NATAWA ang lahat sa kalokohan ng boss niya. Maging si Yesha ay hindi nakapagpigil. "Hay naku, mag-uumpisa na ako." Natatawang nilagpasan niya ang mga ito. Dahil nasa stock room siya naka-assign kaagad siyang pumasok doon. Bumungad sa kaniya ang mga bagong school supplies na kailangan pa nilang i-pack.
"Hi, ate Yesha," bati ni Seah. Napangiti si Yesha saka inilapag ang kaniyang bag. "Hi, Seah. Kakarating ng mga ito?" Turo niya sa mga notebook. Tumango naman ito sa kaniya.
"opo, ate. Medyo dumami kasi ang mga mamimili natin this past few weeks. Kaya nag-decide si sir Niks na magdagdag ng tig tatlo per order." Mahabang paliwanag nito. Ilang linggo rin siyang nawala kaya hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. Marami siyang trabaho na dapat tapusin. "Gano'n ba? Sige, sandali lang ha? Magbibihis lang ako." Mabilis niyang kinuha ang kaniyang pamalit saka mabilis na nagbihis ng uniform nila.
Pagkalabas niya ay abala pa rin
HABANG nasa byahe ay naramdaman ni Yesha na nag-v-vibrate ang cellphone niya dahilan upang kaagad niya iyong kapain at tingnan kung sino. Napatingin din naman sa kaniya si Shawn. Alam na kaagad niya kung bakit."Si Erika," aniya sabay sagot ng tawag ng kaibigan. Kaagad niyang narinig ang mahihina nitong hikbi sa kabilang linya na siya namang ipinag-alala niya. "hey? What happened? Bakit ka umiiyak?" hindi na naitago ni Yesha ang pag-aalala. Minsan lang niya ito makitang umiiyak kaya sobrang hindi niya alam ang gagawin lalo na kapag hindi na nito kaya."P-puwede ba t-tayong magkita?" pumipiyok na tanong ni Erika sa kabilang linya. "Nasaan ka ba?""Nasa condo ko, p-puntahan kita." Napatingin siya kay Shawn na kanina pa rin niya nahuhuling tumitingin sa kaniya. "S-sige, sasabihan ko si Shawn.""S-salamat, Yesha. Hindi ko lang kasi talaga alam kung kanino na ako lalapit." Maging siya ay masyadong nadadal
KANINA pa siya tinatadtad ng text ni Shawn pero hindi magawang maakalis ni Yesha sa yakap ni Erika. Wala siyang nagawa kung 'di ang mag-reply na lang sa lalaki na huwag na silang magtabi. Dahil hindi naman niya magawang umalis sa pagkakayakap ng kaniyang kaibigan, natulog na lang din siya sa tabi nito.Mabuti na lamang din talaga at wala silang pason ni Erika. Kinabukasan, nagising si Yesha sa mahigpit na yakap sa kaniya ni Erika ngunit nang magmulat siya ng mata laking gulat niya nang biglang si Shawn na ang kaniyang katabi."Good morning," Nakangiti at parang ewan nitong bati sa kaniya. Napataas na lamang ang kaniyang kilay dahil wala siyang maalala na lumipat siya sa kwarto ng lalaki. "P-paano?""hahaha, kinuha kita sa kwarto mo." simpleng sagot ni Shawn sabay kindat. Mabilis siyang napabangon saka hinampas ito sa balikat. "Baliw ka! Si Erika?" Nagkibit-balikat naman ang nobyo niya. Napakamot na lamang si Yesha sa kaniyang ulo. Ano pa nga ba ang aasahan niya
HINDI na sila nagtagal pa sa loob ng coffee shop. Alam niyang baka magtaka na iyong dalawa na wala pa sila. At baka mamaya, ano pa ang maabutan nila."Let's go, love? Baka makahalata sila." puno ng kalokohang aya ni Shawn kay Yesha. Kaagad naman siyang nagpunas ng bibig saka sumunod kay Shawn pasakay sa kotse nito. Mabilis ang naging pagmamaneho ni Shawn hanggang sa makauwi."Yesha, Shawn, nakabalik na kayo. Hindi naubos ni Adrian ang pagkain, kain na kayo." Nagkatinginan silang magnobyo. "Erika, may dumaan kasi na nagtitinda ng hot cake! Owemji sayang iilan na lang kasi naawa naman ako kaya pinabili ko kay Shawn. Sorry hindi na kita nagawang tirhan." palusot niya na may kasamang pag-arte para magmukhang makatotohanan."It's okay, anyway..." Lumapit ito saka hinawakan ang kaniyang kamay. "thank you so much for helping me. And sa pagpapatuloy mo rin. Thank you sa inyo ni Shawn. Babawi ako, promise!" Itinaas pa nito ang is
PAGKARATING sa hospital, kaagad na nagpaalam ang dalawa kila Yesha. Sila naman ay dumiretso na sa kwarto ni Mr. Ortega. Naabutan nila itong naonood. Kumatok muna si Yesha bago sila pumasok dalawa ni Erika. Nanlaki naman ang mata ng lalaki."Miss Yesha!" Mabilis itong bumaba sa higaan saka yumakap sa kaniya. Nang maghiwalay ang kanilang katawan kaagad naman niyang ipinakilala si Erika. "This is Erika my best friend. Kumusta ka na?"Ngumiti ito saka nakipagkamay kay Erika. Nagkatinginan naman sila ni Erika sabay ngiti. "Okay na ako Miss Yesha. Minsan natatakot ako pero kaya ko naman na labanan. Palagi ko kasing inaalala ang mga sinabi ninyo." Hindi niya lalo naiwasang mapangiti. Mabuti na lamang talaga at marunong ito sumunod sa mga sinasabi. Mayroon kasing mga pasyente na walang pakialam. Hindi marunong sumunod kaya mas lalong nagtatagal. "Mabuti 'yan, kahit nasa labas ka na huwag mo kakalimutan 'yong mga tinuro ko sa 'yo, ha?" paalala niya r
