"You're officially mine starting tonight."
Tiningnan ko si Maverick mula sa reflection sa salamin ng kwarto nito. Nakaupo ito sa dulo ng kama habang umiinom ng alak. Nagpatuloy ako sa pagsusuklay ng buhok. Kakatapos lang naming maligo nang magkasama. He let me borrowed his shirt and boxer again. It was like I was back in the island again.
"And then what?"
Nakita ko siyang umayos ng upo. "What do you mean?"
"Ano ang kasunod na mangyayari kung sakaling umoo ako? Endless dates? Knowing stages? Unlimited sex? And then what? You'll dump me right after kapag nagsawa ka na. Bakit pa natin paaabutin sa ganiyan kung pwede naman nating tapusin na ang lahat ng ito ngayon din."
Inubos nito ang laman ng baso at inilapag sa side table. Tumayo si Maverick at hinila ako patayo. We stood face to face to each other. The light coming from his lamp shade casted a shadow on his strained face.
I had high hopes for tonight after spotting her in the crowd. I missed her. I wanted to go to her that instant and kissed her senseless. One week of being away from her is pure hell. I can barely concentrate. Kung hindi ko pa pinilit ang sariling tapusin ang isang linggong pananatili sa Japan ay baka isang araw pa lamang ako doon ay nagpasya na akong umuwi. Hindi rin nakatulong ang presensiya ni Cahil na halata namang iniinis lang ako palagi. She would always tease me about the girl in my lockscreen. I saved Femella's picture from my other phone to make it my lockscreen. Since discovering it, she's been nagging me to meet the girl who she said to be 'the one' for me.Naunahan niya lang ako sa pagpunta dito. I planned all along to go to her apartment after I checked the event. The Asturia matriarch requested my presence for tonight. She is a dear friend of my mother so I was kind of forced. Respeto ko na rin kay Cahil na matagal ko ng kaibigan at kaba
"Stop staring at me Dave. With my state right now, I don't need your questions."Pinunasan ko ang mga naglandas na luha sa pisngi at tumingin sa labas ng umaandar na kotse. My mind is going back to Mav's unit and to the scenes after that. How I wish I could erase the pain in his eyes but as far as I want to do it, my responsibility stops me.Nakatanim na yata sa utak ko ang galit na mukha ni Maverick. Gone is the warmth in his eyes as he looked at me. Bigla na lang nawala ang pag-iingat at pagsamba na palagi kong nababasa sa kaniyang mga mata mula noong nasa isla kami. Napalitan ito ng galit, pait, at pagkasuklam. His eyes became cold to me. Kanina, wala akong makita na palatandaan na naniniwala siya sa akin. It's all doubt all over his face. I can't blame him for that. I did it to myself. I did it to us.He looked at me from the driver's seat. "I actually quite have an idea. I turned on the device when you k
"Ma," hinawakan ko sa balikat ang inang masayang nilalaro ang kargang apo sa living area. Kababakasan ng ibayong galak ang mukha nito habang inuugoy sa braso ang limang buwang sanggol. Napangiti ako nang makita ang kakontentuhan sa mukha nito.Who knew the great Isabella Andrado-Fuentebella will retire to business just to solely tend her years in pampering her grandchildren? Surely not the young me who witnessed how tight and disciplinarian she is. Mas malupit pa nga ito sa ama namin. Tiklop ang don sa kaniya noon. She is the rules of the house. Kahit ang ama namin noon ay walang nagagawa kapag nagsalita na si mama. Naaalala ko pa noon kung paano kami manginig dahil hindi namin naabot ang quota naming grades sa elementary. Those were the days. When we were in our high school years, Gideon and I would always top the class. Pero binawi ko naman ito pagka-college. I became a rebel son before ultimately knowing my way back home.My m
Mabigat ang kaniyang pakiramdam. Something is weighing her down. Her lips were dry. She tried to swallow a saliva. She opened her eyes and studied the place. Puting kisame at pendant chandelier ang unang mga bagay ang agad na bumungad sa kaniya. I squinted. Masakit sa mata ang nakabukas na ilaw. Iginalaw niya ang kamay pero may pumipigil dito. I looked at my side and saw Maverick's face. Nakaupo ito sa isang silya sa tabi ng kama at nakayupyop ang ulo sa mattress. He's holding my hand.Pumikit ako at sa isip ay kinurot si Dave. Ang batang iyon talaga. Sinabi nang wag ipaalam kay Maverick. Dumilat ako at pinagmasdan ang natutulog na binata. Hindi komportable ang posisyon nito. Magkasalubong din ang kilay nito at nakakunot ang noo.I smiled while reaching for the crease on his forehead and straightening them out. Sinunod ko ring itinuwid ang kilay nito saka ginugol ang ilang minuto sa pagtitig lang sa mukha nito. He is definitely trouble
"Sir, we have him already," imporma sa akin ni Jex.Natigil ako sa paglalagay ng gatas sa baso nang marinig ang sinabi nito. I glanced at Femella who has poured all her focus on building the puzzle. Nakasalampak ito sa sahig. Suot na niya naman ang t-shirt ko. It's been three days since she's been with me and so far, she's recovering fast."Did you file the necessary charges? I want him forever locked." Natapon ang laman ng carton ng gatas sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Naglalaro sa isip ko ang itsura ni Femella ng gabing iyon. She's pale, almost lifeless in my arms. That image will keep me haunted forever and it's all because of that man. Magdasal na siya dahil hindi lang ako titigil dito. I know this is deeper than this. Malaki ang paniniwala kong may kinalaman ang nasaksihan kong pag-uusap nina Lagma at Fem sa mga nangyari."Yes, sir. Already taken care of.""Go
Ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone pero hindi pa rin ako tumitinag sa pagkakatayo sa gitna ng sala. Kanina pa natapos ang tawag ni Dave pero nakatulala pa rin ako sa kawalan. My heart is heavy with my choice.Sinuyod ko ng tingin ang unit ni Maverick. On a corner is a display of his family pictures. There's a picture of the Fuentebella family and another picture of him on his graduation in college.Naglakad ako palapit sa lagayan at kinuha ang picture frame. Hinaplos ko ang nakangiting mukha ni Maverick. His smile is so wide that it radiates out from the picture. Wala sa loob na napangiti na lang din ako.Naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina. He wants me to open up to him. Pero paano ko gagawin iyon kung ayaw niya pa rin akong pakinggan tungkol sa alam ko sa nakaraan niya? I know that I can't fully share my past with him without touching that memory.I sighed. "
Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga nito sa kama. Pawisan at hinihingal na sinapo ko ang ulo. I'm having a nightmare again.Kakaiba ang bangungot kompara sa nakaraang mga gabi. Ilang araw na rin akong hindi nagigising sa kailaliman ng gabi. Kadalasan ay sa umaga na ako nagigising at doon ko na lang maaalala ang panaginip.I thought about my dream. The same girl in my every dream is calling my name. She's asking for my help while a big man is dragging her out of the dented car. Sinubukan ko siyang abutin para tulungan pero hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na halos dumikit na sa steering wheel. Namamanhid na ito dahil sa kirot dulot ng pagkakabangga namin sa isang concrete barrier.Pakiramdam ko ay napakawalang-kwenta ko ng mga panahong iyon. Wala akong magawa kundi pakinggan ang humihina ng sigaw ng babae. And then silence. I fought the urge to fell into sleep but the numb in my wound in head
"Mav." Pinigilan ko siya sa braso nang akma na itong bababa matapos buksan ng valet ang pinto ng limousine. Nasulyapan ko pa ang nakalatag na red carpet sa ibaba namin."Why? What's wrong?" Sinenyasan nito ang valet na isinarado uli ang pinto. He gave me his full attention. Kinuha nito ang nanlalamig kong kamay at ikiniskis sa kamay nito. "Hey, look at me. What's wrong."Nilunok ko muna ang bara sa lalamunan at inayos ang perfectly made hair ko bago tumugon."I-I'm scared. Ikaw na lang kaya ang tumuloy? Para na akong masusuka sa kaba rito. Please?" pagsusumamo ko rito.He gave me a reassuring smile that sends his message that he understands me. "Nonsense. Wala kang dapat ikabahala. Mabait ang pamilya ko lalung-lalo na si mama. They will love you like I do." He cupped my face while his fingers are caressing my cheek. "And besides, nandito ako buong gabi para sa iyo. Hindi kita iiwan. Hell,
Naliligo na ako sa sariling pawis at kanina pa basa ang aking dress na suot pero wala akong pakialam. Ang tanging gusto ko ay ang mailabas ang lahat ng kinain ko kaninang tanghali. Kumapit ako sa toilet bowl at sa huling pagkakataon ay nagsuka. Hinang-hinang napasalampak ako ng upo sa sahig ng banyo habang nakakapit pa rin sa bowl. Napaiyak na ako sa labis na frustration. Is it really this hard to be pregnant? May narinig akong nagbukas ng pinto at pumasok. Hindi ako gumalaw. Patuloy lang akong umiyak. Maverick sat down beside me and wiped my face with a towel. Ito na rin ang nag-flush ng suka ko. “Feeling better?” Hinagod niya ang likod ko. Tumango ako. “A little.” Hinaplos nito ang lumalaki ko nang tiyan. “Pinapahirapan niyo talaga si mommy. Behave children. Saka na kayo magpasaway kapag nakalabas na kayo, okay?” Inirapan ko lang ito
Nagmulat ako ng mga mata at iginala ang tingin sa paligid. Pusikit na dilim ang agad na bumungad sa akin. Kagyat ang paglukob ng kalungkutan sa akin. Kinapa ko ang kabilang side ng kama sa pagbabakasakaling nandoon si Maverick. May nahawakan akong mainit at matigas na laman na umungol. I heaved out a sigh of relief. Totoo nga ang mga nangyari kanina. Hindi ako nag-iilusyon o nananaginip lang. Maverick is really here by my side.Binuksan ko ang lamp shade bago pagapang na humiga pabalik sa tabi nang mahimbing na natutulog na lalaki. Sumukob ako sa ilalim ng kumot at itinukod ang siko sa unan. Inihilig ko ang ulo sa palad habang ang isang kamay ay humaplos sa dibdib ni Maverick. Awtomatiko ang ginawa nitong paghapit sa bewang ko sabay ang pagsubsob nito sa dibdib ko.“Hmm,” ungol nito. Hindi pa ito nakontento, itinanday din nito ang binti sa hita ko kaya ako tuloy ang sumalo sa lahat nang idinagan niyang bigat sa akin. I push
Sinundan ko si Femella sa labas na nagpapahid ng luha. Niyakap ko ito sa likuran at kinintalan ng halik ang naka-expose nito na balikat. Pumiksi ito pero hindi naman nagtangkang umalis."No one is playing tricks on you, sweetheart. Totoo ang mga sinabi ko sa iyo."Suminghot ito. "You should go now, Maverick. Wala na tayo. Natapos na tayo kaya bakit mo pa ako hinanap?"Iniharap ko siya sa akin saka hinaplos ang namamaga na nitong mata sa kakaiyak."It's true that I'm respecting your decision for leaving me. Kaya ngayon, ako naman ang hihingi sa iyo ng pabor na respetuhin ako sa desisyon ko ngayon na balikan ka. Let's stop torturing ourselves, shall we?"Inakay ko siya paupo sa unang baitang ng hagdan at kinuha ang mga kamay nito."Ayoko sa lahat ay iyong nagkakautang ako. It's bad for business. Kaya kailangan kitang ibalik sa buhay ko p
Nakakabaliw pala ang pilitin ang sariling kalimutan ang taong halos lahat ng bagay na gawin mo ay nagpapaalala sa kaniya. Gigising ako sa umaga at kakapain ang kabilang side ng kama sa pag-aakalang nandoon at mahimbing na natutulog si Maverick.Magluluto ako ng pagkain pagkatapos ay matutulala sa kawalan. Before I knew it, nasusunog na ang piniprito ko.I'll eat alone, sleep alone, and cry alone. Naranasan ko rin namang mag-isa sa mahabang panahon pero hindi ako naging kasinlungkot gaya ngayon. I felt like I lost a part of myself and I can only be happy and contented if I take it back.It's over a month now but I'm not coping well. Mas lumalala lang ang nararamdaman kong kalungkutan.Nakadagdag pa sa kahungkagan na nararanasan ko ang pagtira dito sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Maverick. Everything in this place reminds me of him. Kapag nagpupunta ako sa plaza at sa proper
"Hey," pukaw ko sa pag-iisa nito at umupo sa damuhan katabi nito.Napaigtad ito saka ibinaba ang hawak na libro sa mat bago nilingon ako. I was greeted with a pair of intelligent but cold eyes and a face that is incomparable with the other women I met. Bigla ang dagsa ng kakaibang init sa kaibuturan ko.She studied me for a moment and I got caught of her appreciative stare."Sorry, what do you say again? I got lost in my thoughts," she said with flushed cheeks.Tumawa ako. So I wasn't the only one who felt like I'm melting when I'm graced with her presence."I'm Maverick. Your name lovely lady?" Inilahad ko ang kamay dito.Tiningnan niya lang ito kaya ibinaba ko na mayamaya. I laughed."Feisty, huh." Dumako ang tingin ko sa mga libro. Dinampot ko ang isa at binasa. "Fundamentals in Business Ethics." I picked the other one. "Econ
"Bakit ka pa bumalik? Man, you should have stayed forever in your cave. Ang saya-saya na kaya rito noong wala ka."Binato ko nang nilamukos na papel si Luther na prenteng nakaupo sa gilid ng desk at pinapakialaman ang mga nakatenggang papeles."Tuwa mo lang dahil malaya kang pagpantasyahan ang sekretarya ko. I heard from Ivan na pati kaliit-liitang papeles ay ikaw pa mismo ang nagdadala rito. Binabalaan kita, pare. Wag nga si Christine. Parang kapatid ko na iyan. Wag mong ihilera sa mga babae mo."Pinirmahan ko ang finalized design para sa capsule hotel na itatayo namin ni Luther. Contractor namin ang kompanya nito."Naks! Nag-iba ka na, pare. Parang ang bait-bait mo na ngayon. Looks like Femella did something good to you other than break your heart."Tumiim ako sa pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Masakit pa rin sa dibdib ang paghihiwalay namin. Nagbuntung-hining
"Vokloh, sureness ka na ba sa desisyon mo na iyan? Baka pwede pa nating mabago? Wala na bang bawian?" ang tanong ng mulagat na si Chino pagkarinig sa sinabi ko kay Vida na ngayong tanghali na ang alis ko. Kakalabas lang nito sa palikuran at mukhang nasa kasagsagan ng paghuhugas ng kamay. May bula pa sa kamay nito."Sureness na to bakla. My time has come to retire. Solo mo na uli ang pagpapantasya sa mga yummy abs sa club." Nginisihan ko ito saka ibinalik ang tingin kay Vida na nakasalampak din ng upo sa sahig tulad ko.Tinawagan ko siya para makapagpaalam ng maayos. Saktong nasa apartment din niya si Chino kaya inabisuhan kong wag muna niyang paalisin. Gusto kong personal na magpaalam sa baklang ginawang masaya at tolerable ang panahon ko sa La Vida.Nakapag-empake na ako at ready nang umalis. Nasa trunk na ng luma kong kotse ang mga maleta ko. Sumaglit lang talaga ako para magpaalam. 
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakasubsob sa mga binabasang papeles nang marinig ko ang katok sa pinto. Nakita ko si Christine na atubiling nakatayo sa bungad ng pinto. Ni hindi ko namalayan na bumukas na pala iyon."What is it Christine?" ani ko bago ibinalik rin agad ang pokus sa ginagawa."Ahm sir, pwede na po ba akong umuwi? Nagpaalam na po ako sa iyo kanina na hanggang nine lang po ang overtime ko."Sinulyapan ko ang relo. Ni hindi ko napansin ang paglipas ng oras."Go ahead. Just make sure to submit first thing in the morning the minutes of the meeting with Mr. Kazuki." Kinuha ko ang mug ng kape habang busy pa rin ako sa pagbabasa pero ibinaba ko rin ito nang malamang wala na itong laman. Aktong tatayo ako para magtimpla ng panibago pero maagap na lumapit si Christine sa akin at kinuha ang mug."Ako na po, sir."Tango lang an
"Femella..."Kinagat ko ang labi at ipinikit ang mga mata pagkarinig ko sa baritonong tinig sa likod ko. Gusto kong tumayo at salubungin ito ng sabik na yakap. Isang linggo rin akong nagtiis na hindi ito makita ni marinig ang boses nito. I've been dying to see him and be close to him like what we used to be but everything's changed now. Bumalik na ang tunay na mahal niya kaya wala na akong puwang pa sa buhay nila.Dahan-dahan akong tumayo sa harap ni Maverick na ngayon ay puno ng pangungulila ang mukha."Fuentebella, I'm glad you're here. You may take a seat."Natigilan ito sa ginamit ko na tono. Napakalamig at walang halong emosyon ang pagkakabigkas ko sa mga salita na para bang hindi kami magkakakilala.Tiim ang bagang na umupo ito sa kaibayong silya at tinitigan lang ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuha ang wine glass at dinala sa bibig. Nakatulong nang kaunti