SAMANTALA, napakamot na lang ang sundalong si John Serrano sa noo nang marinig ang sinabi ng kasamahan na pupunta sila sa bar. May misyon sila rito at hindi ang pag-bar hopping ang dapat sa kanila. Magtrabaho. Pero masyadong makulit ang mga kasamahan niya.
“Ano ka ba, Sarhento, pinagtatabuyan na nga tayo ni Heneral na mag-enjoy ngayong gabi dahil ganoon din siya,” papalatak ni Rogando.
"Sigurado ka bang hindi tatayo hahanapin ni General?" Nilingon pa niya ang kanyang kasamahan na nagbabantay ng seguridad din ni General.
Nandito sila ngayon sa Malaysia. Hindi niya alam ang pakay ng Heneral dito, pero sa tingin niya, may kinalaman sa ilang isyu na nangyayari sa Pilipinas, partikular na sa Mindanao.
"May private meeting siya, at hindi tayo kasama, kaya ang sabi niya, enjoy na lang natin ang gabi," nakangiting sagot ni Corporal Rogando. “Eh ‘di, e-enjoy natin!”
Tama, may private meeting ito ngayon sa tinutuluyang bahay dito sa Malaysia. Hindi niya rin alam kung bakit hindi sila kasama sa magbabantay dito gayong tungkulin nila iyon, lalo pa't nasa ibang teritoryo ito.
One-time mission ito para sa kanya habang hindi pa sila dini-deploy na kasalukuyang nakabakasyon din. Pero nahugot siya rito para sa misyon na ito. Hindi naman niya matanggihan dahil mula sa taas ang order.
Tinanggal ni John ang sumbrero nang pumasok sila sa isang bar. Hinanap nila ang ibang kasamahan ding nauna. Apat sila at sila lang magkakasama pero dalawa sila ni Rogando ang nahuli dahil kakapilit sa kanya.
Tahimik lang siya nang maupo siya sa bakanteng upuan. Hindi siya pamilyar din kasi sa mga kasama kaya maingat siya sa mga kilos niya. Kahit na sa pag-inom. Pero kapwa Pilipino ang tatlong babaeng kasama ng mga ito kaya naiintindihan niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
Ilang sandali pa sila doon nang may dumating ulit na dalawang babae. Hindi sinasadyang nagtama ang paningin nila ng babaeng nakaitim na coat. Hinubad nito iyon kaya kita ang magagandang balikat nito sa suot na sleeveless na dress kulay itim rin. Hindi naman aabot iyon sa tuhod kaya kita ang mapuputi at maganda nitong biyas. Halatang mula ito sa mayamang pamilya.
Singhap ang sunod niyang ginawa nang magdikit ang balat nilang dalawa. Napabaling tuloy siya sa dalaga. Parang wala lang dito ang spark na namagitan sa kanilang dalawa. Hindi rin nito napansin ang pagtitig niya sa magandang mukha nito habang paupo. Pero tumaas ang sulok niya dahil sa tabi niya talaga ito naupo.
Dahil hindi ganoon kalawak ang upuan ay muling nagdikit ang balat nila nang ayusin nito ang pagkakaupo. Parang nagugustuhan niya ang presensya nito. Hindi niya tuloy alam kung dahil sa alak ang nararamdamang init o dahil sa pagkakadikit ng balat nila ng dalaga.
At habang lumalalim ang gabi, nagiging maingay ang mga kababaihan, na lalong ikinasiya ng mga kasamahan niya. Hindi na rin niya mabilang pagtingin niya rito. Mukhang nagugustuhan na rin niya yata ang dalaga. Baka dahil sa ganda nito kaya ganoon lang siya kung makatingin dito. Pero sinisiguro niyang hindi siya nito mahuhuli na tumitingin.
Umabot din mayamaya sa isang seryosong usapan tungkol sa kaibigan ng mga ito na katabi niya— si Kana. May taning na pala ang buhay nito kaya nakaramdam siya nang awa.
“Kaya kung ako sa ‘yo, tanggalin mo na ang garter ng panty mo at makipag-sex ka na sa lalaking gusto mo,” ani ng isang kaibigan ng katabi nito.
