni Coop sa ina.
"Because there are some bad guys here Baby, and I'm just protecting you. Pag nalaman kasi nila na tunay kitang anak ay malalagay sa peligro ang buhay nating dalawa. Do you understand?" tanong ni Jaydah sa anak.
"Yes, Mommy, those bad guys, are they like Uncle Kent?" tanong ni Coop.
"Uhm, yes, kaya wag kang lalapit sa kanya," saad ni Jaydah.
"But Uncle Kent is nice, Mommy, I like him," saad ni Coop.
Nahaplos naman ni Jaydah ang puso niya sa sinabi ng anak.
"Yes he's nice but still, he is one of those bad guys Baby, so you must stay away from him," mahigpit na utos ni Jaydah sa anak.
Kung alam lang nito kung gaano madurog ang puso niya ng mga oras na iyon sa sinasabi ni Coop. Hindi niya gustong itago kay kent ang lahat ngunit iyon lang ang nakikita niyang paraan upang malayo ang buhay nila sa peligro.
"Come on Baby, it's time to go to bed," saad ni Jaydah sa anak, sinunod naman siya ni Coop at humiga.
Hinaplos haplos ni Jaydah ang ulo nito hanggang sa makatulog ito at nang makatulog ito ay bumaba siya sa kusina at kumuha ng champagne sa wine rack at ng glass wine, binuksan niya iyon at saka uminom.
Inakyat niya iyon sa itaas at maingat na pumasok ulit sa kwarto nila ni Coop. Umupo siya sa sahig at sumandal sa kama habang umiinom.
"Fuck this family, fuck this life," saad niya sa sarili habang umiinom.
Pagod siya dahil sa launching ng bago niyang cosmetics line ngunit ayaw siyang patulugin ng konsensya. She had to lay down and cry all night just to get some sleep.
KINABUKASAN ay maagang nagising si Coop. Natanaw niya ang bote ng champagne at ang basag na wine glass, habang ang inang si Jaydah ay mahimbing na natutulog, maingat siyang bumaba ng kama at niligpit iyon, pinulot niya isa-isa ang mga malalaking bubog at winalis naman ang maliliit at saka tinapon sa trash can, sanay na siyang magising ng ganon dahil lumaki siyang nasasaksihan na ganon ang nanay niya, umiinom tuwing gabi habang umiiyak. Hindi maintindihan ni Coop kung bakit ginagawa iyon ng ina ngunit isa lang ang alam niya, iyon ay malungkot ito.
Nagpalit siya ng damit pagkatapos maglinis dahil nakapantulog pa siya, kinuha niya ang laruan niyang eroplano at ang remote control nito at saka lumabas.
Habang pababa ng hagdan ay napansin niya ang isa sa mga kasambahay nilang si Desiree.
"Good morning Ate Desi," bati niya sa kasambahay.
"Good morning, Coop, gutom ka na ba?" tanong sa kanya ng kasambahay.
"Uhm, no not yet but.. can you prepare some hangover pills for Mommy when she wakes up?" tanong ni Coop sa kasambahay.
"Bakit Coop? Nag inom ba kagabi ang Mommy mo?" tanong ng kasambahay.
"Yes," simpleng saad ng bata.
"Okay, I will prepare it," tugon ng kasambahay kay Coop.
"Thanks Ate Desi, you're the best!" saad ni Coop at saka siya dumiretso sa labas, malawak kasi ang bakuran ng mansyon ng mga Angeles.
Para sa kanya, isa itong napakalaking playground ngunit natanaw niya sa di kalayuan si Kent, papasok ito ng mansyon at may dalang suitcase, kasama ang iba pa niyang mga kasama. Nakasuot ito ng shades. Bigla siyang nagulat ng tumama rito ang pinapatakbo niyang eroplanong laruan at tumumba ito sa kinatatayuan.
"Aw! Fuck!" singhal ni Kent dahil tinamaan siya ng eroplanong laruan sa ulo.
Nagulat naman ang mga kasamahan ni Kent na sina Elliot at Amir.
"Mr. Consigliere!" saad ni Amir na kaagad na inalalayang tumayo si Kent.
"Tang'ina, masakit iyon! ayos ka lang?!" tanong pa ni Elliot na naalarma na.
Ilang sandaling hindi nakatayo si Kent dahil sa sakit kahit na inalalayan na siya ni Amir.
Napatingin silang tatlo kay Coop habang ang bata naman ay walang emosyon na tumingin sa kanila.
"You fucking son of a b–" naputol ang mga sasabihin pa ni Kent ng awatin siya ni Amir.
"Boss! Pagpasensyahan mo na Boss! Bata eh!" saad ni Amir.
"You're the one who gets in the way!" singhal ni Coop.
"Aba't talagag sumasagot ka pa huh?! Bastos kang bata ka! Do you have a death wish huh?!" singhal ni Kent na nagpupumiglas kay Amir.
"Tama na Boss! Bata yan!" singhal ni Amir.
"Oo nga, wag mo na patulan, narinig ko apo daw yan ni Tatang, baka mamaya ay mapasama pa tayo dahil sa batang yan," saad naman ni Elliot.
"Hindi! Tuturuan ko ng leksyon ang makulit na bata na yan!" singhal ni Kent na inis n inis na.
"Bring it on! Uncle! Nyenyenyenye!" pang aasar pa ni Coop habang nakadila sa kanila.
"Aba talagang! Halika rito!" singhal ni Kent at nang makawala siya kay Amir ay kaa niyag hinabol ang batang si Coop na ngayon ay mabilis na tumatakbo sa bakuran.
"Hays, tara na nga, hayaan mo ang kolokoy na yan," saad ni Elliot at saka iginiya si Amir papasok ng mansyon.
***
Nagising naman si Jaydah na wala sa tabi niya si Coop, napailing na lang siya dahil alam niya ng naglaro na naman iyon sa bakuran, sanay na siya sa anak niya kung kaya't nag shower na siya at nagbihis. Papasok na kasi siya sa bago niyang opisina. Unang araw niya iyon bilang CEO ng kanyang sariling cosmetics line.
Paglabas niya ng Mansyon ay naabutan niyang naglalaro sa bakuran si Coop kasama si Kent. Pinapatakbo ni Kent ng eroplanong laruan habang si Coop naman ay sinusundan kung saang direksyon iyon mapunta.
"Coop, Baby," saad ni Jaydah na lumapit sa kanila.
Kaagad na lumapit si Coop kay Jaydah at niyakap ito.
"Mommy, where are you going? Iiwan mo ako?" malungkot na tanong ni Coop sa ina.
"For a while lang Baby huh, babalik din ako kaagad, Mommy needs to go to work, nandyan naman si Ate Desi, you can play with her, okay?" saad ni Jaydah sa anak.
"Okay, can you buy me a happy meal? I like it," saad ni Coop.
"Okay, I will buy you one when I got home, bye Baby, kiss Mommy," saad ni Jaydah at saka ngumuso sa bata.
Tinugon naman iyon ni Coop, habang si Kent ay tahimik lang na pinapanuod sila, maya maya ay napansin nilang papalapit sa kanila si Don Juancho.
"Uncle," saad ni Jaydah.
"Jaydah Hija, mukhang bihis na bihis ka ah," saad ni Don Juancho na tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"Uhm, opo, unang araw ko sa cosmetics line ko," saad ni Jaydah.
"Ah ganon ba, Kent, bakit hindi mo ihatid si Jaydah? Tutal eh unang araw niya ngayon sa trabaho," saad ni Don Juancho.
"Naku, hindi na ho Uncle, kaya ko naman po at saka nandyan naman si Eric, he will drive me to my office," saad ni Jaydah.
"Well, Eric is not around, nagpaalam sa akin kaninang umaga na masama daw ang pakiramdam niya kaya sige na, pumayag ka ng ipagmaneho ka ni Kent," saad ni Don Juancho.
"Pero hindi niya naman ho trabaho ito Uncle, at saka baka busy po kayo, okay lang po Uncle, ako na lang po ang magmamaneho. Aalis na ho ako" saad ni Jaydah at saka naglakad palabas.
Tumaas naman ang kilay ni Don Juancho at saka inabot kay Kent ang susi.
"Habulin mo na," saad ni Don Juancho.
"Tatang naman eh, ayaw nga magpahatid, masyadong ma-pride, tss," saad ni Kent.
"Sige na, para makapag usap kayo ng masinsinan," saad ni Don Juancho.
"Fine, pasalamat ka at malakas ka sa akin, Tatang," saad ni Kent at hinabol si Jaydah palabas.
Napakunot naman ang noo ni Jaydah nang makita niya si Kent sa likuran niya na tumatakbo palapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jaydah rito ngunit hindi siya pinansin nito at dumiretso lang sa driver's seat.
