Chapter 158Ang malakas na boses ni Marvin ay nagpatakot kay Totoy hanggang sa punto ng panginginig, nagtago ito sa likod ng ama, at hindi na nangahas na magsalita muli.Ngunit kung ano ang nangyayari sa usaping ito, malinaw na si Esteban ay hindi papayag na maagrabyasdong muli ang mag-ama sa kaniyang harapan. Bagama't pinukaw ni Abby ang bagay na ito, si Marvin ang tunay na nagpasimula. Hindi niya gusto si Totoy, kaya ginagamit niya ang paninirang-puri na paraan para itaboy si Mang Jose.Marvin has given him a chance last time, pero hindi niya akalain na magiging magulo pa rin siya sa kumpanya sa kapangyarihan niya.Sa oras na ito, dumating si Flavio sa pintuan ng kumpanya, kasama si Frederick na nakangiti sa buong oras.Mula nang si Frederick ay naging tagapangulo ng pamilyang Lazaro. Sinubukan niya ang maraming paraan upang bumuo ng isang relasyon kay Flavio Alferez, dahil ang proyekto ng DREC ay halos buhay na ng pamilyang Lazaro, at ang pagtutulungang ito ay nasa kamay ni Anna. K
Chapter 158.1Naguguluhang tumingn si Mang Jose kay Esteban. Tama ba ang narinig niya na papasok siyang muli sa trabaho? Hindi siya nito aalisin sa trabaho kahit na tila naoadamit sila sa gulo at nasira niya angpangalan nito.âE-Esteban, iho, nakakahiya na saâyo, sobrang dami mo ng naitulong sa amin. Pangpaggamot sa hospital at binigyan mo pa ako ng trabaho. Ayaw na kitang guluhin pa. P-pasensya ka at hindi ko pinahalagahan ang trabahong binigay mo sa akinâĶâ nahihiyang pahayag ni Mang Jose. âPakiramdam ko ay sumusobra na akoâĶ pakiramdam ko is akong oportunisaâĶâNgumiti si Esteban at sinabing, "Huwag kang mag-alala, Mang Jose. Ito ang huling araw na makikita mo si Marvin sa kumpanyang ito pati ang kampon niya. At kung sinuman ang maglalakas-loob na pahirapan ka sa hinaharap, direktang tanggalin ko siya.â Ngumiti si Esteban, âHuwag ho kayong mahihiya sa akin, dahil sa katunayan ay angpamilya ng asawa ko ang may kasalanan sa inyo. Ito lang ang magagawa ko para matulungan kayo.ââAnong ib
Chapter 159Tumawa si Marvin, "Anong pinagsasabi mo? Saan mo naman nabasa ang linyang iyan?Tumayo si Flavio at binati si Esteban, “Esteban…”Bahagyang natigilan si Marvin."Esteban, wala kang kinalaman sa kumpanyang ito kaya anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marvin na may hindi nasisiyahang ekspresyon. “Get out of here!”Naglakad si Esteban sa desk at diretsong umupo sa pwestong inalisan ni Flavio. That chair supposedly for the CEO.Ang pagkilos na ito ay lalong nagpagalit kay Marvin. Anong kalokohan ito? Ang lakas ng loob na umupo sa upuan ni Flavio Alferez!“Hindi mob a kilala si Mr. Alferez? Isa siya membro ng Montecillo Empire at ikaw ay isang walang kwentang b*sura lang!”Flavio sighed and looked at him with irritation in his eyes. “Mr. De Gala.”Hindi pinansin ni Marvin ang pags
Chapter 160"Saan kaya nanggaling ang mayabang na iyon âno?""Who knows? Sa tingin ko ay baka nagde-delusional siya.""Ano sa tingin mo ang gagawin ni Sir Flavio kay Sir Marvin?""Ano pa ba ang magagawa? Edi perfunctory lang, posibleng si Sir Marvin ay talagang tanggalin ni Sir Flavio.âMaraming tao ang tumawa at pinag-usapan ang bagay na ito, hanggang sa lumabas si Marvin sa opisina ni Flavio Alferez na animoây pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam nila ay may hindi tama."Ano ang nangyayari? Ang ekspresyon ni Sir Marvin ay nangangahulugan na siya ay tinanggal.""Paano ito posible, siya ay tinanggal? Hindi ako naniniwala, baka suspended lang matapos pagalitan.""Damn! Teka lang at itatanong ko."May lumapit kay Marvin at nagtanong na may mahiyaing mukha."Sir Marvin, ano ang problema? Sinibak ba ni Sir Flavio?"Si Marvin ay ganap na desperado sa kanyang puso, at ang buong pagkatao ay parang walking dead. Nakakapanibago, itinulak niya ang nasa harapan niya at bumalik sa kanyang
