Gulat sa mga mukha ang makikita mo sa kanilang lahat, pangamba naman ang kay Anna ngunit hindi niya iyon pinakita. "Ano? Isang gabi lang at papalampasin ko ang ginawa ng walang kwentang bata na ito." Lumingon ang matabang lalaki kay Inigo na siyang kinaatras nito nang bahagya, nasasaktan pa rin dahil sa natamong suntok.
"Hindi mo ba kilala ang kinakausap mo? Apo siya ng Lazaro at sa oras na malaman kung ano ang ginagawa mo sa kanya, baka hindi ka na mabuhay." Singit ni Isidro kaya agad lumingon sa kanya ang lalaki na malakas na ang tawa.
"Gaano ba ka sagrado ang pamilyang iyan para katakutan at luhoran? At huwag kang bastos matanda, dapat mong lumuhod muna sa akin bago mo ako kausapin..." Napasigaw ang lahat ng tao sa lugar nang sinuntok ng matabang lalaki si Isidro.
"Dad!"
"Wala akong pakealam kung apo kayo ng Diyos o ano, kilalanin ninyo ang binabangga ninyo. But indeed, halata naman sa babaeng kaharap ko ngayon." Bumaling muli siya kay Anna. "Napak
Chapter 37 Bugbug sarado ang lalaki ngunit siya ay naguguluhan pa rin sa nangyari. Batid niya na ang binata sa kanyang harapan ay hindi isang taong dapat niyang maliitin. "You heard my boss, Mariano. Sa dinami-rami ng pag-iinteresan mo, iyong asawa pa ng young master?" Umiiling-iling si Apollo habang hawak ang baba nito. Ang disposisyon ni Apollo sa kay Esteban ay hindi lang basta paggalang. Nagpapakita ito na siya ay may mas mataas na katayuan sa lipunan kaysa sa kanya. Hindi niya akalain na ang katotohanan na si Esteban na walang silbi ay hindi totoo. Bigla siyang napaisip kung ilang tao na ba ang napunta sa katayuan niya, ilang tao na ba ang nakakaalam ng tunay nitong pagkatao? Mabilis na kumilos si Isabel nang mapansin niyang matagal nang hindi nagpapakita si Esteban. Inip na inip siya at kinakanahan na baka biglang dumating ang lalaki at kunin ang anak na si Anna.
Nakita ni Esteban na lumabas ng kwarto nila ang kaniyang mother-in-law kaya kumunot ang noo niya. Galing siyang kusina dahil nagtimpla siya ng kape at nagluto ng sweet and spicy pancit canton. Hindi pa siya naghahapunan at kumakalam na ang sikmura niya. “May problema ba?” tanong niya sa asawa. "Is there anything you want to tell me?" Namimilog ang mga mata niya at hindi alam ang isasagot. Sinabi niya rito na hahayaan ang Ina na gumawa ng paraan ngunit hindi niya ito matiis sa tuwing umiiyak ito. She’s her mother after all. Tumikhim muna siya bago nagsalita. “I need 2 million… Hindi ko lang matiis si Mama kasi--” This is the first time in three years that she has spoken to him about money. She doesn't know what to do. Speaking out, it was like a stone was stuck in her throat. “Alright!” He didn't even blink. Mabilis ang naging tugon nito.
Maagang nagising si Esteban. Pagkatapos niyang ihatid si Anna sa kompanya ay dumertso siya sa UFO bank. He promises his wife na siya ang bahala sap era. Mabilis siyang nakaisip ng solusyon para dito.Ilang minuto na siyang nakaupo roon at naghihintay natawagin ang kaniyang numero dahil sa maraming customers ng araw na iyon."Good morning, Sir. How can I help you?” anang babae ng makalapit siya rito.He looked at the woman, who had pin-straight hair and enticing eyes in his direction. Napansin niya rin ang pagtingin nito sa kaniya mula ulo hanggang paa. He was dressed simply in a navy blue shirt, jogging pants, and his trademark slippers from years ago.“Magwi-withdraw ako ngayon…” Tumikhim siya at mas hininaan ang boses. “Dalawang milyon.”“Anong pangalan niyo, Sir?” She smiled.“Desmond Montecillo.”
