Pagkagaling sa opisina ay daig pa ang latang gulay na ibinagsak ni storm ang sarili sa kanyang kama.. Hindi niya alam kung paano babaguhin ang desisyon ni Ashy. Ayaw niyang pangunahan ito at isa pa ayaw din niyang makialam kung puwede lang. Pero may mabigat siyang dahilan kung bakit niya ito gagawin.
Alas otso na ng bagi at hindi parin siya makatulog. Naisipan niyang tawagan si Mark ay yayaing uminom. Matagal na din silang hindi nagkita ng kaibigan. Ni hindi pa nga sila nagkita mula nung nkabalik siya mula sa US. Kahit papaano ay gusto na rin niya itong makita at makasama.
Tinawagan niya ito sa cellphone at sinabi kung saang lugar sila magkikita.
Agad siyang tumayo sa kanyang kama upang ihanda ang sarili sa maginding inuman.
Lumabas siya ng bahay at pinaandar ang sasakyan niya.
Pagdating sa lugar ay hinanap niya agad si Mark na kanina pa naghihintay sa kanya.
"Bro, long time no see. Wow! Ibang-iba tayo ngayon ahh. Lalo tayong naging magandan
Lumipas ang isang linggo na hindi sila nagkikibuan sa opisina. Namimis na din ni Ashy su Paul. Tumatawahmg naman ito ngunit bihira lang dahil marami daw itong ginagawa. Naiintindihan naman nito ang nature ng trabaho niya at dapat niya itong intindihin dahil magiging asawa siya nito. Dapat sanayin na niya ang sarili sa mga panahong wala ito sa tabi niya.Habang nakaupo ay bahagya siyang napasulyap sa kinaroroonan ni Storm. Seryoso ito sa ginagawa niya at mukhang walang planong guluhin siya. Isang linggo na mula nung huli silang magkausap. Mula nuon ay hindi na iyo gumawa ng kahit na ano na ika-iirita niya.Maya-maya pa ay may dumating na babae."Goodmorning can I come in? I mean puwede ko bang puntahan ang boss mo?" Tanong nito haabng taas ang mga kilay at tinitigan siyaula ulo hanggang paa."May appointment po kayo ma'am?" Tanong niya na nakatingin lang din sa kanya."Do I need it? Well I don't think I need an appointment. I'm Mayi. He's expecting
Isang hapon ay naghahanda na si Ashy upang umuwi. Magahapon na hindi nito nakita si Storm sa opisina. Malamang ay nasa bahay ito ng Mayi na iyon or baka magkasama sila. Napasimangot na lang siya sa naisip na iyon. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphobe niya. Nakita niya na si Paul ang tumatawag kaya dali-dali niya itong sinagot. "Hello hon, kumusta ka na? Bakit ngayon ka lang tumawag? Kelan ka uuwi?" Tanobg nito na halatang sabik itong makita siya. Sabik nga ba siya o takot lang siyang mag-isa habang alam niya na nasa malapit alng si Storm. "Okay naman ako hon, you don't have to worry about me. Medyo busy lang. Pasensiya kana ha? Mdyo maraming ginagawa ang future husband mo. Siya nga pala napatawag ako kasi may ipapakisuyo sana ako sayo sa bahay ngayon. Nandun kasi ang list ng maga empleyado na aspiribg for promotion. Baka puwedeng pakikuha mo na lang. Please hon," pagsusumamo nito. "Andun naman si Storm diba hon, hindi ba pwedeng siya na lang a
Pagpasok sa loob ng bahay nila ay naabutan niya ang mama niyang naghihintay sa kanya.Nakaupo ito sa sofa habang nanunuod ng telebisyon."Goodevening ma, pasensiya kana medyo na-late ako ng uwi, mai inasikaso lang ako sa opisina. Dinaanan ko pa kasi itong papele sa bahay ni Paul nakakailanganin namin bukas para sa promotion ng mga empleyado." Paliwanag nito.Hindi na niya hinintay pa ang mama niya na magsalita at magtanong kung saan siya galing. Alam naman niya na iyon din ang tatanungin niya kaya inunahan na niya ito ng sagot.Ngumiti ang mama niya sa kanya saka nilapirot ang ilong nito."Ma!" Saway nito na parang hinawa siyang bata ng mama niyo."Marunong ka ng magdahilan ahh? Alam na alam mo na kung anong itatanong ko sayo. Mukhang memoryado mo na nga." Pabirong kinurot pa siya nito."Ikaw ba nama ma, araw-araw mong tinatanong yan sa akin kapag dumarating ako ng late, siyempre alam ko na yan." Sahot naman nito saka sumandal sa upua
Nanatili itong nakatayo habang hinihintay ang sagot ni Storm. Matapos ang nangyari sa kanila mas lumakas yata ang loob nito para guluhin siya. Kung bakit nga ba kasi siya bumigay rito at hinayaan na mag mangyari sa kanila ng araw na iyon.Nakatitig lang iyo sa kanya at mukhang walang planong magsalita."Hindi ka ba magsasalita? Bakit nandito ka? Wala ka bang ibang alam gawin sa buhay mo at pati ako guguluhin m?" Padabog na umupo ito sa sofa."What should I do with you?" Mariin at makahulugang tanong nito sa kanya."Ano? Bakit ako? Bakit sa akin nanaman napunta ang usapan?" Takang yanong nito na talagang naiinis na."You asked me kung wala ba akong ibang alam gawin sa buhay ko, right? So I'm asking you,what should I do with you,coz you are my life." Nakangiting sagot nito sa kanya. Ngiti na nagmumula sa puso niya.Gustong makaramdam ng kilig ni Ashy ng mga oras na iyon ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hindi siya dapat makaramd ng ganun. H
Natapos ang mahigit isang buwan na walang usapan na nangyari sa pagitan nila ni Storm. Hi di niya ito kinulit. Kung kakausapin man niya ito, ito ay tungkol lang sa trabaho at wala ng iba. Ioinagpasamlamat niya naman ito. Sa loob niya ay baka nagsawa na ito na kulitin siya. Siguro narealize niya na hindi na nito mababago ang isip ni Ashy.Nakauwi na rin naman si Paul mula sa isang meeting at halatang namiss siya nito.Pagpasok niya sa opisina ay nadatnan niya ang maga bulaklak na nakapaligid sa area niya. Napaiyak na kang siya ng makita ang kasintahan na may hawak na bulaklak."I'm back. Hmmmmm!!... namiss kita sobra." Iniabot sa kanya ang bulaklak saka ito hinalikan sa pisngi.Nakita niya sa kabilang kwarto si Storm na nakatingin sa kanila at madilim na madilim ang mukha."Mabuti naman nakabalik ka na, namiss din kita sobra. Akala ko nakalimutan mo na ako." Sagot nito na kunwari ay nagtatampo."Pwede ba naman yun. Alam mo naman, malapit na t
Umuwi si Storm na naasar sa kapatid. Gustuhin man niyang umiwas sa sitwasyong kinalalagyan niya ay hindi niya magawa. Gusto niyang umalis na lang pero paano niya ito gagawin? Hawak ng kapatid niya ang passport at ticket na binili niya. Gagawin talaga nito ang lahat para mapigilan siya. Kung bakit ay hindi niya maintindihan. Isa na lang ang paraan na naiisip niya upang mapigilan ang kapatid.Gabi na at kanina pa niya ito hinihintay, pasado alas otso na at dapat ay nasa bahay na ito. Histo niya itong tawagan ngunit pinigil niya ang sariliKumuha na lang siya ng alak upang uminom habang hinihintay ang kapatid.Hi di niya maalis sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Ashy, buong akala niya ay sapat na iyon upang mag ago ang isip niya ngunit hindi pala. Mukhang desisido na nga ito upang pakasalan ang kapatid niya. Isang bagay na hangga't maari sana ay ayaw niyang mangyari. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya, siya na mismo ang magtulak sa kanya palayo.
