Louie's POVNatatawa tawa na lang ako nang nagmamadaling pumasok si Loe pagkaabot ko sa kan'ya ng damit. Ang cute lang talaga ni Lorraine. Wala naman akong balak sa kan'ya na masama pero kung gusto naman n'ya pwede naman. Joke lang!Medyo matagal si Loe sa shower, mukhang ayaw lumabas pero nang lumabas s'ya parang ako naman ang ayaw pumasok ng shower dahil she looks so f*cking hot in my clothes. Yare!"Magshower ka na. Wag mo kong tignan ng gan'yan!" inis na turan n'ya dahil nakatitig lang ako sa kan'ya."Sorry, yeah! Shower na ko," saad ko at nagmadali ding pumasok ng shower room. Shit! Nag iinit na naman ako.Pwede naman na ulit pero ayoko. Malapit na din naman ang kasal namin kaya mag iintay na lang ako. Nag babad lang ako sa shower at pinahupa yung init ng katawan ko. Dahil kung hindi baka hindi na din ako makapag antay.Tinapos ko na yung paliligo ko at nagbihis tapos lumabas. Pero paglabas ko ng shower. Wala si Loe. Asan yun? Lumabas na naman siguro.Lumabas na lang din ako ng
Louie's POV"Ma," tawag ko sa kan'ya, kaya gulat naman s'yang napatingin sa akin.My Mom and I are close. Mas close talaga kami kesa kay Dad, sa kan'ya ko unang sinabi na may gusto ako kay Loe. Nung umamin ako at nakuha ko yung first kiss ni Loe, sinabi ko sa kan'ya dahil wala akong ibang mapagkwentuhan ng saya ko. Nung nakuha ko si Loe, yung may nangyari samin, sa kan'ya ko sinabi. Natatandaan ko pa sinabi ko na 'Ma, pagdi umeffect yung pills na ininum n'ya. May apo ka na next month. Nilahat ko sa loob' natawa lang s'ya nun pero pinagalitan ako kalaunan."Anak, may gusto ka ba?" tanong n'ya. Umiling naman ako para sabihing wala akong gustong kainin. "Ahm. Nauuhaw ka? Sige inum ka na. Aakyat na din ako," saad n'ya tapos tatalikod na sana."Ahm! Ma, pwede po ba tayong mag usap?" tanong ko sa kanya. Dahil alam kong hindi s'ya ang unang magsasalita saming dalawa dahil nga sa mga ginawa ko. Mukha namang napatigil s'ya at dahan dahang lumingon sa akin."Oo naman, anak. Anong pag uusapan na
Javi's POVToday is the day we've been waiting for. The wedding."Kuya, kinakabahan ako," saad ko. Nandito pa kami nila Kuya sa bahay at inaayos yung damit ko.Garden wedding is the theme of our wedding. Isa din to sa inaasikaso namin 3 months bago yung exam ko. I'm helping Louie about this, nagsabi pa ko sa kan'ya na kahit sa west lang muna dahil wala pa naman akong maiaambag but he insisted na ituloy yung balak namin noon na garden wedding and he doesn't care kunng may share ako o wala dahil s'ya daw ang lalaki at s'ya ang gagastos. So wala na kong magawa."Relax lang, Anak. Ang ganda ganda mo," saad ni Papa dahil si Kuya tinawanan lang ako."Oo nga, Javi! Ganda ganda mo oh! Relax lang," saad ni Kuya nang makarecover na s'ya sa pagtawa n'ya sa akin.Nakakakaba kaya! Akala n'ya. Nag usap lang kami saglit bago umalis ng bahay. Kasama ko sa kotse si Jash at hawak hawak n'ya yung kamay ko. Tinignan ko yung itsura n'ya at natutuwa ako kasi nakangiti s'ya."Are you happy, baby?" tanong ko
Javi's POVWala akong sinabi pagkatapos kong marinig yung sinabi ni Kuya. Ayokong magsalita dahil may point s'ya. Mahirap nga naman ang pinagdadaanan ni Louie. Kaibigan n'ya si Kuya at mahal n'ya ko. Nung nalaman n'ya pa may problema kami pareho."Jav, Walang kasalanan si Louie, hindi mo dapat sinabi yun," basag n'ya sa katahimikam naming dalawa."I didn't mean that Kuya. I didn't want him to get hurt," saad ko at yumuko. Hindi ko naman sadya yun mga sinabi ko. Aminado akong mali, kakasal lang namin tapos may away agad kami."You should think before you speak, Javi. Wala pang 24hrs na mag asawa kayo. Ayan nga at nakawedding dress ka pa. Tapos sasabihin mo sa harap ni Louie na kaya mong ihinto yung kasal n'yo na matagal n'yong hinihintay. Na matagal na n'yang pinagplanuhan. Wala pa kayo ni Jash dito, planado na yun. yung bahay na titirhan n'yo gawa na. Matagal n'ya kayong inantay ni Jash na makasama, nung natupad na biglang sasabihin mo na 'i can turn my back, kaya kong ipagpalit tong
Matured Content Ahead... Read at your own risk :)Louie's POV"Samahan mo kong magshower," malambing na usal n'ya kaya bigla akong natigilan sasagot pa lang sana ako pero nakalapat na yung labi n'ya sa labi ko.Fck! I can't resist her! I miss her so much. Matagal na kong nagpipigil at nadagdagan yun dahil sa nangyari kay Gelo pero matagal ko na 'tong inaantay ang makaisa ulit ang babaeng mahal ko. Shit! Hindi ko na to papalampasin.Kaya naman tinugon ko na yung halik na binigay n'ya, hinawakan ko yung bewang n'ya para suportahan s'ya pero hindi ako nakontento kaya dahan dahan ko s'ya inangat at kusa naman pumulupot yung mga binti n'ya sa bewang ko."I've been waiting for this to happen," namamaos na usal ko nang maputol yung halikan namin. Ngumiti lang siya sa akin."I'm sorry kung pinaghintay kita ng matagal," saad n'ya, ngumiti na lang din ako at hinalikan siya ulit. Mas mapusok na tinugon n'ya din nang mapusok na halik.Naglakad na ko sa shower room na kahit kagagaling ko lang dito
3 years laterJavi's POV'Paging Dr. Fernandez and Dr. Valdez, please go to the emergency area.'Rinig kong usal ng speaker kaya agad akong tumayo at kinuha ang hospital gown ko at nagtungo sa Emergency Room ng hospital."Bakit kaya tayo pinatawag?" tanong ni Dr. Valdez sa gilid ko."Hindi ko din alam, Ry. Baka may emergency na naman," saad ko kaya naglakad na kami pareho.Oo. Naging emergency surgeon ako, general surgeon kung baga. I can perform any surgery but my main focus is Neurosurgeon."Hi," bati ko du'n sa nurse na nakaduty sa frontdesk ng ER."Why did you call us?" tanong ni Ry."There's a patient here need to consult you, Dr. Fernandez and Dr. Valdez, si Nurse Kai po need ng tulong sa patient na kakarating lang. Medyo matigas po ang ulo," saad ni Nurse Joy."Ow. Kaya mo na yan, Ry." pang aasar ko kay Rylite. Tapos humarap ulit kay Nurse Joy. "Asan yung magkoconsult?" tanong ko sa kan'ya."Nasa clinic po ni Dr. Ge, pediatric patient po kasi. Punta na lang daw po kayo," saad n
Javi's POV4 days since we met Ate Alice and Lance. Kinabukasan no'n nakuha na din namin yung result ng MRI ni Lance and hindi nga ako nagkamali, may parehong kondisyon si Lance at Kuya."Javielle, are you the one who will do the surgery?" tanong ni Kuya habang nandito sila nila Ate sa clinic ko. Kasama naman ng asawa ko yung tatlong bata."Yes, Kuya. Kaya naman sa hospital na to," saad ko. "Don't worry, Kuya. I'll do everything to make Lance safe," nakangiting usal ko. "Ayokong may mawala na naman sa pamilya ko.""I know, Thank you," tugon naman ni Kuya sa akin. Hinawakan naman ni Ate Alice yung kamay ko."Javi, please save my son.." naluluhang usal n'ya kaya hinawakan ko yung kamay n'ya."Gagawin ko ang lahat, Ate." Nakangiting usal ko.Sabay sabay naman kaming napatingin sa pinto nang bumukas yun at pagod na mukha ng asawa ko ang bumungad samin kasama ang tatlo na nakangiti. "Kaya pa?" tanong ko sa kanya. Umiling naman s'ya. "Ang dami nilang gustong gawing tatlo. Iba iba pa!" saa
Javi's POVIt's December 31, 4hrs before New Year and we all here sa bahay namin nila Louie.Pag sinabi kong kumpleto, as in kumpleto!From Family of Kuya Gelo to Family of Kuya Liam to Family of Kuya Van to Family of Ours. Wag na natin isama si Kuya Kiefer, single naman."Nakakainggit masiyado," saad ni Kuya Kiefer habang nakatingin kila Kuya Gelo, Ate Alice at Lance. Natawa lang ako dahil kami lang naman ang magkatabi ngayon at umiinom ako ng soju. Tinago ni Louie ung mga beer, wag daw ako uminom nang wala siya tabi ko."Kailan ka kaya, kuya?" tanong ko sa kan'ya."Yaan mo, Jav! Pag ako talaga nagka jowa. Ipapakilala ko agad siya sa inyo," saad niya at tumingin pa sa taas."Sureness!" masayang sabi ko. Tapos tumingin kila kuya.Masaya akong nakikitang masigla si Lance. Maganda ang response ng gamot sa kaniya at bumabalik ang sigla na meron siya but still I'm observing him. Ewan ko kay kuya kung nasabi na niya ang kondisyon niya kay Ate Alice but I still have this called high hopes n
LOUIE"KUYA! Where's Ate Javi?"Bungad na tanong ni Louis sa akin nang makapasok ako sa bahay namin. Matapos ko kasing pagaanin ang loob ni Loe ay nakatulog ito kaya naman pinatingin ko na lang muna siya sa isang nurse dahil nga uuwi ako."Nasa ospital," tugon ko at hinanap ng mata ko si Jash mukhang nasa kwarto niya iyon."Why? Is everything okay? May nangyari ba kay ate?" tanong nito na siyang nagpabalik ng tingin ko sa kan'ya.Malungkot akong tumango na ikinagulat nito."What happened, kuya?""She's pregnant…" paumpisa ko."Really? Hindi ba da–""But we have to remove the baby before both them go in danger,"My voice started cracking while telling him about the removal. Ngayon ko lang hindi napigilan ang iyak ko dahil ayokong maging mahina sa harap ni Loe."Kuya… why?" tanong muli nito at doon ko na sinimulan ang kwento na siyang nagpagulat din sa kan'ya.Sinabi ko din na wala ng magagawa dahil hindi na pwede ang itulak pa kaya ang tanging option lang ay tanggalin ito."Can you tak
LOUIE"KUMUSTA na si Gelo?" tanong ni Liam nang pumasok sa bahay.It's been one month matapos ang operasyon ni Gelo sa Korea at napagdesisyunan nilang mag-anak na doon muna si Gelo habang nagpapagaling, lalo na sabi ni Dr. Jung na need pa din na obserbahan si Gelo.Kami naman nila Loe ay umuwi na din ng Pilipinas. Ayon din naman ang gusto ni Gelo, he wants Javi to live her life kaya naman pinalayas niya ang pamilya namin ni Javi doon. Biro lang doon sa pinalayas, ayaw niya lang na mag stay kami doon dahil may sarili daw kaming buhay.Naalala ko nga na 1 week pa na natapos ang operasyon niya gusto na nitong bumalik dito sa Pilipinas para hanapin sila Alice pero pinagalitan siya nila Dr. Jung. Mabuti na lang talaga at sumunod iyon."Okay naman na siya ngayon dahil may mga bantay doon at naka subaybay din si Loe sa kan'ya kahit nandito sa pinas," tugon ko."Mabuti kung ganon, nasaan pala mag-ina ko?" tanong nito."Nandiyan sa taas, susunduin kasi ni Luis si Jash kaya naghahanda ng gamit
