Share

Kabanata 62

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2023-12-28 19:23:28
Biglang sumikip ang dibdib ko sa naging tanong ni Justin. Paano na nga ba siya? Paano na itong puso ko na nagsisimula na sanang mahalin siya?

Natiim ko ang labi ko at napayuko. Hindi ko rin kasi kaya pang salubungin ang maluha-luhang mga mata ni Justin. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Nawala na nga ang pagiging maharot niya.

Para tuloy akong maiiyak na rin. Naawa kasi ako sa kanya, sumisikip lalo ang dibdib ko.

Kaya ganito ang nararamdaman ko dahil ngayong kumpleto na ulit ng pamilya ko, baka matutuloy na ang plano ng mga magulang na mang ibang bansa kami, at hindi ko alam kung babalik pa ba kami o hindi na.

“Erica, iiwanan mo ba talaga ako ha?" tanong uli ni Justin na hindi ko pa rin masagot-sagot.

Napatingin din ako sa mga magulang ko; sa kuya ko na alam kong hinihintay din ang sagot ko. Siguro ramdam din nila na gusto ko nga rin si Justin, at alam nila na naguguluhan ako kung sino ang pipiliin ko sa kanila.

“ ‘Wag ka na lang umalis, please. Dito ka na lang, Erica, please
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Smiley
Waiting next update
goodnovel comment avatar
Fatima Matalam
more updates pa po.
goodnovel comment avatar
sweetjelly
ʕ⁠´⁠•⁠ ⁠ᴥ⁠•̥⁠`⁠ʔ
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 63

    “Erica, ano na naman ba ang ginagawa mo rito?" Biglang sulpot ni Myra, dito sa kwarto ko. Bodyguard ko pa rin siya hanggang ngayon. Bodyguard/best friend. “Miss mo na naman siya?" dagdag tanong nito na nagpangiti sa akin ng mapait. “Ikaw naman kasi, may pa sabi-sabi ka pa na ‘wag ka nang hintayin, ayan ang napala mo, lungkot ang puso—"Sinamaan ko siya ng tingin, ibang klase pa rin kasi siyang mag-comfort; may kasamang sumbat. “Ang daldal mo pa rin talaga ‘no?" sabi ko na lang at inismiran siya. "Pagod lang ako kaya gusto ko sanang magpahinga, pero panira ka,” depensa ko naman sa sarili ko. “Pahinga mukha mo, Erica. Lokohin mo na ang sarili mo, o lahat ng tao rito, pero l hindi mo ako maloloko. Alam ko, miss mo na naman ang abusadong bully na ‘yon.”Tinakpan ko ang bibig niya, sabay ang lingon sa pinto. "Tumahimik ka nga, marinig ka pa nila kuya,” pabulong ko na namang sabi. Ang daldal pa rin kasi nitong si Myra. Agad naman niyang inalis ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at

    Huling Na-update : 2023-12-31
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 64

    “Did you not hear me?" tanong ulit ng CEO na ngayon ay may kakaiba ng tingin at ngiti. “I said, sit!" dagdag utos pa nito sa tonong asar na. Biglang uminit naman ang ulo ko sa klase ng pananalita nito. Idagdag pa ang klase ng tingin niya na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Pero dahil nandito ako sa office at applicant ako sa company niya, kahit asar na rin ako, at gusto na ring gantihan siya, naging magalang pa rin ako. Titiisin ko ang magaspang niyang ugali. “I’m sorry, Mr. Justin Punzalan," sabi ko kasabay ang pag-upo, ngunit wala ang tingin ko sa mukha niya, nasa pangalan niya na nakaukit sa name plate plaque na parang binabasa ko ang bawat letra niyon saka ko naman sinalubong ang matalim nitong tingin. Umangat ang gilid ng labi niya. Sa nakikita ko ngayon sa hitsura niya, parang nagbalik-loob na siya sa pagiging isang demonyo. At tingin ko, magiging isa na naman siyang demonyo na sisira ng buhay ko. “Kilala mo pa pala ako,” ngumisi siya ng kakaiba matapos sabihin

    Huling Na-update : 2024-01-01
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 65

    Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, o kung ano ang dapat kong maramdaman habang nilalasap ni Justin ang labi ko. Ang tagal kong hinintay na muling mangyari ang ganito. Ang tagal kong hinintay na muli kong maramdaman ang pagmamahal niya, pero kasi… hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng klase ng halik niya—halik na parang binabastos ako. Pumatak na lang ang mga luha ko. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong patigilin siya sa ginagawa niya, pero hindi ako makagalaw. At siya, hindi niya nararamdaman na nasasaktan ako dahil sa ginagawa niya. Hawak niya pa batok ko habang dinidiin ako sa pinto at marahas pa ring hinahalikan. “Ano ba, Justin!" Sa wakas nagawa ko ring magsalita sabay ang pagkagat ko sa labi niya na dahilan ng pagtigil nito sa ginagawa niya. “Hindi ka na nagbago. Abusado ka pa rin. Bastos!" marahas kong pinahid ang mga luha ko, pati labi ko, paulit-ulit kong pinahid. Para naman siyang nahimasmasan nang makitang umiiyak ako. Nanlaki pa ang mga mata niya na para bang

    Huling Na-update : 2024-01-03
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 66

    Para akong lutang habang palabas ng opisina ni Justin. Ang bait talaga ni God, trabaho ang ipinunta ko rito, pero ang mahal ko ang nakita ko, at ngayon ay boyfriend ko na. Ang saya-saya ko; ang gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako sa ere. Hindi ko pa nga mapigil ang mapangiti habang naglalakad papunta sa lounge area, kung saan naghihintay sa akin si Myra. “Hoy, Erica!” untag ni Myra sa akin. Nawala tuloy ang floating hearts na nakikita ko kanina. “Bakit ang tagal mo? At saka, balita ko, pinatawag ka raw sa office ng CEO? Bakit?" seryosong tanong ni Myra na medyo ikinataranta ko pa. Bigla ba naman siyang sumulpot sa harap ko na parang ilang araw akong hindi na kita. At saka, hindi ko pa naihanda ang kasinungalingan na gagawin ko. Ngumiti ako, sabay ang pag-upo. "Oo, pinatawag ako, for orientation. Tanggap na kasi agad ako,” nakangiti kong sabi, pero hindi ako masyadong nagpahalata na nag-uumapaw ang saya ko. Secret nga kasi muna ang relasyon namin ni Justin, lalo’t bawa

    Huling Na-update : 2024-01-04
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 67

    “Anong klaseng tanong naman ‘yan, Myra,” sagot ko na parang naiirita. Syempre, ipagtatanggol ko ang kuya ko laban sa kaibigan kong bitter. Paano naman kasi itong kuya ko, parang na kagat niya lang naman ang dila niya; hindi na masagot-sagot ang simpleng tanong ni Myra, lalo na ngayong nasa malapit na ito sa amin. "Hayop nga may puso, Myra. Ito pa kayang kuya ko na asal hayop lang?” sabi ko na may kasamang nakakalokang ngiti. “Bunso!” sikmat ni kuya. Agad naman akong nagtago sa likod ni Myra. Para kasing gusto akong tirisin. Tawang-tawa din kasi ito si Myra. Pero napatawa ko naman siya sa harap ni kuya. Minsan nga lang kaya tumatawa itong si Myra kapag kaharap si kuya, aba ay laging tirik ang mata nito, lalo na kapag nagsusungit na itong kuya ko.“Joke lang po ‘yon, Kuya Eman," sabi ko naman kalaunan. Pero nanatili naman ako sa likuran ni Myra. Ayokong maipit na naman sa kilikili niya. “Mukhang hindi naman joke ‘yon," gatong naman nitong si Myra. Umasim tuloy lalo ang mukha ni kuy

    Huling Na-update : 2024-01-06
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 68

    Takbo lakad na ang ginawa ko habang papunta sa elevator. Ten minutes na lang kasi ay mahuhuli na ako sa trabaho. Dahil sa ginawang kabaliwan ni Kuya Eman at Myra, pati ako ay damay sa sermon ni mama at papa, at heto nga mukhang magkakaroon pa agad ng bad impression sa unang araw ko sa trabaho. Hindi lang kay Justin na siyang boss ko, kung hindi pati na rin sa mga katrabaho ko. Kainis naman kasi kuya, akala ko torpe, ninja pala. Si Myra naman na akala ko amasonang bitter, ang lambot pala, bumigay ba naman agad. Nalasing daw kasi sila, at kasalanan daw ng alak. Sinisi pa sa alak ang nagawa nilang kahibangan. Ano pa ba ang magagawa namin, e ‘di tanggapin na lang ang nangyari. Tatanggapin ko na lang na ang best friend at dati kong bodyguard, ngayon ay magiging ate ko na. Ang saya ng life! Pero kahit nagulantang ako sa nakita ko kanina. Masaya pa rin naman ako dahil alam ko, mapupunta sa tamang lalaki ang kaibigan ko. Same kay Kuya Eman. Maswerte rin siya kay Myra, hindi pa man ito sigu

    Huling Na-update : 2024-01-08
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 69

    Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is

    Huling Na-update : 2024-01-10
  • Her Nerdy Secret   Kabanata 70

    “Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta

    Huling Na-update : 2024-01-15

Pinakabagong kabanata

  • Her Nerdy Secret   WAKAS

    This is it. Ang araw na pinakahihintay namin ni Justin. Our wedding. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi habang hinihintay na sabihin ni father ang magic word. “You may now kiss the bride—” “Uhmm… mwah!” “Justin," mahina ko siyang hinampas. Pero nakangiti naman. Paano ba naman kasi, hindi pa nga tapos si father na sabihin ang magic word, nauna na akong sunggaban ng halik ni Justin na nagpatawa sa lahat na dumalo sa kasal namin. Maging si father ay natawa na lang at nailing. Masyadong atat itong mahal ko. “Humanda ka later," bulong pa nito sa akin. Malandi ko siyang nilingon. “Matagal na akong handa," bulong ko naman sa kanya na nagpakagat labi sa kanya. Kumislap pa ang mga mata. “ ‘Wag na kaya tayong pumunta sa reception, diretso honeymoon na tayo nang makarami," landing bulong na naman nito habang palabas na kami ng simbahan, at sinabuyan ng mga rose petal ng mga bisita. “Ikaw talaga—" Kurot sa tagiliran niya ang tumapos sa pagsasalita ko. Kaharap na kasi namin

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 76

    “My nerd," malambing na sabi ni Justin, sabay ang mahigpit na yakap mula sa likuran at may pahabol pa na halik sa leeg ko. “Ano ba ang ginagawa mo rito? Kanina ka pa namin hinihintay sa loob," dagdag sabi pa nito na sumabay sa pagsiklop ng mga kamay namin.Nilingon ko rin siya at nginitian ng matamis. “Nagpapahangin lang at saka may iniisip din," sagot ko. Sumulyap pa ulit ako sa kanya at sumandal sa dibdib niya. “Isip na naman? Kasama mo na nga ako kaya hindi mo na ako kailangan isipin. Ang kailangan mo na lang gawin ay…” Pinihit niya ako paharap sa kanya. Ngayon ay diin na diin na naman sa akin ang katawan niya. Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa batok niya na agad nagpangiti sa kanya ng sobrang tamis. At sa tuwing ganito siya ka lambing ang saya ko, parang laging hinahaplos sa puso ko. "Ang yakapin, halikan, lambingin, at landiin ako, ‘yon ang kailangan mong gawin at hindi ang mag-isip,” ngising sabi nito, at syempre may kasabay na naman ‘yong halik sa labi ko na nagpapapikit

