Venus POV
"Oo nga! Madami atang inaasikaso si Sage nitong nakaraang araw dahil si Venus ang sumagot ng tawag."Napatingin ako kay KD at bahagya pang napalunok! Habang si Sage naman ay pangisi-ngisi lang at gusto ko nalang s'yang hampasin dahil sa nakakainis n'yang ekspresyon!Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi ng tumingin ito sa akin kaya sinimangutan ko lamang ito."Anyway, kamusta naman ang kaso? May usad naman ba?" Tanong ni Don Arthur at mabilis namang tumango si Sage."I won't let that bastard out of jail. Baka kung ano-anu pang kalokohan ang maisip n'ya." Seryosong saad ni Sage at napatango naman ang matanda.Nandito kami sa mansyon ng mga Dawson. Napatingin ako kay Tucker at Flinn na seryoso sa paglalaro ng baraha. Kasama ko rin ang mga kaibigan ko at maging sila ay nakilaro na sa dalawa."Kamusta ka naman hija? Do you feel better now? I hope that it won't affect your mental health." Rinig ko namang sabi ni Señora Maxima.NgumitiVenus POVKagabi palang ay inihanda na namin ni Sage ang dadalhin naming mga gamit para sa bakasyong magaganap sa Bataan! Napag-usapan naming dalawa o tatlong araw lamang kami doon pero depende parin kung hindi magbabago ang isip nila. Simpleng white terno v-neck short sleeve cropped top at ang aking high waist button down skirt. Hinayaan kong bukas ang tatlong butones nito mula sa ibaba kaya kitang-kita ang tuhod ko maging ang hita ko dahil lampas tuhod lang naman ito. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang aking mahabang buhok at naglagay lamang ako ng lipgloss at hindi na nag-abalang mag make-up pa! Nang makalabas ako sa kuwarto ay naabutan ko si Sage na prenteng nakaupo sa sofa at agad naman itong napatingin sa akin ng makita ako. "You're damn gorgeous, wife. Mukhang marami akong dudukutan ng mata mamaya!" Saad nito kaya agad akong natawa. "I'm damn serious, baby." Nang makababa ako ay agad itong lumapit sa akin at agad akong hinalikan sa noo. "Magpal
Venus POVKinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagluto. Wala rin si Sage sa tabi ko kaya agad kong tinungo ang bangyo ngunit wala rin s'ya doon. "Asan kaya s'ya?" Naisatinig ko nalang at agad na kumuha ng isang oversized shirt dahil see through ang suot. Itinali ko ang mahaba kong buhok at agad na lumabas ng kuwarto. Napadaan ako sa kuwarto kung nasaan sina Hailey at KD at nangungunot ang noo kong nilagpasan iyon dahil ang lakas ng hilik nilang dalawa. Dahan-dahan akong bumaba at hindi na ako nag abala pang buksan ang mga ilaw. Ngunit napansin kong bukas pa ang ilaw sa kusina at bahagya akong napahinto ng marinig ang mga pamilyar na boses. "Did you tell her about it?" Si Tucker at para bang seryosong-seryoso ang tono ng pananalita nito. Sumandal ako sa pader at bahagya lamang nakinig sa kung ano pa ba ang pinag-uusapan nila. "No, not yet fucker.." si Sage naman ngayon kaya bahagya akong nakaramdam ng kaba. Ano naman kaya ang pinag-uusa
Venus POVHinatak ako ni Sage papunta sa malalim parte ng dagat. Nakangiti lamang ito sa akin habang magkahawak ang aming mga kamay. "Tell me, ginayuma mo ba ako?" Nakataas ang isang kilay nito sa akin kaya pagak akong natawa. Sa ganda kong mang gagayuma pa ba ako?! Pfft.."Oh, bakit?" Nakangiti kong tanong at umiling muna ito sa akin bago ako tuluyang halikan sa aking noo. "Kasi.. patay na patay ako sayo! Siguro talagang ginamitan mo ako ng black magic!" Mapang-asar nitong sabi kaya bahagya ko itong nahampas. Sabay kaming natawa sa mga kalokohan naming dalawa. I just can't believe that I'm looking right now to the man I love! "I love you, Sage.." madamdamin kong sabi at punong-puno ng emosyon. Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mga mata nito at mas ngumiti dahil sa narinig. "I love you more, my Venus!"At hinalikan nito ang aking mga kamay. "I love everything about you- I love you for who you are, and I will love you for the re
Venus POVAfter a couple of hours, we decided to eat for a while. Ang dami naming napag-usapan, naging tawanan na alam kong babalikan namin ng paulit-ulit kapag lumipas na ang panahon. Nakapagpalit narin kami ng mga damit, dahil wala ng oras upang makapagluto ay naisipan ni mommy na omorder nalang ng mga pagkain. Puro Filipino dish ang in-order ni mommy dahil halos iyon ang request nila. Napakaliwanag din ng paligid dahil maraming ilaw ang inilagay. Ang totoo n'yan ay nakakamay kaming lahat habang kumakain. Ito ata ang unang pagkakataong napapayag si daddy pagdating sa bagay na ito. Maging si Sage ay ganoon din!"Grabe, ang sarap pala talaga nitong humba ano?" Sambit ni Tucker habang punong-puno ng pagkain ang kanyang bibig. "Kamustahin mo naman itong kare-kare! Napakasarap!" Ani ni Flinn sabay sandok muli sa kare-kare. "Wala paring tatalo sa bicol express 'no!" Nakangusong sabat naman ni KD at pawisan ang noo dahil sa dulot na anghang ng kinakain. "Ito
Venus POVNang makabalik na kami galing sa Bataan ay naging sobrang abala narin kami pagkatapos no'n, siyempre- nabitin ang trabaho at kailangang maasikaso kaagad. Si Sage naman ay ganoon din sa kumpanya at marami rin daw itong aasikasuhin. Ngunit napatingin ako sa wall clock na nakasakit sa pader, alas-onse na pala ng gabi. Napalunok ako at tsaka inalis inalis ang pagkakapatong ng kamay sa office table. Agad kong dinampot ang cellphone ko at mabilis na idinial ang numero ni Sage ngunit- hindi ko parin ito makontak magmula pa kanina. May nangyari kaya?Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa baba kaya dali-dali akong bumaba upang makita kung si Sage nga ba 'yon! Ngunit bagsak ang balikat kong makitang si Tucker pala 'yon. Nangunot ang noo ko ng makita pababa ito dala ang mga gamit ni Sage- "V-Venus?" Gulat pa ito ng mapatingin sa akin. Kumurap ito at saglit na lumunok habang matamang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Bakit dala mo ang mga gamit ni
Venus POVBagsak ang balikat kong umuwi sa bahay dahil wala naman akong napala sa ginawa ko. Bukod sa nalaman kong may traydor na nagnakaw sa kumpanya. Sino naman kaya ang gagawa no'n? Parang hindi ako makapaniwalang nanakawan sila ng ganoon kalaking halaga! Ala-una na ng gabi kaya naman nahiga ako sa kama. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Siguro ay hihintayin ko nalang si Sage. Baka inaalam nila kung sino ang may gawa noon? I should have trust him. Napahawak ako sa aking tiyan ng bigla na lamang itong tumunog tanda na ako ay gutom. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa ganitong oras pa ako nagutom! Agad akong bumaba sa kusina at sinilip ang refrigerator, may pasta at cake pa doon. Agad kong inilabas ang cake at nilantakan 'yon! This past few days ay gustong-gusto kong kumakain ng mga chocolates! Sino ba kasing may ayaw ng chocolate, aber? Kahit ata gaano na ako katanda ay mamahalin ko parin ang chocolate 'no. Matapos kong kumain ay
Venus POV Three weeks had passed at naging busy din ako sa aking pagsusulat. Bihira nalang kaming magkasama ni Sage sa bahay dahil napapadalas ang pagpupuyat n'ya sa kumpanya kasama sina Tucker at Flinn. Si Denson at Penny naman ay naisipang umuwi ng probinsya upang kamustahin at dalawin ang ibang kamag-anak bago maganap ang kanilang napagplanuhang kasal. Plano kong puntahan si Sage ngayon sa kumpanya at hatiran ng pagkain. Napapansin ko kasing palaging sa fast-food ang pagkaing binibili nito, si Flinn kasi ang mas madalas kong makausap kong nakakain na ba sila. Dahil madalas na naka-off ang selpon ni Sage dahil nga abala sa kumpanya. Napatingin ako sa harap ng aking computer, pinapanuod ko kasi ang bagong menu na plano kong lutuin para kay Sage. Kaninang umaga ay nakapamili narin ako ng mga gulay at karne sa pamilihan. Mag-isa nalang din akong nag-drive- siyempre, hindi parin alam 'yon ni Sage. Wala nga s'yang kamalayan na ginamit ko pala ang kotse n'ya noon. An
Venus POV Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang nakahawak sa bewang ko si Sage. Bahagya ko pa itong tinaasan ng kilay upang mas lalong asarin. "You'll pay for this, bitch!" Sigaw nito kaya binigyan ko lamang s'ya ng matamis na ngiti. "Umalis kana, Menuevas! Kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa security!" Galit na saad ni Sage kaya agad itong napakuyom sa kamao. "Tandaan mo Sage, magkikita parin tayo sa ayaw at sa gusto mo! You can't reject my application kaya ako parin ang mananatiling representative ng mga Baleje!" Lintaya nito at muling sumilay sa labi n'ya ang isang ngisi. "I'll make sure na mapapasaakin ka- ulit." Makahulugan nitong sabi bago tuluyang lumabas. Inis ko namang inalis ang kamay ni Sage na nasa bewang ko lamang. Nakita ko naman ang pagngiti ni Flinn at agad akong itinuro. "Grabe ha? Hindi naman ako na-inform na palaban naman pala si Mrs. Dawson!" Ani pa nito sabay na pumalakpak. "I thought you'll gonna pull her hair! D
"Here she is!"Hinalikan ko si Venus sa noo nang ipatong sa kanyang dibdib si baby. Iyak ito nang iyak ngunit tumahan rin ng maramdaman ang kanyang ina. Napahikbi na lamang ako sa tuwa. This is the most awaited moment! Finally, after of how many months! I hold her little hand. Her soft skin make me shivers. She's so beautiful! My baby is so damn beautiful! "Amaris Serenity. That will be her name." Bulong ko at ngumiti naman sa akin si Venus. "Amaris. It's beautiful."Makalipas ang ilang oras ay karga-karga ko lamang si baby Amaris. Tulog lamang ito at para bang kumportableng-kumportable dahil karga ko. "Oh my! She's so beautiful, hijo!" Komento ni lola at marahan itong hinaplos. "Indeed, la." Tugon ko at marahan s'yang isinayaw. "Mi amore? Do you want to eat more?" Rinig kong tanong ni Lucius dahil sinusubuan nito ang kanyang mommy ng apple. How sweet. Talagang big boy na ang aking unico hijo. "Thank you so much, mahal!" Nakangiti saad ni Venus at tumango. "You're welcome,
When I was young, I noticed to myself na marami pa ding kulang sa akin despite of everything I have. Nag rebelde? Yes. Naranasan ko iyan. But years after, gusto ko nang magseryoso sa buhay. "You're so lucky hijo. You found Venus. You have her. Keep her until the end." My lolo commented. Napangiti ako habang tinitingnan ang aking asawa na abala sa pakikipagkuwentuhan sa aming ilan pang mga kaibigan. Naisip kasi ni lola na mag celebrate dahil kabuwanan na nga ni Venus. Dito na rin sa mansyon ginanap ang munting salo-salo para sa aming lahat. "I know lo. Ako na ata ang pinakamasuweteng lalaki sa buong mundo." Nakangiti kong saad. Nakita ko ang pagsimsim ni lolo ng red wine at napangiti rin ito. "You know why I forced you to get married years ago?" Tanong nito kaya napahinto ako. Wala akong ibang ideya kung hindi para lamang sa mamanahin ko noon. Iyon lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ako nais ipakasal ni lolo? "Dahil sa mamanahin ko?" Halos bulong ko nang saad at nar
Venus POV"Sage! Wake up!" Malakas kong inalog ang katawan nito habang nasa mahimbing na pagtulog upang agad s'yang magising. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. "W-What is it wife?" Tanong nito at marahang bumangon at naupo. "Gusto ko ng kamias.." nakanguso kong saad at para bang awtomatikong nawala ang antok nito dahil sa narinig. "Nang alas-dos ng madaling araw, wife?" Gulat pa nitong tanong kaya marahan akong tumango. "Alright, if that's what my baby want- my baby gets."Ani nito at agad na tumayo at humalik muna sa akin bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa ay narinig ko na ang makina ng sasakyan nito paalis kaya agad akong sumilip sa bintana at nagdarasal na sana ay may mahanap s'yang kamias. Hihikab-hikab akong lumabas nang kuwarto at isa-isang binubuksan ang mga ilaw sa aking dinadaanan. I am now ten weeks pregnant. Noong nakaraang linggo lang namin nalaman ni Sage na buntis na pala ako kaya sobrang sensitive ko- maging sa pang
Venus POV "Napakaganda mo anak!"Napangiti ako nang makita ko si dad. Namumula ang mga mata nito na tanda na galing sa pag-iyak. "Salamat dad!" Nakangiti kong saad at hinawakan nito ang aking kanang kamay. "I dreamed about this for you, sweetheart. I want you to be happy, I want your heart to be happy.." bulong nito kaya marahan akong napatango. Nangilid ang aking luha kaya naman tumingala ako upang maiwasan ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata."Oh my! I'm so happy baby!" Impit na tili ni mommy ngunit kalalip no'n ay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. "Ang tagal kong hinintay ito, Venus. Seeing you with that wedding dress- sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.." Alam kong napakasaya nila sa araw na ito. Maging ako rin ay samut-saring emosyon ang nararamdaman. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba sa loob nang aking tiyan. Hindi ako mapakali. "Thank you mom and dad! Salamat dahil nandyan kayo!" Agad ko silang niyakap. Ang akala ko noon ay hindi ko na mararanasa
Venus POVMarahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad rin akong napapikit nang tumama sa aking mata ang nakakasilaw na liwanag mula sa kisame. Bahagya pa akong napahawak sa aking talukap dahil sa panunubig ng aking mga mata dulot ng paghapdi. Muli kong sinubukang dahan-dahang dumilat. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng paligid, tama nga ang nasa isip kong nasa ospital ako-"Doc! She's awake!"Napatingin ako sa pinto at doon ay nakita ko ang isang matangkad na babae na medyo may katabaan. Nakaputi ito na uniporme at agad na tinakbo ang direksyon ko. She's checking me out. Pumasok rin sa loob ang doctor na tinawag nito sa labas at bahagya pa itong ngumiti sa akin. "I'm glad that you're awake Mrs. Dawson.." malumanay nitong saad ngunit hindi ito ako umimik. I tried to open my mouth, ngunit agad ko rin isinara nang makaramdam ako ng paghapdi sa aking lalamunan. "I'll get some water doc!" Ani naman ng isang nurse na ikinatango ng doktor. "It's normal na mamalat ang lala
Venus POV Namuo ang pawis sa aking buong katawan. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagsak sa sahig katawan ni Aira. Dilat ang mga mata nito at hindi na gumagalaw at butas rin ang noo nito dahil sa bala ng baril na pagmamay-ari ni Barron! "Oh? Ano pang tinutunganga n'yo? Iligpit n'yo 'to!" Sigaw nito habang nanlalaki ang mga mata at pawisan ang kanyang noo. Ni hindi man lang ito kumurap ng binaral n'ya si Aira sa mismong noo nito! Agad na nagsikilos ang ilan n'yang mga tauhan at tsaka naman ibinaling ang tingin sa akin. Ngumisi ito at agad na inilagay sa kanyang tagiliran ang baril na ginamit sa pagpatay. "Nakaganti ka na Venus! Siguro naman ay hahayaan mo na akong angkinin ka?" Nakakapangilabot nitong sabi kaya bahagya akong napaatras. "Hayop ka talaga!" Singhal ko at ngumisi lamang ito sa akin. Agad itong tumalikod sa akin t hinarap naman ngayon si KD. Galit na tumingin sa kanya sa KD at agad naman s'yang nakatikim ng suntok sa simura habang hawak si KD ng dalawang lalaki.
Venus POV"Hoy! Gumising ka!"Agad akong napamulat ng mga mata ng maramdaman ang mabigat na palad na dumampi sa aking pisngi. "H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan baka tukusin ko 'yang mga mata mo! Pabalik na rito si Barron, kaya dapat lang na imulat mo na 'yang mga mata mo!" Singhal sa akin ni Aira- ang kaibigan ni Barron. Inis ko lamang iniwas ang aking mga mata at inilibot sa paligid ang aking paningin. Tatlong araw na akong nakakulong rito. Wala silang ibang ginawa kundi ang bugbugin ako at sapilitang ipainom sa akin ang kung ano man gamot ang basta na lamang nilang isinasalpak sa aking bibig. "Ano namang meron? Kapag ba dumating si Barron ay maiisipan n'yo na akong palayain? Wala naman atang magbabago!" Inis kong saad ngunit narinig ko ang pagak na pagtawa ni Aira at marahas na hinawakan ang aking buhok."Wala nga! Dahil mabubulok ka na rito! Kung puwede nga lang kitang ilibing ng buhay ay baka ginawa ko na! Tutal wala ka namang silbi!" Aniya at agad na binitawan ang aking buhok.
Venus POV"Anong pakiramdam na malapit ko ng makuha ang paghihiganti na gusto kong mangyari?" Nakangising tanong ni Barron habang habang ang isang sigarilyo sa kaliwang kamay habang ang kanang kamay nito ay may hawak na baril. Napalunok na lamang ako dahil baka bigla na lamang ako nitong maisipang barilin. Gusto ko pang mabuhay. "Tumigil ka na lang Barron. Magbago ka na!" Singhal ko ngunit namayani lamang ang boses nito sa buong kuwarto. "Magbago? Magkamatayan na pero hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan Venus! Ipinusta ko na rito ang buhay ko! Kaya hinding-hindi ako papayag na hindi mangyari ang mga planong inihanda ko!" Sigaw nito at agad na humithit sa sigarilyo habang nanlalaki pa ang mga mata sa galit. "W-Wala akong kasalanan sayo! Pero paulit-ulit mo akong ginugulo!"Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil hindi na kayang dalhin ng puso ko ang labis na emosyon. Naninikip anh dibdib ko sa mga oras na ito at pagkamuhi ang labis na aking nararamdaman sa tuwing titingin
Venus POVNagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok na naman ang dalawang lalaki na naglagay sa akin dito. "A-Anong kailangan n'yo?" Tanong ko at mas lalo pa akong nagsumiksik sa sulok. May hawak silang isang mahabang lubid kaya mas lalo akong nakaramdam nang kaba sa aking dibdib. "Dumating na si boss! Gusto ka raw n'yang makitang humihinga!" Sagot ng isa sa kanila at muling naghalakhakan. Marahas akong dinampot nang mga ito at sapilitang itinayo. Kahit anong panlalabang gawin ko ay wala ring silbi dahil mas malalaki ang katawan nila kumpara sa akin at mas malakas. Agad nila akong kinaladkad palabas. Napakahigpit nang pagkakahawak nila sa akin at halos matisod na ako sa paglalakad ngunit wala silang pakialam. May narinig akong mga tawanan. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakita ko ang ilang kalalakihan na nag iinuman at agad kaming huminto sa paglalakad. "Boss!" Tawag ang lalaking mataba na may hawak sa akin. Dahan-dahang humarap sa amin ang bukod tan