"Tara na!" singhal ni Kent na dumungaw pa sa bintana ng kotse.
Wala namang nagawa si Jaydah kundi pumasok nalang sa loob ng kotse.
"So uh, where to? Miss?" tanong ni Kent na inistart na ang kotse.
"Sa Eastwood," simpleng saad ni Jaydah.
"Okay," saad ni Kent at sinimulan ng magmaneho.
"I'm sorry about last night, I didn't mean to say that," saad ni Jaydah.
"It's fine, hindi naman ako pwedeng mawala eh, at saka makikita at makikita mo talaga ako sa mansyon sa ayaw at sa gusto mo, ngayon pa na investor na namin si Tatang," saad ni Kent habang naka focus sa daan.
"But still, I'm sorry," saad ni Jaydah.
"Are you gonna tell me now why you left the country and came back after five years?" tanong ni Kent.
"Magulo isip ko non Kent, hindi ko alam kung anong gagawin and I'm so damn scared," saad ni Jaydah.
"Scared of what, May? Scared of me? Sinabi ko na sayo diba? I can't quit my job, dito lang ako magaling, at ito na ang nakasanayan kong trabaho noon pa," saad ni Kent.
"I know…" saad ni Jaydah.
"Kung hindi mo matanggap iyon hanggang ngayon then just hate me forever," saad pa ni Kent na masama na ang loob at mahigpit na ang hawak sa manibela.
Tahimik na silang dalawa habang nagmamaneho ngunit biglang lumiko si Kent imbis nasa ay diretso lang ang daan na tatahakin niya dapat. Napansin iyon ni Jaydah. "Oh bakit tayo lumiko? Malapit na ako sa shop ko," saad ni Jaydah. "There's someone following us, do you see that black vios? Kanina pa yan eh," saad ni Kent. "Damn it Kent, I don't have time for this! And don't you dare drag me to your job!" singhal ni Jaydah. "Calm down, okay? Ibaba kita, kailangan ko lang mailihis tong sumusunod satin," saad ni Kent. "But Kent! I'm almost late! I have an appointment! Pull over! Bababa na ako!" singhal ni Jaydah na naiinis na. "Wag ka ngang makulit! Pwedeng ako or ikaw ang pakay nila, do they know that you're a member of a crime family?! Paano kung patayin ka ng mga yan doon mismo sa shop mo? may magagawa ka?!" singhal ni Kent sa kanya. "I don't know Kent, tiyuhin ko lang naman ang mafia boss at hindi ako, kamag anak lang ako," saad ni Jaydah. "Kahit na May! Delikado pa rin! Hi
Isang malaking piging ang ginanap sa mansyon ng mga Aldama. Si Siobeh kasi ang na-appoint na bagong leader ng crime group organization. Naroon si Alejandro Clemente, Rodney Xiu, Ezekiel Xiu, James Oycungco, Kevin Angeles, si Don Juancho Angeles at ang iba pang mga kasapi ng crime group. "Let's all propose a toast, to the new leader of this crime organization, Ms. Siobeh Aldama," saad ni Don Juancho Angeles at saka itinaas ang wine glass niya. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan ng buong crime group at ng pagtaas ng mga wine glass nila. Nakaupo sila sa malaking board room table habang ang mga tauhan nila ay nakapalibot sa kanila kung kaya't napakaraming tao ang naroroon. Simula pa lang ay pansin na ng lahat ang kinikimkim na sama ng loob ni James Oycungco, naagaw kasi ni Siobeh ang pwesto na dapat ay sa kanya. "Thank you, thank you, everyone, hindi magiging posible ito kung hindi dahil sa inyo, at sinisigurado kong hindi kayo magsisi na ako ang pinili niyong bagong leader
Pinipilit pakalmahin ni Jaydah ang sarili habang nakaupo sa labas ng emergency room. It was all her fault why Kent end up here, kung sana ay pumayag na lang siyang mag dinner kasama ito sana ay hindi ito agaw buhay ngayon. Napasilip siya sa pinto at kitang-kita niya kung paano gamutin ng mga doktor si Kent habang mabilis na tumutulo ang mga luha niya. Maya-maya ay biglang nagsidatingan ang mga ka-grupo ni Kent at pati na rin si Don Juancho ay nabahala at pumunta sa ospital nang malaman nitong nasangkot ang pamangking si Jaydah sa nangyari kay Kent. "Boss! Mr. Consigliere!" singhal ni Amir. Naroon din si Eliott. Sila muna ngayon ang inutusan ni Siobeh upang tignan ang kalagayan ni Kent dahil abala ang iba sa mga shipments ng drugs at iba pang illegal operations. "Jaydah, come here, my dear child, tell me what happened," saad ni Don Juancho na pinisil ang palad ni Jaydah. "It was all my fault, Uncle, sana sumama na lang ako sa kanya at nag dinner kami," saad ni Jaydah habang humi
Nagising si Kent na puro puti ang nakikita niya kung kaya’t iginala niya ang paningin sa kapaligiran. May mga aparatong nakadikit sa kanyang katawan at may neck support pang nakalagay sa kanyang leeg. Maliwanag na sa kanya ang lahat. Nasa ospital siya. “Kent? Naririnig mo ba ako?” Isang babae ang nagsalita ngunit hindi niya makilala kung kanino galing ang boses na iyon, unti-unting luminaw ang paningin niya at naaninag niya ang napakagandang mukha ni Jaydah May. “May, you’re here,” saad niya at napangiti ng dahan-dahan sa dalaga ngunit nagulat siya ng bigla siyang sinampal nito. “Aray! Kakagising ko lang tapos sinampal mo na ako kaagad?!” “Sorry! Nakangiti ka kasi sa akin eh, akala ko kung napapano ka na, baka kasi nabaliw ka o naalog ang utak mo, ano? Kumusta na pakiramdam mo? Naaalala mo pa ba ako?” “May, wala akong amnesia okay?! At malinaw sa akin ang lahat na kaya ako nandito ngayon dahil sayo!” “Ahh okay, akala ko nagka amnesia ka eh,” “Bakit pag nagka amnesia ba ak
Nang makarecover si Kent mula sa pagkaka ospital ay kaagad siyang pumunta sa mga Angeles upang sunduin si Jaydah, gamit ang mustang niya, doon ay nakita niya si Don Juancho na nagka-kape sa may Veranda kung kaya't tumungo siya roon at binati ang matanda. "Good afternoon ho Tatang, andyan ho ba si May?" tanong niya sa matanda. "Magandang hapon din sayo Kent, Oo nandito sila ni Coop, siya ba ang sinadya mo dito?" tanong ni Don Juancho. "Ah-eh, opo Tatang, may usapan kasi kami na magda-date kami," pag amin ni Kent. "Really? That's my boy!" saad ni Don Juancho na tuwang-tuwa sa sinabi nito at tinapik-tapik pa ang likod niya"Tatang naman eh, wag mo naman ako anuhin, nakakahiya!" saad ni Kent na kinikilig-kilig habang natatawa. "Oh siya, sige na puntahan mo na," saad ni Don Juancho. Nagpatuloy na sa paglalakad si Kent nang makasalubong niya si Coop sa may hallway ngunit biglang tumama sa noo niya ang laruan nito na arrow at natumba siya dahil sa lakas ng pagkakapana nito. "Bulls eye
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa mansyon ng mga Angeles dahil birthday ni Jaydah ngunit hindi siya masaya dahil alam niya naman na wala siyang kaibigan doon sa mga bisita kahit isa, ang iba naman ay halos hindi niya naman kilala, nakikibati ngunit nginingitian niya lang ang mga iyon. Dumating din ang mga staff’s niya mula sa cosmetics line company niya at ang mga iyon lamang ang inentertain niya, wala kasi siyang kaibigan. Bata pa lang ay nasanay na siyang mag isa at walang gaanong kaibigan kaya din siguro si Kent at Alaric lang ang naging boyfriend niya sa tanang buhay niya dahil hindi siya mahilig makipag socialize at sila lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na tanggapin ang kanyang mga kakulangan. People know her as the spoiled brat Angeles, the good for nothing but a drop dead gorgeous woman. Dahil sa karangyaan ng pamilya niya ay pakiramdam niya ay makakabili na siya ng sarili niyang mundo. Malimit niyang marinig sa mga tao na wala siyang silbi at puro pasarap lang sa buhay
Nagpunta si Jaydah sa tiyahin niyang si Claudia na nasa mental hospital. Nabaliw ito dahil namatayan siya ng asawa at anak. Kalidad naman ang mga gamot at mga treatment na ginagawa rito ngunit sa paanong dahilan ay hindi pa rin ito gumagaling. Napabuntong hininga na lang siya, miss na miss niya na ito at kung hindi sana ito nabaliw ay malamang ay natulungan siya nito sa kanyang problema noon sa pagbubuntis niya kay Coop. Mas kasundo niya kasi ang tiyahin kumpara sa kanyang sariling ina na walang ibang ginawa kundi ang sermunan siya dahil sa mga pinag gagagawa niya sa buhay niya. Dahan dahan siyang pumasok sa kwarto nito. "Tita Claudia, nakikilala mo ba ako?" tanong niya na halos maiyak na dahil awang awa siya sa sitwasyon ng pinakamamahal na tiyahin. "Jaydah? You're Jaydah right?” saad ng kanyang tiyahin ng makita siya, kaagad siyang niyakap nito. “Tita Claudia, buti naman naaalala mo na ako, kamusta ka na? Magaling ka na ba huh?” tanong ni Jaydah na alalang alala dito. “Sshh!
Naalimpungatan si Kent dahil tumutunog ang cellphone niya at may tumatawag mula sa isang unknown number. Napatingin siya sa katabi at hindi niya namalayan na nakatulog pala si Siobeh sa kwarto niya sa sobrang kalasingan nito. Ini ayos niya ang higa nito at kinumutan. Kaagad siyang tumayo at sinagot ang tawag. “Hello? Who’s this?”“Uh.. is this Uncle Kent?” “Uncle… what? Wait, Coop?!” “Uncle! I’m only using a burner phone now!” “Burner what?! What the fuck are you doing Coop?! It’s not a toy, okay?! Seriously?! A five year old using a burner phone!” “I have something to tell you!” “What is it? It’s 3AM, go back to sleep, kiddo, and don’t call me again!”“But Mommy isn’t home yet!” “What?!”“I don’t know where she is, she said she will just visit Grandma Claudia from the mental hospital but she isn’t home yet,” “Totoo ba yan?! Pag ako niloloko mo, humanda ka talaga sa aking bata ka!” “I’m serious Uncle! I’m getting worried, please save my Mom!” “Okay, papunta na ako, sandali,
Nang makauwi sila sa safehouse ay kaagad na binuhat ni Kent si Coop upang makapagpahinga na sa kwarto. Paglabas niya ng pinto ay nakita niya si Jaydah sa kabilang kwarto, nakatalikod ito at animo'y nagpupunas ng luha. Maingat niyang sinara ang pinto ng kwarto ni Coop at lumingon ulit kay Jaydah, pagtingin niya dito ay may hawak na itong first aid kit. "Gamutin natin 'yang mga sugat mo," saad niya kay Kent at saka kinuha ang braso nito ngunit kumalas si Kent sa paghawak niya. "No. I'm fine, you should get to sleep," saad niya kay Jaydah. "Kent," saad ni Jaydah. "Fine," saad ni Kent, iginiya naman siya ni Jaydah sa sala at doon ay umupo sila pareho, sinimulang kumuha ni Jaydah ang alcohol at bulak at saka idinampi sa mukha ni Kent. "Ah-aray! Aray! Mahapdi!" reklamo ni Kent na napapangiwi sa sakit. "I'm sorry, I'll be more careful," saad ni Jaydah na dahan-dahang dinampi ang bulak na may alcohol sa mukha ni Kent. Ngunit habang ginagawa niya iyon ay hindi nakikisama ang kanyang k
"Dad, tama na! Anong kasalanan ni Kent?! Bakit niyo siya pinapabugbog?!" singhal ni Jaydah na naalarma na dahil oumutok na ang labi ni Kent at nagtatamo na rin ito ng mga sugat at galos sa buong katawan nito dahil sa malakas na pagsuntok. "Tatang," nanghihinang saad ni Kent na dumura na ng dugo. Tadyak, sipa, suntok ang natamo niya mula kay Kevin, habang si Kevin naman ay natutuwa lang sa ginagawa. "Ayoko sa lahat yung naglilihim sa akin, alam mo yan Kent," saad ni Don Juancho. "Wala akong tinatago sayo, Tatang, iniwan ko ang Black Hyrax para sayo," saad pa ni Kent. Sumenyas naman si Don Juancho sa isa niyang tauhan, maya maya ay may dala na itong metal baseball bat at saka ibinigay iyon kay Don Juancho. "Dad please, stop!" singhal ni Jaydah. "Ano Kent?! Hindi ka pa rin aamin?!" singhal ni Don Juancho. "Ano bang ibig niyong sabihin, Tatang," saad ni Kent, hinawakan siya ng dalawang tauhan ni Don Juancho sa magkabilang braso at saka iniharap siya sa ginoo. "How dare you ruin m
SATURDAY, ANGELES UNDERGROUND HIDEOUTNang makarating sila ay kaagad na tumambad sa kanila ang mga armadong guards ni Don Juancho. Dalawang lalaking may takip sa mukha at may hawak na malalaking baril. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na papasok si Kent doon dahil hindi niya pa nakita ang lugar na iyon sa tanang buhay niya. "Daddy, where are we going?" tanong ni Coop ngunit napatingin lang si Kent kay Jaydah. "Kent, hindi ko dadalhin si Coop dyan," saad ni Jaydah. Maya maya ay napalingon sila ng biglang lumabas ang isang babaeng postura at nakapang office attire sa loob ng hideout. "Good evening, Mr. Saavedra and Ms. Angeles, I'm Kate, I will be your guide inside," saad ng babae at saka inilahad ang kamay sa kanila. Makikipag kamay sana si Kent ngunit inunahan na siya ni Jaydah. "Nice to meet you, Kate, actually, you don't have to guide us. I know where to find my uncle but… can you keep my child company? I don't want him to enter the hideout," saad ni Jaydah na nag aalala para
One week later…Nagsisibak ng kahoy si Kent sa harap ng safehouse habang si Jaydah naman ay nagluluto ng tanghalian. Si Coop naman ay naglalaro ng bola sa labas, ginawan lang siya ni Kent ng maliit na ring sa may puno at doon ay sinubuk-subukan niyang i shoot ang bola sa ring. "Yes! Three points!" saad ni Coop habang naglalaro. Si Jaydah naman ay nakamasid lang sa mag ama niya, nakita niya namang naghubad na ng suot na tshirt si Kent dahil pawis na pawis na ito at saka buong lakas na sinibak ang kahoy gamit ang itak. "Shit na abs yan, ang sarap! Hays, bakit ba pinagpapantasyahan ko ang ex ko na tatay ng anak ko?!" saad ni Jaydah sa isip at tila pinapagalitan ang sarili. Hindi namalayan ni Jaydah na umaapaw na pala ang tubig na sinasalin niya sa baso dahil abala siya sa pagtingin sa malapad na dibdib at mala pandesal na abs ni Kent. "Holy shit!" singhal niya sa isip at nagmadaling inilapag ang hawak na pitsel, napansin naman iyon ni Kent at saka dumiretso papasok ng bahay. "Babe,
Nang makarating sila sa lugar ay isa iyong safehouse. "Yown! The best talaga si Tatang, ang ganda naman dito," saad ni Kent na luminga linga sa paligid at tila gandang ganda sa bahay. "What is this place? Bakit tayo nandito?" "Your fa– I mean your Uncle, Don Juancho, arranged this place for me, ito yung nakuha kong premyo noong pinapatay niya sa akin si Ricky, ngayon ko nga lang napuntahan eh, ang ganda pala dito at ang laki ng bahay," saad ni Kent na muntikan ng madulas kay Jaydah. Hindi pa kasi nito alam ang totoo at sila pa lamang ni Don Juancho ang nakakaalam. "Mommy, can I choose a room upstairs? This place is cool!" saad ni Coop. "Okay, Honey, knock yourself out," saad ni Jaydah sa anak, tumakbo naman paakyat ng second floor si Coop. "Tayo na lang dalawa ngayon, can we talk? How dare you Kent?! Nawala lang ako, sinama mo na ang anak mo sa mga trabaho mo?! Paano kung napahamak si Coop, huh?! Maibabalik mo pa ba?!" singhal ni Jaydah na inis na inis. "Hindi ko siya sinama,
Nanlulumong tinignan ni Kent ang mag ina niya, nag iiyakan ang dalawa habang magkayakap dahil sa sobrang pagkasabik sa isa't-isa. "Hindi ka na lang sana nagsinungaling sa pamilya mo, sana sinabi mo na lang sa akin, papanagutan ko naman 'yang bata eh," saad ni Kent na tila naghihirap ang kalooban. Naiiyak siya sa sama ng loob dahil para siyang tanga kakahanap kay Jaydah sa loob ng limang taon at pagkatapos ay buntis pala ito kaya nagtago sa kanya. "I know how upset you are, but ple-" saad ni Jaydah ngunit naputol ang mga sasabihin pa niya ng sumigaw bigla si Kent. "Yes, May! I'm so upset right now!" Kasabay ng pagsigaw ni Kent ang mga umalingawngaw na putok ng baril sa buong lugar kung kaya't napadapa silang tatlo. "Fuck! Kailangan na nating umalis dito, bilis!" singhal ni Kent at saka mabilis na iginiya si Jaydah at Coop. Mas alam ni Jaydah ang pasikot sikot sa loob ng building niya kung kaya't pinabuhat niya kay Kent si Coop at saka sila nagmadaling tumakas. "Daddy, I'm scare