“Don’t worry, may napupusuan na ako para sa masuwerteng makakauna sa akin! At dito ko mismo sa Malaysia ibibigay ‘yon.” Tinaas ni Kana ang hawak na kopita sa mga kaibigan nito na sinabayan nang ngiti. Agad namang itinaas ng mga kaibigan din nito ang hawak maging ang mga kasamahan niya. Siya lang ang bukod tanging hindi natutuwa sa topic ng mga ito.
Tama bang ibigay sa random na lalaking makikilala nito ngayon dito sa Malaysia? Nakakapanghinayang lang.
Napahilot siya sa noo niya. Sa ilang oras pa lang niyang katabi ito, inaamin niyang gusto na nga niya ang dalaga. Sayang lang at ngayon lang niya ito nakilala at bilang na lang ang araw nito sa mundo.
“So, kanino mo ibibigay, besh?” ani ng babaeng katabi ni Kana.
Ewan pero interesado siya sa isasagot ni Kana kaya napatingin din siya dito. Pero ang tagal nitong sumagot kaya naiinis siya. Meron sa banda ng puso niya na sana sa mabuting lalaki naman. At least, walang worries na babaunin ito sa kabilang buhay dahil naibigay nito sa lalaking karapat-dapat.
Dinala niya ang hawak na baso sa labi para sumimsim ng alak. Saktong nasa loob ng bibig na niya ang alak nang sumagot na ang dalagang katabi.
“K-kay Serrano.” Sabay turo ni Kana sa kanya.
Dahil sa sinabi ng dalaga, bigla niyang naibuga ang alak sa baso niya pabalik. May mga tumalsik pa nga dahil sa pagkabigla niya. Hindi lang niya inaasahan ang sinabi nito.
Sa kanya nito gustong ibigay ang iniingatan nito? Nababaliw ba ito? Ngayon lang sila nagkita tapos ibibigay sa kanya nang ganoon-ganoon lang?
Bumaling siya sa dalaga. Nagtama ang paningin nito pero siya ang unang nagbawi noon.
“Nananahimik ako dito, Miss,” kunwa’y sabi niya. Lumunok pa siya kapagkuwan.
Humarap ito sa kanya at ngumiti. “I know. Pero sa ‘yo ko gusto.”
Nagsimulang gumapang ang kamay nito sa dibdib niya kaya nakaramdam siya nang kakaibang kiliti. Naghiyawan din ang mga kaibigan nito maging ang mga kasamahan niya.
Napalunok siya mayamaya nang biglang kunin ni Kana ang hawak niyang baso. Inilapag nito iyon sa mesa pagkuwa’y kinuha ang kamay niya at hinila siya patayo.
“So, pwede ko bang mahiram muna siya ngayong gabi, guys?” nakangiting tanong nito sa mga kasamahan niya.
Parang may bumara sa lalamunan niya ng mga sandaling iyon. Pero nang makabawi ay hinarap niya ito.
“Hindi pwe—” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang segundahan iyon ng mga kasamahan niya.
Tinaboy pa siya ni Corporal Rogando. “Go, Miss Ganda! Enjoy your night!”
Pinanlakihan niya ng mata si Rogando.
“C’mon, ilang buwan na lang mamamatay si Kana. Nakakaawa siya, o. Saka wala kang poproblemahin kung sakali, Serrano. Wala ka rin namang girlfriend, ‘di ba?” ani pa ng kasamahan niya.
At muling sumang-ayon ang mga kasamahan nila sa mesa. Lumapad din ang ngiti ni Kana na noo’y tinatamaan na ng alak. Hinilig pa nito ang sarili sa kanya. Ramdam niya sa mga kalamnan niya ang panginginig. Hindi niya rin maintindihan ang dibdib kung bakit ganoon na lang kung mag-alburuto.
Nag-angat nang tingin ang dalaga sa kanya. “Let’s go.”
Puno nang kagustuhan ang mata ni Kana ng mga sandaling iyon. Ang labi rin nito ay nag-aanyaya rin kaya hirap na napalunok siya. Parang gusto na nga niyang halikan.
Bakit parang hindi niya kayang hindian ang babaeng ito? Ibig bang sabihin naka-move on na siya sa first love niya?
Namalayan na lang ni John na hila-hila na siya ng dalaga palayo sa mga kasamahan at kaibigan nito.
Nang makapasok sila sa taxi na pinara ni Kana ay nagulat siya sa ginawa nitong paghila sa damit niya. Bigla rin nitong sinakop ang labi niya. Bahagya pang nanlaki ang mata niya pero lalong lumaki nang bigla na lang naupo ito sa kandungan niya paharap at pinag-igi ang paghalik sa kanya. Nakaka-tempt na si Kana talaga. Gusto niyang tugunin pero nasa public place sila. Napatingin tuloy siya sa driver ng taxi na iyon na noo’y nakatingin din mula sa rear view mirror nito.
“K-Kana, mamaya na lang, please? Nakatingin ang driver.” Natigilan naman ang dalaga. Halata ang inis sa mukha nito. Tumingin pa ito sa driver ng taxi bago naupo na lang sa tabi niya. Pero nakapulupot ang kamay nito sa braso niya.
“You are mine tonight, Serrano. Tandaan mo ‘yan,” anas nito na ikinatitig niya rito. Nakapikit ang mata nito kaya malaya niyang natitigan.
Perpekto ang mukha nito para sa kanya. Na-realize niya iyon nang matitigan ito. Mula sa mata nitong parang hugis almond na may kulay dark brown. Ang ilong nito na proportion ang ratio sa bibig nitong pouty na talagang nakakalunok kapag lumabi o ‘di kaya kumibot. Nakakadala rin kapag ngumingiti.
Muling napalunok si John nang mapagtantong huminto na ang taxi sa lugar na sinabi ni Kana. Mula sa pinagmulan na bar hanggang sa tapat ng five-star hotel na ito ay nakatingin lang siya sa natutulog na dalaga. Ilang beses niyang naitanong ang sarili kanina. Bakit kasi ngayon lang niya ito nakilala?
Masuyo niyang ginising ang dalaga. Nag-angat ito sa kanya nang tingin pagkuwa’y ngumiti. Bumitaw lang ito sa braso niya nang makita ang nginuso niya, ang harap ng hotel nito. Sinamantala niya iyon para lumabas at pagbuksan ito. Siya na ang nagbayad ng taxi kanina dahil nakakahiyang ipasagot niya pa rito. Kusa na nga nitong ibibigay sa kanya ang pagkababae nito tapos pagbabayarin pa niya? May pagka-gentleman pa rin naman kaya siya.
Kung titingnan sila ng ibang tao, para silang may relasyon dahil magkahawak ang kamay nila ni Kana. Bahagya pang nakasandal ito sa braso niya habang naglalakad lalo na nang makapasok sa elevator.
Napaka-bold ng dalaga dahil talagang binulong nito sa kanya na excited na ito sa mangyayari sa kanila. Kung malaki ba ang kanya at kung talaga bang mapupunit ang hymen nito. Kung wala lang tao siguro baka may ginawa na silang milagro doon dahil sa pinaglalabas ng bibig ni Kana.
“Tang’na,” biglang sambit niya nang mapunta ang kamay nito sa pagitan ng hita niya. Kanina pa nga iyon umbok dahil sa ginagawa nitong pagbulong-bulong. Mukhang sinasadya rin nitong ipasayad ang labi sa tainga niya na nagdudulot nang kiliti sa buong katawan niya.
Dinig niya ang paghagikhik ni Kana mayamaya. Sumandal ito sa dingding ng elevator at tiningnan siya nang nakakaloko. Hindi niya alam na masyadong pilyo ito. Tuloy, nagdulot nang pagtaas ng libido sa katawan niya. Ngayon lang ulit siya nakaramdam nang ganitong klaseng init. Ang huli niya? Ang ex niya na sumama sa ibang lalaki na mayaman.
Pero hindi akalain ni John na huling araw na pala niya na malaya. Dahil pagdating niya sa tinutuluyan dito sa Malaysia, may naghihintay na sa kanya na mga otoridad mula sa Pilipinas kasama ang ilang otoridad din na nagmula sa bansang ito.
“KUMUSTA ang bakasyon, anak?” nakangiting tanong kay Kana ng inang si Keana.Naitago tuloy ni Kana ang ngiti sa labi niya. Inaalala pa niya ang gabi na iyon ng mga sandaling iyon. Nasa sun lounger siya noon at kakatapos lang niyang mag-swimming. Gusto niyang matulog mamaya, at makakatulog lang siya kapag sobrang pagod. Epekto ni Serrano kaya hirap siyang kumuha ng tulog nitong nagdaan sa Malaysia. Hindi niya maikuwento sa ina ang lahat dahil pagagalitan siya nito. Ang alam pa naman nito gala lang ang pinunta nilang magkakaibigan.“Okay naman po, Mom. Masaya.” Tumingin siya sa likod nito, hindi nito kasama ang ama. “Si Daddy po?”Bumuntonghininga ang ina. “As usual, nasa trabaho.” Well, saan pa nga ba ito naglalagi? Kung hindi sa trabaho nito. Minsan lang umuwi ang ama dahil sa trabaho nito sa gobyerno. Isang sundalo kasi ang ama na may mataas na katungkulan kaya ganoon na lang ang responsibilidad nito sa bansa.Napatitig siya sa ina kapagkuwan. “Mom,” tawag niya rito.“Yes, anak?”
NAPAPIKIT SI JOHN nang marinig ang hatol sa kanya sa araw ng court-martial na iyon. Hudyat na tapos na ang iniingatang dangal. Nahatulan na siya ngayon ng habang buhay na pagkakulong dahil sa krimeng hindi niya naman ginawa. Pero anong magagawa niya? Walang katarungan para sa kagaya niyang mahirap at walang koneksyon sa gobyerno. Sino lang ba siya? Siya lang naman si John Serrano, isang sundalo na mula sa mahirap na pamilya. Kaya niyang lumaban gamit ang baril, pero wala siyang kakayahang lumaban gamit ang pera at kapangyarihan. 'Yan ang masaklap na katotohanan sa kagaya niyang mahirap lamang. Malungkot siyang napatingin sa kanyang ina na noo'y hilam na ng luha. Inuusal nito ang kanyang pangalan habang sapo ang dibdib kaya parang may tumatarak na itak sa kanyang dibdib habang tinitingnan ang ina. Pangarap niya lang na mapasaya ang pamilya niya kaya siya nagsundalo. Ah, isa na rin pala, para makalimot. Pero hindi niya akalaing ito rin ang magdudulot ng kalungkutan sa kanyang pamil
NAPABALIKWAS nang bangon si Kana nang mapagtanto na nasa hospital siya. Pagmulat niya kasi kanina, napasinghot siya dahil parang iba nga sa pang-amoy niya ang kinaroroonan. Halos puti kaya mabilis na gumana ang ulo niya. “Hospital?! Sh*t!” Sabay talon mula sa kama. At akmang huhubarin niya ang hospital gown nang biglang bumukas iyon at iniluwa ang magulang niya kasama si Cassandra at Lily.“Oh, girl, gising ka na!” bulalas ng dalawa.“Y-yeah. What are you two doing here? Where are France and Mera?”“Umuwi lang saglit, friend.” Tumango siya kay Lily.Tumingin siya sa ina na maga ang mata. “M-Mom, what happened?”“Why didn’t you tell us about your—”“Mrs. Palma.” Hindi na natuloy ng ina ang sasabihin nang putulin iyon nang isang pamilyar na boses.Nanlaki ang mata niya nang makilala ito. Ang doctor niya na tumingin sa kanya at nag-diagnose na may cancer siya!Anong ginagawa nito dito? Nasabi na ba nito sa magulang niya kaya ganoon na lang ka-maga ang mata ng ina? Wala siyang makita na
AGAD na sumaludo si John kay Chief of Staff Atlas Palma nang pumasok ito sa building na iyon. Nasa meeting kasi ito kanina kaya hinintay niya sa upuang tinuro sa kanya ng staff nito. “How was your trip?” Tinanggal nito ang suot nitong headgear nang harapin siya. “A-ayos lang po, Chief.” Tumango sa kanya si Chief Palma kapagkuwan. Pagkagaling sa bus station, dito na siya sa Camp Aguinaldo dumiretso. Iyon din kasi ang bilin nito sa kanya sa telepono. Pero ang immediate nito ay hindi nasunod. Isang linggo ang binigay nito sa kanya na bakasyon kasama ang ina. Pagdating niya kasi, saktong inaapoy ng lagnat ang ina, kaya inasikaso pa niya. Saglit lang sila sa opisina nito bago sila pumunta sa bahay nito. Pagdating nila doon, sinalubong sila ng magandang asawa nito. Hindi lang siya ang kasama ng CofS, meron pang dalawa. Sila pala kasi ang magiging personal na bodyguard nito. Ang isa raw sa kanila, sa misis nito pero hindi pa sigurado kung sino sa kanilang tatlo. Nang gabing iyon, pinaal
NAPAKAPA si Kana sa baba ng dibdib, bandang gilid nang kumirot iyon. Pakiramdam niya, sinasaksak pa rin siya ng mga sandaling iyon. Namamawis na ang kanyang noo Nanginginig din ang katawan niya dahil sa takot, kaya agad na nagpatawag ang ina ng doctor para i-check siya.At dahil hindi kumalma si Kana, napilitan ang doktor na bigyan siya ng gamot para kumalma. Nakatulog din siya ulit. Nang magising, nasa silid na ang ama, sa tabi niya mismo.“How are you, baby?”Medyo sleepy pa ang mata niya. Para siyang nalasing dahil sa mga gamot na naibigay sa kanya.Ngumiti lang siya sa ama at sumagot ng, “I’m good, Dad.”Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa labi nito para halikan. Ngumiti din ito kapagkuwan.“Good. Because ilang araw akong mawawala kasi. Ayokong umalis na hindi masigurong nasa maayos ka.” Dinala naman ng ama ang kamay niya sa pisngi nito. “Lahat gagawin ko, makuha lang ang hustisya sa nangyari sa ‘yo.”Speaking of hustisya, tiningnan niya ang ama nang seryoso. “N-nahuli na po b
DAHIL hindi naman kayang matapos ni Kana ang mga papeles na dinala ng sekretarya niya, nagpasya siyang hindi na muna uuwi. Tumawag siya sa ina at sinabing marami siyang gagawin.“I’ll tell your dad about this. Alright?”“Thanks, Mom. Love you!” Nang maalala si John ay pinahabol niya sabihing. “So, pwede ko na ho siyang pauwiin, Mom?”“Who?”“John. JJ.”Napangiti si Kana nang sagutin siya ng ina na pauwiin na lang muna niya ang bodyguard. Kaya naman after na pinutol ng ina ang linya, agad siyang lumabas at hinarap ang bodyguard.Napasimangot si Kana nang maabutan sa sala ang boduguard na prenteng nakaupo sa sala. Nakataas ang kamay nito sa armrest ng sofa niya, naka-cross legs pa habang nanonood ng pelikula. Tumingin siya sa upuang dinala dito kanina. Naiwan doon sa may pintuan banda.“What are you doing?”Kalmadong tumingin sa kanya ang bodyguard at ngumiti. “Nanonood ho, ma’am.” Tinuro pa nito ang TV.Nakaramdam siya nang inis sa inasta nito. As if, hindi siya ang amo kung kausapin
NAPABALING si John sa kasamahan nang sikuhin siya nito. Nginuso nito si Kana na sunod-sunod ang lagok ng alak. Nasa loob sila ng VIP room nito. Lima silang nakabantay sa dalawang dalagang nag-iinuman. Pinpalabas sila ng dalaga kanina pero hindi sila natinag dahil kabilin-bilinan ng ama nito na hindi nila pwedeng iwan kahit na sa VIP room pa ‘yan. Kahit na ito pa ang may-ari ng bar na ito.“Grabe! Ang lakas pala ni Senyorita sa alak,” ani ni Tonyo na kasamahan niya. “Masarap siguro siyang kainuman.”Imbes na sumagot, siniko niya ito. Doon pa lang sa salitang masarap na sinabi nito, nainis na siya bigla. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Ayaw niyang naririnig ang mga kasamahan na pinagpapantasyahan si Kana. Kahit na sabihing wala itong gusto sa kanya, pero siya ang nakauna rito. Kung hindi man nito pinapahalagahan iyon, siya oo.Nakatitig lang siya kay Kana habang seryosong nakikipag-usap kay Francy Lou. Nakilala na niya ito noong nasa Malaysia sila. Pero hindi niya magawang maba
