Venus POV
Mukha namang nagulat ito sa narinig at napatingin pa sa akin. Mabuti nalang at nakahinto ang sasakyan.
"Nag susulat ka?!" Gulat na tanong nito kaya agad akong tumango. "Ako rin eh, kaso.., hindi naman suportado ng pamilya ko 'yon kaya tinigil ko nalang."
Bahagya akong nakaramdam ng lungkot. May karamay pala ako sa ganito. Alam ko 'yung pakiramdam ng hindi ka man lang magawang suportahan ng pamilya mo sa mga pangarap mo.
Masakit sobrang sakit kapag sila pa mismo ang hihila sayo pababa.
"Oo, ang totoo n'yan ay paulit-ulit na nare-reject ang mga istoryang gawa ko." Napangiti ako at saglit na huminto. Mataman naman itong nakikinig sa mga sinasabi ko. "Pero.., tuloy lang! Kahit walang maniwala sa akin ay ayos lang. Kapag na-approve ang istorya ko ngayon? Naku! Ililibre kita Denson!" Tatawa-tawa kong sabi.
"Aba sure 'yan ha? Walang biro? Hindi ko tatanggihan ang grasya!" Nakangiti rin ito.
"Oo! Isama na nat
Venus POV"Bessyyyy!"Umalingawngaw naman ang sigaw nina Hailey at Penny."Finally! Buti naman at dumating na kayo!" Asik ko sa mga 'to ng makaupo silang dalawa."Ay, sorry naman ha? Na-traffic kami bakla!" Si Penny at napatingin kay Denson."Ah, anyway. Denson, ito si Hailey at Penny! Ito naman si Denson, isa sa mga tauhan ni Sage." Sabi ko at nakipag-kamay naman sila sa isa't-isa."Nice to meet you Denson! Welcome to our squad!" Tatawa-tawang sabi ni Hailey kaya siniko naman s'ya ni Penny.Ngumiti naman si Denson at nagkamot sa ulo at mukhang nahihiya pa ito sa mga kaibigan ko."Salamat!" Tugon nito at nag umpisa na kaming omorder ng mga gusto naming kainin.Hindi ko sila pinigilan sa mga gusto nilang i-order. Ako na ang bahala doon, hindi naman siguro mauubos ang sinahod ko ngayong araw."So, ano palang meron? At may pa-libre ka mare?" Si Penny na panay sulyap kay Denso
Venus POVNaramdaman kong tumabi sa akin si Penny at mataman akong pinapanuod na maubos ang alak."Akala ko ba hindi ka mag lalasing ha?"Nakataas pa ang kilay nito na parang kontrabidang nanay sa anak!"Sino ba ang lasing? Akooo?" Saglit akong napatingin kay Hailey at itinuro ito. "Baka si.., si Hailey lasing naaa!" Nakangisi kong sabi at natatawa."Oy? Di pa 'ko lasing haaa! Tingnan n'yo tatayo pa 'ko!"Pinilit kong idilat ng maayos ang mga mata ko para mapanuod si Hailey pero hindi pa man ito nakakatayo ng maayos ay agad ring natumba kaya naman natawa ako sa nakita."Talaga? Di ka pa lasing n'yan haaa!" Natatawa kong sabi at ako na mismo ang nag buhos ng alak sa shot glass namin ni Hailey.Inalalayan naman ni Penny ang kamay ko dahil muntik ko ng mabitawan ang bote."Oy, Denson! Umuwi na kaya tayo? Ayaw na paawat ng dalawang 'to!" Nakita ko pang itinuro kami ni Penny pero wala akong
Venus POVDahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at pinapakiramdaman ang sarili. Damn, ang sakit ng ulo ko! Nakailang bote ba kami? Tsk.Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Ito na ba yung tinatawag nilang hangover? Tsk. Parang binibiyak sa kalahati ang ulo ko sa sobrang sakit!Teka? Ano bang nangyari kagabi? Sa pagkakatanda ko ay naunang umalis si Denson kasama ang mga kasama ko. At- ah, Oo nga pala. Si Sage nga pala ang kasama kong umuwi.Hindi ko na maalala ang eksaktong napag usapan naming dalawa pero natatandaan kong s'ya ang nag sakay sakin sa mismong sasakyan n'ya.Muli akong pumikit dahil kumikirot na naman ang ulo ko! Tsk. Grabe, huling inom ko na talaga 'to!"Make sure that everything is perfect!"Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Sage sa labas. Kaya naman agad akong tumayo at binuksan ang pinto ng kwarto ko.Nakita ko si Sage na nakatalikod habang nakatayo sa gitna ng h
Venus POV Napalunok ako ng marinig ang sinabi ni Denson. Agad akong napasilip sa bintana at nakita kong may red carpet pa! Ano ba 'tong pupuntahan namin? Tsk. "I'll go first, don't do anything stupid." Aniya Napanguso ako narinig at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Denson kaya sinamaan ko lang ito ng tingin. Nang makababa si Sage ay inilahad nito ang kamay n'ya upang maalalayan ako. Ayoko mang gawin pero nakakahiya namang mag away pa kami sa harap ng maraming tao diba? "Let's go wife." Aniya at hinapit ako sa bewang.Camera dito at doon! Napakaraming taong nag aabala at karamihan sa kanila ay mukhang nagulat, ang iba naman ay masaya. "Just continue walking, don't mind them." Bulong nito kaya mas lalo akong naiilang dahil ibang-iba s'ya sa harap ng maraming tao. Napaka plastik talaga! Nang makapasok kami sa loob ay halos dinagsa na kami sa dami ng mga tao. Lahat ay nakatingin sa amin.
