NAGULANTANG ang mga netizens at fans dahil sa panibagong kontrobersiyang kinakaharap ni Mavi Villahermosa nang kumalat sa social media ang mga litrato nito sa Wonderrealm Amusement Park kasama ang isang non-showbiz person at isang batang babae.It was uploaded by a dummy account with the caption, 'The secret of Mavi Villahermosa'. May ilang mga netizens ang nakapagsabi na ang babaeng kasama nito sa amusement park ay isa sa mga estudyante ni Mavi at ang batang nasa litrato ay ang kanilang anak. Umani iyon ng sangkatutak na reaksyon at naging bali-balita hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.Dahil dito, lalong humigpit ang seguridad ni Mavi upang maproteksyonan ang sarili. Kahit sa tinutuluyan niyang condominium complex, hindi siya tinantanan ng mga camera at media dahilan para manatili muna sa loob ng condo si Mavi hanggang sa lumamig ang sitwasyon.Sinubukan niya ring magpadala ng magbabantay sa apartment ni Vesper ngunit hindi pumayag ang landlord ayon sa hiling ni Vesper na b
Eight years ago...TREMBLING with fear, Vesper was staring at the pregnancy test she was holding. Ilang minuto na siya sa loob ng banyo at hindi sigurado kung kakayanin niya pang lumabas matapos makita ng kanyang mga mata ang dalawang guhit sa pregnancy test kit.Nagsimula ang kanyang pagdududa nang hindi siya datnan ng isang buwan, bagay na imposibleng mangyari dahil regular ang menstruation niya. Napapadalas din ang pagsama ng pakiramdam niya at may mga episode na siya'y naduduwal o nagsusuka. Dahil dito, nagpasya na si Vesper na mag-take ng PT at ang resulta ay labis niyang ikinabahala. Paano niya itatago sa daddy niya ang kanyang pagbubuntis? Natatakot siya sa maaaring reaksyon o gawin sa kanya nito sa oras na malaman ito ng kanyang ama. Dalawa lang ang posibleng mangyari kung sakali—it's either she will lose her riches or worst, her child.Matagal niyang itinago ang relasyon niya kay Mavi sapagkat alam niyang tututol ang daddy niya dahil ibang mundo ang ginagalawan niya kumpara k
PRESENT TIMEHALOS 'di umalis ng funeral homes si Bradford kung saan nakahimlay pa rin ang mga labi nina Reign at Peter Ibarra. Ngayon ang huling araw ng burol ng mag-ama at bukas ay nakatakda nang ihatid ang dalawa sa kanilang huling hantungan.Gaya ng pag-asikaso niya sa paglilibingan ng kanyang mga yumaong mahal sa buhay, naayos na rin ni Bradford ang plano niyang paghihiganti kay Mavi.Binigyan niya ng ilang araw si Luther para gawin ang kanyang inuutos. Sana lang, sa susunod na pagtawag niya rito ay may magandang balitang ihahatid sa kanya si Luther.Damn, he was so excited to hear the next trending topic—'Prince of Melody' Mavi Villahermosa was killed. Kulang pa ang kasalukuyang kontrobersiyang kinakaharap ng lalaking 'yon para makaganti sa lahat ng atraso nito hindi lang sa kanya, kundi pati kay Reign na sinaktan niya nang husto.Muli ay nakatayo si Bradford sa harap ng mga labi ni Reign habang hinahaplos ang salamin ng kabaong ng dalaga. Sa halip na malungkot ay makikita sa hit
ANG PAGKADAWIT nilang mag-ina sa problema ni Mavi ay lalong nagpabigat sa sitwasyon ni Vesper. Hanggang sa mismong tinitirahan niyang apartment ay hindi siya tinitigilan ng fans at miyembro ng media to the point na nahihirapan na siyang lumabas ng unit.Ultimo pag-aaral ni Myla ay apektado na rin. Ilang araw na itong hindi pumapasok sa eskwelahan at para silang mga dagang nagtatago sa kanilang lungga, umaasa na maglalaho rin ang mga taong gumugulo sa kanila.Katatapos lang magluto ni Vesper ng tanghalian. Maingat niyang inilipat ang corned beef sa malinis na plato at inihain sa kanilang munting hapag-kainan.Ito na ang huling canned goods na naitabi niya. Ibig man niyang magluto ng masarap na ulam na mae-enjoy nilang mag-ina subalit limitado na ang kanilang budget. Kailangan nilang magtipid. "Kain na tayo," anunsyo ni Vesper at naupo na sa mesa katapat si Myla. Agad namang umagaw ng atensyon ni Vesper ang pananamlay ng anak at malungkot na nakatitig sa pagkain na nasa harap. Tinanon
