Dapat ay paalis na si Gregor sa condo ni Olive pero nararamdaman pa niya ang pangangailangan. Alam din niyang hindi pa niya naibigay ang kasiyahan kay Olive dahil sa pagmamadali niya kaninang angkinin ito. Dalawang taon. Dalawang taon naipon ang pagpipigil niya na hindi niya nakayanang pigilan kanina. Kung hindi niya ito aangkinin kaagad ay mapapahiya siya.
Madilim ang silid nito pero may kaunting sinag ng ilaw siyang natatanaw na nanggagaling sa telepono nitong kanina pa tumutunog sa sala. Bukas din ang malamlam na ilaw sa komedor. Pinuntahan niya ang telepono at sasagutin sana pero tumigil na ang pag-ring. Si Calvin ang tumatawag na ikinainit na naman ng ulo niya.
Binuksan niya ang ilaw sa sala at tumambad sa kanya ang magarang mga kagamitan doon. Kumpara sa dating condo nito, doble ang laki nito ngayon na may isa pang silid bukod sa tinutulugan ni Olive ngayon. Alam niyang wala namang tao roon dahil hindi
Nagbibihis pa lang si Gregor nang lumabas siya sa banyo pagkaligo. Ngumiti ito nang makitang nakatapis lang siya ng twalyang puti at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya sa pagmamadali."You're so sexy..." Sinalubong siya nito at agad iniyakap ang mga braso sa katawan niya."Alas syete na, Gregor...""So? I am the boss in my own company. Ikaw rin naman ah...""Pero marami akong meeting ngayon. Dadating din si Anthony para makita ang blueprint na dala mo kahapon.""Isang buwang wala si Carter..."Napalingon siya sa binata at kumunot ang noo. "So?""Puwede akong magpabalik-balik dito. Kahit sa opisina mo..." suhestyon nito na sinusuklay ang buhok niya ng daliri nito. Napagtanto niya na dahil akala nitong may relasyon sila ni Carter, si Carter ang nagpupunta sa condo niya para makaulayaw sa kama.Hindi niya gustong itama ang akusasyon nito dahil pantapal niya
Maagang nagising si Gregor kinabukasan. Balak niyang puntahan kaagad si Olive dahil magdamag din halos siyang hindi nakatulog. Tinatawagan niya ito pero hindi ito sumasagot.Wala pa si Olive pagdating niya sa opisina ng Falcon Corp. Si Anthony ang sumunod na hinanap niya. Katatapos lang nitong ubusin ang kape habang kausap nito ang sekretarya nito."Have a seat, Gregor," utos nito. Pinaalis na nito ang sekretarya pagkaupo niya. "Maaga ka yata?""Idi-discuss ko sana kay Olive 'yung na-approve na plano." Tumingin siya sa orasan na tila naiinip. Alas nueve y media na pero wala pa rin si Olive."She's not coming today. May inaasikaso siya sa hacienda ngayon. Tayo na lang ang mag-discuss tutal dapat ay kagabi pa tayo dapat nag-usap.""Sure... Pero, kumusta si Olive? May problema ba kaya hindi siya nakapasok?""May kaunting problema... But she can manage... Don't worry about her," s
Kausap ni Gregor si Lovi sa opisina niya para ipaalam na nakahanap na siya ng bagong apartment na mas malapit sa opisina. Nagulat naman ang dalaga sa bigla niyang desisyon. Pero desidido na talaga siya na ipagtapat kay Olivia na ginamit lang niya si Lovi para panangga sa pride niya."Bakit ikaw ang lilipat? Ako na lang ang aalis do'n. E kung may papalit nga sana sa 'kin bilang sekretarya mo uuwi na 'ko sa 'min eh.""No, please... This isn't about you.""E bakit nga...""I'm into a serious relationship now. Actually, siya rin ang dahilan kung bakit ako umalis pansamantala sa dito sa Puerto Princesa," paliwanag niya. "Pero nagkabalikan din kami.""Uy sino? Hindi mo man lang ipinakilala sa 'kin. Alam niya na magkasama tayo sa bahay?""Apparently... yes..." alanganin niyang sagot. "She's not comfortable that we are under one roof.""Ay oo nga naman. Pero pwede naman a
Naka-pajama na si Olive at patulog na nang dumating si Gregor."Sabi ko naman, Gregor, bukas ka na pumunta dito," aniya dahil gabi na. Ayaw niyang hatinggabi ito uuwi dahil kahit paano'y natatakot siyang may makasalubong itong masasamang tao sa daan. "I want to be with you..." Agad nitong ipinulupot ang braso sa katawan niya na nawalan na siya nang lakas na tumanggi. "Nagwo-worry lang ako na lagi kang hatinggabi kung umuwi. Marami na ang masasamang loob ngayon.""Masasaktan ka ba kapag nawala ako?" nakangiti nitong tanong."Huwag ka ngang magsalita nang ganyan.""E di dito mo ako patulugin," suhestyon nito na hindi napapalis ang ngiti. Gusto rin naman niyang makasama ito sa magdamag. Ang sabi ni Anthony ay wala naman daw itong relasyon at si Lovi na gusto niya nang paniwalaan. Siguro nga ay ganoon lang ito kabait sa empleyado nito. Isa pa, malaki ang bahay nito para
Tumatawag si Gregor kay Olivia pero hindi sinasagot ng kasintahan ang mga tawag niya. Nang tumawag siya kay Marcie ay nasa Dumaran daw ito.Sigurado siyang may emergency na naman. At dahil wala na siyang ibang makakausap, pinuntahan niya si Anthony para itanong ang pinsan nito. May meeting na itong naghihintay sa conference room nang dumating siya."Sandali lang 'to, Anthony. I just need to ask few questions about Olivia. Is it true that she has a child?""Gregor, hindi ba dapat ay si Olivia ang tinatanong mo?""I can't talk to her. Please answer my question. May naririnig akong balita pero gusto kong marinig sa 'yo ang totoo.""I'm sorry, Gregor, but I am not in the positin to answer your question. Pagbalik ni Olivia ay mag-usap kayo nang maayos.""So, it is true, huh!" pag-analisa niya. "I didn't say it is true. Mali-late na 'ko sa meeting. Tatawag ako
"It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya. He knew that that child was his too. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon. Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong."Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor. Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon."Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na."Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya. Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan. Tila isang townhouse ang b
Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila. Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper. Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama. Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya. Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon. Sinalubong sila ni Margarita sa hardin. Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya. "Magandang araw din, iho. Pumasok kayo. Ipaghahanda ko kay
Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa. Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya. Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito. Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now? What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot. Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya. Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano. Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.
Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g
Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw
Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka
Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari
Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H
Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan