Kanina pa ‘ko nakayuko. Panay ang kutkot ko sa mga kuko habang nanginginig ang tuhod. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa sala ng unit ni Mr. Coldwell. Pinaupo niya ako rito pagkatapos ko siyang pukpukin ng unan at pagkamalang masamang tao.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Gusto ko mang tumakas, anong point kung kapitbahay ko naman ang boss ko? Siguro naman ay hindi niya gagawing big deal ang pagiging paranoid ko. Sinubukan ko lang naman protektahan ang sarili.Agad akong napatayo nang marinig ang papalapit na yabag ni Mr. Coldwell. Binukas-sara ko ang mga mata nang muli kaming nagkaharap sa sala. Bukas na ang ilaw dito kaya kitang-kita ko ang seryosong ekspresyon ng kanyang mukha.Ramdam kong mapapagalitan na ‘ko ngayon sa dami ng mga kapalpakan ko. Kakabalik ko pa lang pero hindi na ‘to mabilang. Kaya naman desidido na ‘kong ihingi ng tawad ang mga ito.“Sir—”“You should eat something.”Naunahan ako ni Mr. Coldwell magsalita. At dahil sa sinabi niya,
What is this for you?Hindi ko rin alam, Sir. Hindi ko maalala.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Kanina pa ako gising pero wala akong lakas bumangon. Hindi naman na ito bago. Imbes na makatulog ng maayos, buong gabi na naman akong nagpaikot-ikot sa kama; iniisip ang mga nangyari sa pagitan namin ni Mr. Coldwell kagabi.Wala naman sigurong masama na kinain at in-appreciate ko ang luto ng boss ko. I just didn’t want to disrespect him. Umalis din naman ako kaagad pagkatapos. Hindi na niya ‘ko hinayaan pang maghugas ng pinagkainan ko. Wala nang ibang nangyari at wala na rin kaming ibang pinag-usapan.Alina, kanino ka ba nagpapaliwanag? Sa konsensya mo?Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng unit ko kaya nanlalata man ay pilit akong bumangon. Tamad kong ipinatong at ibinalot sa sarili ang kumot nang maglakad. Paglabas ng sala, bumungad sa ‘kin si Frances na tulad ng dati ay may dalang breakfast.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kaibi
It’s the longest elevator ride I’ve ever had.Walang nagsasalita o kumikilos. Dinig na dinig ko ang bigat ng paghinga ko at tibok ng puso. Nang sa wakas ay huminto na kami sa basement ng condominium, pagbukas na pagbukas ay ako ang unang lumabas. Hindi na ‘ko nag-abala pang lumingon sa takot na makilala ako ni Mr. Coldwell.Ayon nga lang ay napahinto ako sa gitna ng basement. Kinailangan kong hubarin ang suot kong shades para makita nang mabuti ang mga sasakyang naka-park dito. Napalunok ako dahil mukhang mahihirapan akong hanapin ang kotse ko sa dami.Muntik na ‘kong mapatalon sa tunog ng busina galing sa likuran ko. Agad akong umurong dahil nakaharang pala ako sa daanan ng mga sasakyan.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko at nag-focus sa gusto kong mangyari. Iyon ay mahanap at ma-drive ang kotse ko. Inilabas ko ang cellphone ko at dito tiningnan ang litrato nito. Nagsimula akong maglakad, iniisa-isa ang bawat kotseng madaanan. Panay din ang pindot ko sa susi; umaasang tutu
