Pamanhin sa po at mahina ang update. Sana ay ma-enjoy niyo ito. God bless!
CLAIRE JOYCE“AIRA, ikaw ng bahala sa mga bata, ah?” Bilin ko sa yaya na kinuha ko para sa mga bata. Hindi ko pa kasi kayang kumuha ng dalawang yaya kaya isa lang muna iyong may makakasama ang mga anak ko sa tuwing may trabaho ako.“Wag kang mag-alala, Ate! Akong bahala kay Dagat at Tolda.”“Aira!”Yumuko siya at napakamot sa ulo. “Sorry, Ate. Narinig ko kasing nag-aasaran ang dalawa sa pangalan nila. Ano po ba kasi ang totoo nilang pangalan?”Napatampal ako sa noo. “Ewan ko sa iyo, Aira! Tent at Sea nga ‘di ba? Tinagalog mo na nga!”Nagmamadaling bumaba na ako at nakita ko ang dalawa kung anak na kumakain ng almusal sa mesa.“Mama!” Tawag sa akin ni Sea. “Wow. Mama, ang ganda mo po!” Tent giggles.Nakangiting umikot ako sa kanilang harapan na para bang proud na proud ako sa aking ayos. “Talaga? Maganda si Mama?”Umirap si Sea. “Maganda ka Mama pero pangit ang damit mo!” Anong masama sa suot ko? Isang black fitted dress ang suot ko at stiletto na may limang pulgada ang taas. Hapit n
CLAIRE JOYCE“ANO?! Bumukaka sa lalaking hindi mo kilala? Isang lalaki na may tattoo sa braso na umaabot sa dibdib ba? Oh... God! Baka mabuntis ka!”Infertile ako! Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat iyon pero mali pa rin ang ginawa ko!Pinuntahan ko si Carry sa bahay niya at sinabi ko ang lahat ng nangyari sa party maging ang ginawa kong katangahan. Nakayuko ako. Nakatitig ako sa baso ng juice na hawak ko. Mas humigpit pa ang hawak ko dito dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.“Ang dumi-dumi ko...” Humagulhol ako. “Ang sama-sama ko! I hate myself! I really hate myself! Ang tanga-tanga ko! Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng p****k! I hate myself!”Mabilis akong dinaluhan ni Carry at niyakap ng mahigpit. I cried on her shoulder. Hiwalay man ako sa asawa pero hindi ko akalain na magagawa ko iyon! “Hindi totoo ‘yan... Wag na wag mong sasabihin ‘yan.”Hindi ko matanggap! Ano ang mukhang ihaharap ko sa mga anak ko? Si Keith, ano na lang ang sasabihin niya sa akin? Mas la
CLAIRE JOYCE“AIRA, may tao.” Sabi ko kay Aira.Katulong ko ngayon dito sa kusina na naghahanda ng hapunan namin. “Opo, Ate.” Iniwan niya ang ginagawa. “Teka lang...” Rinig kung sabi nito habang naglalakad papunta sa sala.“Daddy!” Napairap ako ng marinig ko ang matinis na boses ng kambal. Wala naman akong ibang inaasahan na dadalaw ng ganitong oras kundi si Kelvin. Kung hindi siya pupunta dito ng umaga malamang pupunta siya dito ng gabi. Walang araw na hindi niya dinadalaw ang dalawa.Natigilan ako sa paghalo ng adobo na niluluto ng maramdaman kung may braso na yumapos sa maliit kung bewang. Napairap ako ng manuot sa ilong ko ang panlalaking amoy ni Kelvin. “Hey.” Ginawan niya ako ng halik sa pisngi.Hindi ko siya pinansin patuloy lang ako sa pagluluto. Hiyaan ko lang siyang yakapin ako at paminsan-minsan pinapatakan niya ako ng halik sa balikat at leeg.May photo shoot ako nitong huli promoting a new release of new products ng isang Xenze beauty products. Maaga akong umaalis kaya
CLAIRE JOYCENAGISING ako ng maramdaman kung may yumakap sa akin. Kinusot ko mata ko at inangat ko ang mukha mula sa pagkakasubsob sa unan nakadapa ako sa kama. Hindi nga ako nagkamali ng bumungad sa akin ang mukha niya ang bumungad.“K-kelvin?”“Hey.” Ginawaran niya ako ng halik sa gilid ng labi. Tumagilid ako paharap sa kaniya at niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at sumiksik ako sa dibdib niya, mabilis niya namang ipinalibot sa katawan ko ang braso niya at ginagawaran ako ng halik sa gilid ng noo habang hinahaplos ang aking likod.I miss him. I really miss him!Pagkatapos ng pag-uusap namin hindi na siya muling pumunta sa akin. Mas lalo akong na lungkot ng malaman kung fiancee niya ang babaeng kasama niya sa restaurant ng ng araw na iyon.I felt betrayed.Ilang araw ko siyang hindi nakita at ngayon lang ulit siya muling pumunta dito sa akin ng ganitong oras. Gabi-gabi akong naghihintay sa kaniya nagpupuyat pero hindi siya dumarating at hindi na ako umasa pa na pupuntahan
