Naging mabilis ang pagkilos ni Xandro. Tinabig niya ang kaninang nakalahad na kamay ni Mia. Hindi niya nagustuhan ang ngisi ng huli at tiyak niyang katapusan na niya kapag nagsalita ang magkapatid na Del Puedo.
Halos patakbo niyang tinungo ang kwarto ni Hara na kasalukuyang naghahanda ng mga dadalhin bukas. Hindi pa man lang nangangalahati ang dalaga sa paglalagay ng mga gamit sa bag ng magmadali ang binata.
"Bilisan mong mag-impake, Hara," utos niya sa nabiglang dalaga.
"Bakit?! Anong problema?!" Hindi kumibo ang binata at maliksing tumawid ito sa silid niya.
Wala pang ilang minuto ay bumalik ulit si Xandro sa kwarto ni Hara. Tumutulo ang pawis nito at lukot ang mukha. Malalamig din ang mga kamay nito dahil sa sidhi ng kaniyang emosyon.
"Tapos ka na ba? Naihanda mo na ba ang mga kailangan mo?"
"Hindi pa. Bakit ba? Naguguluhan ako sa'yo. May
Kinabukasan ay maagang umalis ang magkasintahan. Pareho silang nagpapakiramdaman dahil sa gusot sa pagitan nila. Salubong ang kilay ni Hara at ngingiti-ngiti naman si Xandro."Sobrang bait yata ni lolo. Bakit kaya ayos lang sa kaniya na nagpanggap ang unggoy na ito?" bulong ni Hara sa sarili.Sinulyapan niya ang lalaking katabi sa sasakyan. Ito ang nagmamaneho kasi ayaw niyang may iba pang makaalam ng lakad nilang ito. Kampante lang ito at para bang lalo siyang inaasar ng loko."Pwede mo akong halikan, hawakan or more. Iyon eh kung gusto mo," nakangising turan ng lalaki. "Masama iyan, maraming nababaliw sa pagpigil ng sariling damdamin."Hindi sumagot ang dalaga ngunit kinilig ang puso niya. Sa halip na ibuka ang bibig ay tumingin na lamang siya sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na magkapatid ang mga lalaking minahal niya.Si
Sermon ang inabot ni Xandro mula sa ina ni Klein na tiyahin ng kasintahan niya. Napasugod ito sa hospital ng tawagan niya ang bahay ng mga ito. Panay ang lakad ng babae kasabay ng pagsasalita. Pinauupo ito ni Klein ngunit agad rin itong tatayo para humakbang ng paulit-ulit."Mama, tama na iyan," saway ni Klein sa ina. "Walang may gusto sa aksidenteng iyon.""Kapag may nangyaring masama sa pamangkin ko, humanda kang lalaki ka! Hindi ko talaga maintindihan ang kapangahasan n'yong dalawa. Bakit naman kasi pinayagan kayo ni papa?"Nakayuko lamang si Xandro. Hindi niya nagawang mangatwiran. Ang isip niya ay nasa dalagang hindi pa rin gumigising hanggang sa mga oras na iyon."Good morning. Kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doktor na kakatapos lang tumingin sa dalaga."O-opo doc," tugon ni Klein."Oh, Klein kamag-anak mo pala siya," wika ng doktor ng
Isang hapon, ang magkasintahan ay sekretong lumabas ng subdivision kung saan nakatira ang pamilya ni Klein. Hindi na nakasama ang pinsan ni Hara dahil sa emergency sa ospital na kasalukuyan nitong pinagtatrabahuhan. Gamit ang sasakyan na ipinadala galing Hacienda Del Puedo ay nakalabas ang dalawa.Napakarami mga media ang nag-aabang sa gate ng subdivision dahil alam nilang andoon ngayon ang dalaga. Bawat isa ay gustong makakuha ng magandang balita tungkol sa naganap sa hospital kaya kahit gabi na ay naglalatag na lang lang sila doon.Ang mga residente ay nagrereklamo na dahil sa gulo ng mga cameraman. Sa tuwing may sasakyan na lalabas ng subdivision at napagkamalan nilang sakay si Hara ay agad nilang dinudumog. Kaya bago pa man lumaki lalo ang gulo ay sinikap ng magkasintahan na umalis na sa lugar na iyon at umuwi sa lugar kung saan batid nilang ligtas ang dalaga."Same plan, Xandro. Hindi ko man nakaus
Mga balang nagliliparan, nakabibinging mga putok ng baril ang sinasagupa ng tatlong laman ng puting van. Pawis na pawis na si James sa likuran ng sasakyan kahit malakas ang aircon nito. Si Xandro naman ay nakikipagpalitan din ng putok kahit ito ang driver."Dapa, Hara! Dapa!" Kabadong sigaw ni Xandro sa kasintahan. Hindi niya matanaw mula sa side mirror kung nasaan na ang back up nila. Ang tanging nakikita niya ay ang itim na kotse na kanina pa sila pinauulanan ng bala."Shit! I'm gonna kill them!" sigaw ni James na halos hindi na makakilos dahil sa sunod-sunod na putok ng baril. Ang bawat putok na naririnig niya ay tinitibag ang matibay niyang dibdib. Hindi pa siya handang mamatay kaya naman kahit parang naligo na siya sa pawis ay pinililit niyang gumanti ng putok sa kalaban.Tiningnan ni Xandro ang nakatagong dalaga sa upuan ng sasakyan. Hinawakan niya ang isang kamay nito. Mahigpit na tila ba ayaw niyang p
Inusisa ni Hara ang buong pamilya sa pagsisinungaling ng mga ito na gusto niyang mag madre kaya siya matagal na namalagi sa eksklusibong school na pagmamay-ari ng mga ito. Kaniya-kaniyang paliwanag ang bawat isa at inaarok ng dalaga ang bigat ng bawat eksplinasyong natatanggap niya."Ginawa namin iyon para magustuhan mo ang manirahan doon dahil alam naming ligtas ka sa loob," paliwanag ni Don Ernesto."Anak, mahal kita. Alam mong wala akong ibang hangad kundi ang kaligtasan mo. Huwag mo sana kaming pagdudahan, Hara."Matamang pinakinggan ni Hara ang bawat isa. Ang papa at lolo niya ay pilit siyang pinapaniwala na nagsasabi sila ng totoo.Dahil sa kapani-paniwala ang mga eksplinasyon ng mga kamag-anak ng dalaga kaya minabuti niyang paniwalaan ang mga ito. Ang dalawa kasi ang pinaka pinagkakatiwalaan ng dalaga.Sa kabila ng banta sa buhay ni Hara ay naging masaya sina Xandro
Isang araw bago ang kaarawan ni Hara ay may isang sorpresa na dumating sa Hacienda Del Puedo. Iyon ay ang biglaang pagdating ni Felecedario. Parang hari itong bumaba ng sasakyan niya."Oh kumpadre, napadalaw ka yata. Bakit biglaan naman?" tanong ni Don Ernesto sa kaniyang panauhin. "Sana nagsabi ka ng maaga para naipaghanda kita.""Paano akong hindi susugod dito eh nakita ko sa mga balita na ibinuwis ng mga apo ko ang mga buhay nila para diyan sa apo mo!""Hindi ko sila pinilit na bantayan si Hara. Ikaw mismo ang nagpumilit na magpadala ng security personnels dito mula sa J. Santillano Security Agency.""Si James lang ang pinag-usapan natin! Hindi kasama si Jeric! Asan ang mga apo ko? Paanong napunta rit
Sa ika-21st birthday ni Hara ay puno ng katahimikan ang mansyon. Ang dapat sana'y masayang araw na iyon ay napalitan ng kalungkutan. Nagluto pa rin naman ang mga katulong pero walang simpleng salo-salo ang naganap dahil halos hindi lumabas ng kaniyang silid ang dalaga.Nag-aalala man ay hindi magawang lapitan ni Xandro ang babaeng mahal niya. Si Mia ay nakapulupot palagi sa kaniya buong maghapon. Ipinamamalita nito sa lahat ang nalalapit nilang kasal. Kahit panay ang iwas ni Xandro sa dalaga ay para itong linta na hindi mapuknat sa kaniya. Minsan mas gusto pa ni Xandro ang nakakulong sa kwarto ngunit nahihiya siya kay Don Ernesto."James, bantayan mong mabuti si Hara." Pakiusap niya sa kapatid ng makawala siya kay Mia. May trabaho ang babae sa opisina nito kaya kahit paano ay nakahinga si Xandro sa pangungulit ng babae."Grabe si Mia, Kuya. Parang gusto ka yatang bakuran palagi. Good luck sa'yo. Sana kayanin
Isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring maibigay na magandang report ang private investigator na kinuha ni James. Nauubusan na ng pasensya si Hara. Gusto na niyang matapos ang kaso dahil nais niya munang lumayo para maghilom ang sugat sa kan'yang puso. Si Mia ay abala na sa nalalapit nilang kasal ni Xandro. Mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay pinakikialaman niya. Ang binata naman ay walang pakialam. Madalas ay nakatanaw lang ito kay Hara mula sa malayo. At dahil sa bagal ng mga imbistigador kaya minabuti ng dalaga na gumawa ng isang hakbang kung saan ay magiging maayos ang lahat. Lalayo muna siya pansamantala. Makapaghihintay pa naman ang katarungan para sa lola at mama niya ngunit ang puso niyang wasak ay malapit ng bumigay. "Papa, magpapaalam ako. Iyong bahay na ipinagawa n'yo ni mama doon sa Baguio, pwede bang doon muna ako tumira?" "Mapanganib iyon,
Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay. Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob. "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi. "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan." "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia. "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g
Isang nanghihinang James ang pumasok sa kweba pagkatapos ng sunod-sunod na putok na narinig ng lahat. Nakangisi ito habang nakatingin kay Ryan na noon ay nakadapa sa lupa."Tang-*na, sino ang nagpatakas sa iyo?" namimilipit sa sakit na tanong ni Ryan."Ang sakit ng tiyan ko," iyak ni Mia. "Tulungan n'yo ako, please.""Xandro, Xandro, please, lumaban ka," pagmamakaawa naman ni Hara sa kasintahang kalong-kalong niya. "Huwag mong hayaang lumaki ang anak nating walang ama. Please, lumaban ka. Mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka."Mahigpit na hinawakan ni Xandro ang kamay ni Hara na punong-puno ng kaniyang dugo. Pinipilit niyang pakalmahin ang babae dahil baka makasama ang pag-aalala sa baby nila ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya."Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!" Ubod lakas na sigaw ni Hara. Pilit tinatakpan ng dalaga ang dibdib ng binatang pa
Parang batang naglalaro si Ryan habang pinahihirapan si James."Ah, f*ck you! Hayop ka talaga Ryan!! Papatayin kita kapag…""Kapag nakatakas ka?" humalakhak si Ryan. "Malabong mangyari iyon, James, kasi papatayin na kita ngayong araw na ito.""Do it faster! Puro ka salita, puro ka angas, wala ka namang buto!""Oh-oh, will you please wait?! I'm still enjoying the show!" Mala-demonyong sabi ni Ryan at pinukpok nito ng baril ang mga ulo ni James.Matinding sakit ang nadama ng binata. Pilit niyang pinaglalaban ang tindi ng kirot at sa isip niya ay bumabalik ang masayang alaala nila ni Hara. Habang unti-unting nawawalan siya ng malay ay bumabalik ang isip niya sa mga naganap noon."Bata, ikaw ba si James Santillano?" wika ng isang lalaki sa noo'y binatilyo pa lamang na si James."Opo, bakit po? Paano n'yo po akon
Kinuha ni James ang papel sa mga kamay ni Xandro. Nang mabasa ng binata ang laman noon ay agad na nagdilim ang mukha nito."Fuck! It's him again!" Sinuntok pa ni James ang bintana ng kotse na dapat ay sasakyan ni Xandro paalis. Nanginginig ang buong katawan nito ngunit hindi dahil sa sugat sa mga kamay kung hindi sa tindi ng emosyon na nararamdaman."May idea ba kayo, sir, kung sino ang may kagagawan nito?" tanong ng mga pulis."Sino ang may gawa nito 'tol?" segundang tanong ni Xandro.Lahat ng nalalaman ni James ay ibinahagi n'ya sa mga alagad ng batas. Sinasabi niya sa sarili na panahon na para bunutin ang tinik sa kaniyang dibdib. Handa siyang makulong kung kinakailangan pero ng mga panahong iyon ay ang kaligtasan ni Hara ang nasa isip niya.Matagal na nawalan ng kibo si Xandro. Hindi n'ya alam kung paano tanggapin ng pamilya Del Puedo ang lahat ng mga sinabi ni Ja
Masayang naghanda si Xandro. Aalis siya ng Hacienda Del Puedo upang sundan si Hara sa Baguio. Nasasabik siyang muling makita ang dalaga lalo pa at nalaman niyang may anak na sila."Mag-iingat ka 'tol. I am so happy na magiging maayos na rin ang lahat ngayon," wika ni James. "Galingan mo ha. Dapat pag-uwi mo sa atin, kasama mo na ang mag-ina mo."Salamat, James. The best ka talaga kapatid ko." Masayang tinapik ng dalawang binata ang balikat ng isa't-isa.Samantala, magaan ang loob ni Mia habang tinitingnan ang larawan nila ni Hara noong maliliit pa lamang sila. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang mga masasayang araw noong kabataan nila."Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko. Hindi ko alam pero kinain ako ng selos at inggit sa iyo. Nang nagpa-ubaya ka para sa kaligayahan ko ay lubos kong naunawaan na mahal mo nga ako kaysa sa sarili mo."Hinawakan ng matandang Del Puedo