Venus POV"I didn't know that you're married!"Napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses sa akin. Sabay kaming napalingon ni mommy kay KD na halatang galit.Sinundan n'ya ba kami kanina pa?"Hey KD, kanina ka pa ba d'yan hijo?" Tanong ni mom sa kanya at bumuntong hininga ito bago umiling."Kakarating ko lang, ang totoo n'yan ay gusto kong pong makausap si Venus tita Elizabeth. Pwede po bang maiwan n'yo po muna kaming dalawa?"Seryoso ang boses nito at walang mababakas na kahit na ano mang pagbibiro. Napatingin muna sa akin si mommy bago tuluyang tumango bilang pag sang-ayon."O-Of course KD! I'll go ahead! Bumaba rin kayo kaagad at baka magtaka ang mga bisita." Ani ni mom at humalik muna ito sa aking pisngi bago kami tuluyang iwan."So?"Napatingin ako kay KD ng pumunta ito sa harapan ko. Nakasuot ito ng itim na tuxedo na pinaresan n'ya ng kulay pulang necktie. Bagong gupit rin ito at naaamoy
Venus POV"Kami na ni Hailey."Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at napatakip sa bibig. Ngumiti s'ya ng napaka tamis at kumindat pa sa akin."Totoo ba?" Naninigurado kong tanong ng makabawi dahil sa narinig.Mabilis itong tumango at tumawa. Natawa na rin ako at bahagyang kinilig dahil sa nalaman. Niyakap ko s'ya sa sobrang saya at agad na humiwalay."Sabi na nga ba eh!" Sabi ko pa at hinampas s'ya sa braso.Muli kaming nagsayaw habang nag-uusap patungkol sa relasyon nila ni Hailey. Kaya pala hindi ako nami-miss ng babaeng 'yon dahil may lablayp na pala!"I told you- pareho naming gusto ang isa't-isa 'no!" Kinikilig na sabi ni KD.In fairness, first time ko atang nakitang ganito ang pinsan ko. Dati kasi ay likas na babaero ito at walang siniseryosong babae."I see. Sana naman ay hindi mo saktan ang kaibigan ko. She's kind hearted, aside from that- malayo sa mga magulang si Hailey
Venus POVAlas-siete palang ng umaga ay nandito na ako sa publication company, kasama ko ngayon si Mr. Tan at pinag uusapan namin ang mga kontratang pinirmahan ko noong nakaraang linggo."Ikaw pala ang asawa ni Mr. Dawson? Naku, bakit hindi mo kaagad sinabi?" Natatawa pa ito ng banggitin 'yon.Naiilang naman akong ngumiti dahil hindi naman ako sanay na pag-usapan ang pekeng nararamdaman namin ni Sage para sa isa't-isa.Naging usap-usapan pala ngayon ang patungkol sa aming dalawa, lalo na ang article na sinasabi ni KD na inilabas kahapon bago mag umpisa ang event.Talagang pinag isipan itong mabuti ni Sage para maging maayos ang lahat. Ang hindi nila alam ay pang bayad utang lang ako ng ama ko upang maisalba ang kumpanya."Well, gusto ko pong makilala ako bilang Venus Gabrielle Amonte at hindi bilang Dawson na asawa ng isang sikat na negosyante." Sagot ko lamang at tumango ito bilang pag sang-ayon."Sabaga
Venus POV "Venus.." Napahinto ako ng makita si dad. I didn't expect na makikita ko s'ya dito. Napabuntong hininga nalang ako bago ako tuluyang makalapit sa kinaroroonan n'ya. "Can I invite you for a cup of coffee?" Pormal ang boses nito. May iilan na ding dumadaan na nangungupahan rin sa apartment at napapatingin sa amin. Wala na akong nagawa kundi ang pumayag at pumasok sa kotse. Tahimik lamang ako at wala rin namang naging imik si dad. Si mang Nestor parin ang driver ni dad hanggang ngayon. Simula ata noong ipinanganak ako ni mommy ay s'ya na talaga ang pinagkakatiwalaan ni dad. "Mang Nestor, dalhin mo nalang kami sa pinakamalapit na restaurant-"Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni dad ay agad na akong nagsalita. "Busog ako." Malamig kong sabi. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin pa ito sa akin bago muling nagsalita. "I see, sa coffee shop nalang kung saan doon mad
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan