Share

Chapter 177

TILA SA NAGDAANG LINGGO, binalot ng kadiliman ang mundo ko. Nawala ang liwanag at kailanman, hindi na sumilay pa. Nakakalula. Nakakasakal. Sobrang sikip sa pakiramdam. Parang naglalakad ako sa isang kwebang walang katapusan. Umaasa akong aabot ako hanggang dulo. Bagsak na bagsak ang mga balikat ko. Hindi ako makahinga. Tila naglalakad ako milyon-milyong tinik at ang mga paa ko’y sugatan… duguan.

Tila lumulubog ang katawan ko sa bigat ng tubig sa karagatan. Unti-unti, binababa ako nito sa aking katapusan. Ang mga kamay ko, nakataas, sinusubukang abutin ang liwanag. Mulat pa rin ang mga mata, nagbabalik-tanaw ako sa mga ngiti at labis na saya noong ipaglaban ko ang pag-ibig ko. Magaan sa loob, pinili ang puso, at pinairal ang pagmamahal.

Nakahanda akong tanggapin ang katapusan ko, ngunit hindi sa paraang ganito. Hawak ko pa ang kamay niya. Galit na galit ako sa sarili ko... na nabitawan ko siya. Isang... isang malaking pagsisisi ang hindi ko siya nahawakan. Nang mas mahigpit pa sa kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status