•Seve•
"F*ck! Sa tingin mo kaya kong gawin to pare? Sino ba ang may gusto nito at kakausapin ko!"
Sinamaan ko ng tingin si Craige dahil sa sinabi niya. Ibinigay ko na sa kanila ang skirt at baby bra na gusto ni Lilac at maski ako ay di makapaniwala sa gusto nito.
"Under ka ba ng misis mo, Szellous?Bakit naman—"
"Parang hindi ka kay Persephone, Hades, tsk."
Napakamot ito sa batok sa sinabi ko. Katulad niya ay gusto ko rin makabawi kay Lilac. Sa lahat ng nagawa ko sa kanya kulang pa ito.
"Mahal talent fee ko, Dela Vega."
"Name your price, Alwin."
Pumalakpak ito at sinuot ang ibinigay ko sa kanya, halos di na ito magkasya sa laki ng katawan nito. Paano naman kami mamaya? T*ngina manghaharana pa kami.
—
"Ano ba naman to? Parang makikita na yung pwetan ko, Szellous!" inis na sambit ni Jiro.
•Seve•"Iiwan mo ako dito Seve? May utak ka pa ba? Uunahin mo naman yang party-party na yan kaysa sa ina mo."Kanina pa kami ni mommy nagtatalo dahil dito. Gusto nitong isama ko si Jonalyn. Nang sinabi ko na si Lilac ang dadalhin ko ay nag-iba na naman ang isipan nito at di nalang ako papupuntahin."Mommy, may kinuha akong private nurse para magbantay sayo. Hayaan niyo na po kaming mag-enjoy ni Lilac, matagal rin po kaming naghiwalay."Magsasalita pa sana ito nang bumaba si Lilac kasama si Lucas at Trayne. Ayaw ko man na papuntahin ang lalaking iyon ay wala akong magagawa lalo na at kailangan siya namin para mabantayan si Lucas.Bawal ang bata sa Bachelor's Club ngayon lalo na at pupunta ang lahat ng mga matataas ang ranko sa lipunan. Kasama na roon ang limang Capo Crimini (Big Boss) ng Mafia Organization, dapat hindi kami nakikipaghahalubilo sa kanila dahil mga illegal ang mga ginag
•Seve•Hindi ko na pinansin ang sinasabi ni Vladimir at tumakbo na palabas ng Bachelor's Club. Kailangan ko maabutan si Lilac, hindi kami pwedeng mag-away dahil dito. Isang hindi pagkakaunawaan lang to, pasakay na sana ito ng kotse nang bigla kong hinablot ang braso niya."Lilac, pasensya na. Hindi ko inalala ang mararamdaman mo. Ayaw ko lang na magpakamatay si Jonalyn, patawarin mo na ako."Nagulat ako nang biglang may humila sa akin paitaas at sinuntok ang pisngi ko. Tiningala ko ito at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Trayne, nakatiim-bagang pa ito habang nakatingin sa akin."T*ngina, g*go ka! Hinayaan kita na bumalik sa buhay nila, tapos ito ang gagawin mo?"Umiling ako at hinawakan ang kamay ni Trayne, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Alam kong si Trayne ang tumatayong malapit na pamilya ni Lilac, pinagkakatiwalaan niya ito,
•Seve•Sirang-sira ang buong bahay na pinasukan namin. I mean basag lahat ng mga vase at picture frame pagkapasok namin ni Lilac. May mga dugo pa na nagkalat sa mga bubog.Walang tao sa sala kaya sa tingin ko ay nasa kwarto nito si Jonalyn. "Mag-iingat ka, Lily. Baka makaapak ka ng mga bubog at masaktan ka," usal ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.Tumango naman kaagad ito at walang pagdadalawang-isip na inabot ang kamay ko."Jonalyn, nasaan ka?" tawag ko rito.Aakyat na sana kaming dalawa ni Lily nang bigla ako nitong hinila pabalik. Ang mukha nito ay may iba't-ibang emosyon na ipinapakita."Sa tingin ko ay kailangan mo siyang kausapin ng mag-isa, Szellous. Labis siyang nasasaktan ngayon at kung sasama ako sayo sa loob natitiyak kong pati ikaw ay itakwil niya," malungkot itong ngumiti sa akin.
•Lilac•Pagkarating namin sa bahay ay agad na bumungad sa amin ang ina ni Seve. Namumula ang mukha nito habang nakatingin kay Jonalyn."Anong nangyari kay Jonalyn? Ano na naman ang ginawa mo Veron!" namumula ang mukha na sigaw nito.Tinaas nito ang kanyang kamay para sampalin si Seve nang hinawakan ko iyon. Habang ang huli naman ay nakatulala lamang habang pinasadahan ng tingin ang kanyang ina."You can walk now, mom? Akala ko ba masama pa ang katawan ninyo?" naguguluhang tanong ni Szellous rito.Tinaasan naman kaagad ito ng kilay ni Madame Luxin, bago hinila ang kamay sa pagkakahawak sa akin. Anak ba talaga nito si Seve? May ganito pala talagang ina? Siguro meron nga dahil marami naman akong naririnig na balita tungkol sa mga magulang na binubugbog ang mga anak. Hindi lang ako makapaniwala na may kakilala ako na ka
•Seve•"Saan na naman kayo pupunta?" tanong sa amin ni mommy, pagkababa naming tatlo. Tumakbo si Lucas patungo rito at yumakap sa binti niya."Grandma, pupuntahan po namin si mamay!"Hindi ko alam kung bakit parang takot na tumingin sa akin si mommy at nanlalaki pa ang mata."Babalik rin kami kaagad, my. Death anniversary po ngayon ng ina ni—""No! Hindi kayo aalis, bawal kang umalis, Szellous," naghihisterikal na saad nito.Kumunot ang noo ko sa inasta ni mommy, may masama ba sa gagawin namin? Bibisitahin lang naman namin ang puntod ng ina ni Lily."Saglit lang po ito, my. babalik rin—""Kapag lumabas ka sa bahay na yan, sisiguraduhin ko na wala ka ng inang madadatnan. Magpapakamatay ako kapag sinunod mo na naman ang gusto mo!"Hinihingal pa ito nang matapos ang sinasabi nito. Ramdam ko ang pagtapik
Seve•Madilim na kaming nakauwi, ipinasyal ko muna ang mag-ina ko. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ni Lily bago kami umuwi sa bahay, lalo na at kasama namin sa isang bubong si mommy."Okay ka na? Makakaya mo pa ba na harapin si mommy? O papauwiin ko na siya?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang pisngi niya na namamaga rin dahil sa pag-iyak kanina.Umiling ito at hinawakan ako sa kamay, sinalubong naman kami ni mommy na hindi na maipinta ang mukha."Ano may nakuha ka ba sa pagsama mo sa babaeng 'yan—""Mommy, kung ayaw niyo pong mas lumala ang galit ko sa inyo, respetuhin niyo po ang babaeng mahal ko. Iyon lang po ang mahihiling ko sa inyo, sa kabila ng lahat nang ginawa niyo," mariin kong ani.Umirap naman ito sa akin at pumasok na sa loob ng bahay. Humingi naman ako kaagad ng paumanhin kay Lily."Papa, may tumatawag po sa phon
•Lilac•Takot na takot siya kanina, pero pagkadating nila sa hospital ay napawi ang lahat ng iyon nang makita ang mga kaibigan nila na nakatayo sa kwartong para kay Seve at hinihintay iyon na dumating."Matapang si Szellous magiging maayos rin ang lahat, Lilac," pagpapaalala sa kanya ni Ezekiel.Alam niyang nag-aalala rin ang mga kaibigan ng lalaki, pero kahit ganon ay inaalo pa rin siya ng mga ito. Nauna pa silang lahat na tumayo ng dumating si Sven, napailing naman ito at isa-isang binatukan ang mga kaibigan."Kayo ang pamilya?"Mabilis naman na tumango ang mga lalaki nilang kasama na nakatikim na naman ng batok kay Sven. Nagpipigil silang mga babae na tumawa, lalo na at hindi pa nila alam ang sitwasyon."Tabi nga kayo diyan kailangan kong makausap si Lilac."Nakangiti itong lumapit sa akin at tinapik ang balikat ko. Napabunto
•Seve•Nasa bahay kami ngayon ni mommy. dahil hindi na namin ito naabutan kanina sa kanila Lilac.Katabi nito si Jonalyn na nakayuko hindi ko pa alam kung ano ang sekretong tinatago nila mommy. Pero sa tingin ko ay kasali doon si Jonalyn."Mommy, bakit niyo po ginawa sa akin iyon? Anak niyo po ako, pero sa halip na alagaan parang gusto niyo pa po yata na mamatay ako."Pilit kong hinuhuli ang tingin ni mommy, dahil kanina pa nito iyon iniiwas sa akin."Kung hindi niyo po sasabihin ang totoo ay mapipilitan kaming ipakulong si Jonalyn. Hindi niyo naman po siguro gugustuhin iyon diba?"Napag-usapan na namin ito ni Lilac, at alam ko na tinatakot lang nito sila mommy. Walang namutawing salita sa labi ko na nakatingin kay mommy na nakaluhod na ngayon sa harap namin ni Lily. Anong ibig sabihin nito? Kaya niyang gawin ang lahat para sa babaeng iyon pero s
•Lilac•Napatingin ako sa binatang nasa entablado ngayon at kumakanta. Ang nakangiti nitong mukha ay nagbibigay ng saya sa aking dibdib."Ang laki na ng anak natin, Lily. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita at nakakasama natin siya habang inaabot ang kanyang pangarap," bulong sa akin ni Seve.Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. Parang dati lang kami iyong kumakanta sa entablado, hindi ko aakalain na may susunod pa rin pala sa yapak naming dalawa."Mommy, bagay po kay Kuya Lucas ang pag-aartista. Ang gwapo niya po! Bagay sila ni Ate Heidi." Kinurot ko ang pisngi ng bunso namin dahil sa sinabi nito.Limang taon na si Dreame at palagi itong nakasubaybay sa mga kapatid. Napatingin ako sa entablado nang biglang maghiyawan ang mga taong naroroon.