“I want to eat, I’m starving Daddy,” saad ni Coop habang patuloy sa pagmamaneho si Kent. “Okay, we will eat, maghahanap na lang ako ng madadaanan nating kainan,” saad ni Kent at saka tumingin tingin sa paligid, sa totoo ay hindi alam ni Kent kung saan niya hahanapin si Jaydah at nagda drive lang siya kung saan sila mapadpad ni Coop. Nadaanan nila ang isang convenient store kung kaya’t inihinto na doon ni Kent ang sasakyan at saka pinalabas si Coop. “I want ice cream, Daddy!” saad ni Coop na kaagad na tumakbo palapit sa ice cream section at tumuro doon. Tinignan ni Kent ang wristwatch niya at ala stres na ng madaling araw. “It’s just 3 o'clock in the morning Coop, hindi ba sasakit ang tiyan mo nyan ang aga aga, ice cream,” saway niya sa bata habang kumukuha ng footlong at naglagay ng cup sa coffee vending machine. “But I want ice cream,” saad ni Coop na nagmumukmok. “How about a hot chocolate?” tanong niya rito. “Fine,” saad ni Coop kung kaya’t ikinuha siya ni Kent ng hot choco
ANGELES MANSIONNang makarating doon si Kent ay kaagad niyang pinuntahan si Don Juancho. “I cut my ties with the Black Hyrax, Sir, to fulfill my mission, ” saad niya sa ginoo. “Magaling Kent, but first things first, find Jaydah and sent her back here, and I will explain further,” saad ni Don Juancho. “Tatang, may request ako,” “Ano iyon?” “Pwede ko ho bang isama yung anak k— anak ni Jaydah,” saad ni Kent na muntik pang madulas sa matanda, napalunok siya sa nasabi, hindi pa kasi nito alam na siya ang ama ng bata, dahil baka pag nalaman ni Don Juancho na siya ang ama ni Coop ay baka magalit ito sa kanya. “Bakit?” “To be a bait. Sigurado akong si May na mismo ang lalapit sa akin kapag nalaman niyang nasa akin ang anak niya, wag ho kayong mag alala, ligtas ho sa akin ang apo ninyo,” “I believe you, yeah, sure, go ahead pero kailangan mo siyang itakas dito kung gusto mo siyang isama, masama pa rin ang loob ng kapatid kong si Fernando at hindi niya hahayaang matangay si Coop ng kahi
Madilim. Masikip. Mainit. Iyon ang unang naramdaman ni Kent nang magmulat ang kanyang mga mata, tagaktak ang pawis sa kanyang buong katawan na para bang nasa sauna siya. “Tangina, nasaan ba ako?!” singhal niya sa sarili dahil wala siyang makita ng mga oras na iyion. Pakiramdam niya ay para siyang sanggol na nasa bahay bata pa ng kanyang ina dahil hindi siya makagalaw at ang mga paa niya’y nakasiksik lamang, animo’y pinagkasiya siya sa loob ng isang supot. “Siobeh! Pakawalan mo ako dito! Tangina niyo pag nakalabas ako dito, humanda kayo sa akin! Ugh! Puta!” sigaw niya ngunit tila walang nakakarinig sa kanya, mainit doon at mauubusan na siya ng hininga dahil sa pagka kulob.Bigla niyang naramdaman ang isang malaking na suntok, nagsunud sunod na iyon na animo’y ginagawa siyang punching bag. “I hate you Kent! I hate you! Palagi ka na lang wala! Ano huh?! Akala ko ba loyal ka sa Black Hyrax?! Pero bakit hindi na kita halos mautusan ngayon?! Ano?! Kaya mo na sarili mo?! Minsan ka na lan