Chapter 39Habang nagmamaneho pauwi si Esteban ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. It was Hadrianna who’s calling."Need anything, wife?" aniya ng sagutin ang tawag.“Nasaan ka na?”Napangisi siya nang marinig ang malambing nitong boses. He really loves calling her wife. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa mga ulap.Tumikhim siya. “Pauwi na ako. Dala ko na rin ang pera.”Anna was a little apologetic, especially after she went to the hotel for dinner yesterday and didn't bring him along with her. He was left alone at home to eat instant noodles, and she also asked him to accompany her to the hotel to helpher resolve the problem.“Huwag ka nang magluto mamaya pagkauwi mo.”Kumunot ang noo ni Esteban, “Kung hindi ako magluluto walang kakainin sina Mama at Papa.”
Maagang natapos sa trabaho si Anna kaya wala pang alas singko ay palabas na siya ng kompanya. Tulad ng dati ay naroon na si Esteban. Nakasuot ito ng puting v-neck shirt na mas lalong nagpa-defined sa malapad nitong balikat. Magka-cross rin and dalawa nitong braso sa kaniyang dibdib. He's also wearing a black a cap. Nakakasilaw ang kakisigan nito habang nakasandal sa kaniyang kotse.Tumakbo siya palapit sa asawa at biglang yumakap dito. Hindi niya alam kung anong sumapi sa sarili at ginawqa niya 'yon. He chuckled and hugged her back."Hi," his voice was husky.Dinampian niya ng malambot na halik ang pisngi ni Hadrianna. She did not move even a bit. She just let him kiss her in front of their company. Not that she could move more, but she could at least try to tilt her head away from him.Binigyan din niya ito nang isang halik sa pisngi, ngunit ikiling nito ang kanyang ulo, na halos halikan niya
“Huwag kang gumawa ng gulo rito. Bakit hindi mo tingnan ang sitwasyon? Wala nang puwang para sa iyo ngayon dahil puno ang restaurant namin. Kung gusto mong maghintay, maghintay ka lang. Kung ayaw mo, pwede kang umalis. Don’t be unreasonable, Ma’am." Umirap ito. "At... hindi ako tumitingin sa asawa mo!” She was protecting her rights, but she was called unreasonable by her! She's a b*tch! She keeps on eye raping her husband while talking to her arrogantly. She was so angry that she wanted to hit someone. What kind of absurdity is this? “Don't you have to show your service attitude when there are so many customers? And since it is a reservation, there should be a reservation rule!” Naramdaman niya ang paghawak ni Esteban sa kanyang siko ngunit pinagsawalang bahala niya lang ito. Biglang nataranta iyong babaeng staff dahil sa dami nang nakarinig ng sigaw niya. "I have a reservation! You are the one who's unreasonable for giving my reser
Hindi maipinta ang mukha ng manager ng marinig ang sinabi ni Esteban. He’s handsome and probably her type. Hindi niya maiintindihan kung anong gayuma ang ginamit ni Anna para makuha ang lalaking ito. Looking at him made her want to blame Anna more for having all the boys. She wants to drive them out as soon as possible.Akmang huhugot na siya ng cellphone ang manager upang tawagan ang may-ari ng Restaurant nang makita niyang paparating ito.“Sir!” Tumakbo siya upang salubungin ito. “I am so sorry for this. Nanggugulo po kasi ang mga ito sa restaurant. He even injured our three security guard when I asked them to escort her and her husband out."“Oh! Really?” puno ng interes ang mata ng may-ari ng restaurant. He was well aware of the formidable strength possessed by the three security guards deployed here. Is he capable of defeating the three security guards? He is not to be taken light
Lahat ng tao na nakatingin sa nangyayari ay takot ang naramdaman, may iilang umalis na at mayroon ding iilan na nanatili pa rin para makinuod. Nakatingin ng masama si Esteban sa may-ari at bahagyang napaatras si Bernard nang maramdamang kakaiba as tingin ni Esteban."Bibigyan kita ng pagkakataong magtawag pa ng mga tauhan mo, Bernard Wang." Lumapit si Esteban sa kanya na malamig ang tingin at diin niya iyong sinasabi. Napalunok nang palihim si Bernard."Ang y-yabang mo. iyon lang naman ang kaya mo, pero sige. Kung talagang pinatumba mo ang nauna kong mga tauhan, sigurado akong hindi mo matatalo ang susunod kong tatawagin. Palabasin mo ang tao dito," utos niya sa manager na agad din ginawa. Esteban smirked at him, hindi niya alam ang ginawa ni Esteban palihim."Bago ang lahat, may ipapakilala ako sa'yo..." Lumingon si Eseteban sa labas at doon napasinghap ang iilang empleyadong nakatingin sa kanila.Naglalakad si Apollo kasama ang mga tauhan nitong m
"Esteban."Pagkasabi ng salitang iyon, diretsong pumasok si Esteban sa bakuran ng pamilya Del Rosario.Nang makita ito, mabilis na sumunod si Elai kay Esteban.Ang kapitan ng mga guwardiya naman ay napako sa pagkakatitig kay Esteban habang palayo ito, litaw ang gulat sa kanyang mga mata.Sa panahong ito, ang pinaka-usap-usapan sa Europa ay si Esteban.Mula nang itulak siya ng pamilya Corpuz sa sentro ng atensyon at talunin ang pamilya Mariano sa Elite Summit, naging malaking usapin ito sa buong Europa.May ilang tao pa rin ang nagdududa na masyado lamang pinapalaki ang pangalan ni Esteban at hindi naniniwalang totoo ang mga balita tungkol sa kanya. Isa ang kapitan ng guwardiya sa mga taong iyon. Pero matapos niyang maramdaman ang lakas ni Esteban, napagtanto niya na hindi pala ito biro. Sa katunayan, tila mas malakas pa si Esteban kaysa sa mga bali-balita, lalo na’t madali silang napabagsak nito nang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong lumaban."Kapitan, napakalakas ng batang iyo
Pagkatapos magkita nina Esteban at Elai, hindi na sila nagsayang ng oras at dumiretso na sa bahay ng pamilya Del Rosario.Habang nagmamaneho si Elai, panay ang sulyap niya kay Esteban, na kasama si Jandi. Kitang-kita ang halatang pagkabahala sa mukha ni Esteban, kaya nagtataka si Elai kung ano ang dahilan ng ganitong reaksyon.Alam ni Elai na mula nang iwan ni Esteban ang pamilya Montecillo, wala na siyang kinalaman sa kahit ano tungkol sa pamilya Montecillo. Kaya naman, hindi niya maintindihan kung ano pa ang maaaring maging sanhi ng pagkabahala ni Esteban."Lao, sabihin mo na. Ano ba ang nangyayari?" Hindi napigilan ni Elai na tanungin si Esteban.Napakahirap ipaliwanag, at malamang walang maniniwala. Kaya’t simpleng sinabi ni Esteban, "May kaibigan akong may problema, at may kinalaman ito sa pamilya Del Rosario. Dalhin mo lang ako sa kanila, at ang iba pang detalye, depende na sa magiging desisyon mo."Alam ni Elai ang ibig sabihin ng mga salita ni Esteban. Kung ayaw ng pamilya Cor
