ILANG minuto akong nagtagal sa loob ng bathroom, nagbabakasakaling maiibsan ang init na nararamdaman ko pero saglit lang iyon at nang makapagbihis ako, muli na namang umalab ang kakaibang init na iyon na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Para bang hinahanap ng katawan ko si Zandy ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin siya sa loob ng villa matapos nang nangyari kanina.Pumasok ako sa loob ng silid ko pero hindi pa rin ako mapakali. May kung ano sa loob ko na gustong kumawala. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang biglang nararamdaman ko.Pabagsak akong humiga sa kama habang nakadipa. Tumitingin ako sa puting kisame at habang nakatitig ako roon bumalik sa akin ang nangyari kanina at ang nakita kong pagk*lalaki ni Zandy. Pinilig ko ang ulo ko at pumikit para pilit iwaksi iyon dahil lalo akong mababaliw habang nakikita ko ang tagpong iyon. Nakakahiya!Ilang saglit pa at muli akong bumangon sa pagkakahiga. Tumayo ako sa kama at lumapit sa glass wall kung saan kita ang malawak na res
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang maliwanag na paligid. Napangiwi ako nang may maramdaman akong mahapdi sa parteng gitna ng hita ko. Kumunot ang noo ko. Agad akong nabahala nang maramdaman ko ang matigas na bisig na inuunanan ko at ang lalaking nakayakap sa akin. Kumurap ako nang paulit-ulit. Lumunok ako ng laway habang sinasalakay ng kaba. No! Biglang bumalik ang lahat nang nangyari nang nagdaang gabi. Ang kakaibang pakiramdam ko, ang init at pagnanasa. Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ang bibig ko, ng paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang marubdob na halik ni Zandy sa akin at ang buong nangyari sa amin nang nangdaang gabi. No! Hindi pwedeng mangyari ito. Bumaling ako sa nakayakap sa akin at nakita ko si Zandy na mahimbing na natutulog habang yakap ako. Lantad din ang malaki niyang katawan. Bahagya pa siyang gumalaw at umungol. "Ano ba 'tong ginawa mo, Miles?" tanong ko sa isip ko. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari. Ibinigay ko ang sarili ko ka
ILANG oras na byahe bago kami tuluyang nakarating ng bahay. Ramdam ko ang pagod at ngalay ng katawan ko sa kakaupo sa sasakyan. Hindi na rin ako nakaidlip dahil sa magulong isip ko dahil sa nangyari sa amin ni Zandy. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin at kakausapin pagkatapos nang nangyari sa amin nang nagdaang gabi. Nahihiya ako Huminto ang sasakyan sa loob ng garage ng bahay. Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ni Zandy kaya nauna na akong bumaba sa kaniya. Kinuha ko ang backpack ko sa passenger seat pero nang akmang kukunin ko na ang maleta ko nang unahan ako ni Zandy. "I'll handle this, Miles," kaswal na aniya sa likod ko. Nagdikit ang katawan namin na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Naamoy ko na rin ang mabango niyang amoy na ang sarap sa ilong. Hindi na lang ako umimik. Saglit ko lang siyang nilingon, saka naglakad patungo sa main door. Inilabas ko ang susing dala ko at binuksan iyon. Diretso na akong pumasok sa sala, ibinaba ko ang backpack ko at pabags
HINDI na ako nagulat nang pumasok ako sa trabaho kinaumagahan, katulad ng inaasahan ko, inulan ako ng maraming tanong at intriga ni Melissa at Andrea. Gusto ko nang takpan ang magkabilang tainga ko para hindi marinig ang sunod-sunod nilang tanong tungkol sa nangyari sa amin ni Zandy sa bakasyon. "Ano na nga, Miles? May nangyari ba sa inyo—I mean, ano'ng ganap sa bakasyon ninyo?" excited na tanong ni Melissa. "Oo nga, Miles chika naman diyan kahit konti lang," segunda naman ni Andrea. Kakaupo ko lang sa upuan ko pero 'yong tanong nila hindi ko mabilang. Mabuti't maaga pa at hindi pa oras ng trabaho. Kumunot ang noo ko at mariing pumikit. "Wait!" sabi ko kasabay nang pagtaas ng dalawang palad ko na nakabuka, senyales na pinapahinto silang dalawa. "Paano ako makakasagot, eh, sunod-sunod ang tanong ninyong dalawa. Pwede isa-isa lang?" seryoso kong pigil sa kaniya. Natigilan naman ang dalawa. Bahagya pa silang lumayo sa akin at humalukipkip. "Eh, ano ngang nangyari?" tanong ni Meliss