NAPABALIK si Kana sa sarili nang tumunog ang telepono niya. Agad niyang kinuha iyon sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti siya nang makita ang pangalan ng caller. Sa isip ni Kana, answer button ang napindot niya, dinala pa niya iyon sa tainga niya. “Grant!” Imbes na may sumagot, tumunog ulit iyon na ikinalayo niya ng telepono sa tainga. Tiningnan niya ang screen. Nawala ba ito sa linya o na-cancel niya? Pinilig na lang muna niya ang ulo, baka sakaling mawala ang kalasingan niya. Dahan-dahan lang ang pag-swipe niya para masagot iyon. “At last!” bungad ni Grant sa kabilang linya. “Where are you?” Napangiti siya sa narinig. “I bet, kakalapag mo lang?” Isa itong piloto kaya bihira niya itong makasama. Pero kababata niya ito at isa na rin sa maituturing niyang bestfriend. Lumabas si Kana sa banyo at tinungo ang labas ng opisina para balikan si Francy Lou. Nakangiti siya noon habang pinapakinggan ang kababata sa kabilang linya. “Oh, yeah. I missed you. Where are y
Teaser:Akala ni Kana, tapos na ang isyu sa lupa nila sa Pangasinan. Natuklasan ni Kana na ang kasalukuyang nobya ng panganay na anak na si Kenjie ay anak ng babaeng iyon. Ang mismong ipinagbununtis ng babaeng sumugod sa kanila. At planado ang lahat ng mag-ina. Para makuha sa kanila ang lupang iyon. “Hinding-hindi niyo makukuha ang lupang iyon, Tania. Nakatakdang mapunta talaga sa amin ang lupang iyon. Dahil pag-aari ‘yon ng Mommy ko. Sa Lola ni Kenjie. Naiintindihan mo ba?”Ilang beses na bumalik noon ang anak ni Don Ignacio sa kanila para tangkaing bawiin ang lupa. Bago mamatay ang ama nito ay sinabi nito sa kanila ang dahilan kung bakit sa kanila nito naibigay ang bahagi ng lupang iyon. Yes, bigay lang. Dahil sa ina niyang si Keana. Dahil sa naudlot na pagmamahalan ni Don at ng ina niya.Ang lupang iyon ay pagmamay-ari pala ng ina, na sadyang binili nito para mapalapit kay Don. Pero dahil tutol ang magulang ng huli, nagkahiwalay din ang dalawa. Iniwan ng ina ang lupang iyon kasama
KASABAY nang pagpubog ng araw sa bahaging iyon ang muling pagbaon ni John ng sarili sa asawa.For John, mali na bigyan siya nang parusa dahil lamang sa hindi niya pagsabi, na siya ang nakatalik ng asawa sa hotel na iyon sa Texas. Lalo lamang siyang nanabik dito. Isa lamang ito sa hindi niya kayang pigilan kapag nasa paligid ang asawa. Kahit na anong pigil niya, hindi niya kaya. Sa pagkakaalam niya kasi, alam ni Kana na siy ang nakatalik nito nang gabing iyon. At kaya lang siya nawala sa tabi nito dahil sa urgent matter nila. “O-oh, husband. Hindi ka pa ba nagsasawa?” Nakangiting umiling si John sa asawa. “Kasalanan mo ito, hon. Pinag-diet mo ako. Naalala mo? ” Sasagot sana si Kana nang siilin ni John nang halik ang labi niya. Hindi na talaga siya nito hinayaang magreklamo pa.Kanina, sabi ni Kana, baka maapektuhan ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi naman raw dahil masuyo ito. Baka lang naman makalusot siya. Totoo namang masuyo— no, mabagal. At dahil traydor ang katawan ni