WALANG sinayang na oras si Vesper. Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na police station upang humingi ng tulong. Doon, idinetalye ni Vesper ang mga nangyari mula sa paglabas nila sa kagubatan kung saan niya unang nakita ang van hanggang sa harangin sila n'on at walang habas na dinukot ang anak niya.Ibinigay niya ang impormasyon na kakailanganin ng mga pulis para makatulong sa gagawing imbestigasyon kabilang na ang address kung saan na-kidnap ang bata ngunit hindi pa rin pala 'yon sapat dahil may mga problemang kakaharapin ang mga otoridad na may kinalaman sa lokasyon at sa pag-trace ng naturang sasakyan."Nakuha niyo po ba ang plate number ng van?" tanong ng desk officer na nakatoka para hingan siya ng statement."Sir, sa bilis po ng pangyayari, hindi ko na po 'yon napansin. Wala ring mga witnesses na maaari kong iharap sa inyo dahil hindi 'yon masyadong dinadaanan ng mga tao.""Misis, tatapatin ko po kayo. Mahihirapan po tayo na ma-trace kung sino ang may-ari ng van na lulan ng mg
NAGISING ang pandama ni Vesper sa malamig, tahimik at malambot na higaan ng silid. Dahan-dahan siyang dumilat. Bahagyang nanlalabo pa ang kanyang mata dahil kagigising niya lang. She gently rubbed her eyes to clear her vision. Iginala niya ang kanyang paningin sa apat na sulok ng silid at doon niya napagtantong pamilyar pala sa kanya ang lugar na ito.Ang kulay rosas na pintura ng pader, ang empty bookshelf na katabi ng puting aparador na halatang alaga sa linis at ang kama na halos walang pinagbago sa pakiramdam nang mahiga siya.Marami mang gamit ang naalis pero hindi niya malilimutan ang hitsura ng naging kwarto niya walong taon ang nakakaraan. Ang akala niya, hindi na siya muling makakabalik pa rito matapos ang matinding pagtatalo nila ng kanyang ama na nagresulta sa paglalayas niya noon.Ang pinagtataka niya lang, paano siya napadpad dito? Sino ang nagdala sa kanya sa lugar na ito? Nasagot din ang tanong na bumabagabag kay Vesper nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Her jaw fe
PITONG ARAW ang dumaan. Nababalisa at hindi mapakali si Vesper sa pag-iisip kung ano nang lagay ni Myla. Isang linggo na pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nahahanap. Mahalaga ang bawat araw kay Vesper dahil walang katiyakan kung ano nang nangyayari sa kanyang anak.Halos araw-arawin niya ang pagkatok sa silid ng kanyang ama para humingi ng report tungkol sa kaso. Makulit na siya kung makulit pero hindi siya masisisi nito dahil kahit sinong magulang na nasa sitwasyon niya ay baka ganito rin ang gagawin. Besides, she kept his promise of helping her even if it means losing her freedom to choose the man to end up with.Kumatok siya ng tatlong beses at hindi na hinintay pang bigyan siya ni Dominic ng pahintulot na pumasok at basta niyang binuksan ang pinto. Naabutan niya ang matanda sa mesa na nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo gaya ng lagi nitong ginagawa noon. Hindi man lang ito nag-angat ng tingin kahit pa alam nito na nasa loob siya ng kwarto."Dad, wala pa rin bang lead ang mga tao
VESPER woke up in her room after she collapsed earlier this afternoon. Pinipigilan ni Vesper na tumulo ang luha niya nang muling maalala ang insidente kanina sa baba. The pain dominated her emotions as a great tremor overtook her.Kung pwede lang siyang sumunod kung nasa'n ang mag-ama niya ngayon, hindi siya magdadalawang-isip na gawin iyon. She's so tired of living in this cruel world! Wala na ba siyang ibang mararamdaman kundi pighati at lungkot? Wala na ba siyang karapatang maging masaya kasama ang mga taong mahal niya sa buhay?Nanlulumo itong bumangon sa higaan at paulit-ulit na pinahid ang mga luha. She walked towards the window, trying to find if there was a veranda. Nang sinubukan niyang buksan ang bintana, doon niya nadiskubreng nakakandado pala 'yon mula sa labas.Frustration led her to slam the window, however, the glass are thick enough not to break it. Wala siyang pinagkaiba sa isang preso na patapon ang buhay. She wants to end it all! She'd rather die than spend the rest