4 years laterLouie's POV"Louie! Bilisan mo. Baka malate tayo. Ay naku!" inis na sigaw ni Loe dahil nasa loob pa ako ng bahay at sila naman nila Jash ay naglalakad na papuntang kotse."Yeah! Coming," sigaw ko pabalik. May hinanap lang naman ako. Nung nakita ko na agad din naman akong lumabas at sumakay sa kotse.Tinignan ko isa isa ung mga anak ko pati ung asawa kong nakatingin din sa akin. Ang ganda talaga! Sarap ikiss! "Let's go na, Pa. The kids are waiting for sure," saad ni JashSi Jash na halos binata na din talaga. He's now 13 years old.Si Lev naman ay 6 years old, going 7. At ang Milan namin ay kaka4 years old lang."Sus! May gusto ka lang makita do'n eh," biro ng Mama n'ya sa kan'ya. Ngumuso lang naman si Jash tapos tumutok sa pinapanuod ng mga kapatid n'ya.We're going to the orphanage where the kids have cancer because our Mom is one of the doctors sa charity na kasama s'ya. Kaya we also volunteer na sumama para makatulong.Nagdrive na ko papunta do'n sa medical mission n
Louie's POV"It feels so good nung nawala na ung simento sa braso ko." Nakangiting sabi ko kay Dr. Dizon.Ngayon kasi ung removing ng casting ko dahil gumaling naman na ung aking braso. Hindi naman din naman nagtagal dahil sobrang istrikta ng doctor namin sa bahay lalo na at buntis pa kaya mas mataray at istrikta."Magaan ang pakiramdam dahil mabigat ung cast mo. Hahaha. Mukhang magaling talagang mag alaga ang asawa nyo Mr. Fernandez. Gumaling agad ang braso nyo." Natatawang sabi nya. Natatawang tumango tango na lang ako."Yes. She is. Pag sinabi nyang bawal bawal." Sabi ko pa at tumayo na dahil pupuntahan ko pa pala un. "Thank you again, Dr. Dizon." Pasalamat ko sa kanya."No worries, Mr. Fernandez. See on your follow up check up." Nakangiting sabi nya at kinamayan ako. Tumango naman ako at naglakad na palabas patungo sa clinic ng maganda kong asawa.Pagdating ko dun sa labas ng clinic nya. I asked the nurse in charge her if she has a patient. Meron daw kaya nag intay muna ko sa laba
Javi's POVIlang araw lang ang nilagi ni Kuya at Louie sa hospital, nung araw na lumabas si Kuya ganun din si Louie dahil okay naman na s'ya. Ung braso n'ya babalik na lang namin after 2 weeks.Ako naman tapos na ang force leave at balik trabaho na naman. Ayoko pa nga pero wala akong magagawa dahil tapos na ang leave na binigay sa akin. Pinilit na lang din ako ni Louie dahil magreresign na din naman ako.Pero ngayong araw nagpaoff ako dahil it's Jashua's birthday. Sinabi ko sa mga kasama ko na wag akong tatawagan dahil birthday ni Jash kaya sumang ayon naman sila. And now I'm baking his favorite chocolate cake. Kakauwi ko lang galing hospital.Tinignan ko ung oras it's just 5am in the morning. Pero magbebake na ko para pag gising n'ya he will blow his cake. Mamaya din ung dinner namin dito sa bahay and isasabay din namin sa announcement about sa baby no.4 namin ni Louie.So I prepare all the ingredients needed then nagstart na. Habang nagmimix ako ng batter bigla naman may yumakap sa
Javi's POVHumahagulgol ako nang iyak habang dahan dahan na lumalapit sa hospital bed na nirerevive. Louie naman bakit naman iniwan mo kami agad. Iiyak na sana ako ulit nang biglang tapikin ni Kai ung balikat ko."Doc, kilala nyo po ba ung nirerevive?" tanong n'ya sa akin kaya tinignan ko s'ya nang masama."Asawa ko yung nirerevive diba?! Ano ba Kai!" inis na sabi ko. Tapos bumalik ulit ung atensyon ko do'n sa hospital bed."Ha? Eh ayun si Engineer," saad n'ya kaya mas tumingin ako sa kan'ya nang masama tapos tumingin do'n sa tinuturo n'ya.At mukha akong tanga! Dahil nakikita ko ung asawa ko na natatawa kasama si Nurse Joy at Val na natatawa din.Tinignan ko naman ulit si Kai nang masama habang nagpupunas ng luha. "Bakit hindi mo agad sinabi?! Kai naman eh! Mukha akong tanga!" saad ko at hinampas pa s'ya."Bigla ka kasing tumakbo dito. Hindi ko naman alam na yun ung akala mo," natatawang sabi n'ya habang sinasalag ung hampas ko."Ewan ko sayo," saad ko tapos nag lakad papalapit kay L