Si Esteban ay sobrang nag-aalala. Kung si Janson lang ang pupunta sa bahay ng pamilya Del Rosario para makipag-usap o maghanap ng gulo, maiintindihan niya ito. Sa huli, talagang nakakagalit na naloko siya ng pamilya Del Rosario. Makatuwiran lang na hindi niya makontrol ang kanyang emosyon.Pero bakit pati asawa at anak niya ay isinama niya sa panganib? Hindi ito maunawaan ni Esteban.Hindi ba naiintindihan ni Janson ang agwat ng kanilang kalagayan kumpara sa pamilya Del Rosario? Ano pa ba ang magagawa niya maliban sa paghanap ng kapahamakan?At ayon sa balita, malaki ang posibilidad na atakihin ng pamilya Del Rosario ang pamilya Flores alang-alang kay Corpuz. Hindi ba’t parang isinuko na niya ang kanyang asawa?"Ako na ang bahala rito. Magpahinga ka muna. Binigyan kita ng isang araw na bakasyon ngayon. Huwag mong hayaang malaman ko na nasa kumpanya ka pa," sabi ni Esteban bago umalis sa opisina.Pagkatapos magpuyat buong magdamag, talagang pagod na si Lawrence. Halos nasa sukdulan na
Bagamat 14 na taong gulang pa lamang si Esteban, tuwing oras ng hapunan ay parang laging pinipilit siya ni Yvonne na magpakasal. Ang mga nangyayari sa mas nakatatanda ay tila nangyayari nang mas maaga sa kanya.Dahil dito, napapaisip si Esteban kung normal bang ina si Yvonne. Sa totoo lang, walang ina na mag-uudyok sa 14-anyos na anak na magkaroon ng kasintahan.Sa harap ng iba't ibang teorya ni Yvonne tungkol sa pag-ibig, walang magawa si Esteban kundi manahimik. Sa wakas, isang tawag ang pumigil sa tuluy-tuloy na kwento ni Yvonne, na nagbigay din kay Esteban ng pagkakataong makapagpahinga.Gayunpaman, matapos sagutin ang telepono, biglang tumingin nang kakaiba si Yvonne kay Esteban."Ano iyon?" tanong ni Esteban nang may pagtataka."Ang tatay mo. Nasa 'cold war' kami ngayon, tapos tatawag siya sa akin? Ano kayang kailangan niya?" sabi ni Yvonne sabay irap. Simula nang umalis siya sa pamilya Montecillo, bihira na
Bago pa man maipadala ni Lawrence ang balita, hindi na sinayang ni Esteban ang oras niya sa usaping ito. Gayunpaman, alam niya na ang dahilan kung bakit napilitang pumunta sa ibang bansa ang pamilya ni Jane ay malamang may kaugnayan sa problemang ito.Kalabanin ang pamilya Del Rosario ay maglalagay sa kanila sa mas mapanganib na sitwasyon. Sa huli, napilitan silang mangibang-bansa, na marahil ay naging huling opsyon ng pamilya Flores.Gayunpaman, ang naging tagumpay ng pamilya Flores pagkatapos mangibang-bansa ay patunay na may kakaibang galing si Janson sa negosyo.Hindi maiwasan ni Esteban na mag-isip: Kung hahayaan niyang maging tagamasid lang siya at hindi makialam sa problema ng pamilya Flores, maaaring hindi maganap ang parehong kasaysayan, at hindi rin magiging matagumpay ang pamilya Flores matapos ang kanilang pag-alis.Kung ganoon ang mangyari, marahil ay hayaan na lang ni Esteban si Janson na asikasuhin ang kanyang problema.Gayunpaman, hindi sigurado si Esteban kung uulit n
Ikinuwento ni Yvonne kay Esteban ang maraming benepisyo ng maagang pag-ibig, na malayo sa karaniwang pananaw ng mga magulang na tutol sa tinatawag na "puppy love." Marahil ito ay dahil hindi kailangang mag-alala ni Yvonne sa pag-aaral ni Esteban, kaya’t hindi niya iniisip na maaapektuhan nito ang kanyang pag-aaral.Ngunit si Esteban, sa kaliwang tainga lang pumapasok at sa kanang tainga lumalabas ang mga sinasabi ni Yvonne. Hindi niya ito sineseryoso, dahil hindi naman niya ito kailangan. Bukod dito, mayroon na siyang iniisip na espesyal na babae—si Anna. Iniintay na lamang niya ang pagkakataong makabalik sa Laguna upang magkita sila muli.Pagkalabas ng Elite Summit venue, napansin ni Esteban ang isang batang babae na may suot na salamin. May kakaibang pamilyar na pakiramdam itong dala sa kanya, pero sigurado siyang hindi niya ito kilala, na lalong nagpataas ng kanyang pagtataka.Pag-uwi nila, hindi maalis sa isip ni Esteban ang imahe ng batang babae. Para bang may naiwan na marka sa k