•Lilac•Ilang araw muna kaming namalagi sa hospital at nang masigurado na namin na wala nang panganib sa mga anak namin ay kaagad namin silang iniuwi sa bahay."Ang saya nilang tignan," bulong ni Seve habang nakayakap sa aking likuran.Naglalaro sa aming bakuran sina Lucas at Kirsten, kasama nito sila cofe at ang kambal ni Persephone. Ibinilin ito sa amin ng huli dahil may pupuntuhan daw silang dalawa ni Hades."Kailan natin pupuntahan ang mommy mo, hon?" tanong ko sa kanya. Natatandaan ko noon sa hospital sinabi niyang pupuntahan namin ito para makausap ko."Kaya mo na ba siyang harapin, Lily? Sa tingin mo mapapatawad mo pa ba si mommy sa nagawa niya sayo?"Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa biglaang tanong na iyon ni Seve. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo ni Kirsten at ng mommy nito nang gabing iyon. Kung kasalanan ba ni
•Lilac•Napatili si Persephone nang malaglag ang baso na hawak ko habang kumukuha ng tubig sa maliit na ref."Are you okay, Lilac?" Tumango lamang ako sa kanya at yumuko na para kunin ang mga nabasag ngunit pinigilan ako nito at pinaupo sa sofa."Ako na rito. Diyan ka nalang, huwag ka munang mag-iisip ng mga bagay na hindi makakabuti sa iyo," mahinahong saad nito.Tumango ako at nilapitan si Lucas na mahimbing pa rin na natutulog. Kung hindi lang sa mga apparatos na nakakabit dito aakalain ng iba na natutulog lang ito."Nakita mo na ba ang mamay mo diyan, anak? Sabihin mo sa kanya na huwag ka niyang kunin sa akin, please?" napatigil ako sa pakikipag-usap dito nang gumaralgal ang boses ko. Tumingala ako sa may ceiling at hinayaan na pumatak ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.
•Szellous•Kasama ko sila Hades, Daryl at Zeke ngayon. Nandito kami sa lumang bodega na sinasabi ni Daryl. Hindi ko alam kung nandito ba talaga si mama, nagbabasakali lang ako na makita ang anak ko."Pare, sa likod kaming dalawa ni Zeke, kayo naman ni Hades sa may front door dadaan," wika ni Daryl. Tumango ako at inayos ang dala kong brief case.Wala akong balak na makipag-away kay mommy. Ibibigay ko ang gusto niya huwag niya lang saktan ang anak ko.Tumakbo ako patungo sa may pintuan nasa likuran ko lamang si Hades, dala nito ang lisensyado niyang baril."Sa may ikalawang palapag ka, Seve. Ako ang mag-iikot dito sa may ibaba." Tumango ako sa sinabi niya at tumakbo na patungo sa may hagdanan.Sira na ang ibang apakan ng hagdan dahil luma na at matagal nang hindi nagagamit. Malalim akong huminga nang makita ang i
•Lilac•"Lilac, are you okay?" Naririnig ko naman ang mga sinasabi nila pero wala akong gana na sagutin iyon. Nanatili lamang akong nakatulala sa may kawalan.Hindi ko alam kung makakaya ko pa ba na mabuhay kapag may nawala isa man sa mga anak ko. Mas nanaisin ko pa na ako yung nasasaktan kaysa makita silang nakikipaglaban sa kay kamatayan."Stop crying, Lilac. Nandito lang kami." Lumingon ako kay Persephone at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili at umiyak na lamang sa harapan niya."Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Magdasal ka lang sa itaas," usal ni Aleister habang hinahaplos ang buhok.Tumango ako sa kanila at pinahid ang luhang dumadaloy sa aking pisngi. Nagpaalam muna ako sa kanila at pumunta sa may maliit na chapel ng hospital.Nang makapasok
•Third Person•Masayang mukha ng mga tao ang makikita sa malaking bulwagan ng mga Dela Vega. Ngayon ang ikaapat na anibersaryo ng mag-asawang Szellous at Lilac."More anniversaries to come, Lovers!" nakangiting saad ni Annaliza."Ang hina mo naman, Seve. Bilisan niyo ang paggawa para dumami ang kalaro ni Lucas." Nagtawanan ang lahat sa biro ni Jiro.Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang mga bisita. Masyado silang nadadala sa kasiyahan at pakikipag-usap sa kanilang mga kakilala.Sa ikatlong palapag naman ng mansyon ay naroroon ang dalawang bata na naglalaro ng bahay-bahayan.Malakas ang halakhakan ng mga ito ngunit natigil din nang may biglang pumasok sa kwarto na iyon. Takot ang nadama ng dalawa sapagkat sa bintana nanggaling ang taong pumasok."Si-sino ka po?" kinakabahang t
•Seve•"Lily, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko rito.May sinusunog kasi itong papel hindi ko lang alam kong ano iyon. Buhat-buhat ko si Lucas na nakakunot din ang noo na tumingin sa kanyang ina."You're the sole reason of my revengeNow you came back to meMy heart melts and without there sorry, I'm okay...I'm okay, because I found my therapyHeart knows what it wantsIt wants you, my hatred vanish because of you."Basa ko sa aking nakita, iyon nalang ang hindi pa kinakain ng apoy. Lumingon sa amin si Lilac at ngumiti, parte ba iyon ng ginagawa niyang kanta?"Para sa kanta mo ba iyon, Lilac?"Kaagad naman siyang tumango bilang sagot sa tanong ko. Kanta niya iyon pero hindi siya nag-aalinlangan na sunogin? Pinaghirapan niya iyon sayang naman kung magiging abo lang."Iyong nabasa mo, iyon ang parte na inulit ko. Ang iba ay puro sa
•Lilac•"Lilac, ako na d'yan baka mainit sa tiyan mo."Tumingin ako kay Aleister at tumango, itinuro ko sa kanya ang iba panglulutuin. Nagluluto kasi ako ng barbecue, dahil may pool party kami ngayon dito sa Bachelor's Club. Malaki na rin ang tiyan ko, estimated kong manganak sa susunod na buwan first week."Tinatawag ka ng kuya mo, Aleister!" ani ni Persephone na papalapit na rin sa amin. Inirapan naman ito ng una at nagsimula nang magluto."Ay ayaw pa raw sa Kuya Craige niya—"Hindi na naipagpatuloy ni Persephone ang sasabihin nang ibinigay sa kanya ni Aleister ang mga lulutuin.Nilingon ako nito at tinaasan ng dalawang kilay. Tumawa lang ako at nagpaalam na sa kanila na pupuntahan si Seve."Go, Sven!""Go, Ezekiel""Ezekiel, lang malakas!" may pagmamalaking
•Seve•Magkasama kami ngayon ng mga lalaki sa unit ko. Bukas na ang kasal ko at pinagbawalan kami na magkasama dahil bawal daw iyon. Medyo kinakabahan tuloy ako sa mangyayari."Namimiss ko tuloy si Lily," mahina kong saad habang iniinom ang alak na ibinigay sa akin ni Sage.Uminom kami saglit dahil hindi ako makatulog sa sobrang kaba."Isang araw lang kayong magkahiwalay, Seve. Itigil mo nga yang kamanyakan mo!" pang-aasar naman sa akin ni Jiro.Napailing ako rito sumandal sa upuan. Hindi ko alam pero kahit ilang minuto lang ay ayaw ko ng malayo kay Lilac. Hinahanap na ng katawan ko ang presensya niya."Hindi mo kasi maintindihan ang nararamdaman ko, Jiro. Wala ka kasing babaeng minamahal." Sinamaan niya ako nang tingin pero tinawanan ko lang siy