CHAPTER 26 Helena Kelandra's POV "Michael!" naibulalas ko sa nakita. Napalundag ako sa gawi niya at niyakap siya nang napakahigpit. Animo'y sabik na sabik ako sa kaniyang pagbabalik. I can't imagine na ganoon ko pala siya ka-miss. He hugged me so tight. Amoy na amoy ko ang kaniyang pamilyar na bango. Nanumbalik lahat ang aming alaala sa Palawan, ang Michael na nakasama ko, ang lihim na pinagpapantasyahan ko, ang lihim na minahal ko. "My precious Helena." Dinig kong sambit nito sa aking tainga. Naka-hang ako sa kaniyang batok, ninanamnam ko ang oras. Napaiyak ako sa kaligayahan, animo'y isang bata na binalikan ng kalaro. Hinagilap ko ang kaniyang mukha. Ang dimples na nagpapabihag sa bawat babae, mga matang nangungusap, at ang labing napakasarap halikan. Ganoon pa rin ito, napakagwapo. Hinalikan niya ako nang napakabanayad at senswal. 'Yong halik na bumubuhay sa aking pagkababae. Nararamdaman ko nanaman ang kakaibang kiliti mula sa aking puso, ang pamilyar na agos ng pagmamahal.
CHAPTER 27 Helena Kelandra's POVIsang buwan nang nandito sa amin si Michael. Nang malaman ito nila Eshaan at Yuki ay doon na halos umuuwi at nag-bonding ang mga pinsan ko kasama ito.Napakasaya ng bawat lakad namin, nalibot namin ang iba't ibang pasyalan sa kamaynilaan. Nandoon si Michael nang magtapos si Hanna sa kolehiyo. Tumayo itong parent at kaming dalawa mismo ang nagsabit ng mga medalya at award na natanggap ni Hanna.Nandoon din sina Sir Nathan, Sheena, at ibang kaibigan nina Hanna at Yuki. Kumain kami sa isang kilalang seafood restaurant. Napakasaya ni Hanna, lalo na nang magsibigayan ng mga regalo ang mga kaibigan niya, pati na rin si Michael at ako. Nakatanggap siya ng mamahaling bag, laptop, at ang pinakahihintay niyang trip kasama ang mga kapatid sa Korea. Iyon ang regalo ni Yuki sa kaniya.Habang ako naman ay niregaluhan ko siya ng kaniyang paboritong libangan. Isang drumset. Mahilig itong tumugtog, simula pa nang bata ito ay nakahiligan nitong magpukpok ng de latang
CHAPTER 28 Helena Kelandra's POVHinihingal ako sa pagtakbo. Malayo na ako sa kanila, malayo sa nakita kong hindi ko inaasahan.Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't para siyang linta kung makayakap kay Michael? Magdidilim na.Wala akong maaninag na tao o kabahayan sa aking paligid. Nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko alam saan ako galing, tanging naaalala ko lang ay ang mga nagkalat na sanga sa daan.Gumapang ang takot sa aking katawan, lalo pa't ang tanging suot ko lang ngayon ay two-piece. The hell, Helena! Ano bang naisip mo at tumakbo ka sa liblib na dako ng kagubatan ngayon pa't gumagabi na. Humilata ako sa isang puno, nilinga ko ang paningin.Tanaw ko ang mayayabong na puno habang naririnig ang mga huni ng kulisap at iba't ibang ingay ng insekto. Yakap yakap ko ang aking tuhod. Paano na 'to, baka kung magpatuloy pa ako sa paglalakad ay mas mahirapan akong makabalik. Giniginaw na ako.Tanging iniisip ko ngayon ay ang inis sa aking sarili, hindi ko pinakinggan si Michael. Napaiyak ako s
CHAPTER 29 Simon Alcantara's POVNakahiga ako sa aking kama at naghihintay na lamang ng aking oras. Alam kong malapit na, malapit na akong mamahinga, malapit na akong mamayapa dito sa mundong ibabaw. Natutop ko ang sariling noo, at mariing pumikit. Nagbalik ang diwa ko sa nakaraan, kung saan nagsimula ang iringan ng grupong matagal ko nang pinakaiingatan.***Flashback
