Jazmine
Simula noong gabi na iyon, na niyakap ako ni Chris, hanggang ngayon na pabalik na kaming muli sa Coron Town ay hindi ko na ito masyadong kinikibo o kinakausap. Hindi ko na rin siya magawa pang tignan sa kanyang mga mata, gaya ng dati.
Palagi akong nakayuko kung kakausapin man ako nito o kung hindi naman ay sa ibang direksyon ko ibinabaling ang aking mga mata.
Hindi dahil sa nasaktan ako sa ginawa niya or nag-assume ako noong gabi na iyon. Kung hindi dahil...iniiwasan ko ang isang bagay na pwede naming ikapahamak pareho.
Isang bagay na pwede kaming makasakit ng ibang tao, at higit sa lahat ay ang bagay na ikasisira naming dalawa.
Pinipigilan ko ang namumuo kong pagtingin kay Chris.
Oo, tama nga kayo. Unti-unti na akong nagkakagusto sa saksakan na sungit na lalaking ito. Hindi ko rin alam kung bakit at paano nangyari. Siguro dahil sa siya ang palaging k
JazmineSa isang mamahalin at sikat na resto bar dito sa Coron Town ako dinala ni Chris para maghapunan.Hindi na rin ako nagreklamo pa, maganda at masarap naman kasi ang ambiance at talagang nakaka-enjoy dahil mayroong live band na nagtugtog.Isa pa, gusto ko ang mga OPM songs nila. Hindi masakit sa tenga, nakaka relax at mas lalong napapamahal ako sa moment dahil nakakatunaw ng puso ang mga madamdaming lyrics ng mga ito.Mas lalo ko ring ninanamnam ang bawat sandali na nandito kami ni Chris. Habang kasama ko siya, habang nasa harapan ko siya at panakanakang sumusulyap sa akin.Hindi nagtagal ay dumating na ang inorder nitong pagkain para sa aming dalawa.Heto na naman ang walang humpay kong pag ngiti. Kanina pa kasi talaga kumakalam ang sikmura ko. Baka nga gutom lang talaga ang mga pagsusungit ko kay Chris kanina.Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan ang hindi lihim na pagmasdan at sulyapan s
Jazmine"Jazmine!""Jazmine, wait!"Kanina pa ako sinusundan ni Chris pero kahit sandali ay hindi ako humihinto sa pag hakbang.Hindi ko na rin alam kung saan ako papunta. Ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. Pero heto parin siya, nakabuntot at sunod ng sunod sa akin."Talk to me!"Pero nagpatuloy parin ako."You can't just walk away while crying!" Dagdag pa nito.Dahil doon ay tuluyan na akong napahinto at hinarap siya, ngunit nananatili ang halos limang hakbang sa pagitan naming dalawa."Hindi mo parin ba gets? Ayaw ko muna ng kausap. Gusto kong mapag-isa, Chris! So please! Leave me alone!" Pakiusap ko sa kanya habang umiiyak.Bakit ba kasi ako umiiyak in the first place? Nakakainis!Napahinga ito ng malalim."I can't..." Napapailing na sabi nito sa akin. "I'm sorry, but I can't leave you. Not like this." Dagdag pa niya. "Look at
JazmineAlas dos na ng umaga, kanina pa ako pagulong-gulong sa aking higaan ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kanina ko parin ipinipikit ang aking mga mata pero wala talaga, hindi ako makatulog at nananatiling gising ang aking diwa.Frustrated na napabalikwas ako sa pagbangon bago naupo at isinandal ang aking likod sa headboard ng kama.Napapahinga ako ng maraming beses habang napapapikit din ng mariin.Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay wala akong ibang nakikita kung hindi ang guwapong mukha ni Chris.Si Chris na naman.Mabilis na napailing ako at agad na iwinaglit ito sa aking isipan bago tuluyang nagpasya na tumayo para lumabas na muna ng aking kuwarto, at para na rin makalanghap ng sariwang hangin sa labas.Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta, basta na lamang akong dinala ng aking mga paa sa la