Smooth pa sa kumot niyo ang naging seremonya ng kasalang Kana at John. Walang naging problema. Masaya ang lahat ng nakasaksi sa pag-iisang dibdib na iyon. Pero ang higit masaya ay ang bagong kasal, lalo na si John.Nalaman ni Kana na pinapirma ni John si Hazel na wala na itong responsibilidad dito at wag na itong lalapit sa kanilang mag-asawa kapalit ng malaking halaga. Kaya pala talaga natagalan ito sa pakikipag-usap kay Hazel. “John! Saan na naman tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ni Kana sa asawa nang bigla siyang hilahin nito palapit sa sasakyan. Halos kasing taas yata iyon ng bus. Pero hindi naman kasing haba. Kakatapos lang noon ang pictorial sa labas at ng paghagis niya ng bulaklak. “Honeymoon time, hon.” Kakaiba na ang ngiti sa labi ni John ng mga sandaling iyon.“P-pero kailangan pa tayo sa recep—”Hindi na natuloy ni Kana dahil pinangko na siya ni John at masuyong pinaupo sa loob ng sasakyan. Nilingon niya ang magulang at ang ina ni John, nakangiti ang mga ito. Kumaway din
“O-okay ka lang?”Matamis na ngumiti si Kana kay Maricel bago ito nilagpasan. Ganoon din kay Astin. Gustong manghina ni Kana. Nasasaktan siya dahil mas inuna ni John na puntahan si Hazel kesa sa seremonya ng kasal nila. As if kailangang kompirmahin muna nito ang nararamdaman kung gusto nga ba nitong magpakasal sa kanya.Pakiramdam din kasi ni Kana ng mga sandaling iyon nagmukha siyang tanga. Napagtanto niyang hanggang ngayon wala siyang alam sa nakaraan ni John kay Hazel. Hindi man lang ito naging open sa kanya.“Kana, magsisimula na ang seremonya. Dapat sabihan mo na si John. What if may schedule pa si father?”Nilingon ni Kana si Maricel. Hindi ba nito nakita ang mga nakita niya?“Kung gusto niyang matali sa akin habang buhay, darating siya. Pero kung ayaw niya, wala na akong magagawa, Maricel.”“Gusto mo bang hilahin ko siya papuntang simbahan?” tanong ni Astin na ikinatawa niya. Pero ang tawa na iyon ay saglit lang.“No need, Astin. Thanks.” Nakikita niya ang guilt sa mga mata ni
HANGGANG sa araw ng kasal ni Kana at John, nangungulit ang huli sa kanya. Gaya ng mga naunang sagot niya, walang honeymoon. Pero hindi niya naman iyon totohanin. Kailangan lang nitong pagdusahan ang ginawa nitong pagtago. “I’m so thrilled, anak. Sa wakas ay natupad rin ang pangarap ko na maikasal ka,” maluha-luhang sambit ng ina nang sabihin iyon. Suot na ni Kana ang wedding dress na pinili nila mismo ni John. Lace applique mermaid strapless wedding dress ang napili nilang dalawa. Iyon naman kasi ang unang pumukaw nang atensyon niya nang tumingin sa brochure. Nakita niya rin iyon noon sa isang boutique. Sabi nga niya, sana si John ang lalaking pakakasalan niya. At heto, nangyari nga— mangyayari pa lang pala.“Ako rin po, Mommy. Hindi ko maipaliwanag ang saya.” Hinimas pa niya ang tiyan niya. Dahil din sa magiging anak nila ni John.Napatingin siya kay Kenjie nang bigla nitong halikan ang umbok niya.“I’ll be good to her, Mama. Promise!”“Her?” halos makasabay na sambit nilang mag-in
“Talaga, hon? Buntis ka?” Saya ang sunod na makikita sa mukha ni John.“Oo, John. P-pero hindi—”Hindi na natuloy ni Kana ang sasabihin nang kabigin siya ni John. Mahigpit na yakap ang ginawa nito pagkuwa’y lumuhod pa para lang halikan ang baby bump niya.“Dapat na siguro na nating madaliin ang kasal, hon. Ayokong lumabas sa mundong ito ang ating anak na hindi mo dala ang apelyido ko.” Lalong lumapad ang ngiti ni John. “Bukas or sa susunod kaya?” Excitement na naman ang pumalit sa mukha ni John.Paano pa masasabi ni Kana ang nais sabihin kung saya na ang nakikita sa mukha ni John. Parang ang hirap na sirain ang sayang pinapakita ni John. Pero kailangan niyang sabihin ang problema niya. Para masolusyunan na.“J-John, before that, um, may aaminin ako sa ‘yo.”Biglang napalis ang magandang ngiti ni John. May kung anong kaba siyang naramdaman. Sa tono ni Kana, parang seryosong usapin iyon. “I-I love you. Really. God knows kung gaano kita mahal. I never loved a man like this before. Neve