CHAPTER 30 Michael's POVKinapa ko ang aking telepono na nasa tabi ng aking higaan. Nakita ko ang tumatawag, si Dorotina. Napabalikwas ako at dali dali ko itong sinagot."Hello, Dorotina," bungad ko."Mike! He's getting worse," saad nito sa akin. Mangiyak-ngiyak ang boses nito. Nalaman ko ang punto ng pagtawag niya sa akin. Patungkol kay Sir Simon, lumulubha na ang kalagayan nito. Nakausap ko si Dorotina na kararating lang sa Pilipinas para sa isang meeting ng legalities sa isang branch ng LCDDR Inc. na nasa Palawan.Gusto nitong makipagkita at personal na makausap si Helena. Gustong ipapirma ni Dorotina ang isang papeles na naglalaman ng mga ari-arian ni Sir Simon, isa itong transfer of casualties ng ilang negosyo ni Sir Simon sa Espanya. Sakto namang susurpresahin ko si Helena sa darating na makalawa.Gusto kong pumunta kami sa Palawan dahil naiayos na ang renovation ng isang investment
CHAPTER 31 Helena Kelandra's POV"Oh, saan ka galing, hija?" bungad ni tyang Lourdes sa akin.Galing ako sa labas ng kwarto ni tyong Simon. Nakita ko ang lahat lahat. May namamagitan pa rin sa kanila ni Dorotina. Niyakap ko lang si tyang Lourdes at inanyaya ako sa loob ng banyo. Nag-usap kaming dalawa."Anong problema, hija?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Hindi ka pwedeng makita ng tyong Simon mo na ganiyan ka. Namamaga ang mata mo. Mas lalong makakasama sa lagay ng tiyo mo na makita kang malungkot," dagdag na paliwanag ni tyang sa akin."Kasi po, tyang, si Michael," salita ko pero narinig namin ang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng banyo."Helena, let me explain. Mali ang iniisip mo!" boses nito sa labas. Tumingin si tyang Lourdes sa aking mga mata."Hija, hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Michael," seryosong saad niya sa akin. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko. Bakit?
CHAPTER 32 Helena Kelandra's POVMag-aalas sais na ng gabi nang bumalik ako sa hospital. Napakagaan ng loob ko. Naibsan ang aking problema nang matapos kong iiyak at ipangumpisal sa simbahan ng Basilica ang lahat lahat ng aking saloobin. Matapos magsimba ay kumain kami nina Sheena at Steve sa isang restaurant na may Filipino Cuisine. Na-miss ko bigla ang paborito kong karekare ni Aling Bebang.Napasarap ang kain ko, parang gutom na gutom ako. Marami kaming pinag-usapan ni Sheena. Sa tagal ba naman na nagkahiwalay kami. Nalaman ko na sa Las Casas de Dios sila naka-check-in.Masaya ako para sa dalawa, sa susunod na buwan na pala ang kasal ng mga ito. Napili nilang maging beach wedding ang theme dahil pareho silang beach lover. Nakikita ko ang sarili ko at si Michael sa kanilang dalawa. Napag-usapan din namin ang hotel corporate business ng uncle Simon ko. Hindi sila makapaniwala na ang tiyo Simon ko ang n
CHAPTER 33 Helena Kelandra's POV Isang buwan na ang nakalipas nang maiburol at mai-cremate namin si tiyo Simon sa Espanya. Pinili niyang i-cremate ang katawan nito at isaboy sa kaniyang resort. Ito ang hiling niya bago siya bawian ng buhay. Sa pamamagitan nito, nasa lugar pa rin siya ng kaniyang minamahal, ang Espanya. Gayundin ang ginawa nila sa naging asawa nito. Sa mismong baybayin, sa kanilang paboritong lugar, ang Las Casas de Dios. Nasa bukana ako ng eleganteng veranda ng mini bar sa Las Casas.