Isang umaga habang nasa opisina. Hinihintay ni Ashy si Paul. Ngayon kasi ang araw ng kanilang fitting at hindi pwedeng hindi ito pumunta.Ilang oras na ang nakaklipas ngunit hindi parin ito dumarating. Nakaramdam na ng inis si Ashy. Hindi na siya nakatiis at tinawagan na niya ang kasintahan.Ilang ulit niya itong ginawa ngunit walang sasagot sa telepono nito. Hindi niya maiwasang kabahan.Inulit niya ito at sa wakas ay may sumagot na."Hon, nasaan ka na ba? Anong oras na. May appointment tayo diba? Ngayon ang fitting natin. Nasaan ka ba? Bakit hanggang ngayon di ka pa dumadating?" Halata sa boses nito ang pagkayamot.Sino ba naman kasi ang hindi mayayamot sa ganung sitwasyon. Parang wala itong pakialam sa nangyayari sa preparation ng kasal nila. Lagi itong wala. Tama na lang sa kanya na mabigyan ng perang gagamitin ang mga in-charge sa kasal. Fitying na nga lang ng damit nila hindi pa siya makasipot."What??? You mean andiyan ka
Araw ng sabado. Walang trabaho kaya wala ring dahilan para bumangon ng maaga. Walang planong lumabas at isa pa wala rin namang makakasama.Niyakap ni Ashy ang unan na nasa tabi niya tsaka ipinikit ang mga mata. Gusto niyang matulog ulit.Maya-maya pa ay naisip niya si Paul, hindi na niya naisip tawagan ito kagabi dahil nagtatampo siya sa hindi pagsipot sa fitting session nila.Inabot niya ang cellphone niya, wala itong message o kahit twag man lang mula kagabi.Napabuntong-hininga na lamang siya habang nakatingin sa kisame.Naisip niya si Storm na siyang nakakasama niya sa mga appointments nila ni Paul sa kasal. Minsan pa nga ay napagkakamalan sila na sila ang ikakasal.Dumating din sa poiny na sana nga ay sila na lang ang ikakasal, natawa siya sa mga naiisip niya.Hindi rin niya makaklimutan ang gabibg may nanguari ulit sa kanila. Napakagat-labi na lnag siya ng maisip ito. Namiss niya ng sobra si Storm,ga halik at yakap nito na
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a
Lumabas na ito mula sa bahay ng magkapatid.Halos hindi ito masabayan ni Jem sa paglalakad dahil sa bilis nito."Ash sandali. Please kausapin mo ako." maya mayapa ay sinundansiya ni Storm.Hinarap niya ito at binigyan ng mag-asawang sampal."Sige saktan mo ako kung yana ng makakatulong sa'yo upang ilabas ang nararamdaman mo. Tatanggapin ko dahil alam kong mas masakut pa ang nararamdan mo sa ngayon. Patawarin mo ako kung hindi ko agad sinabi sa'yo. Alam ko pero wala akong karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao. Kapatid ko siya pero may mga bagay na siya dapat ang magsabi sa'yo." paliwanag nito."Alam mo. Pero hindi mo sinabi sa akin. Hinayaan mo lang na gawin akong tanga ng kapatid mo. Habang nagpapakatanga ako sa pag-aayos sa kasal namin mag-isa. Sa bawat pagkakataon na sinayang mo para sabihin sa akin doble ang balik na sakit nun dito," itinuro nito ang bahagi ng puso niya."Bakit Ash? Kung sinabi ko ba sa iyo noon pa,maniniwala
Natapos ang isang araw na hindi siya kinausap man lang ng maayos ni Paul. Papalabas na siya ng opisina ng makita niya si Jem na papalabas na rin."Ohh ano kumusta? Nagkausap na ba kayo?" tanong ng kaibigan sa kanya habang naglalakad sila palabas."Hindi pa, lalo pa nga siyang nagalit sa akin ehh. Nasahot ko kasi yung bisita niya kanina. Paano kasi, pabalang kung magtanong at sumagot sino ba naman ang matutuwa. Tama ba naman na panghimasukan niya ang pagiging sekretarya ko?" nakasimangot na tugon niya sa kaibigan na noon ay napatigil sa paglalakad."Iyon bang gwapo na bagong mukha? Nagoubta na iyon dito nun. Noong wala kayo ni Storm. Business partner daw, mukhang nagkakaproblema yata sa kabilang branch." sagot ng kaibigan."Kaya siguro maiinitin ang mga ulo. Pati ako damay.""Hayaan mo na muna. Magrelax ka din kaya. Ano akin tayo?""Sige, sagot niyo.Nakarating ang maga ito sa isang kainan. Doon ay simple lang ngunit mukhang mama
Masama man ang pakiramdam ay bumangon parin si Ashy upang pumasok sa trabaho. Inaasahan niya na makikita niya si Paul at baka sakaling kausapin siya nito.Pagdating sa opisina ay nakita niya na wala pang tao sa opisina ni Paul. Ibig sabihin ay hindi pa ito dumatingMaya-maya pa ay dumating na ito. Tumayo si Ashy upang salubungin sana siya ngunit nilampasan lang siya nito na para bang wala siyang nakita.Sinundan niya ito sa loob."Goodmorning sir," bati nito. Bahagya siyang lumapit sa kanya upang mapansin niya na nasa loob siya."Yes? What can I do to help?" pormal na tanong nito.Inilapag niya ang mga dokumento na kailangan niyang pag-aralan."Ito yung mga projects na kailangan ng approval niyo. Kailangan na kadi yan ngayong araw na ito sir." tipid na sagot nito.Nasaktan siya sa lamig ng pakikitungo nito sa kanya ngunit naiintindihan niya dahil alam niya na nasaktan niya ito."Storm will do the review. May mga ma