Lunes ng umaga nang bumalik si Gregor sa opisina ni Olive. Sigurado siyang naroon na ang dalaga dahil alam niyang may meeting ang members of the board kapag Lunes.
Hindi niya alam kung paano siyang napadpad sa VIP parking ng Falcon Building. Dahil marahil punuan sa ibaba kaya't pinaakyat siya ng security guard kung saan nagpa-park ang mga Falcon. Nang paliko na siya patungo sa elevator ay may naulinigan siyang nag-uusap na marahil ay naghihintay doon.
"Mapapapirma mo ba si Mr. Angeles ng kontrata ngayong linggo?" tanong ni Anthony. Ang kasunod niyang narinig ay ang tinig ni Olive.
"Don't rush things with me, Anthony. Ni hindi ko pa nagagawa ang kontrata."
"Sabi ko naman sa 'yo, isantabi mo na lang muna ang ibang trabaho. Make this your priority. Baka magbago pa ang isip ni Mr. Angeles."
"Hindi naman siguro..."
"But we need to rush this. Remember what your father told you, pap
"Let's go," mabilis na wika ni Olive na hinila na ang kamay niya bago pa siya makapagpaalam kay Anthony."Bakit ka ba nagmamadali?" natatawa niyang tanong nang marating nila ang parking lot kung saan naka-park ang BMW nito."Are you making fun of me?" inis nitong tanong."No. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan mong magmadali," sagot niya. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nilisan ang parking lot. "Hindi naman siguro ikinahihiya mo na ako ang manliligaw mo?""You don't need to act like that in front of Anthony, Gregor.""Act like what?""You called me sweetheart! Baka sabihin nun may relasyon na tayo!""Wala ba?" tanong niya na sumeryoso ang mukha. "Ano 'yung nangyari sa 'tin nang ilang beses? Wala lang sa 'yo?""Iba naman 'yun, iba rin ngayon..." katwiran nito.
Kanina pa nag-iinit ang katawan ni Gregor mula nang magsayaw sila ni Olive at madikit ang katawan niya sa dalaga. Lagi na ay mabilis na nagliliyab ang katawan niya madikit lang dito. At alam niyang ganoon din si Olive sa kanya. Nakita niya ang inis sa mukha nito kaninang itigil niya ang paghalik at pinaandar ang kotse. Pero hindi puwedeng magdeny ito nang magdeny sa damdamin nito sa kanya. Kailangan nitong manindigan na mahal siya nito.Pagdating sa parking lot ng condo nito ay ginising niya ang dalaga na nakatulog na sa kotse. Isang mapusok na halik ang ginawa niya na nagpagising sa diwa nito. "We are here...""Thank you... Umuwi ka na baka gabihin kang masyado..." wika nito na tinanggal ang seatbelt at kinuha ang susi sa kanya. "Hindi na kita ihahatid sa silid mo?""H-huwag na..." alangan nitong sagot. Bago ito bumaba ay nakabig pa niya ito pabalik."Where's my goodnight
Hindi na namalayan ni Olive kung anong oras umalis si Gregor. Nakatulog siya sa pagod. Tunog ng telepono niya ang nagpagising sa kanya kinabukasan. "Hello?""Good morning..."Isang irap ang pinakawalan niya bagama't hindi naman niya kaharap si Gregor. "Anong maganda sa umaga?""You. Just hearing your voice makes my day complete.""Hindi ka na nawalan ng papuri, Gregor.""Anong plano mo ngayong araw?""Sa opisina lang maghapon. I have so many things today.""How about tonight?""Wala naman. Pero gusto ko talagang umuwi ng maaga.""We'll go home after dinner.""Gregor...""Kung hindi mo gustong kumain sa labas, um-order na lang tayo.""Hindi ka talaga nagpapasuko, ano?""Hindi ikaw ang babaeng sinusukuan."Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Tumayo siya at tinungo ang banyo."I have
