“Tama na! Ano ba?" sigaw ko, at napapapikit pa ako sa kada suntok na tumatama sa mukha ni Justin. Hindi kasi siya makaganti dahil sa sunod-sunod na suntok na ginagawa ng lalaking pakialamero na biglang sumugod kanya. Inupuan pa siya nito kaya hindi siya makakilos. Sumasakit ang dibdib ko na nakikita siyang walang kalaban-laban. Ang laki kasi ng katawan ng lalaking hïnayupak na sumugod sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit niya ‘to ginagawa? Anong motibo niya? “Hoy! Awitin n’yo, ano ba? Reynald, tulungan mo si Justin!" sigaw ni Shaira. Maging sina Lu at Pia ay iyon din ang sigaw. Niyugyog pa nila si Reynald na nanonood lang habang ginugulpi ang pinsan niya. Pero hindi man lang ito kumilos, para lang itong poste na nakatayo lang at naghihintay na matumba.“Tigilan mo na ‘yan, pare! Baka mapuruhan mo." May nagtangka na ngang umawat, pero lahat sila ay tumitilapon lang, pati ang nag-iisang guard ng coffee shop ay wala ring nagagawa. Ang liit naman kasi ng katawan nito. Kita k
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nalaman ko na magkakilala pala ang kuya ko at si Myra na itinuturing kong matalik na kaibigan pero walang sinasabi sa akin. Nakalilito lang kasi. Kailan pa? At saka paano sila nagkakilala? Nakapagduda pa ang tinginan nila—tinginan na parang may tinatago at tinginan na parang guilty. Hindi pa nga masagot ni Myra ang tanong ko hanggang ngayon. “Myra, may hindi ka ba sinasabi sa akin ha? Bakit hindi ka makasagot?" tanong ko na dapat ay silang dalawa ng kuya ang tinatanong ko. Pero kasi, hindi ko pa nga kayang kausapin ang kapatid ko na bakas din sa mukha ang pagiging guilty. “Erica, kasi…" "Erica…” Naputol ang pagsasalita ni Myra dahil sa pagtawag sa akin ni Justin na kaagad ko namang nilingon. Nawala siya sa isip ko sandali dahil dito kay Myra at sa kapatid kong na tameme na at puro na lang titig ang ginagawa. “Justin,” nasabi ko. Napisil ko rin ang sintido ko. Habang si Justin naman ay hawak na nito ang ulo niya at pinagpap
“Bodyguard?" Hindi sadya na napalakas ang boses ko. Sabay nila akong nilingon. Ni konti ay walang pagkakaiba ang expression ng mga mukha nila, parehong gulat at parehong guilty. Mapait akong ngumiti habang luha ko ay unti-unti nang pumapatak. Naalala ko kasi ang unang araw ng pagkikita namin ni Myra. Kaya pala, determinado siya na maging kaibigan ako. Kaya pala ang lakas ng loob niya na ipagtanggol ako, at kaya pala handa siyang makipag-away kahit pa sa mga demonyo dahil bayaran pala siya—binayaran nitong magaling kong kapatid na maging fake kong kaibigan. “Erica—" Akmang lalapit sa akin si Kuya Eman, pero agad akong umatras. Naiinis ako sa kanya. Hanggang ngayon, sinasaktan niya pa rin ako. Okay na sana ako. Dumating lang siya, naging malungkot na naman ako. “Erica, sorry. Let me explain, please,” sabi ni Myra. Pumatak na rin ang mga luha niya. “Erica, hindi ko intensyon na lokohin ka—" Napatakip siya ng bibig sabay lingon sa kapatid ko na para bang humihingi ng tulong. Paulit -ul
Dahil sa matalim na tingin ni Papa ay nahablot ko bigla ang kamay ko na pisil-pisil sana ni Justin. Hindi ko rin alam kung anong approach ang gagawin ko sa mga magulang ko na talaga namang miss na miss ko na. Ramdam ko na gano’n din ang nararamdaman nila, pero gaya ko, nalilito o nag-aalangan din sila kung paano ako kakausapin. Alam nga kasi nila na may sama ako ng loob sa kanila dahil feeling ko, hindi patas ang pagmamahal nila sa amin ni Kuya Eman. Dumaan na nga ang ilang segundo, pero wala ni isang nagsalita sa amin. Maging si Kuya Eman ay na tahimik na lang din. Para kaming magkaaway na pinilit na ipagsama sa isang silid para magkasundo, pero ni isa ay walang lakas ng loob na magsalita. “Good evening po, Papa at Mama,” basag ni Justin sa katahimikan. Nakangisi pa ito at kumaway-kaway sa mga magulang ko. Hindi lang pala ‘to abusado, makapal din ang mukha na tawaging Papa at Mama ang mga magulang ko. Ang talim na nga ng tingin ni Papa kanya, nagawa pa niyang magsalita ng hindi k
Biglang sumikip ang dibdib ko sa naging tanong ni Justin. Paano na nga ba siya? Paano na itong puso ko na nagsisimula na sanang mahalin siya? Natiim ko ang labi ko at napayuko. Hindi ko rin kasi kaya pang salubungin ang maluha-luhang mga mata ni Justin. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Nawala na nga ang pagiging maharot niya. Para tuloy akong maiiyak na rin. Naawa kasi ako sa kanya, sumisikip lalo ang dibdib ko. Kaya ganito ang nararamdaman ko dahil ngayong kumpleto na ulit ng pamilya ko, baka matutuloy na ang plano ng mga magulang na mang ibang bansa kami, at hindi ko alam kung babalik pa ba kami o hindi na. “Erica, iiwanan mo ba talaga ako ha?" tanong uli ni Justin na hindi ko pa rin masagot-sagot. Napatingin din ako sa mga magulang ko; sa kuya ko na alam kong hinihintay din ang sagot ko. Siguro ramdam din nila na gusto ko nga rin si Justin, at alam nila na naguguluhan ako kung sino ang pipiliin ko sa kanila. “ ‘Wag ka na lang umalis, please. Dito ka na lang, Erica, please
“Erica, ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Biglang sulpot ni Myra, dito sa kwarto ko. Bodyguard ko pa rin siya hanggang ngayon. Bodyguard/best friend. “Miss mo na naman siya?" dagdag tanong nito na nagpangiti sa akin ng mapait. “Ikaw naman kasi, may pa sabi-sabi ka pa na ‘wag ka nang hintayin, ayan ang napala mo, lungkot ang puso—"Sinamaan ko siya ng tingin, ibang klase pa rin kasi siyang mag-comfort; may kasamang sumbat. “Ang daldal mo pa rin talaga ‘no?" sabi ko na lang at inismiran siya. "Pagod lang ako kaya gusto ko sanang magpahinga, pero panira ka,” depensa ko naman sa sarili ko. “Pahinga mukha mo, Erica. Lokohin mo na ang sarili mo, o lahat ng tao rito, pero l hindi mo ako maloloko. Alam ko, miss mo na naman ang abusadong bully na ‘yon.”Tinakpan ko ang bibig niya, sabay ang lingon sa pinto. "Tumahimik ka nga, marinig ka pa nila kuya,” pabulong ko na namang sabi. Ang daldal pa rin kasi nitong si Myra. Agad naman niyang inalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at
“Did you not hear me?" tanong ulit ng CEO na ngayon ay may kakaiba ng tingin at ngiti. “I said, sit!" dagdag utos pa nito sa tonong asar na. Biglang uminit naman ang ulo ko sa klase ng pananalita nito. Idagdag pa ang klase ng tingin niya na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Pero dahil nandito ako sa office at applicant ako sa company niya, kahit asar na rin ako, at gusto na ring gantihan siya, naging magalang pa rin ako. Titiisin ko ang magaspang niyang ugali. “I’m sorry, Mr. Justin Punzalan," sabi ko kasabay ang pag-upo, ngunit wala ang tingin ko sa mukha niya, nasa pangalan niya na nakaukit sa name plate plaque na parang binabasa ko ang bawat letra niyon saka ko naman sinalubong ang matalim nitong tingin. Umangat ang gilid ng labi niya. Sa nakikita ko ngayon sa hitsura niya, parang nagbalik-loob na siya sa pagiging isang demonyo. At tingin ko, magiging isa na naman siyang demonyo na sisira ng buhay ko. “Kilala mo pa pala ako,” ngumisi siya ng kakaiba matapos sabihin
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, o kung ano ang dapat kong maramdaman habang nilalasap ni Justin ang labi ko. Ang tagal kong hinintay na muling mangyari ang ganito. Ang tagal kong hinintay na muli kong maramdaman ang pagmamahal niya, pero kasi… hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng klase ng halik niya—halik na parang binabastos ako. Pumatak na lang ang mga luha ko. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong patigilin siya sa ginagawa niya, pero hindi ako makagalaw. At siya, hindi niya nararamdaman na nasasaktan ako dahil sa ginagawa niya. Hawak niya pa batok ko habang dinidiin ako sa pinto at marahas pa ring hinahalikan. “Ano ba, Justin!" Sa wakas nagawa ko ring magsalita sabay ang pagkagat ko sa labi niya na dahilan ng pagtigil nito sa ginagawa niya. “Hindi ka na nagbago. Abusado ka pa rin. Bastos!" marahas kong pinahid ang mga luha ko, pati labi ko, paulit-ulit kong pinahid. Para naman siyang nahimasmasan nang makitang umiiyak ako. Nanlaki pa ang mga mata niya na para bang