Javi's POVPagkalapag namin, tanghali na dito sa Pilipinas. Hay! Nakakamiss ang amoy pulosyon! Choss lang! Pero namiss ko ang Pilipinas."Mama! It's hot po, can I remove my coat and other clothes?" tanong ni Jash. Natawa lang kami kasi naman talagang malamig sa Korea dahil na din December na kaya ung suot n'ya hoodie na pinatungan ng sweat shirt at coat."Sorry na Jash, nakalimutan kong mainit pala sa Pilipinas. Malamig naman kasi sa Kore," rinig kong tugon ni Leah habang hinuhubad ung coat at sweat shirt ni Jash. Ipinaiwan ko na lang ung hoodie dahil mainit at nakakapaso na ang sinag ng araw."It's okay, Ate Leah. I'm not mad at you," sabi naman ng anak ko at nginitian pa si Leah. Ngumiti lang naman din si Leah bago inayos ang damit ni Jash na hinubad."Let's go na. Gelo is already there," sabi ni Papa kaya naman naglakad na kami habang hila ni Papa ung gamit namin. "Ikaw, Leah? May magsusundo ba sayo?" tanong ni papa kay Leah."Meron po Sir. Nandyan na din po," saad n'ya kaya naman
Javi's POV"Papa..." tawag ko sa kan'ya dahil sa sinabi nya. "Okay lang sayo na magkita si Jash at ung tatay n'ya?""Anak, kailangan 'yun ni Jash. Baka magalit ang anak mo sa'yo pag inilayo mo s'ya nang inilayo sa tatay n'ya at paglaki n'ya pa malaman na napakalapit lang pala nu'n sa kan'ya," saad ni Papa habang hinahaplos ung ulo ko. "Magstay na kayo dito. Para naman may magawa itong Kuya mo. I know he miss you a lot, Javi."Kusa ako napatingin kay Kuya na nakatingin sa'kin."Should we stay Kuya?" tanong ko sa kan'ya."Yes," mabilis na sagot ni Kuya sa'kin.I love Kuya Gelo so much.. he bacame my father and mother at the same time when our parents decided to separate. Kahit naman na kay mama kami hindi naman din kami ganu'n natutukan ni mama dahil kailangan nyang magtrabaho kaya si Kuya Gelo ang gumagawa ng mga dapat ginagawa ng parents namin sa'kin.I don't want my brother to be sad too. Tama naman sila, si Louie lang naman ang may kasalanan at dapat kong tinataguan at hindi sila, k
Gelo's POVIsang linggo na ang nakalipas nung bumalik sila Javi sa Korea, at nandito ngayon sila Leah at Jash sa bahay. Nakakatuwa dahil nagkaroon ulit ng buhay 'tong bahay. Simula kasi nang umalis si Javi dito nawalan na din ng buhay 'to. Wala ng makulit na laging nagpapatugtog ng sobrang lakas. Nakahit kaming magkakaibigan natatawa na lang pag naririnig namin s'yang kumakanta.'Di na rin kasi gaano tumatambay o pumupunta dito 'tong mga kaibigan ko. Dahil nagkaroon na ng trabaho."Nakakatuwa si Jash, matalino at masayahin. Sarap ng may bata sa bahay 'no?" saad ni Liam, tumango tango lang ako sa kan'ya dahil totoo naman 'yun.Paggaling akong trabaho tapos maabutan ko s'yang naglalaro, tapos tatakbo sa'kin. Parang ako ung tatay, nakakaibsan ng pagod. Panigurado namimiss na 'to ni Javi dahil nakwento ni Papa na minsan late na nauwi si Javi at tinatabihan si Jash at pag restday nung isa lagi silang nag bobonding."Totoo 'yan! Buti nga namana ni Jash kay Javi ung pagiging palangiti at bib