HALATANG walang nagawa si Erika kung 'di ang doon na lang makituloy sa bahay na Adrian. Pansin naman ni Yesha na may problema ang dalawa pero hindi na rin siya nagtangkang magtanong pa dahil hindi niya alam kung gaano iyon kababaw o kalalim man lang. Ayaw naman niyang manghimasok kahit na kaibigan niya ito. Panigurado namang may sariling pag-iisip ang dalawa. Hindi na nila kailangan pang pakialaman ng kahit na sino."Mauuna na ba kayo?" malungkot na tanong niya rito. Tumango naman sa kanila si Erika. "Gusto ko pa sanang bisitahin si tita pero saka na lang siguro. Kapag okay na ang lahat, mahirap din kasi magpanggap sa harap ng mama mo." Natawa siya sa sinabi ni kaibigan. Paniguradong mapipilitan itong sabihin kung ano ang nangyari dahil kilala niya ang mama niya, paniguradong mahahalata kaagad nito kung may problema ba ang isang tao."Basta ha, tumawag ka sa akin kapag nalulungkot ka o hindi mo na rin kaya, ha? Maging open ka dahil kakaltuka
NAGING abala si Yesha at Shawn sa loob ng dalawang linggo dahil sa bagong branch ng kompanya nitong itatayo sa Hongkong. Excited siya sa patuloy na paglago ng kompanya ni Shawn at hindi na niya alam kung paano ito i-c-congrats.Masaya siyang tumulong sa lalaki at masaya siyang makasama nito sa paglago. Palagi rin naman niyang sinasabi sa kaniyang ina kung gaano kagaling ang kaniyang nobyo at pareho silang hindi maiwasan na maging proud dito. Alam niyang magaling si Shawn at hindi lang hanggang dito ang lalaki. Alam niyang dadami pa ang branch nito sa iba't ibang sulok ng daigdig."Busy?" Nakangiting tanong niya pagpasok sa opisina ng lalaki. Sobrang seryoso kasi ng mukha nito at halatang abala sa kung ano mang ginagawa niya. Kakauwi lang din niya galing sa trabaho, tinapos na rin kaagad ni Yesha ang lahat ng kailangan niyang tapusin dahil alam niyang matatambakan siya kapag hinayaan pa niya. "Medyo, but this is the last folder i need to sign
NANG matapos ang kanilang dinner ay kaagad silang umuwi. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Shawn na hindi pa rin ito makapaniwala na medyo nagbago ang pakikitungo ng ama nito sa kaniya. Alam ni Yesha na malalim ang iniisip ng nobyo kaya naman hindi na rin muna niya ito inistorbo. Pero hindi pa nga nakakatapos ang ilang minuto naramdaman na kaagad niya ang paglalambing ng lalaki sa kaniya. Palihim naman siyang napangiti."Bakit gising ka pa?" mahinang tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi naman mapigilan ni Yesha ang kiligin sa boses nito. "Kasi hindi pa ako antok?" pilosopo niyang tanong dito. Natawa naman ang lalaki sa kaniyang kalokohan. Mukhang dito na lang talaga sila lalong sumasaya."Psh, you okay?""Yes," pagsisinungaling niya kahit medyo hindi pa rin maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ng ama nito na hindi niya alam kung totoo ba o hindi. "Wala ba talaga kayong napag-usapan ni dad?"Al
MALAKAS itong natawa sa mga pinagtatatanong niya. Mas lalo lamang tuloy na napasimangot si Yesha. Alam niya kasing mas lalo lamang siyang mapapahiya. Kung bakit ba naman kasi sobrang paborito niyang ipahiya ang sarili. "Wife, listen to me. You're noyt ugly. Nakikita mo ba 'yong mata nila kapag naglalakad ka? Palaging nakasunod sa 'yo kaya palagi ring nasisira ang araw ko." Natigilan siya sa sinabi ni Shawn. Hindi niya alam na ganito ito masyado ka-open sa kaniya. Alam na niya iyon matagal na pero heto na naman siya.Maganda siya at iyon ang isa sa mga katangiang meron siyang ipinagmamalaki niya. Pero hindi naman kasi palaging maganda ang pakiramdam niya sa sarili. Minsan naiisip din niyang nagbabago ang hitsura niya. Nawawala ang gandang pinagmamalaki niya. At higit sa lahat, minsan hindi na niya maisip na kung ano ang ganda niya noon ay iyon pa rin hanggang ngayon."Pero, Shawn...""Stop that pero, love. I told you, you