Javi's POV3 days had passed and Kuya Gelo is already awake. Nagising din s'ya kinabukasan after ng operasyon n'ya. nandito na din si Papa at tuwang tuwa na may halos inis nung nalaman na may anak si Kuya Gelo. Hindi na din daw kasi bumabata si Kuya kaya masaya s'ya na may Lance.Tatlo na daw ang apo n'ya at puro lalaki. Pinagalitan pa nga si Kuya nang nalaman na pinagtabuyan ni Kuya si Ate noon. Tiklop si Kuya eh."Naku Angelo Lance! Ung galit ko kay Louie nung nabuntis n'ya si Javielle, sobra pero hindi pala dapat dahil ikaw din pala ay may ginawang kagaguhan," inis na sigaw n'ya kay Kuya. Agad ko naman s'yang nilapitan."Pa, May mga bata," bulong ko sa kan'ya natawa lang naman sila Kuya dahil sa reaksyon ni Papa. Wala din naman kasi si Louie ngayon dahil may visit s'ya sa site nila kaya si Papa ang bantay nung dalawang bata pero pupunta din yun dito mamaya."Pa naman. Tapos na po yun. Hindi ko na gagawin. Pag galing na pagaling ko dito. Mag papakasal kami ni Alice. Promise," saad n
Javi's POVToday is Kuya Gelo's surgery at katulad ng napagpas'yahan ni Diretor Lopez. Hindi ako ang mag oopera sa kan'ya, also the hospital gave me a force leave! 5 days! Wala akong nagawa kahit ang dami ko nang pinaglaban about do'n. Masyado daw personal sa akin kaya yun ang ginawa ni Director.Gumawa ng paraan si Rylite para mapagaan ang loob ko. yung dating team namin ang kinuha n'ya na Team. Si Rylite, si Valencia, Jandee, Kai at Joy ang kinuha n'ya. Kaya naging palagay ako. Hindi naman tumutol si Director pagdating do'n.yung force leave ko sinakto pa ng Hospital na araw mismo ng operation ni Kuya. Kaya heto ako at nakaupo sa couch habang naka surgical uniform pa. Dahil kakatapos lang ng duty ko at may inoperahan ako. Napaka daya talaga! Hanggang ngayon nagdaramdam pa din ako. "Good morning po," bati ni Kai nang pumasok s'ya sa kwarto ni Kuya. "Hi Doc Javi, kakatapos lang ng duty mo?" Nakangiting tanong n'ya."Yep! 5 mins ago," nakangiting usal ko din. "Nakaduty ka pa? Dapat hi
Javi's POVNandito ako sa bahay namin nila Kuya at kaharap ko ngayon si Kuya habang si Ate Alice ay umiiyak. Pinapunta ako dito ni Kuya dahil gusto daw ako makausap ni Ate Alice about sa sakit n'ya.2 weeks na ang nakalipas nung New Year at next week na ang surgery ni Kuya.Sinabi na din n'ya kay Ate at ayaw maniwala nito kaya pinapunta n'ya ko. Naawa ako kay Ate Alice, nasaksihan ko din kasi silang mag usap ng about sa nangyari sa kanilang dalawa noon at kung gaano pa nila kamahal ang isa't isa."Don't cry too much, Alice. Hindi pa naman ako mamamatay. Magaling yung surgeon ko, right?" usal ni Kuya habang nakatingin sa akin.Eto na naman tayo! Inirapan ko lang si Kuya kaya natawa s'ya."Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kan'ya, Ate." pagpapagaan ko ng loob ni Ate Alice."I know that. But what if your heart stop again? Maaagapan pa ba yun?" tanong n'ya kay Kuya."Maaagapan pa yun, Ate! Hindi mamamatay yan si Kuya. Masamang damo yan eh," saad ko kaya naman nakatikim ako ng