Javi's POV"YEAH! Hapon na ang dating ko d'yan, since my flight here is noon time," saad ko kay kuya dahil bukas na ang uwi ko sa Pilipinas.Tapos na ang internship ko at iemail na lang ung ibang requirements and certificate ko for board exam. Medyo madami lalo na sa ibang bansa ako nag aral at pumasok ng internship ko.[Okay! Just call me. I'll bring Jash tapos gusto sumama nung tatlo sa pagsundo sayo] pahayag n'ya pero mukhang yamot.Nabalitaan ko na halos hindi na umaalis ung tatlo sa bahay dahil kay Jash. Lalo na pagwalang pasok lagi silang nandu'n. Kulang na nga lang daw na du'n na tumira parang noon pero ang lagi talaga sa bahay ay si Kuya Kiefer dahil wala ata s'yang layag ngayon. Seaman kasi si Kuya Kiefer."Okay lang, Kuya. Para may taga buhat ng gamit. Sige na! See you tomorrow," biro ko at nagpaalam na.Tulog na din kasi si Jash dahil gabi na. Magliligpit din ako ng mga gamit ni Jash na iba. Dala ko ung mga painting na ginawa n'ya dahil binilin n'ya 'yun sa'kin. Tss! Mana
Javi's POVNagising ako nang wala na si Jash sa tabi ko. Panigurado bumaba na 'yun kaya naman naghilamos muna ko bago lumabas ng kwarto. Nakakarinig ako ng usapan pero hindi ko marinig ung boses ni Jash."Kuya? Nandyan ba si Jash?" sigaw ko dahil baka wala doon. Wala naman din akong narinig na sagot galing sa kanila kaya nagderederetso ako pababa."Nasaan si Kuya at Jash?" tanong ko du'n sa tatlo na parang nakakita ng multo sa pagkaputla. "Anong nangyare sa inyo? May multo ba dito sa bahay?" dagdag ko pa."Multo ng nakaraan," tugon ni Kuya Kiefer kaya kumunoot ung noo ko. Anong multo ng nakaraan? Tss! Buang 'to si Kuya Kiefer."Ewan ko sayo. Nasaan sila Jash?" tanong ko sa kanila ulit."Lumabas," mabilis na sagot ni Kuya Liam.Bakit parang natataranta 'tong mga to?!"Ah! Pero teka! Ano bang problema n'yo at para kayong natataranta?" iritang tanong ko. Ngumiti lang naman sila sa'kin. Magsasalita pa sana ako nang makita ko si Kuya at Jash papasok. "San kayo galing?""Dyan lang sa laba
Javi's POVNatapos na akong magluto at si Jash nakaligo na din. Naligo s'ya para daw mabango s'ya pag niyakap s'ya ng papa n'ya, excited ang anak ko. Nakakausap naman na n'ya ung papa n'ya. Ako nagpalit na lang ng damit. Wala namang aamoy sa'kin.Nasa likod bahay na silang lahat at ako pababa pa lang kaya naman nang may kumatok kahit ayaw kong ako ang magbukas, no choice.Huminga muna ko nang malalim bago buksan ung pinto. Pagbukas ko, bumungad sa'kin ang lalaking hindi mawala wala sa isip ko. Gumulo sa pagkatao ko at ang tatay ng anak ko. Nakatitig lang din sa'kin at ganu'n din naman ako sa kan'ya.Sabay naman kaming napakurap kurap nang may tumikim sa likod ko."Baka gusto n'yong pumunta na sa likod," rinig kong usal ni Kuya Liam kaya naman tumalikod ako bago magsalita."Pasok," Ayun lang ang nasabi ko tapos naglakad na. Nakarinig ako ng tawa galing kay Kuya Liam pero 'di ko pinansin. Ramdam ko na lang nakasunod sila.Nang makarating kami sa likod. Agad na lumapit sa'kin si Jash
Louie's POV"Anong ibig mong sabihing wala kang asawa at anak? Noong nagkita tayo sa mall may tumawag sayong daddy. Tapos tinanong mo kung nasaan ung Mommy n'ya. So ano 'yun?" nakakunot noo n'yang tanong.Huminga muna ko nang malalim bago ikwento sa kan'ya lahat."Listen, okay?" saad ko, tumango s'ya kaya du'n na ko nagsalita ulit.Flashback (5 years ago)"Louie, come here join us para sa'yo ang party na 'to kaya halika dito," yaya sa'kin ni Mommy.Tsk! Hindi ko naman gusto 'tong party na 'to. Sila lang ang may gusto nito kasi makakasama nila ung mga amiga nila. Kung sana nandu'n ako kila Loe, edi nakasama ko pa ung mahal ko. Panigurado dalawa lang sila ni Gelo na nagcecelebrate dahil may kan'ya kan'ya din naman ung tatlo ng celebration. Namiss ko tuloy bigla si Loe kahit kakakita lang namin kahapon, namimiss ko na s'ya.After kasi lumabas nung result ng board exam namin, nagdecide sila Mommy na magparty at yayain ung mga kaibigan nila dahil nakapasa ako."Hi Louie. Wanna drink?" tan