Zandy's POVHINDI ako umimik nang sabihin ni Mama na iimbitahan niya si Miles na mag-dinner sa bahay. We're not okay at palagi lang kaming magtatalo kung palagi nila kaming pagsasamahin pero dahil gusto nila iyon, wala na akong magagawa.Naghanda si Mama ng pagkain at sinabi niyang susunduin niya si Miles sa pinagtatrabahuhan nito habang ako'y hindi nagpapakita ng interes.Ilang sandali pa't dumating si Mama kasama si Miles na palinga-linga sa paligid at kita sa mga mata niya ang pagkamangha sa nakikita. Hindi ako umimik para i-welcome siya at saglit ko lang din siyang binalingan ng tingin habang bakas ang saya sa mukha ni Mama."Finally you're here, Miles welcome to our home," magiliw na bati ni Papa kay Miles. "I'm glad you're here."Ngumiti si Miles. "Salamat po, Tito for inviting me here."Iginiya ni Mama si Miles sa upuan sa katabi ko. Hindi ako umimik at hinayaan siya roon. Ramdam ko ang pagkailang niya."Zandy, hindi mo man lang ba babatiin ang asawa mo? She's here," pukaw ni M
HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Beverly kanina sa loob ng opisina ni Sir Troy. Alam kong si Zandy ang tinutukoy niyang babalikan niya. May kung ano'ng takot at selos ang namuo sa puso ko. Natatakot ako na baka kapag nakita na ito ni Zandy, makalimutan niya ako. Hindi ko rin maiwasang ikompara ang sarili ko sa kaniya. She's more beautiful and elegant than me. Ni wala akong kalaban-laban sa hitsura niya. Kanina pang gumugulo sa isip ko ang pagbabalik na iyon ni Beverly at bakit ako ang napili niyang journalist na makakatrabaho niya, gayong alam niyang kasal ako kay Zandy. Ano'ng gusto niyang mangyari? May binabalak ba siya at ano'ng tunay niyang motibo sa pagbabalik niya bukod sa career niya sa Pilipinas? "Himala ata na sumama ka sa aming kumain sa labas," sabi ni Andrea nang sabihin ni Melissa na sasama itong kumain sa amin sa labas. Hindi naman kasi ito sumasama sa amin kapag kakain kami. Kanina pa rin akong kinukulit ng dalawang ito tungkol sa sinabi n
"ALAM mo, Melissa kung may nararamdaman ka sa isang tao, huwag mo nang itago. Ikaw rin baka maagawan ka pa," patuloy ni Andrea sa pang-aalaska kay Melissa na marahil ang tinutukoy ni Andrea ay ang di umanong nararamdaman ni Melissa para kay Chad. Hindi na nga niya ito tinigilan simula nang matapos kaming kumain. Hindi naman maipinta ang mukha ni Melissa at namumula na ang pisngi dahil sa hiya habang tahimik lang si Chad. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng gusali. Pasado alas nuebe na rin ng gabi dahil tinapos pa namin ang articles na malapait na ang deadline. Napangiti ako pero kapagkuwa'y, napaisip ako sa sinabi ni Melissa na parang patama rin sa akin kahit hindi iyon ang intensyon niya. "Andrea, tigilan mo nga ako! Sisingilin kita sa kinain mo kanina. Sabi ngang wala akong gusto kay Chad, eh, ok? W-we're just friends, that's it," balik ni Melissa kay Andrea na halatang nahihiya ang mukha. "Ouch! Ang sakit naman no'n Melissa, hindi mo man lang hinintay na makaalis ako bago m
Zandy's POVHINDI ko pa rin maiwasang hindi makipagtalo sa mga magulang ko tungkol sa gusto nilang gawin ko at sa gusto kong gawin para sa sarili ko. Pinipilit nila ako sa pagtatrabaho sa kompanya kung saan alam kong hindi naman ako para roon. Pero dahil nag-iisa akong anak, alam kong darating ako sa puntong kailangan kong pasukin ang kompanya pero this time, gusto ko munang gawin ang gusto ko para sarili ko bago ko igugol ang sarili ko sa kompanya at iyon ang hindi nila maintindihan.Pero dahil sa taning na binigay ni Papa para gawin ko ang gusto ko, wala na akong magagawa. Kapag natapos na ang limang buwan na ibinigay niya sa akin, kailangan ko nang pasukin ang kompanya at isantabi muna ang restaurant.Nang nagdaang araw nga, nagtalo na naman kami ni Mama nang dumating siya sa bahay namin ni Miles. Hindi ko naiwasang hindi sumagot para ipagtanggol ang pangarap ko sa sarili ko na para sa kanila'y walang kabuluhan pero sa akin, napakahalaga dahil iyon ang nagpapasaya sa akin.Bumunton
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al