NANG makatanggap ng tawag ay kaagad nagtungo si Shawn at Yesha sa hospital. Gising na raw kasi ang lola ni Shawn kaya naman kaagad silang bumyahe. Hindi nakasama ang nanay nito dahil ayaw ni Yesha na ma-stress pa. Nagboluntaryo naman si Erika at Adrian na sila muna ang mag-aalaga.
"Shawn, bilisan mo pa." Naiinip na sabi ni Yesha sa lalaki. Kaagad namang umiling ang nobyo niya saka sinamaan siya ng tingin sa salamin dahilan upang mapanguso siya. Sungit!
"You're pregnant. Kahit na gustong-gusto ko na paliparin ang kotseng ito, hindi ko magawa." Natatawa siya sa lalaki. Paano naman kasi nito papaliparin ang kotse? E, ang mapaangat nga lang ito ay imposible na, lumipad pa kaya?
Hays, mababaliw siya kay Shawn.
Napapailing na isinandal na lamang ni Yesha ang kaniyang likod sa upuan. Todo pasasalamat din siya sa kaniyang isipan na nagising na rin ang lola ni Shawn. Paniguradong wala nang k
SI Yesha na ang nagboluntaryong pakainin ang lola ni Shawn. Samantalang si Shawn naman ay abala kausap ang mga kaibigan sa labas. Ang sabi rin nito ay may tatawagan kaya siya muna ang nag-asikaso."Alam mo na ba ang gender ng baby niyo?" pagbasag ng lola ni Shawn sa katahimikan. Napangiti naman siya at saka napailing. Baka sa next check up pa nila malalamang pero hindi niya alam kung aalamin na ba nila o secret na lang muna. "Hindi pa po, e. Baka pa sa susunod pa." Napangiti ang lola nito sa kaniya."Gano'n ba? May naiisip na ba kayong pangalan?" Sa totoo lang marami na siyang naiisip na pangalan. Pero hindi pa siya makapili dahil hindi pa naman niya alam kung ano ang gender at wala pa silang nagiging maayos na pag-uusap ni Shawn sa pangalan. "Meron na po pero hindi ko pa po nasasabi kay Shawn."Napailing din ang lola niya. "Alam mo ba? Ganiyan din si Shawn noong iniisipan namin siya ng pangalan. Kami l
ISANG linggo pang nanatili sa hospital ang lola ni Shawn kaya naman nagboluntaryo rin si Yesha na manatili na lamang din muna roon. Tutal nagpalagay naman ng TV si Shawn, e. Hindi siya ma-b-bored. May ref din na punong-puno ng mga puwede nilang makain. Hindi rin sila magugutom. At mabuti na lamang maayos ang panlasa ni Yesha. Hindi siya sinusumpong ng paglilihi kaya walang naging problema."Makakauwi na ba ako sa susunod na araw?" pagtatanong ng lola ni Shawn. Napatango siya sa matanda. Talagang ginawa ni Shawn ang lahat para lang hindi ito mainit at labis iyong ikinatutuwa ni Yesha. Alam niyang naging magaan ang paligid sa lola ni Shawn. "Opo, lola kaya dapat mas damihan mo pa ang pagkain mo, ha? Para may lakas ka na.""Yeah, anyway. Nasaan ang apo ko." Napakamot na lamang si Yesha sa kaniyag batok. Hindi ba naman kasi nagpaalam si Shawn sa matanda na aalis ito upang kausapin ang kaibigan daw nitong may-ari ng villa. "Ah, lola. Kasi umalis po si Shawn kani
SAKTONG pagkarating ni Shawn ay nabasa kaagad ni Yesha ang pagod sa mukha nito. Inilapag muna niya ang prutas na binabalatan saka tumayo at nilapitan ang lalaki. Bagsak ang balikat nito ngunit nakaplaster pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi. Nasasaktan siya sa ngiting iyon."Hi, hon. You okay?" Pagtatanong niya nang makalapit at makahalik sa lalaki. "Yeah. Ikaw? Ayos lang ba kayo rito ni lola kanina? Wala naman bang nangyari?" kaagad siyang umiling. Naging maganda kasi ang araw na ito dahil kahit papaano ay nabawasan din ang bored nilang dalawa. Nakapagpahangin din at marami rin silang napag-usapan. Aminin man ni Yesha at sa hindi, talagang nakatulong 'yong paglabas nila."Ayos naman kami ni lola. Kanina nagpahangin kami pero may bantay kami. Sa garden lang naman ng hospital. Kumusta pala ang nilakad mo?" Inalalayan niya ang nobyo hanggang sa makaupo. Pilit lamang ang naging ngiti nito. "Ayos naman, nagkaproblema lang pero naayos din namin."