Louie's POVContinuation of Flashback"Ahm.. Louie, saan ako matutulog?" tanong ni Natalie nang makalipat kami sa condo ko. I stared at her blankly."D'yan ka na sa kwarto, dito na ko sa sofa. Buntis ka kahit naman hindi akin 'yan. Ayoko naman maging masama sa kan'ya," tinatamad na saad ko at ipinapatuloy ung ginagawa ko."Ayaw mo pa din bang maniwala na sa'yo 'to?" saad n'ya at mukhang iiyak na."Ayoko na makipagdeskusyon sa bagay na yan, Nat. Niloloko mo lang ang sarili mo," usal ko at tumayo dahil tapos na kong mag ayos ng mga libro ko.Naging ganu'n ang set up namin. Ganu'n pa din ako; papasok, uuwi, mag iinum habang umiiyak at matutulog. Wala ng buhay!Wala akong pasok kaya nandito ako sa condo. Hindi ko naman pinapabayaan si Nat. I actually give her what she wants and needs, she still insisting that I'm the father of her child. Kawawa naman ung bata. Wala pa nga, pinagkakaitan na. 'Di na lang ako nakikipagtalo about du'n basta alam kong hindi sa'kin ung bata dahil walang nangya
LOUIE"KUYA! Where's Ate Javi?"Bungad na tanong ni Louis sa akin nang makapasok ako sa bahay namin. Matapos ko kasing pagaanin ang loob ni Loe ay nakatulog ito kaya naman pinatingin ko na lang muna siya sa isang nurse dahil nga uuwi ako."Nasa ospital," tugon ko at hinanap ng mata ko si Jash mukhang nasa kwarto niya iyon."Why? Is everything okay? May nangyari ba kay ate?" tanong nito na siyang nagpabalik ng tingin ko sa kan'ya.Malungkot akong tumango na ikinagulat nito."What happened, kuya?""She's pregnant…" paumpisa ko."Really? Hindi ba da–""But we have to remove the baby before both them go in danger,"My voice started cracking while telling him about the removal. Ngayon ko lang hindi napigilan ang iyak ko dahil ayokong maging mahina sa harap ni Loe."Kuya… why?" tanong muli nito at doon ko na sinimulan ang kwento na siyang nagpagulat din sa kan'ya.Sinabi ko din na wala ng magagawa dahil hindi na pwede ang itulak pa kaya ang tanging option lang ay tanggalin ito."Can you tak
LOUIE"KUMUSTA na si Gelo?" tanong ni Liam nang pumasok sa bahay.It's been one month matapos ang operasyon ni Gelo sa Korea at napagdesisyunan nilang mag-anak na doon muna si Gelo habang nagpapagaling, lalo na sabi ni Dr. Jung na need pa din na obserbahan si Gelo.Kami naman nila Loe ay umuwi na din ng Pilipinas. Ayon din naman ang gusto ni Gelo, he wants Javi to live her life kaya naman pinalayas niya ang pamilya namin ni Javi doon. Biro lang doon sa pinalayas, ayaw niya lang na mag stay kami doon dahil may sarili daw kaming buhay.Naalala ko nga na 1 week pa na natapos ang operasyon niya gusto na nitong bumalik dito sa Pilipinas para hanapin sila Alice pero pinagalitan siya nila Dr. Jung. Mabuti na lang talaga at sumunod iyon."Okay naman na siya ngayon dahil may mga bantay doon at naka subaybay din si Loe sa kan'ya kahit nandito sa pinas," tugon ko."Mabuti kung ganon, nasaan pala mag-ina ko?" tanong nito."Nandiyan sa taas, susunduin kasi ni Luis si Jash kaya naghahanda ng gamit