Matagal bago nakabawi si Yvonne. Bagama’t malinaw niyang narinig ang mga sinabi ni Brooke, hindi niya alam kung paano tutugon, dahil ang lahat ng nangyari sa harap niya ay parang isang lindol na may magnitude na 12. Sobrang nakakagulat at nakakapanindig-balahibo.Hindi kailanman naisip ni Yvonne na magiging ganito kapangyarihan si Esteban. Ngayon, may pakiramdam siya na magugulat ang lahat kay Esteban sa darating na Elite Summit. Sa mga oras na ito, napaisip si Yvonne tungkol sa sinasabi ni Senyora Rosario na "imperial prime minister." Totoo kaya ito?Tunay bang hindi karapat-dapat si Esteban sa Montecillo family?Hindi ba’t mas malakas na siya ngayon kaysa kay Demetrio? Hindi ba mas kaya niyang suportahan ang Montecillo family kaysa kay Demetrio?“Senyora Rosario, nakita mo ba ito? Pagsisisihan mo kaya?” sabi ni Yvonne sa sarili.Sa entablado, napansin ni Esteban ang hukom na nakatitig lang sa kanya, kaya sinabi niya, “Hindi mo ba ipapahayag ang resulta?”Ang hukom ay litung-lito. Bi
Ang lalaking maskulado ay nakatayo sa challenge arena na nakapamewang, taglay ang matinding kumpiyansa at lakas ng presensya.Ngunit hindi niya magawang agawin ang atensyon ng karamihan. Mas marami pa rin ang nakatuon kay Esteban. Bilang kaisa-isang kalahok ng pamilya Corpuz sa Elite Summit, lahat ay gustong malaman kung ano ba talaga ang plano ng pamilya Corpuz.Ang mga haka-haka na bumalot sa isyung ito ay sa wakas masasagot ngayong araw. Kaya paano pa sila makakapagtuon ng pansin sa ibang bagay?Pinagdikit na ni Brooke ang kanyang mga kamay sa kaba, at nanginginig na siya sa nerbiyos. Sa unang tingin, malinaw na may malinaw na kalamangan ang maskuladong lalaki kumpara kay Esteban."Tita Yvonne, sigurado ka bang matatalo ni Esteban ang lalaking iyon?" tanong ni Brooke nang may halong pag-aalala.Tiningnan ni Yvonne si Esteban. Naalala niya kung paano nito natalo ang bantay ng pamilya Montecillo na si Emilio noon. Ngunit kung ano talaga ang kakayahan ni Esteban, hindi rin niya masabi
Nagmadaling tumakbo si Dionne, gamit pa ang parehong kamay at paa sa pagmamadali. Hindi niya inakala na ang simpleng panonood ng gulo ay hahantong sa isang napakalaking problema.Dahil sa posisyon ni Elai sa pamilya Corpuz, ang kanyang mga sinabi ay katumbas na ng utos ng pamilya. Walang kawala ang pamilya Cervantes sa magiging parusa. Kaya’t ang tanging solusyon ay umuwi, magbenta ng mga ari-arian, at sundin ang sinabi ni Elai na iwanan ang kanilang lugar."Salamat sa muling pagliligtas sa akin," sabi ni Brooke kay Esteban, habang tinitignan ito ng may halong emosyon. Ngayon lang niya nalaman ang tunay na pagkakakilanlan ni Esteban. Sino ang mag-aakala na siya pala ang batang amo ng pamilyang Montecillo?Bagamat kilala ang batang amo na isang walang kwenta, naniniwala si Brooke na hindi totoo ang mga bali-balita. Para sa kanya, hindi magpapadala ang pamilya Corpuz ng isang walang kwenta sa Elite Summit nang basta-basta."Hindi ko naman sinadya na makialam," sabi ni Esteban nang kalma