Nag-iwan siya ng mensahe kay Gregor na nasa Falcon Hotel siya ngayon dahil baka bigla siyang puntahan sa opisina. Pagkatapos niyang basahin ang Deed of Sale na ipinagawa niya sa abogado ng kumpanya ay ipinadala niya iyon sa e-mail ni Gregor. Hindi rin niya gustong madaliin ang pagbili sa property nito pero tiyak na kukulitin naman siya ni Anthony at ang Daddy niya. Alas singko pa lang ay sinabi na ng staff ng hotel na may naghahanap sa kanya sa ibaba. Nang bumaba siya ay si Carter ang naroon."What are you doing here?" Hindi niya naitago ang iritasyon sa tinig. Ang inaasahan niya ay si Gregor ang dumating."Anthony told me you are here for the inspection of upcoming expansion. Ang sabi rin ng Daddy mo ay baka may maitulong ako.""May mga engineers at architects nang naka-assign sa project na 'to, Carter," aniya na napilitang dalhin ang kaibigan sa restaurant ng hotel. "Marami ka nang ibang pinagkakaabalaha
At dahil tinanggap niya nang opisyal na silang may relasyon ni Gregor ay mas lalo itong naging pa-PDA. Tila ba nagkaroon na ito ng lisensya para yakapin at hagkan siya kahit sa pampublikong lugar."Yang kamay mo, Mr. Angeles. Andaming tao," bulong niya habang nasa counter sila dahil kinausap nito ang kaibigan na may-ari ng seafood restaurant."Para alam nila na pag-aari kita," sagot din nitong pabulong. "Nakikita mo ba ang mata ng mga kalalakihan dito? Kahit may ka-date na iba sa'yo pa rin nakatingin.""As if naman hindi sa 'yo nakatingin ang mga babae dito. Kahit yata may edad na natatakam pa sa 'yo," pairap niyang wika. "Wala nang ibang makakatikim ng katawan ko kung hindi ikaw," biro nito saka kumindat. Hinila niya na ang kamay nito para umalis na sila roon. Nang ihatid siya nito sa condo ay hindi rin ito umalis kaagad. "May bakanteng unit pa ba dito?""Why?""Ka
Alas dyes na dumating si Anthony sa condo niya. Mabuti na raw ang lagay ng Daddy niya pero pinayuhan na huwag na muna itong magtrabaho."Ano ba talaga ang nangyari?" tanong niya kay Anthony. "May atraso ang Daddy mo sa mga Abad, Olive. Naalala mo ba ang stag party na dinaluhan ng Daddy mo dalawang buwan na ang nakalipas?""Sa stag party ni Mr. Cruz?" tanong niya. Nasa kwarenta mahigit na ang edad ni Mr. Cruz na naisipan pang mag-asawa sa pangalawang pagkakataon. Namatay na ang unang asawa nito. Kaibigang matalik ito ng Daddy niya at pinsan naman ito ng mga Abad. "Yes. May nangyari pala noong gabing 'yon na ngayon ay hinahabol ng mga Abad ang Daddy mo. Hindi sila pumapayag na humingi lang siya ng tawad.""Anong pangyayari? Hindi ko maintindihan.""Your father was accused of raping Carter's sister..." mahinang wika ni Anthony pero naging kulog sa pandinig niya."W-what?
Maaga pa lang ay nagtungo na siya sa opisina ng Mommy niya. Ito ang may hawak ng Falcon Manpower Services at Travel Agencies. Ang Daddy niya ang may hawak naman sa Mining Company katulong pa rin ang Mommy niya. Habang sila ni Anthony ang namamahala sa Falcon Hotel at Falcon Condominium. Ang Papa ni Anthony ang siyang CEO ngayon ng buong Falcon Group of Companies.Few years ago, ang Lolo pa nila ang namamahala ng lahat ng 'yon. Wala pa ang pamilya nila Anthony sa Puerto Princesa dahil umalis ang Uncle Antonio niya. Itinakwil kasi ito ng Lolo nila noon dahil sa pagtanggi nitong makasal sa anak ng kabilang hacienda sa Dumaran. Bumalik lang sila nang ipahanap ito ng Lolo nila dahil kailangan na nito ng tagapagmana. Ang gusto ng Lolo nila ay mapanatili ang apelyidong Falcon sa Puerto Princesa. Si Anthony lang ang sagot sa problema nito. Silang magkakapatid ay puro babae at Montañez ang dala nilang apelyido.
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Carter ay muli siyang lumabas sa opisina. Pinuntahan niya ang opisina ng pinsang si Anthony."I cannot think properly," aniya. "Hindi rin ako makakapagtrabaho nang maayos. Uuwi ako sa Dumaran.""May problema ba?""Ang problema ko'y ang pagiging sunud-sunuran ni Mommt kay Daddy. Gusto kong makausap si Dad.""Okay, ipahahatid kita sa chopper."Mabilis na tinawag ni Anthony ang empleyado na naghahatid sa pinsan kapag umuuwi ito ng Dumaran."Your father suffered mild heart attack, Olive," paalala sa kanya ni Anthony. "Be careful on how you talk to him.""Inatake lang 'yun ng asthma, huwag mong intindihin," sagot naman niya bago ito iniwan at sumunod sa piloto. Habang nasa himpapawid ay iniisip pa rin niya kung paano kakausapin ang ama. Naroon ang galit sa dibdib niy para sa ama, ang inis sa Mommy niya, at ang iritasyon kay Carter. Ang tatlong
Sa Hacienda Falcon ginanap ang kasal nila Gregor at Olive. Naroon ang malalapit na kamag-anak, kaibigan, at empleyado ng mga Falcon. Ang tanging bisita ni Gregor ay ang kapatid niyang si Arthur at pamilya nito, ilang tauhan sa Angeles Builders, at ilang malalapit na kaibigan."Kung hindi ko lang kinakatakot na aatras ka sa kasal, hindi ako papayag na dito tayo nagpakasal at titira mula ngayon. I can afford to give you a grand mansion. Ano pa't naging engineer ako?"Ngumiti nang matamis si Olivia habang nakayakap na rin sa kanya. Nag-alisan na ang mga bisita at nakatanaw na lang sila sa malawak na lawn sa ibaba. Alas onse na halos natapos ang party. Si Romano ay kinuha muna ng mga kapatid ni Olive para magkaroon sila ng panahon sa isa't isa."I want our children to have a happy childhood -- yung may malawak na tatakbuhan, malayang makakapaglaro sa damuhan, may mga punong maaakyat. Pag-aari namin ang lupaing ito at g
Maagang umalis si Gregor kasama si Adrian kaya't malayang nakapagtrabaho si Lovi sa opisina. Hindi niya gustong makaharap si Adrian ngayon. Para bang may obligasyon pa siyang magpaliwanag gayung ito ang may babaeng kahawakan ng kamay. Kapit tuko si Michelle sa binata na ikinaseselos niyang talaga.Pero dahil wala naman siyang karapatang magselos, magpapanggap na lang siyang okay siya. Bago matapos ang araw ay nagtipa siya ng resignation letter at iniwan niya sa mesa. Bukas ay kakausapin niya si Gregor na kailangan niya nang bumalik sa Maynila sa lalong madaling panahon para makasama niya ang kanyang Lola.Paglabas niya sa opisina at pagsakay sa elevator ay nakasabay pa niya si Michelle. Masaya itong nagkukuwento sa mga kasamahan nila sa trabaho."Sasagutin ko na si Adrian ngayon," nakangiti pa nitong wika habang kinikilig naman ang kinukwentuhan nito."Ang sw
Kanina pa kinakabahan si Olivia sa kakaibang ikinikilos ni Gregor. Nag-grocery sila pero hindi naman pala ito magluluto sa bahay. Gusto raw nitong makasama ang anak pero hindi pa naman sila umuuwi.Parang may inililihim ito sa kanya dahil kung sino sino rin ang kinakausap nito sa telepono kanina pa. Hindi naman siya nanghihinala na babae ang kausap nito at lalong hindi siya nanghihinala na baka may karelasyon itong iba. Kinausap pa nito si Anthony kanina bago sila umalis sa opisina.Pero ngayong nakita niya ang magandang setup ng pandalawahang mesa sa tabi ng dagat, lalong tumindi ang kaba niya. This isn't a regular dinner. Ang mesa lang nila ang napapalamutian ng magandang bulaklak sa paligid, may string lights mula sa arko hanggang sa dulo ng pasilyo kung saan matatagpuan ang mesa, at higit sa lahat, may rose petals na nakapalibot doon.Sandali nitong kinausap ang may-ari na kanina pa din nakangiti sa ka
Alas singko nang tawagan ni Gregor si Olivia. Galing sila sa meeting ni Adrian pagkatapos ay dumaan siya sa isang jewelry shop para bumili ng singsing. Gusto niyang paghandaan ang proposal kay Olivia na hindi pa niya alam kung paano isasagawa. Mas nauuna ang takot sa dibdib niya."Susunduin kita. Tayo na lang ang mag-grocery.""Suhestyon ba yan o utos?" sarkastiko nitong tanong. Alam niyang iniinis siya nito."It depends on how you take it. Regardless, you still need to say yes."Tila nakita niyang umikot ang mata nito sa inis. Lihim siyang ngumiti."Katatapos lang ng meeting. Mag-uusap lang kami sandali ni Anthony bago ako umalis.""I'll be there in thirty minutes.""Bakit kailangan mo 'kong sunduin?" tanong nito."Why not? Bakit, may iba bang susundo sa 'yo?""Wala naman!" agad nitong tanggi. "Hindi lang ako sanay na may sumusundo sa 'kin. May sari
Kinabukasan pa pumasok si Lovi dahil hindi niya alam kung paano haharap kay Adrian pagkatapos ng mga nangyari. Wala si Gregor kahapon dahil kasama nito si Olivia at doon din ito natulog sa condo ng kasintahan nito.Pagbaba pa lang niya sa jeep sa tapat ng building ng Angeles Builders ay nakita niya na ang paghinto ng sasakyan ni Adrian sa parking lot. Kasunod niyon ay ang pagbaba nito at pag-ikot sa passenger's side para pagbuksan ang sinumang kasama nito sa sasakyan. Kaagad umahon ang selos at galit sa dibdib niya nang makitang ang napapabalitang nililigawan nitong si Michelle ang hawak nito ng kamay.Gusto niyang sumakay ulit sa jeep pero nakaandar na ito. Isang busina naman ang nagpagising sa diwa niya na tila nakaharang siya sa dadaanan nito. Ang gagawin niyang pag-atras ay naudlot nang tinawag ni Gregor ang pangalan niya."Lovi!"Ngumiti siya nang binigyan niya ng espasyo ang kotse nito para makaliko. H
Walang nagawa si Olivia nang doon magpasyang matulog ni Gregor. Naibsan naman na ang mga tanong at takot sa dibdib niya. Pero kahit nagkaayos na sila at nakapagpaliwanag na siya, parang hindi buo ang nakikita niyang pagtanggap ni Gregor sa kanya. Tila may pader pa rin sa pagitan nila na hindi niya maipaliwanag. Tulad kanina, niyakap siya nito matapos niyang umiyak. Pero pagkatapos no'n ay hindi na nasundan. At napansin din niyang tila malalim ang iniisip nito."Tulog na si Romano, magpahinga ka na rin sa silid," wika nito nang matapos nitong dalhin ang bata sa kwarto. Umupo ito sa sofa at naghanap ng mapapanood sa cable TV. Napilitan siyang sundin ang sinabi nito dahil wala na itong ibang sinabi. Nang lumabas siya para magtungo sa kusina matapos ang kalahating oras ay nakapikit na itong nakalalapat ang paa sa center table.Paggising niya sa umaga ay may naaamoy siyang niluluto sa kusina. Alas sais pa lan
Karga ni Gregor ang anak nang sumakay sila sa chopper pabalik sa Puerto Princesa. Hindi naman na nangilala ang anak sa kanya. Tahimik lang si Olive na nasa tabi niya hanggang makabalik sila sa condominium nito. Kinabukasan pa pupunta ang yaya sa condo na isasabay na lang ni Anthony sa umaga."So, what now? What would be our arrangement with Romano?" tanong niya kay Olivia."You can visit him anytime you want, Gregor," mahina nitong sagot. Sa lahat ng galit na ipinakita niya ay hindi ito nagpakita ng panlalaban o paninisi sa kanya. Pero hindi niya alam kung paano aayusin ang relasyon nila ngayon matapos nitong hindi magtiwala at maniwala sa kakayanan niya.Siguro nga ay may pinagdadaanan ito noong buntis ito kay Romano. Pero ilang beses din niyang ipinilit ang sarili niya noon na paulit-ulit tinanggihan ni Olivia."I will stay overnight.""Hindi ka pwede dito matulog," agad nitong tanggi sa suhestyon niya.
Nang dumating si Gregor sa condo niya ay seryoso pa rin ang mukha nito. Hindi niya alam kung paano itatama ang iniisip nito na ang gusto lang niya ay itago ang relasyon nila. Hindi rin niya alam kung bakit umabot sila sa gano'n gayung pareho naman nilang mahal ang isa't isa. "N-nakahanda na ang chopper..." mahina niyang wika dahil hindi naman tumitingin si Gregor sa kanya. Sumunod naman ito sa kanya hanggang makasakay sila sa chopper. Kinakabahan din siya sa pagkikita ng mag-ama. Ang nasa mansyon lang ngayon ay ang Auntie Margarita at Uncle Antonio niya. Paglapag sa Dumaran ng chopper ay tumuloy sila sa mansyon. Sinalubong sila ni Margarita sa hardin. Ipinakilala niya si Gregor sa tiyahin. "Si... Gregor ho, Auntie... Siya ho ang ama ni Romano..." "Magandang araw ho," bati ni Gregor na kinamayan ang Auntie Margarita niya. "Magandang araw din, iho. Pumasok kayo. Ipaghahanda ko kay
"It's okay, Anthony," wika ni Olive sa pinsan nang tumawag ito para sabihin na alam na ni Gregor na may anak siya. He knew that that child was his too. Ngayon ay hindi niya alam kung paano haharapin ang kasintahan dahil hindi siya nagkusang magtapat dito.Alas sais ng umaga nang puntahan niya ang apartment ni Gregor na ngayon lang niya narating sa kauna-unahang pagkakataon. Nag doorbell siya na kaagad namang pinagbuksan ng katulong."Sino ho sila?""Hmmm... Olivia Montañez ho... Kasintahan ni Gregor. Nariyan ho ba siya?" alanganin niyang tugon."Tulog pa ho si Sir Gregor.""Anong oras ho ba siya nagigising?" tanong niya dahil tanghali na."Susubukan ko hong katukin," wika ng katulong na umalis sandali sa harap niya. Pagbalik nito'y sinabi nitong pumasok na siya dahil kagigising lang ni Gregor.Pumasok siya sa gate at sa kabahayan. Tila isang townhouse ang b