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 75

    Mabagal na humakbang palapit sa amin si papa, at ang tingin nito ay nakatutok pa rin kay Justin. Si Justin naman panay kamot na lang sa ulo at ngayon ay yuyuko-yuko na. Mukhang magkakaproblema na naman yata kami nito. Justin naman kasi!“Move!” pasikmat na utos ni papa. Turo nito ang kabilang side ng couch. Agad namang sumunod si Justin. Ang bilis nga niya kumilos. Takot yata mahampas ng bote. Mabuti na lang at nilagay na ni papa ang bote ng alak sa lamesa, at saka umupo sa pagitan namin ni Justin.“Tinatanong kita, Justin? Saan kayo magpapakasal?” madiin na tanong ni papa. “S-sa simbahan po,” nauutal na sagot nito sabay naman ang pagyuko. Ang bait na nga niyang tingnan. Behave na behave; walang bakas ng pagiging abusado. Kakaibang ngisi naman ang sagot ni papa, at saka nilingon ako. Ako naman ang napakamot sa ulo. “Sigurado kayo?” Makahulugan pa rin ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Eh, ekspresyon nga niya ang nabasa ko. Ekspresyon na nagsasab

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 74

    “Erica, ingat ka palagi ha?" Ako naman ang hinarap ni Myra, matapos ilabas ang galit nito sa kuya ko na ngayon ay hindi na makapagsalita at humupa na rin ang galit. Wala na nga sa amin ni Justin ang tingin niya. Na kay Myra na. Napailing-iling na lang si papa habang nakatingin sa kanya. Strict nga rin si papa, pero hindi naman katulad ni kuya na talagang nambubugbog kapag ayaw niya sa tao o kung pakiramdam niya ay may masamang balak ito. “Maging masaya ka; kayo ni Justin. Don’t let anyone ruin the love you have for each other, kahit pa ang isang ‘yan," sabi pa ni Myra habang turo si Kuya.Masaya na dapat ako, pero dahil aalis si Myra, malungkot na naman ako. Paano naman kasi, sumobra na ‘to si kuya sa pagiging strict, kaya ang babae na makakasama sana niya habangbuhay, mawawala pa. Hindi nag-iisip! “Myra, mas magiging masaya ako kapag dito ka lang. ‘Wag ka nang lumayo, please," pakiusap ko sa kaibigan kong ngumiti lang ng mapait.“Kuya, ano ba?! Tatayo ka na lang ba? Wala kang gagaw

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 73

    “Justin,” hagulgol ko habang yakap-yakap na rin siya ng mahigpit. “Ang lamig-lamig sa labas, Justin. Ano ba ang pumasok sa utak mo, at sumugod ka rito?”“Shh… ‘wag ka nang umiyak,” nanginginig nitong bulong. “Paano akong hindi iiyak? Nabugbog ka na nga, nag-palamig ka pa. Paano kung magkasakit ka?" humihikbi kong sabi kasabay ang pagtaas at baba ng kamay ko sa likod niya. Alam ko kasi na giniginaw siya. Ang lamig ng pisngi at labi niya na ngayon ay dumidiin sa leeg ko. "Gusto nga kitang makita, my nerd. Gusto kitang makasama. Wala akong pakialam kung gaano man kalamig sa labas. Wala na rin akong pakialam, mahuli man ako ng mga magulang mo, at lalong wala akong pakialam, bugbugin man ulit ako ng kuya mo. Hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo. Hindi ko na hahayaan na may humadlang pa sa ating dalawa, kahit buong angkan mo pa ang makakalaban ko.” Parang maiiyak nitong sabi.“Justin," bumitiw ako sa pagyakap sa kanya, at kinulong sa mga palad ko ang pisngi niya, at saka maingat ko

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 72

    Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng kotse ni Kuya Eman. Si Myra naman, panay haplos naman sa likod ko at paulit-ulit na nag-so-sorry. Hindi nga raw niya in-expect na sasaktan na naman nito si Justin. Akala niya ay kakausapin niya lang kami. Pero hindi iyon ang nangyari.“Tahan na Erica,” alo pa nito sa akin. Akala niya nagbago na si kuya at hindi na barumbado, pero mali siya. Ang bilis pa rin pala nitong magalit, at kapag nasimulan na ang galit o init ng ulo nito, ang hirap na pakalmahin. “Kaya pala gustong-gusto mong magtrabaho sa HI-Techno. Co. dahil ang abusadong si Justin pala ang CEO! Ginawa ka pang personal assistant? Para ano, ha? Para abusuhin ka? Para magagawa niya ang gusto niyang gawin na walang pipigil sa kanya? Sira-ulo!” singhal ni Kuya Eman. Paminsan-minsan pa nitong sinusuntok ang manibela. Hindi ako sumagot o kontrahin ang mga sinasabi niya. Kahit mali pa ang iniisip niya; kahit mali pa ang mga sinasabi niya, wala na akong pakialam. Si Justin ang inaalala ko.

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 71

    “Nagkita kayo? And you didn’t tell me?" malungkot na tanong ni Justin. Tuluyan na rin siyang bumitiw sa akin. “Justin, hindi—" akmang hahawakan ko siya, pero umatras siya. “Justin naman e. Mahigit isang taon na nga kasi ‘yon; hindi ko na nga sana naalala; nakalimutan ko na," parang maiiyak kong sabi. Nakakalungkot kasi; nakakasama ng loob ‘to si Justin. Nagagalit na lang siya basta, at parang ayaw na niyang makinig sa akin. Ayaw na niya sa akin. Gano’n-gano’n na lang. Porket may hindi lang ako nasasabi sa kanya, nagagalit agad. " ‘Yon na nga, mahigit isang taon pa lang, Erica. Kaya imposible na nakalimutan mo na agad ang pagkikita n’yong dalawa. Unless kung wala ka talagang balak sabihin sa akin.” Napayuko na lang ako, at pa simpleng pinahid ang mga luha ko na hindi ko na magawang pigilin. “Ikaw din naman, Justin, nilihim mo rin naman ang tungkol kay Reynald. Pero hindi naman ako na galit ng ganito,” tampo kong sabi. Sandali rin akong sumulyap kay Reynald na ngayon ay parang na-g

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 70

    “Hindi! Kung pwede nga, ayoko na makita ka pa ng pinsan kong ‘yon. Naalala ko lang ang nangyari noon!" pasikmat nitong sabi sabay hapit sa baywang ko at binuksan ang pinto. “Ayoko nga na lapitan ka pa ng ibang demonyo! So, I need to do this," bulong pa nito habang nasa harap na kami ng secretary niya. Kung ano ang gulat na nararamdaman ko sa ginawa nitong si Justin. Gano’n din ang nakikita ko sa mga mata ng secretary niya na talagang nanlaki at hindi na kumurap. Hindi na nga rin yata humihinga. Umawang na lang din ang labi. “Justin, ano ba ‘tong ginagawa mo?" pabulong kong tanong na may kasabay na ngiting aso. Itinaas ba naman ni Justin ang magkahawak na naming kamay at dinala iyon sa labi niya; paulit-ulit na hinalïkan, tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakatingin sa akin.“Ms. Clark," tawag nito sa secretary niya na kumurap-kurap; parang napuwing. Lumunok din ng paulit-ulit na parang may bumara sa lalamunan niya na hindi matanggal-tanggal.“W-what is it, Sir Justin?" na-uuta

  • Her Nerdy Secret   Kabanata 69

    Mas dumiin pa ang katawan ni Justin sa akin, sa puntong halos lumapat na ang likod ko sa lamesa. Napapaliyad na lang din kasi ako na para bang bumigat ang ulo ko, at ngayon nga ay naigala niya pa ng husto ang labi niya sa leeg ko. At kung kanina ay ang malakas na tïbok lang ng puso ko ang naririnig ko, ngayon ay pati na ang sa kanya ay naririnig ko na. Sumabay din ang malakas naming paghinga sa tunog ng halik niya. Nakalulunod ang nararamdaman kong init ng katawan. Dati ang eksena ‘to ay sinusulat ko lang. Nababasa ko lang pero ngayon ay naranasan ko na mismo, at dito pa sa loob ng office ng boss ko na bawal ang office romance. “Justin…” paungol kong tawag sa pangalan niya na imbes sagutin ako ay lalo pa akong idiniin sa lamesa at sinabayan pa ng paghagod. Totoo pala na kapag mahal mo ang isang tao, at nasa ganitong sitwasyon na kayo, kahit ayaw mo, kahit nasa matinong pag-iisip ka naman, at wala sa impluwensya ng alak ay bibigay ka na lang ng kusa na parang hindi na marunong mag-is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status