4 years laterLouie's POV"Louie! Bilisan mo. Baka malate tayo. Ay naku!" inis na sigaw ni Loe dahil nasa loob pa ako ng bahay at sila naman nila Jash ay naglalakad na papuntang kotse."Yeah! Coming," sigaw ko pabalik. May hinanap lang naman ako. Nung nakita ko na agad din naman akong lumabas at sumakay sa kotse.Tinignan ko isa isa ung mga anak ko pati ung asawa kong nakatingin din sa akin. Ang ganda talaga! Sarap ikiss! "Let's go na, Pa. The kids are waiting for sure," saad ni JashSi Jash na halos binata na din talaga. He's now 13 years old.Si Lev naman ay 6 years old, going 7. At ang Milan namin ay kaka4 years old lang."Sus! May gusto ka lang makita do'n eh," biro ng Mama n'ya sa kan'ya. Ngumuso lang naman si Jash tapos tumutok sa pinapanuod ng mga kapatid n'ya.We're going to the orphanage where the kids have cancer because our Mom is one of the doctors sa charity na kasama s'ya. Kaya we also volunteer na sumama para makatulong.Nagdrive na ko papunta do'n sa medical mission n
Louie's POV"It feels so good nung nawala na ung simento sa braso ko." Nakangiting sabi ko kay Dr. Dizon.Ngayon kasi ung removing ng casting ko dahil gumaling naman na ung aking braso. Hindi naman din naman nagtagal dahil sobrang istrikta ng doctor namin sa bahay lalo na at buntis pa kaya mas mataray at istrikta."Magaan ang pakiramdam dahil mabigat ung cast mo. Hahaha. Mukhang magaling talagang mag alaga ang asawa nyo Mr. Fernandez. Gumaling agad ang braso nyo." Natatawang sabi nya. Natatawang tumango tango na lang ako."Yes. She is. Pag sinabi nyang bawal bawal." Sabi ko pa at tumayo na dahil pupuntahan ko pa pala un. "Thank you again, Dr. Dizon." Pasalamat ko sa kanya."No worries, Mr. Fernandez. See on your follow up check up." Nakangiting sabi nya at kinamayan ako. Tumango naman ako at naglakad na palabas patungo sa clinic ng maganda kong asawa.Pagdating ko dun sa labas ng clinic nya. I asked the nurse in charge her if she has a patient. Meron daw kaya nag intay muna ko sa laba
Javi's POVIlang araw lang ang nilagi ni Kuya at Louie sa hospital, nung araw na lumabas si Kuya ganun din si Louie dahil okay naman na s'ya. Ung braso n'ya babalik na lang namin after 2 weeks.Ako naman tapos na ang force leave at balik trabaho na naman. Ayoko pa nga pero wala akong magagawa dahil tapos na ang leave na binigay sa akin. Pinilit na lang din ako ni Louie dahil magreresign na din naman ako.Pero ngayong araw nagpaoff ako dahil it's Jashua's birthday. Sinabi ko sa mga kasama ko na wag akong tatawagan dahil birthday ni Jash kaya sumang ayon naman sila. And now I'm baking his favorite chocolate cake. Kakauwi ko lang galing hospital.Tinignan ko ung oras it's just 5am in the morning. Pero magbebake na ko para pag gising n'ya he will blow his cake. Mamaya din ung dinner namin dito sa bahay and isasabay din namin sa announcement about sa baby no.4 namin ni Louie.So I prepare all the ingredients needed then nagstart na. Habang nagmimix ako ng batter bigla naman may yumakap sa
Javi's POVHumahagulgol ako nang iyak habang dahan dahan na lumalapit sa hospital bed na nirerevive. Louie naman bakit naman iniwan mo kami agad. Iiyak na sana ako ulit nang biglang tapikin ni Kai ung balikat ko."Doc, kilala nyo po ba ung nirerevive?" tanong n'ya sa akin kaya tinignan ko s'ya nang masama."Asawa ko yung nirerevive diba?! Ano ba Kai!" inis na sabi ko. Tapos bumalik ulit ung atensyon ko do'n sa hospital bed."Ha? Eh ayun si Engineer," saad n'ya kaya mas tumingin ako sa kan'ya nang masama tapos tumingin do'n sa tinuturo n'ya.At mukha akong tanga! Dahil nakikita ko ung asawa ko na natatawa kasama si Nurse Joy at Val na natatawa din.Tinignan ko naman ulit si Kai nang masama habang nagpupunas ng luha. "Bakit hindi mo agad sinabi?! Kai naman eh! Mukha akong tanga!" saad ko at hinampas pa s'ya."Bigla ka kasing tumakbo dito. Hindi ko naman alam na yun ung akala mo," natatawang sabi n'ya habang sinasalag ung hampas ko."Ewan ko sayo," saad ko tapos nag lakad papalapit kay L