Kalmadong naglakad si John palapit sa kanila. Lahat ng tauhan ni Danilo ay may baril at nakatutok mismo kay John. Siya ang kinakabahan sa pagiging kalmado ni John. Pero walang pakialam ang huli. Nakatingin lang ito sa kanya nang seryoso.“Ayos ka lang ba, hon?” tanong nito sa kanya.“Y-yes. I-I’m fine.” Hindi niya alam kung bakit siya nauutal habang nakatingin kay John.“Mabuti naman.” Tumango-tango si John sa kanya. Tumingin ito kay Rogando kapagkuwan.“Maaari mo nang pakawalan si Kana dahil nandito na ako. Ako naman talaga ang kailangan mo. Tama?” Tinaas ni John ang kamay pagkuwa’y hinawi ang jacket para ipakita sa kanila na wala itong dalang armas.“Bilib din ako sa inyo. Natunton niyo ang kinaroroonan namin nang walang kahirap-hirap.”Napangisi si John. “Hindi mo kasi ginalingang magtago. Saka malakas ang pang-amoy ko pagdating sa babaeng mahal ko.” Tumingin si John kay Kana at ngumiti. Blangko lang ang ekspresyon niya.Nang makita ni John ang pisngi ni Kana ay nag-alala si John.
ISANG malutong na mura ang pinakawalan ni John nang ibalita sa kanya ni Arvin ang nangyari.Nang i-report nito na may nag-approach kay Kana na hindi kilala ay nagmadali siyang bumiyahe papuntang Davao. Iniwan niya ang anak sa Lola nito na si Keana. Hindi rin naman siya makatulog kaya talagang binalak niyang sundan si Kana ngayon. Nagkaroon ng aberya sa helicopter na gagamitin kaya medyo natagalan ang paglipad nila.Sumalubong sa kanya sa harap ng pharmacy na iyon ang ama ni Kana na si Atlas. Galit na galit ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan nitong napatumba lang ng mga tauhan ni Danilo Rogando. Walang nakasunod sa sasakyang dala ni Rogando dahil nakikipaglaban na rin ang mga ito. May back up kasi sila Rogando kaya talagang humarang sa mga daraanan, dahilan para hindi masundan ng mga tauhan ni Chief.“Chief, pwede pa namang ma-trace natin ang kinaroroonan ni Kana,” aniya rito para kumalma ito. Galit na rin siya noon pero walang mangyayari kung ilabas niya din ang galit. Kailangan
“UPDATE mo ako, hon, pag-uwi, huh. Kung anong oras ang alis niyo sa Davo airport. Ako na ang susundo sa ‘yo,” dinig ni Kana na sambit nito. “Okay, hon.” Mabilis na halik ang ginawad niya sa anak pagkuwa’y kay John naman. Saglit ding naghinang ang labi nila.Naglalaro ang dalawa noon sa sungkaan. Kakatapos lang din ng mga ito na maglaro ng bilyar. Tapos naisip na naman ni Kenjie na laruin ang binili ng ama nito na sungkaan. Kesyo iyon daw ang nakasanayan ng ama noong bata pa.“Si Kenjie, huh?!” aniy ulit kay John.“Opo. Sige na at male-late ka na.”Napaingos si Kana kay John. Ini-expect na niyang late siya dahil pinagod siya ni John kagabi. Kaya ayon, napasarap ang tulog niya dahil sa pagod.“Sige ka, baka hindi kita paalisin,” dugtong pa ni John.“Bye, Mama ko!” Nakangiting tiningnan ni Kana ang anak. Nakangiti rin si John nang balingan niya ito.“Ingat ka, hon.” Tumango siya rito.“Bye, anak! Bye, hon!” aniya sa dalawa matapos na talikuran ang mga ito.Bitbit ni Kana ang handbag niy