Michael's POV"We are here, kuya. Ano ang next step? hawak na namin si Eros!" astig na sambit nina Maxon at Kasmyrr. Kasama rin nila ang mga bodyguards ko. Hawak ko ang telepono sa oras na iyon, papunta na ako sa hospital na huling natagpuan si Helena. Nasa Malta na kaming lahat sa oras na iyon."Don't kill him, kailangan natin siya. Dalhin n'yo siya sa akin." Utos ko sa mga kasamahan sa oras na iyon."Copy." Sabi ni Maxon bago binaba ang tawag.Nang sandaling iyon ay nandoon na ako sa hospital. Madali akong nag-park at lumabas. Papasok ako sa main lobby ng hospital at madaling nagtungo sa nurse information booth. Malaki ang facility doon kaya dapat akong magmadali bago maunahan ng kalaban.Kasama ko ang ilang bodyguards ko sa oras na iyon, nakabantay sila sa labas at ang ilan ay naka-civilian at kasama ko. Nandoon na ako sa booth, kaya agad akong nagtanong. At kompirmado nga na nandoon si Helena. Nasa isang waiting facility room umano ito para sa assessment ng isang mental institute
Helena Kelandra's POVNagising ako dahil sa hapdi ng aking nararamdaman, masakit ang hita ko. Ramdam kong kumikirot ito dahil sa alat ng karagatan. Nakita kong nasa dalampasigan ako ng kung saan. Himala akong nakaligtas mula sa pagtalon ko sa lugar na iyon.Nilinga ko ang paligid, i know it is still in Malta islands. Paano ko masisigurado na hindi ako masusundan ng mga dumukot sa akin?Ang walang hiyang lalaki na iyon!"Magbabayad siya!" mahinang usal ko pa. Dahan-dahan akong umahon at naupo sa dalampasigan. May kaunting hiwa ang hita ko dahil na rin sa matutulis na bato na nandoon sa karagatan. Naiyak na lang ako dahil sa mga pangyayari. Nakapa ko rin ang tiyan ko, but, i know that the baby inside of me is safe."Kaya natin 'to, baby!" sabi ko pa sa sarili. Marami na akong nalampasan sa buhay, ngayon pa ba ako susuko?Ilang sandali pa ay dahan-dahan akong tumayo at naglakad, walang katao-tao ang lugar na iyon, it seems very creepy dahil mga batuhan lang ang nandoon. Tila malayo iyon
Michael's POV Nasa kama ako sa sandaling iyon, maigi kong sinusuklay ang kamay sa buhok ni Gabriel. Hindi kasi ito makatulog hangga't hindi ko ginagawa ang madalas na ginagawa ni Helena sa kaniya. Panay iyak ito dahil nasaan na umano ang mommy niya. Wala akong maisagot, kahit anong pilit ang irason ko rito ay alam niyang may problema kaming dalawa. "Daddy, iniwan na ba tayo ni mommy?" mahinang bigkas ng anak ko. Marahan ko siyang pinasandal sa aking bisig at ginulo ang buhok nito. "No, mommy won't do that, busy lang siya sa work. Uuwi din si mommy, baby." "Pero bakit hindi siya tumatawag, hindi ba niya ako nami-miss?" ulit pa na tanong nito sa akin. I just exhaled and hug him tightly. Kahit ako ay naguguluhan na sa oras na iyon, hindi ako mapalagay kung ano na ang sitwasyon ni Helena sa kamay ni Eros. We confirmed that she is the mastermind of the group. Hinahanap ko na rin si Clarisse sa oras na iyon, hindi ako makapaniwala na ibebenta niya nang basta-basta ang kapatid niya sa k
Helena Kelandra's POV Nang makarating kami sa Malta ay agad kong nasilayan ang ganda ng isla. Marami itong nakakabighani na tanawin, gaya sa pilipinas ay may mainit itong klima, since summer time ngayon dito. Maraming kingfisher na ibon ang lumilipad sa baybayin. Pansin ko rin ang rock formation sa karagatan nito lalo pa't kakaunti lang umano sa isla ang may buhangin dahil madalas sa lugar na ito, puro bato ang makikita mo sa dagat. It is the natural landscape you can see from their beaches. Kilala rin ang Malta sa may mga diversed na cuture since mostly ang nandito ay pinaghalong European at mga South African natives, marami ring Arab migrates ang nandito, kaya hindi kataka-taka ang magagandang palamuti sa kalsada at kabahayan na may traits at ng Arab at Roman. Bohemian style madalas ang nakikita kong suot sa mga gaya kong turista doon.Hindi ko maitago ang magkakamangha sa isla lalo na sa mga taong bumungad sa amin. Pagkatapos namin sa seaport ay agad kaming pumunta sa Poblacion, d
Helena Kelandra's POVNagising ako sa isang silid. Napabalikwas ako dahil hindi ko matandaan kung paano napunta doon. "Aray!" sapo ko sa sariling ulo. Napakasakit n'on ay hindi ko rin maigalaw ang katawan ko na para bang nahulog ako sa kung saan. Teka, ano ba ang nangyari kagabi? Ang naalala ko lang ay kasama ko si Eros sa rooftop.Napatingin ako sa sarili. Wala namang sign of damage, meaning...walang nangyari sa aming dalawa. Napabuntong-hininga ako sa sandaling iyon. Maigi akong humawak sa gilid ng kama at dahan dahang tumayo. Nagsumikap ako na makalakad papunta sa nakatabong bintana. Nang makita ang magandang tanawin sa likod n'on ay hindi ko maiwasang mapanganga sa pagkabigla."Did you like it?" narinig kong nagsalita sa aking likuran."Eros?!" sambit ko nang makita ito."What...what happened last night?" medyo praning na tanong ko rito."You collapsed," tipid na sambit nito sa akin. Meaning, nawalan ako ng malay sa rooftop? Hindi ko na maalala ang mga sumunod na pangyayari."W
Helena Kelandra's POV"Taxi!" mabilis kong tawag sa paparating na sasakyan. Gusto kong makalayo sa lugar na iyon. Hilam ang mga mata ko sa sariling luha. Nagpupuyos ang damdamin ko sa sandaling iyon. Hindi ko inakala ang lahat ng nakita ko. Michael is betraying his love for me, and to what i didn't expect, iisang babae ang umagaw sa kaniya sa akin...and it was my sister!Ang kapatid na inakalang patay na.She is still alive!Nang makasakay sa taxi ay agad ko itong pinatakbo sa kung saan. I don't know where to go."Maam, buenos noches, where are you going?" sabi ng Caucasian white na taxi driver. Parang nag-aalala siya sa akin dahil na rin sa pag-iyak ko."I need you to take me away from here," I continue to cry."If you need someone, i can be with you." Baritonong sambit ng lalaking hindi ko pa kilala. Mabilis niyang minaneho ang sasakyan sa kung saan. Nakikita ko ang daan papunta sa sentro, may maraming ilaw ang nandoon, maraming parkdriveways at mga bars."You need a drink." He said
Michael's POVMabilis kong tinungo ang elevator at nagbihis ng damit. Sinuot ko ulit ang tuxedo na suot ko kanina at patay-malisyang naglakad ng prominente. Hawak ko ang aking VIP pass para makapasok sa fourth floor. Nang makapasok sa fourth floor ay nakita ko doon ang isang lounge. Binungad ako ng isang Europian lady kung saan iniscan niya ang VIP card ko."Hmm, sorry to say sir, you are not allowed here." Maarteng sambit nito.Napatiim-bagang ako sa sandaling iyon. "Why?"She smiles at me and hold my tuxedo. "You need a validity pass, are you new here?"Hindi ako sumagot sa sandaling iyon, nilampasan ko lang ito kaya naman umaligid agad ang mga tauhan na nandoon."Back off, sir! Por favor!""No." Mariin kong sambit.Sa sandaling iyon ay aksyon na silang bumunot ng baril at ituon iyon sa akin. Hindi ako nasindak sa kinilos nila kaya sila mismo ang nag-adjust. They look frightened."Who are you?" Sabi pa ng isang lalaki. Ito ang lalaking nakita ko sa airport!That brute!Hindi pa siya
Michael's POVWhat the heck is this all about?Napatingin ako sa sandaling iyon sa bawat sulok ng building. It seems, exclusive ito sa mga lalaking gustong bumili ng babae. They're quite luxurious, and it made my thoughts gone wild, paano kung naisama dito si Helena? Fuck!Buntis pa naman ang asawa ko!"Sir? Are you a cop?" pag-e-english pa ng babaeng nasa reception desk. I shake my head that time. Bakit? Mukha ba akong pulis sa hitsura kong 'to?"No." Tipid na sambit ko."Alright sir, just fill out that form and you're good to start." Ngiti pa nito.Dahil gusto kong malaman ang nangyayari, agad akong nag-fill up sa papel at nagbayad. Matapos gawin iyon ay agad nila akong binigyan ng card, kulay itim iyon at makikita ko ang salitang 'VIP'."Come with me sir, i will show you the way." Sabi pa ng babaeng staff. Nang makapasok sa isang kwarto ay nabigla ako sa loob doon. Para itong theater na may nakaupong mga lalaki. Nasa gitna ang entablado kung saan may mga babaeng nakatayo habang na
Michael's POV"What?" nandito sa Madrid si Helena? Are you sure about that pare?" tanong ko kay Nathan."I'm sure, bro. Katunayan, apat na araw na mula nang mag-book siya sa akin, I guess nakalapag na siya d'yan, baka makita mo siya sa airport. Puntahan mo." Sabi pa ni Nathan na nasa kabilang linya. Hindi ko maisip ang mangyayari kung malalaman ni Helena na buhay ang kapatid niya at nandito sa unit ko.'Damn it! Malaking problema 'to!' Iyon ang sambit ko sa sarili. Hindi dapat malaman ni Helena na isa akong agent, and at the same time, malaman niyang kasama ko ngayon sa trabaho ang kapatid niya, that she failry believed na patay na sa matagal na panahon!"Hey, Michael, are you still there?""Yeah." Mahinang sambit ko."Oh sige na, I have to go now, may lakad pa kami ni Hannah, bye." Sa sandaling iyon ay agad akong nagbihis, hindi na ako nagpaalam kay Clarisse that time. Naglagay ako ng isang sulat sa bedside table kung saan sinabi kong dapat na siyang umalis dahil nandito na sa Madri