CLAIRE JOYCEALAM ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi na dapat! Matagal na akong walang karapatan sa kaniya at kung may nag-uugnay man sa aming dalawa iyon ang tatlo naming anak.Kapag gabi siyang dumadalaw sa mga bata ay hindi ako lumalabas ng kwarto ko. Kung umaga naman ay hindi ako nagpapakita at hindi ako sumasama sa kanila kapag nilalabas niya ang kambal.Kailangan ko siyang iwasan at layuan kahit mahirap ay gagawin ko dahil iyon ang tamang gawin. Masakit mang isipin na sa loob ng isang buwan ay ikakasal na siya sa ibang babae ngunit kailangan ko iyong tanggapin dahil ako mismo ang umayaw na balikan siya.It's been a week last time he visited there. Mula ng araw na iyon hindi na siya muling pumunta sa condo ko. Walang araw rin na hindi nagtatanong sa akin ang mga bata kung bakit hindi na sila dinadalaw ng Daddy nila pero palagi ko na lang sinasabi na busy ito sa trabaho kahit alam ko naman na abala ito sa pag-aayos ng kaniyang nalalapit na kasal.“Mommy!” T
CLAIRE JOYCENANGINGINIG pa rin ang buong katawan ko na tinungo ang mansion ni Kelvin. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang balitang narinig ko.Hindi ako makapaniwala kaya gusto kong masiguro at mariniing mula sa labi ni Kelvin ang totoong nangyari sa aming Baby Kaye!Mabilis akong lumabas ng driver seat ng maihinto ko ang sasakyan sa tapat ng kaniyang mansion. Agad naman akong pinagbuksan ng guard na naruruon kung hindi ako nagkakamali siya ang guard ng araw na dinala ako dito ni Kelvin.“Si Kelvin?”“Nasa loob—Ma’am hindi kayo pwedeng pumasok!”Habol nito sa akin ng mabilis ko siyang tinalikuran ng marinig kong nandito si Kelvin hindi ko na gusto pang marinig ang iba niyang sasabihin.Mabilis rin akong natigilan ng makatayo ako sa tapat ng pinto ng mansion ng marinig ko ang malakas na boses ni Kelvin na mukhang galit na galit kasabay ang pagkabasag ng kung anong mga gamit.Kung galit siya ngayon pwes may dahilan rin ako para magalit sa kaniya. Agad
CLAIRE JOYCE“HINDI ako papayag sa gusto mo Kelvin! Ayaw ko!”Pagmamatigas ko kay Kelvin ng pinipilit niya akong kunin na namin ang kambal para sa iisang bahay na kami tumira.“Mga anak ko sila at walang masama kung gusto ko silang makasama sa iisang bubong! Bakit ba nagmamatigas ka pa?”Yumuko ako. “Hindi ko kayang maiwang mag-isa...”Hindi ko kaya kung pati ang kambal ko malalayo sa akin. Madaming taon na ang na sayang na hindi ko nakasama ang dalawa kung anak ayaw kong pati sa kambal ko malayo ako.“Sa ayaw at sa gusto—Tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. Tiningnan ko ang cellphone ko at pangalan ni Aira ang nasa screen kaya bigla naman akong naramdaman ng kaba.“Who’s that?” Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Titig na titig siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko.“S-Si Aira.” Tugon ko at agad kong sinagot ang tawag nito. Kinabahan ako ng bumungad sa akin ang mga hikbi ni Aira na halatang kinakabahan.“Aira, bakit?”[“A-Ate! Ate, p-patawarin n-n
CLAIRE JOYCEPAGKATAPOS kung mag-ayos mabilis akong bumaba sa hagdan at tinungo ang likod nang mansion. Habang naglalakad ako tinutupi ko ang mangas ng suot kung sweatshirt. Nakaponytail ang mahaba kung buhok at may ilang hibla ng buhok na naiwan sa aking mukha. Nakasuot ako nang isang itim na sweatshirt at itim na leggings na pinarisan ko nang isang puting sapatos.“Hi, Raul! Anong ginagawa mo dito?” Huminto ako sa paglalakad ng bumungad sa akin si Raul na nakatayo na para bang inaabangan talaga ako. Napakamot siya sa ulo at tumingin sa ibang direction na agad ko namang sinundan.Kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na walang pagod na pinagsusuntok ang punching bag na nakabitay sa sanga ng malaking puno. “Anong ginagawa niya?” Hindi makapaniwalang tanong ko.Ang akala ko kasi ako ang tuturuan niya pero sa ginagawa niya daig niya pa ang sumabak sa giyera. Naliligo na siya sa sarili niyang pawis. Basang-basa na ang damit na suot niya maging iyong buhok niya may ilang butil