MALAMIG ang simoy ng hangin at bumabalot ito sa buong katawan ni Yesha. Halos isang linggo na rin silang nanatili sa bahay nila Adrian at naging abala naman nitong mga nakaraang araw sina Shawn sa pag-aayos sa bago na naman nilang lilipatan. Hindi ito ang plano niyang buhay noon. Maging ang business na pinapangarap niya ay naudlot na rin ngunit alam ni Yesha na kapag okay na at bumalik na ulit sa normal ang lahat, alam niyang magagawa rin niya ang pinapangarap niyang business. Mas okay na rin siguro kung tapos na siyang manganak atlis kahit na papaano ay makakakilos siya nang maayos."Mind sharing it with me?" biglaang sulpot ni Shawn mula sa kung saan. Tumabi ito sa kaniya kaya naman dalawa na sila ngayong pinagmamasdan ang napakatahimik na kalsada mula sa balkonahe. Gusto sana niyang mag-isip isip at magpahangin na rin upang maing fresh ang kaniyang isipan. Kakatapos lamang din niyang kausapin ang baby niya sa sinapupunan dahil ang sabi sa kaniya ay dapa
EXCITED na bumangon si Yesha dahil ngayon ang araw na makikipagkita si Shawn sa mga malalaking tao na gagawa ng bahay nila. Kagabi pa siya nakapag-isip ng interior design. Medyo nahirapan lang siya magpasya pagsama-samahin ang lahat ng kaniyang naisip pero ngayon, hindi na siya magkanda-ugaga sa labis na excitement."Shawn, anong oras ang dating nila?" muli na anamn niyang tanong na para bang hindi niya iyon tinanong kanina lang. Natatawang ginulo ni Shawn ang kaniyang buhok dahilan upang mapasimangot siya. "Nandiyan na sila." Nakangiting sagot nito habang nakapatong pa rin ang mga kamay sa kaniyang ulo. Mas lalo lamang siyang napasimangot dahil patuloy pa rin nitong ginugulo ang kakasuklay lang na buhok."Shawn naman," parang bata niyang sabi rito. Tinawanan lang siya ng lalaki na para bang natutuwa itong gulo gulo ang ayos niya. "kamay mo." dugtong pa niya. Kakailanganin na naman niya itong suklayin. Hindi pa naman alam ng lalaki na medyo tinatamad siyang
TUMULONG si Yesha sa pagluluto ng kanilang tanghalian at dahil hindi naman marunong si Erika, ito na lang ang nahugas ng kanilang mga pinaglutuan. Nagboluntaryo na sila habang abala pa sa pag-uusap sina Shawn at ang mga kaibigan nito tungkol sa mga gustong ipadagdag ng kaniyang nobyo sa kanilang titirahan. Saka na lamang niya tatanungin ang lalaki tungkol doon. Sa ngayon, pababayaan na lamang muna niyang mag-usap usap ang mga ito."Patapos na 'yan?" Nakangusong tanong ni Erika habang sinisinghop ang amoy ng usok ng kaniyang niluluto. "Oo, hinihintay ko na lang maluto ang karne." Nagluto kasi siya ng tinolang manok at sigurado siyang magugustuhan ng mga ito ang kaniyang ginawa. Well, ito rin naman kasi ang crave niya for today kaya niluto na niya. Gusto niyang kumain ng tinola at ang bango bango ng amoy nito sa kaniya."Okayyy, saan pa ang huhugasan ko?"Itinuro ni Yesha ang mga kutsilyo na katatapos lang niyang gamitin. Kaagad naman iyong nilin
DAHIL sa lakas ng ulan, napagpasyahan nina Yesha na sumilong na lamang muna sa pinakamalapit na club house. Napangiti siya nang makitang may iilang bata roon. Halatang naghihintay rin ang mga ito na tumila ang ulan. Naramdaman ni Yesha ang maharot na pagyakap sa kaniya ni Erika. Umakto pa itong lamig na lamig."Ang kyut nila 'no?" tukoy nito sa mga batang nagkikwentuhan habang nakaupo sa isang mahabang batong upuan. Tama si Erika. Ang cute ngang tingnan ng mga ito. "Imagine balang araw mga anak natin ang nakaupo riyan." Bakas sa boses ng kaniyang kaibigan ang excitement na mangyari ang bagay na iyon. Maski naman siya ay hindi na mapigilan ang sariling isipin ang bagay na iyon.Sana pagkalabas ng baby niya ay maging friendly ito at maging mapagmahal na kaibigan dahil iyon ang magiging pundasyon nil."Hahaha, sigurado naman akong mangyayari rin ang mga araw na iyon. At kailangan na nating ihanda ang saril
Gustong malaman ni Yesha kung totoo bang handa na si Shawn. Ang tagal na ng problema nila. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan sila ng ganito--- oh baka naman kasi dahil mahirap kalabanin ang sariling pamilya. Totoo man o hindi."Handa na ako. Nang malaman ko pa lang na totoong may kinalaman siya sa pagkawala ni mommy, hinanda ko na ang sarili ko." Hindi napigilan ni Yesha na yakapin si Shawn. Bakas sa boses nito ang labis na galit at pagkadismaya sa sariling ama.Kanina si Erika ang iniisip niya, ngayon naman si Shawn na. Kung sana puwede lang niyang baguhin ang lahat. Kung sana puwede lang niyang gawan ng paraan ang lahat para sumaya ang mga mahal niya sa buhay; gagawin ni Yesha. Hindi siya magdadalawang-isip dahil alam niyang iyon ang magpapasaya rin sa kaniya."What if... i-report na natin sila sa pulis?" Humiwalay si Shawn sa pagkakayakap sa kaniya. Napakunot naman ang noo ni Yesha.