Mahigpit ang hawak sa manibela, sinigurado kong nasa tamang pwesto ang mga paa ko bago nakangiting bumaling kay Mr. Coldwell. “Ready na po ako.” May panginginig sa sistema ko pero sinusubukan kong hindi ito pansinin.You drove this car before, Ali. You just have to trust yourself and do it again.Kalmadong tumango ang boss ko, parang walang takot sa katawan kahit tila parehong nasa hukay ang isang binti namin.Oo’t pumayag ako sa pa-driving lesson ni Mr. Coldwell kahit na intensyon ko siyang iwasan. Inisip kong perks lang ito bilang empleyado kahit wala lang talaga ‘kong magawa dahil muntik ko na siyang mabangga.Ayon nga lang, hindi ko inasahang ngayong araw din niya ‘ko tuturuan. Kaya heto kami, nasa isang bakanteng parking lot malapit sa condominium.Naituro na ni Mr. Coldwell ang step-by-step na kapareho lang kung tutuusin ng video na napanuod ko. Mas madali ko nga lang itong natutunan dahil sa pa-live demo niya. At ngayon, oras na para sa application.Isang malalim na hinga pa, pi
“Uhm ayos naman po. Kayo po, ma’am?” Mabilis kong ibinalik kay Mrs. Coldwell ang tanong para hindi na niya usisain pa.Sa harapan namin ay nagsarado na ang pinto ng elevator. Napalunok ako, malakas ang kabog ng dibdib, dahil kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Ngayon ko lang inasam ang paghinto ng elevator para magsakay ng iba pang empleyado.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mrs. Coldwell, “Well, I guess it was… okay?” nag-aalangang sagot niya. Dahil magkatabi kami, sa gilid ng mga mata ko’y nakita ko ang pag-iling niya, tila dismayado. “My family was incomplete kaya hindi natuloy ang lakad namin,” paliwanag pa niya.Napakagat ako sa labi nang maisip ang driving lesson namin ni Mr. Coldwell. Na-guilty ako dahil malamang ako ang may kasalanan kung bakit hindi sila nakumpleto at natuloy sa lakad.Pagkatapos ng driving lesson, bumalik na kami kaagad ni Mr. Coldwell sa condominium. Gusto pa sana niyang kumain sa labas pero nagsinungaling ako at nagsabing may importanteng
Nakatutok ako sa computer habang nanananghali nang mag-ring ang telepono malapit sa area namin ni Vivienne. Pagtingin sa paligid ay mag-isa pa rin ako sa work station, umalis kasi ulit si Tina at wala pang bumabalik galing lunch break. Tuloy ay kahit nag-aalangan, dahil baka importante, ay sinagot ko na ang tawag.“Uhm, hello… good afternoon,” halos bumulong ako sa kabilang linya, ngayon lang kasi ako sumagot ng tawag sa opisina. Nagmamadali akong kumuha ng papel at ballpen sakaling kailanganin."Ms. Del Rosario, I need you in my office." Napabitaw ako sa hawak nang makilala ang boses ni Mr. Coldwell. "There's something I need communicated to your team," dagdag pa niya sa istriktong tono kaya nanlamig ako.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ang boss ko sa loob ng kanyang opisina. Nang mapalingon ito sa direksyon ko, nagmadali naman akong yumuko bago pa mahuli. Oo’t bumalik si Mr. Coldwell imbes na sumama sa asawa para mananghalian.“Now na po, sir?” pagbabakasakali ko dah
Pagpatak ng alas singko ay dumiretso ako sa women’s comfort room at ngayon ay ilang minuto ng nakaupo sa loob ng isa sa mga cubicles nito. Hindi kasi ako sigurado kung tama bang sumama ako sa team dinner.Rumehistro sa isip ko ang nangyari noong tanghalian – nahuli kaming kumakain ng asawa ni Mr. Coldwell. Inihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha. I could only imagine the awkwardness between us tonight, especially after I found out that she has a boyfriend.Wala naman akong intensyong ikalat ang unconventional setup nilang mag-asawa. Bumalik nga ako kaagad sa trabaho at nagpanggap na para bang walang nangyari. Gusto ko talagang umiwas sa office drama pero tila ito ang kusang lumalapit sa ‘kin.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo. Bubuksan ko na ang pinto nang marinig ko ang pag-uusap ng mga katrabaho.“Bakit may pa-team dinner bigla?”“Baka para sa mga new hires? Ang dinig ko, si Mr. Coldwell daw ang nagpa-arrange nito.”“Talaga? Ibig sabihin sasama siya?”“Baka
Mabilis akong nagpunta sa buffet area. Sumunod ako kung saan nakapila si Vivienne at habang kumukuha ng pagkain ay bumulong sa kanya, “Uhm, gusto mo palit tayo ng upuan?” Nagbakasakali ako kahit may takot pa rin akong makipag-usap sa kanya.“Dahil kay Mr. Coldwell?” diretsong balik ni Vivienne sabay lingon sa ‘kin. Natigilan naman ako dahil totoo ang sinabi niya. Pero hindi ko ito pwedeng ipaalam kahit kanino dahil baka magkaideya sila tungkol sa amin ni Mr. Coldwell.“Malamig kasi sa pwesto ko,” itinawa ko ng mahina ang sagot.Animo nawalan ng interes, ibinalik ni Vivienne ang atensyon sa mga pagkain bago nagsalita, “Lamigin ako.” Ibig sabihin, ayaw niyang makipagpalit.Pinagdikit ko sandali ang bibig at nag-isip ng ibang palusot. “Gusto ko rin sanang kausapin si Tina.”“Tungkol sa trabaho?” Kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay, at sumulyap siya sandali bago ko tinanguan. Iniisip ko kasi na baka sa ganitong paraan ko siya mapapayag. Pero mukhang mali ang desisyon ko.“Then talk i
Pagsakay ko sa kotse ni Mrs. Coldwell, nag-apologize kaagad ako sa kanya dahil sa abala. Pero naging professional pa rin siya, malayong-malayo ang attitude ngayon kumpara noong engkwentro namin sa elevator kasama si Matteo.“So, are you excited?” basag ni Mrs. Coldwell sa katahimikan bago lumiko sa kalsada.“Po?” balik ko, binukas-sara ang mga mata, hindi sigurado kung saan dapat ma-excite.Papunta lang naman kami sa bahay nila para sa report na inutos ni Mr. Coldwell. Kung tutuusin pwede namang siya na ang magbigay nito. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit isinama pa niya ‘ko.Unti-unting nanlamig ang katawan ko. Balak ba niya kaming hulihin ng asawa niya? Napalunok ako, parang may bumara sa lalamunan.Tumawa si Mrs. Coldwell, mahina at medyo pa-demure. “The Halloween party! It’s already this weekend—the day after tomorrow. May costume ka na ba? Plus one? Don’t tell me you forgot, Ms. Del Rosario.”Bumilog ang bibig ko. Halloween party pala ang tinutukoy niya. Imposiblen
Parang nag switch-off ang isip ko tungkol sa mga sinabi ni Frances nang maupo na ‘ko sa area ko.Ngayon ko naramdaman ang magkahalong antok at hangover dahil naglaho na ang adrenaline rush ko kaninang umaga. Palagay ko, kulang ang natitira kong lakas para kayanin ang araw na ‘to.“Okay ka lang?” tanong ni Vivienne, nakataas ang isang kilay pagharap sa ‘kin.Tumango ako, pero hindi napigilan ang paghikab pagkatapos. “Ah kulang lang sa tulog,” pag-amin ko kahit halata naman.Nailing naman siya. “Well, pasalamat ka medyo slow tayo today. Wala si boss.”Tatango lang sana ‘ko ulit nang maintindihan ang kanyang sinabi.“Wala si Mr. Coldwell?” medyo tumaas ang boses ko kaya pinagdikit ko agad ang labi.“Hindi raw makakapasok,” kaswal niyang saad, para bang balewala lang ito sa kanya.Hinigit ko ang hininga ko. Dahan-dahan akong humarap sa desktop at dito hindi napigilan ang pagsasalubong ng kilay.Bakit kinulit-kulit pa ‘ko ni Mr. Coldwell kagabi? Bakit nagsabi siya na kailangan niya ang repo
Maling-mali na uminom ako ng alak!Sobrang sakit ng ulo ko pagbangon ng madaling araw. Nagising ako sa alarm na sinet ko kagabi bago nagkasarapan ang kwentuhan namin nina Frances at Andre. Mabuti na lang at ginawa ko ito dahil kung hindi, mawawala talaga sa isip ko ang tungkol sa report na pinapa-submit ni Mr. Coldwell ng umaga.Pasalamat na lang ako at nagising ako sa sarili kong kama. Bigla na lang kasi akong nag blackout kagabi. Kung hindi ko pa nakita si Frances sa sala ng unit ko, hindi ko maiisip kung paano ako nakauwi.Kahit sobrang aga pa, nag-shower ako para magising at mawala ang kalasingan. Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa ilalim ng shower head nang tila nalaglag ang puso ko, napilitan akong patayin ito.Napatingin ako sa paligid ng banyo, siniguradong mag-isa ako. Parang may narinig kasi akong boses ng lalaki? O baka naman sa isip ko lang ito?Wala namang ibang tao bukod sa ‘kin. Tulog din ang kaibigan ko sa sala.Napabuntong-hininga ako nang malakas bago naili
Pinausod ako ni Frances kaya ngayon, sila na ni Andre ang magkatapat sa lamesa. At dahil malapit ako sa bintana, napasulyap ako rito. Naningkit ang mga mata ko sa mga nakahintong sasakyan. May isa kasi rito na kakasarado lang ng bintana. Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ito kanina habang nasa motor.Binalik ko ang tingin kay Frances. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tumakbo ka ba papunta rito?” tanong ko sabay abot ng panyo para mapunasan niya ang pawis niya. Binigyan naman siya ng tubig ni Andre na agad niyang ininom.Kinailangan ni Frances ng ilang minuto para makahinga. Pansin kong nagpabalik-balik ang tingin niya sa ‘min ni Andre kaya agad ko silang pinakilala sa isa’t isa.“Pasensya na, pinagmadali kasi ako papunta rito,” sabi ni Frances nang makahinga.Nagsalubong ang kilay ko. “Pinagmadali? Nino?” Sinabi ko naman kasi sa kanya na she can take her time. Tutal kasama ko rin si Andre.Agad umiling si Frances. “I mean, nagmadali. Nagmadali ako papunta rito kasi ayaw kitang paghin
“Kikitain ba natin ang kaibigan mong matagal mo nang gusto?” tanong ni Andre. Pinindot niya ang basement button ng elevator. “O baka naman kaibigan mong may one-sided love sa’yo?”Nalaglag ang panga ko. "Ano ba ‘yang mga tanong mo?" natawa ako, imbes na sagutin siya nang diretso. "Siguro writer ka, ang galing mong gumawa ng kwento."Nailing lang si Andre, halata ang amusement sa mukha. Nabaling ang tingin ko sa elevator panel at nakitang pataas kami ng palapag imbes na pababa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko ba ito napindot kanina kaya bumukas ang elevator sa 8th floor?“Seryoso ako,” sabi pa ni Andre sa tabi ko. “Gusto ko lang malaman para handa ako.”“Babae ang kikitain natin,” sagot ko pero parang ‘di siya kumbinsido kaya napairap ako. Hindi ko inakalang makulit pala siya. “She’s my friend. A real best friend. Lalabas kami para makahanap ng potential partners. Okay na?”Pababa na ang elevator. Dadaanan pala namin ulit ang palapag na pinanggalingan!“So, technically, wingman pala ‘ko n
"That concludes our updates. HR will release details about the Halloween party soon. If you plan to attend, you’re allowed a plus one. The venue is larger this year—plan accordingly,” pagtatapos ni Mr. Coldwell sa meeting namin.Tungkol lang sa mga hawak naming kliyente ang pinag-usapan ngayong umaga. Pero hindi maitago ang excitement ng lahat nang marinig ang tungkol sa Halloween party. Ang balita ko, bongga raw kasing magpa-party ang Coldwell Corporation kaya ito ang taon-taon nilang inaabangan.Kaya naman agad nag-usap ang mga katrabaho ko sa lamesa, pinagpaplanuhan na kaagad kung sino ang kanilang isasama.“Excited na kami ng asawa ko manalo ng Best in Costume,” narinig kong komento ng taga ibang department.Napangiti lang ako habang nagliligpit ng gamit. Tapos na ang meeting kaya magsisimula na ang araw ko. Bibigyan daw ako ni Vivienne ng bagong tasks kaya—“Sinong isasama mo, Ali?” tanong ni Sandy. Napalingon ako sa kanya at nakita ang pilya niyang ngiti. “Baka mamaya mag-hard l
Boyfriend talaga, Ali?! Kahapon lang, ang sabi ko kay Mr. Coldwell ay may manliligaw ako. Ngayon naman may boyfriend na? Ang bilis ah! Ibang klase rin naman pala ang ganda ko!Frances told me once that my dating life has zero records. Kaya paano ko na lang ngayon mapaninindigan ang kasinungalingan ko? Kung pwede lang maghulog ang langit ng boyfriend para sa ‘kin, aba’t magpapasalamat talaga ako!Mabuti na lang at walking distance lang sa condominium ang Japanese restaurant na kinainan namin nina Mr. Coldwell at Matteo.Pagbalik, tumambay muna ako sa pool area na matatagpuan sa second floor ng building. Sinamantala kong magsasarado na ito ngayong gabi. Walang ibang tao sa paligid kaya na-solo ko ito. Kasalukuyang nilalaro ng mga binti ko ang malamig na tubig sa pool; nakatingala ako sa mga bituin at buwan na tila mas tanaw ngayong gabi.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nasa huling parte na ako ng plano ko para matapos ang kakaibang ugnayan namin ni Mr. Coldwell. It’s alr
Siguro intensyon talaga ni Mr. Coldwell pasamahin ako sa hapunan nilang mag-ama. Pagdating kasi namin sa Japanese restaurant malapit sa condo, may reserved room nang naghihintay sa ‘min. Private room ito kaya nabigyan kaming tatlo ng privacy.Pumwesto kami sa round table katulad noong nasa kotse kami. Naupo kami ni Mr. Coldwell sa pagitan ng kanyang anak. Tumayo nga lang siya ulit at lumabas ng kwarto kaya naiwan kami.“How are you?” malambing kong tanong kay Matteo. “Nakain mo ba ‘yung chocolate candy mo?”Umaliwalas ang mukha niya sabay tango. “Yes! Daddy too!”Naningkit ang mga mata ko, napaisip kung nakuha nga ba talaga ni Mr. Coldwell ang canned coffee na bigay ko bilang peace offering.Kinuha ko kay Matteo ang bag niya para maisabit sa upuan. Pasimple ko ring sinilip ang loob nito at napansing wala na itong laman.Hindi ko napigilan ang pag-angat ng dulo ng labi ko. “Good job, Matteo!” puri ko na nagpahagikgik sa kanya. “But promise me, next time you’re outside, you’ll stay with
Sa wakas ay natapos din ang araw na ‘to! Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Mabuti na lang at nakagawa ako ng mga pendings ko. On time din akong nakauwi dahil maagang umalis si Vivienne.Ngayon ay nakatayo na ako sa labas ng Coldwell Corporation, naghihintay na may tumanggap ng booking kong taxi.Natigilan ako dahil sa pamilyar na sasakyang huminto sa harapan ko. Sandali akong napaisip, at agad nanigas sa kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang sakay nito. Tatalikod na sana ako pero huli na nang bumaba ang bintana sa passenger’s seat.“Good evening, sir,” nag-aalangang bati ko kay Mr. Coldwell; bahagya akong yumuko bago pa magtagpo ang mga mata namin. Huli ko siyang nakita noong dinala ko si Matteo sa kanyang opisina. Isinubsob ko na kasi ang sarili sa trabaho pagkatapos kong ihatid kay Vivienne ang mga kailangan nito.“Get in, Ms. Del Rosario. We’ll drop you off your place,” walang emosyong utos ni Mr. Coldwell.Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. Kung mak