Javi's POV3 days had passed and Kuya Gelo is already awake. Nagising din s'ya kinabukasan after ng operasyon n'ya. nandito na din si Papa at tuwang tuwa na may halos inis nung nalaman na may anak si Kuya Gelo. Hindi na din daw kasi bumabata si Kuya kaya masaya s'ya na may Lance.Tatlo na daw ang apo n'ya at puro lalaki. Pinagalitan pa nga si Kuya nang nalaman na pinagtabuyan ni Kuya si Ate noon. Tiklop si Kuya eh."Naku Angelo Lance! Ung galit ko kay Louie nung nabuntis n'ya si Javielle, sobra pero hindi pala dapat dahil ikaw din pala ay may ginawang kagaguhan," inis na sigaw n'ya kay Kuya. Agad ko naman s'yang nilapitan."Pa, May mga bata," bulong ko sa kan'ya natawa lang naman sila Kuya dahil sa reaksyon ni Papa. Wala din naman kasi si Louie ngayon dahil may visit s'ya sa site nila kaya si Papa ang bantay nung dalawang bata pero pupunta din yun dito mamaya."Pa naman. Tapos na po yun. Hindi ko na gagawin. Pag galing na pagaling ko dito. Mag papakasal kami ni Alice. Promise," saad n
Javi's POVToday is Kuya Gelo's surgery at katulad ng napagpas'yahan ni Diretor Lopez. Hindi ako ang mag oopera sa kan'ya, also the hospital gave me a force leave! 5 days! Wala akong nagawa kahit ang dami ko nang pinaglaban about do'n. Masyado daw personal sa akin kaya yun ang ginawa ni Director.Gumawa ng paraan si Rylite para mapagaan ang loob ko. yung dating team namin ang kinuha n'ya na Team. Si Rylite, si Valencia, Jandee, Kai at Joy ang kinuha n'ya. Kaya naging palagay ako. Hindi naman tumutol si Director pagdating do'n.yung force leave ko sinakto pa ng Hospital na araw mismo ng operation ni Kuya. Kaya heto ako at nakaupo sa couch habang naka surgical uniform pa. Dahil kakatapos lang ng duty ko at may inoperahan ako. Napaka daya talaga! Hanggang ngayon nagdaramdam pa din ako. "Good morning po," bati ni Kai nang pumasok s'ya sa kwarto ni Kuya. "Hi Doc Javi, kakatapos lang ng duty mo?" Nakangiting tanong n'ya."Yep! 5 mins ago," nakangiting usal ko din. "Nakaduty ka pa? Dapat hi
Javi's POVNandito ako sa bahay namin nila Kuya at kaharap ko ngayon si Kuya habang si Ate Alice ay umiiyak. Pinapunta ako dito ni Kuya dahil gusto daw ako makausap ni Ate Alice about sa sakit n'ya.2 weeks na ang nakalipas nung New Year at next week na ang surgery ni Kuya.Sinabi na din n'ya kay Ate at ayaw maniwala nito kaya pinapunta n'ya ko. Naawa ako kay Ate Alice, nasaksihan ko din kasi silang mag usap ng about sa nangyari sa kanilang dalawa noon at kung gaano pa nila kamahal ang isa't isa."Don't cry too much, Alice. Hindi pa naman ako mamamatay. Magaling yung surgeon ko, right?" usal ni Kuya habang nakatingin sa akin.Eto na naman tayo! Inirapan ko lang si Kuya kaya natawa s'ya."Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kan'ya, Ate." pagpapagaan ko ng loob ni Ate Alice."I know that. But what if your heart stop again? Maaagapan pa ba yun?" tanong n'ya kay Kuya."Maaagapan pa yun, Ate! Hindi mamamatay yan si Kuya. Masamang damo yan eh," saad ko kaya naman nakatikim ako ng