Samantalang dumeretso naman si Esteban sa ospital at umalis pagkatapos makumpirma na hindi malubha ang pinsala ni Totoy. "kumusta na ho si Totoy?" "Maayos ang lagay niya at wala naman masyadong pinsala ang ulo..." mahinang sambit ng matanda. Lumamlam ang mata ni Esteban, "Ipagpaumanhin niyo sana ang nangyari sa kaniya. Huwagkayong mag-aalala, hindi na ito mauulit pang muli." Umiling ang matanda, "Wala kang kasalanan. Sa katunayan ay malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil palagi mo kaming tinutulungan." "Walang anuman iyon Mang Jose. Responsibilidad ko kayo dahil ako ang nagpasok sa inyo sa kumpanya hindi ko lang akalain na may nangyayari na palang ganoon... kung nalaman ko sana ng maaga." Malakas na napabuntonhinga siya, "Aasikasuhin ko na muna ang hospital bills, manatili na muna kayo rito." Sa panahong iyon, si Mang Jose ay nagsabi ng ilang mga salita ng pasasalamat, at kinuha ni Esteban ang lahat ng mga resibo, dahil ito lamang ang paraan upang malubayan siya ni Mang Jose. K
Nang maramdaman ni Cathy ang pagbabago sa ekspresyon ni Paulina ay biglang nataranta ang kanyang puso. Ipinaliwanag ng mga elder sa pamilya na kailangan niyang maging matiyaga sa lahat ng oras kapag nakakasama niya ito dahil lahat ng bagay sa pamilya Navarro ay nauugnay sa pamilya Villar. Ang pakikipagkaibigan sa babae ay maaaring magdulot ng malaking benepisyo sa pamilya Xiekanilang pamilya at isa rin itong dalawang talim na espada. Kapag hindi ito nagamit ng maayos, magdudulot ito ng gulo sa pamilya Navarro. At ang ugali ni Paulina ang nagtatakda ng kapalaran ng pamilya Navarro. âI-if you want to join us at kung hindi kami nakakaabal pwede ka naman sumamaâĶâ Napipilitang ngumiti si Cathy kay Esteban. Kahit na minamaliit niya si Esteban, kailangan niyang pakisamahan ito ng mabuti para sa relasyon niya kay Paulina. Ngunit kahit na makakasama niya ang lalaking ito ay hindi niya pa rin ito gusto. Nakakahiya talagang isipin na nasa paligid lang ang lalaki, nakakadiri! Ano na lang ang sa
Chapter 163Si Cathy ay puno ng kagalakan at hindi alintana na nanatili si Diego dahil kay Paulina. Umasin lang ang mukha niya nang maaalala na may makakasama silang hindi nila ka-level.Tumingin sa kaniya si Diego, âHindi baât sinabi mong may kasama si Paulina?â Kunotnoong tanong nito.Kagat labing tumungo si Cathy, âYeah. Lalaki pero wala akong kinalaman sa kanya at ngayon ko lang siya na-meetâĶ and I honestly doesnât like him and heâs not from alta de sociedad.â"Sino?" curious na tanong nito.Umirap si Cathy, âIsang walang kwentang lalaki, at sa palagay ko ay narinig mo na ang pangalan niya noon pa. Kasal na rin ito kaya hindi ko maiintindihan kung bakit ipinagpipilitan ni Paulina ang sarili niya sa pobreng âyon!â naiinis nitong komento, âSigurado akong never mo pa siya na-meet lalo na at low class ang taong iyon.âKilala ni Cathy ang ugali ni Diego at tulad niya hindi rin ito nakikipagkaibigan sa mahihirap atâdi galing sa kilalang pamilya. Para sa kanila, ang mayaman ay para sa ma
Chapter 164 Maagang gumising si Esteban upang tulungang magluto ng almusal si Aling Helya dahil ngayon ang araw ng pagpunta nila sa mansion nng mga Lazaro. Ang family day na pinakahihintay ng lahat, ang araw kung saan magyayabang nanaman ang bawat membro ng pamilya. Bakit nga ba sa tuwing nagkakaroon ng pagtitipon ay hindi maiiwasan ang payabangan? Nariyan palagi ang pagkukumpara kesyo si ganyan ganito kaya dapat ganoon ka rin. Nakakasawa at nakakapanghina, iisang pamilya kayo pero ang mga ugali ay magkakaiba. Bagama't wala siyang pakialam sa kanyang walang kwentang manugang, hindi siya nangangahas na maliitin ito dahil takot pa rin siya tuwing naalala ang nangyari. Napansin ni Esteban si Anna na kakapasok lang ng kusina, may balot pa ang ulo nito ng tuwalya at mukhang kakaligo lang. Naamoy niya ang nakakaakit nitong pabango. Hindi niya alam ngunit parang biglang naging aktibo ang pang-amoy niya nang mas lalong lumapit ang asawa sa kaniya. Napatayo siya nang tuwid mula sa kanyang
Tahimik lang si Danilo sa buong pag-uusap, pero iba ang tumatakbo sa isip niya. Hindi siya natatakot na magalit si Esteban kung hindi siya magpakita, dahil sa tingin niya, hindi malalampasan ni Esteban ang problemang ito.Isipin moâdaang-daang kilalang tao ang nagtipon-tipon. Paano makakalaban si Esteban sa ganitong lakas?Maliban na lang kung kaya niyang pagalingin silang lahat, baka may pag-asa pa siya. Pero imposible 'yon. Ayon sa kaalaman ni Danilo, karamihan sa kanila ay may mga malalang sakit na hindi na kayang gamutin. Nakarating na sila sa ibaât ibang sikat na doktor sa buong mundo, pero lahat ay sumuko na. Halos parang hinatulan na silang mamatay. Ang tanging pag-asa lang nila ay isang mala-Diyos na manggagamot.Tungkol naman sa paggaling ng ama ng pamilya Lazaro, sa tingin ni Danilo, tsamba lang 'yon ni Esteban.Isang beses lang na tsamba, hindi ibig sabihin ay palagi nang ganoân ang mangyayari.âDad, sa palagay ko, panahon na para i-revise natin ang plano,â sabi ni Danilo k
Napatingin si Anna kay Esteban, gulat na gulat sa mga sinabi nito. Akala niyaây may plano si Esteban na pansamantalang paalisin ang mga tao sa mahinahong paraan, pero hindi niya inasahan na ganun na lang basta tatanggihan ni Esteban ang lahat.Ilang beses nang sinabi ng lolo niya na hindi puwedeng bastusin o tanggihan ang mga taong iyon. Pero ngayon, parang sinampal ni Esteban lahat ng iyon sa isang iglap.Lumapit si Anna sa kanya at marahang hinawakan ang laylayan ng damit ni Esteban, sabay bulong, âNakalimutan mo na ba yung sinabi ko saâyo?âNgumiti si Esteban at tiningnan si Anna nang may kumpiyansa. âAko ang bahala. Panoorin mo lang ako.âDahil alam ni Anna kung gaano kalakas at kalaki ang koneksyon ng mga taong iyon, hindi pa rin mawala ang kaba niya. Pero nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ni Esteban, para bang napawi kahit papaano ang takot niya.âEsteban, ako siâââAko siâââEsteban, pakikinggan mo muna akoââIsa-isang nagsalita ang mga tao sa labas, pilit ipinapakilala
Kung nasaan si Anna sa White City, nandoon din si Esteban.Tama ang sinabi ni Galenoânaramdaman ni Esteban sa pamamagitan ng kanyang divine sense na nasa hillside villa si Anna, kaya agad siyang bumalik.Kahit ilang ulit nang pinilit ni Jane sa sarili na manatiling kalmado kapag nakita si Esteban, hindi niya naitago ang tuwa at pagkasabik nang sa wakas ay makita niya ito.Ngunit nang dumiretso si Esteban patungo kay Anna at tila hindi man lang siya napansin, napalitan ng lungkot ang kanyang kasabikan, at muling naging kalmado ang kanyang damdamin.âNagbago ka naâĶ nagbago ka na,â sabi ni Esteban habang nakatingin sa pamilyar na mukha ni Anna.Ngayon, si Anna sa White City ay halos kamukhang-kamukha ng Anna bago pa muling ipanganak si Esteban.Maliban kina Galeno at Ace, hindi naiintindihan nina Anna at Jane ang ibig niyang sabihin, kaya nagtaka si Anna at nagtanong.âAnong ibig mong sabihin na pareho pa rin ako dati?â tanong ni Anna, naguguluhan.Umiling lang si Esteban at hindi na ipi
Makaraan ang ilang araw, sa wakas ay nakabalik na sina Esteban sa Lagunaâisang lugar na pamilyar sa kanya. Pakiramdam niya, maging ang hangin dito ay tila masarap sa pakiramdam.Siyempre, ang totoong dahilan ay nandoon si Anna. Kung wala si Anna, wala na rin siyang dahilan para panghinayangan pa ang kahit ano sa mundo.âLabindalawa, ikaw na ang bahala sa kanya. Ibalik mo siya sa villa sa burol,â utos ni Esteban kay Galeno.Ang plano kasi ay itayo ang spirit array sa villa sa burolâmas maaga, mas mabuti. Pero gusto muna niyang makita si Anna, kayaât ipinasa niya kay Galeno ang responsibilidad.âNaiintindihan ko,â sagot ni Galeno.Pagkaalis nila sa paliparan, sumakay si Esteban ng taxi papunta sa eskwelahan.Bagamat may mas mabilis sana siyang paraan, ayaw niyang lumipad sa liwanag ng araw at pagmulan ng kaguluhan. Kapag nakita siya ng tao, baka mapuno ng balita ang buong mundo. Ayaw ni Esteban na maging sentro ng media.âSi Anna lang talaga ang nagpapakilos sa kanya ng ganito,â natataw
Ang pagpunta ni Esteban sa isla kung saan matatagpuan ang punong himpilan ng Black Sheep Organization ay naging isang malaking tagumpay. Doon siya tuluyang naging isang tunay na nilalang sa divine realm at labis na lumakas—isang bagay na hindi niya inaasahan.Ngayon, patay na rin ang lahat ng gold medal killers ng Black Sheep, pinaslang ni Ace. Sa ganitong paraan, naisakatuparan na rin ang layunin ni Esteban na buwagin ang buong grupo.Nang mapansin niyang nakatayo si John sa di kalayuan, kinawayan niya ito.Maingat na lumapit si John at yumuko ng halos 90 degrees.Noong una, inakala niyang patay na si Esteban. Umabot pa sa puntong pinilit niya si Galeno na isiwalat ang nangyari sa bunganga ng bulkan. Pero ngayong buhay si Esteban at nasa harap niya, ni hindi niya
Sa tanong ni Ace, napailing lang si Esteban at mariing itinanggi ito.Hindi makapaniwala si Ace. Sa paningin niya, si Esteban ay napakalakas na—hindi na maipaliwanag ng mga salita ang taglay niyang kapangyarihan. Isa na siyang tunay na diyos, at siya mismo ang nagsabi na kaya niyang buksan ang Gate of Heaven. Pero kahit ganoon kalakas si Esteban… hindi pa rin niya kayang talunin si Zarvock?“Paano mangyayari ‘yon? Gano’n ba talaga kalakas si Zarvock?” tanong ni Ace, hindi pa rin makapaniwala. Sa totoo lang, iniisip niyang baka nagpapakumbaba lang si Esteban, o baka tinatago pa niya ang totoong lakas niya.“Alam mo ba kung saan talaga galing si Zarvock?” sagot na tanong ni Esteban.
Nang malinaw nang makita nina Ace at Galeno si Esteban, pareho silang nalito.Sa puso ni Galeno, patay na si Esteban.Sa isip naman ni Ace, sigurado siyang ang napakalakas na enerhiyang iyon ay galing sa nilalang sa loob ng bato. Pero ngayon, lumalabas na si Esteban pala ang may-ari ng lakas na iyon.Pero... paano nangyari 'yon?Paano naging ganoon kalakas si Esteban bigla? Ibig bang sabihin nito, nalampasan na niya ang Divine Realm?Huminga nang malalim si Ace, pero hindi pa rin siya matahimik sa nararamdaman niyang pagkabigla."Ikaw... nalampasan mo na ang Divine Realm?" tanong niya, hindi makapaniwala.Hindi pa man nakakasagot si Esteban, biglang sumugod si Galeno sa kanya na tila nababaliw sa tuwa."Esteban! Buhay ka! Buhay ka nga!" sigaw ni Galeno, puno ng emosyon.Napangiti si Esteban, sabay sabi, "Gusto mo ba talaga akong mamatay?"Pero tila hindi naririnig ni Galeno ang sinabi niyaâlubos siyang nalulunod sa sariling tuwa. Paulit-ulit siyang nagsalita, "Ang mahalaga, buhay ka.
Simula nang matuklasan ni Ace ang bunganga ng bulkan, halos hindi na sila kumurap ni Galeno sa kakabantay ditoâtakot silang may makaligtaan.Hindi nagtagal, isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw mula sa bunganga ng bulkan. Kasabay nito, isang napakalakas na puwersa ang pumailanlang sa langit.Agad na napatayo si Galeno at mariing pinisil ang kanyang kamao. Bumuhos ang pawis sa kanyang noo."Tapos na... Pumutok na naman ang bulkan!" sabi niya, puno ng kaba. Kahit hindi niya alam ang tunay na kalagayan ni Esteban, tiyak niyang hindi ito magandang pangyayari para dito.Pagkalipas ng pagsabog, napuno ng alikabok ang kalangitanângunit kapansin-pansin na walang lava na lumabas mula sa bunganga."Hindi ito mukhang normal na pagputok ng bulkan," sabi ni Ace.Napansin din ito ni Galeno. Sa normal na bulkan, palaging may kasunod na pag-agos ng lava, pero ngayon ay puro alikabok lang ang lumitaw."Hindi bulkan ang dahilan... pero saan galing 'yung pagsabog?" tanong ni Galeno, nagtataka.Na
Hindi inasahan ni Ace ang sagot ni Galeno, pero ayos lang iyon sa kanya. Para kay Ace, hindi mahalaga kung sino ang malakas at kung sino ang mahina. Ang mas mahalaga ay kung madadala siya ni Esteban pabalik sa Miracle Place—at baka nga pati sa Divine Realm.Sa Miracle Place, ang Divine Realm ay tila isang alamat lamang. Wala pang sinuman ang nakarating sa antas na iyon, kaya noon, hindi ito gaanong pinapansin ni Ace. Pero ngayong may mga nilalang na lumilitaw na abot na ang Divine Realm, nagsimula na ring magnasa si Ace.Pagkatapos ng lahat, ilang daang taon lang ang itatagal ng kanyang buhay ngayon. Pero kung makakarating siya sa Divine Realm, maaari siyang mabuhay ng isang libong taon o higit pa. Bukod pa rito, may posibilidad na makapunta siya sa mas masalimuot na mga dimensyon at magkaroon ng mas makapangyarihang kapangyarihan.