ChrisHindi ko magawang alisin si Jazmine sa mga mata ko, kahit na sandali. Gusto kong busugin palagi ang mga mata ko mula sa pagtitig o pagtingin lamang sa kanyang magandang mukha.Habang tumatagal, inaamin kong ayaw ko na siyang nawawala sa aking tabi. Gusto ko palagi ko siyang nakikita at kasama. Hindi ko na rin alam kung nasanay lang ba talaga akong kasama siya palagi o mayroon na itong ibig sabihin.Bagay na labis na nagpapagulo rin sa aking isipan.I am becoming addicted to her, to her smell, to the shampoo she uses that I smell from her hair every time the wind blows it, to her smile, to her beautiful voice and her laughs like music to my ears, to everything about her, I was addicted and completely drowning.At kanina, hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong magpunta sa guest house kung nasaan siya. At mas lalong hindi ko akalain na pagtatagpuin kami roon. Hindi k
JazmineIlang araw na akong nakakulong lamang dito sa aking kuwarto. Ayoko kasing lumabas ngayon kahit na sabihing sandali lamang. O sisilip lamang d'yan sa may bayan.Ayoko.Dahil may iniiwasan akong tao.Paano kasi, iniiwasan ko si Chris.Oo, si Chris.Hays!Bakit ko ba kasi nagawa ang bagay 'yun? Bakit naman kasi masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko noong araw na iyon?Hindi ko tuloy magawang harapin ito ngayon. At mas lalong hindi ko siya magawang tignan sa kanyang mga mata oras na muling magkita na kami.Argh! Hindi ko mapigilan ang mapasabunot sa aking sarili bago muling ibinaon ang aking mukha sa unan at parang tanga na nag pagulong-gulong aking higaan.Nahihiya ako sa aking ginawa! Parang pakiramdam ko, bigla-bigla eh nawala ang aking pagkababae.Eh paano ba naman kasi!Waaaah!B
Jazmine"A-Ano?" Gulat na gulat na tanong ko na halatang hindi makapaniwala sa narinig.Ibig ba niyang sabihin...gusto niya rin ako?Pero, p-paano? Kasi sa nakikita ko at sa mga pinapakita naman nito nakaraan, tila ba ako lamang ang palaging apektado sa aming dalawa.Oo, nagawa man nito akong halikan. Pero marahil natukso lamang ito at hindi naman talaga kami parehas ng nararamdaman. Hindi ba?Ngunit bakit sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito ngayon? Naguguluhan na tanong ko sa sarili.Muling nanumbalik sa realidad ang aking isipan nang muli ako nitong hawakan sa mga kamay ko.Agad na nagkasalubong ang aming mga mata. Muli itong napangiti sa akin at tumayo siya."I have something for you. Come!" Sabay aya nito sa akin at kahit na wala pa naman akong sinasabi kung pumapayag ba ako o hindi ay basta na lamang niya akong hinila paalis muli sa boulevard.Teka saan ba niya ako dadalhin?&nb
JazmineNagising ako kinabukasan na wala si Chris sa sofa kung saan ito natulog kagabi.Oh, wag kayong mga malisyoso at malisyosa, hindi kami nagtabi sa pagtulog. Kahit naman may nararamdaman ako para kay Chris, alam ko parin naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko.At mas lalong hindi dapat ako ang unang maging dahilan ng tukso sa aming dalawa, na alam kong pagsisisihan lamang namin sa huli.Nag-inat ako bago napahilamos ng palad sa aking mukha.Finally, it's been a while since I've felt this feeling.Ang gaan lamang sa pakiramdam.Para bang pinaghalong tagsibol at tag-ulan.Wala kang ibang mararamdaman kung hindi kapayapaan. At ang tanging amg kwarto na ito ang nagsisilbi kong yakap sa mga sandaling ito.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa aking sarili at walang sabi na niyakap ang unan na nasa aking tabi.Naalala ko kasi ang ginawang pakulo ni Chris kagabi. He's so sweet talaga.Kaya lang,
Jazmine"Pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit bigla ka nalang na tahimik diyan?" Tanong nito noong matapos na kami sa pagkain.Simula kasi noong lumabas ako ng banyo kanina, hindi ko na siya masyadong kinikibo."Please." Pagkatapos ay hinawakan niya ako sa aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa."Pwede ko bang malaman? May nagawa ba akong hindi dapat? Sumobra ba ako sa limitasyon kaya---""I'm okay, Chris." Putol ko sa kanya bago ito binigyan ng assurance smile. Pagkatapos ay binawi ang aking kamay na hawak niya."B-Baka masyado lang akong napasarap sa tulog kagabi kaya iba ang effect ngayon." Pilit na pinasisigla ko ang aking awra.Mataman na tinitigan lamang ako nito sa aking mukha. Bago napatango."Alright." Tipid na wika niya. "May gusto ka bang puntahan? Or gawin? Worried lang ako, Jaz. Hindi ka naman kasi ganyan. Nakakakaba kapag tumatahimik ka na. Nangangahulugan lamang na maraming gumugulo sa iyong isipan." D
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I
JazmineNapangiti ako sa aking sarili noong yakapin ako ni David mula sa aking likod atsaka marahan na ipinatong nito ang kanyang baba sa aking balikat.Naramdaman ko ang paghalik nito sa may batok ko bago mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin."Hmmmmm. It feels so good!" Hindi ko mapigilan ang sariling mapaharap sa kanya at sinalubong ang mga mata nito.Isang matamis na ngiti ang iginawad nito sa akin, habang ako naman ay agad na ipinulupot ang braso sa kanyang batok bago ito binigyan ng isang matamis na matamis na halik, na agad din naman nitong ginantihan ngunit hindi iyon magtagal."Thank you.." Pabulong na sabi ko rito bago napalunok, habang magkadikit ang aming noo at ang aming mga ilong."Thank you for what?" Tanong nito sa akin.Noon din ay ipinaghiwalay ko na ang aming noo bago muling tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata."Dahil nagawa mo akong patawarin. A
Jazmine "Babe! Are you alright?" Rinig kong tanong ni David mula sa labas ng banyo. Kanina pa kasi ako nandito sa loob at hinahayaan lamang na umaagos ang tubig sa aking katawan habang umiiyak na naman. Magmula noong huling beses kaming magkita ni Chris, wala na yata akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak tuwing gabi. O kahit na nag-iisa ako. Bawat mayroong pagkakataon na gusto ko at pwede akong umiyak, iniiyak ko. Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit ang lungkot-lungkot ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ang nawala sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Chris. Hindi ko maintindihan kung bakit sa sandaling panahon na nakilala ko siya ay para bang buong buhay ko na itong kakilala at nasakop agad nito ang buong pagkatao ko. Miss na miss ko na siya, ngunit
Now playing: Malibu nights by LANYChris"Pwede bang ikaw na lang?""Ayoko nga! Ikaw nang kumausap, isa pa, parehas kayong lalaki, so you should talk to him not me!""Nikki, mas makikinig siya sa'yo, hundred one percent. Swear!""No! Alin ba ang hindi mo maintindihan doon?""Anak ng!"Kanina ko pa naririnig na nagtatalo sina Nikki at Terrence kung sino ba ang lalapit sa akin.No, actually, ilang araw na rin nila akong hinahayaan lamang at hindi pinakikialaman sa anumang mga ginagawa ko.Sinabi ko kasi sa mga ito na gusto kong mapag-isa at kung pwede ay ibigay na muna nila iyon sa akin.Bumalik ako sa resort na pagmamay-ari ng parents ko dito sa Busuanga. Ngunit agad naman na sinundan ako ng dalawa rito na tila ba takot na takot na baka mayroon daw akong gawin na hindi maganda sa aking sarili.Ano bang hindi nila maintindihan sa gusto kong mapag-isa?!Pumunta ako rito dahil aka