TWO YEARS LATER
"This way to Dune Oasis," sinundan ni Mark kung saan nakaturo ang arrow sa signboard. Pakanan, palayo sa sea route.Napangiti si Mark. Kaya pala dito napiling magbakasyon ni Cleo. The drive itself is fulfilling enough. So full of nature. Oo nga at mainit, hindi niya iyon masyadong ramdam dahil sa nagtatayugang palm tress sa gilid ng kalasada. This is the kind of place he considers paradise. Tahimik. Malayo sa maingay na siyudad. Perfect for the biggest surprise he had for Cleo.Kinapa niya ang kaheta sa bulsa ng katabing back pack. He is going to pop the question tonight. Kabado man, he is still optimistic.Because what could possibly go wrong? Apat na taon na niyang kasintahan si Cleo. Ito na ang tamang panahon para lumagay sila sa tahimik. Sana lang ay hindi siya mapapahiya. Sana lang...Two minutes and he arrived at Dune Oasis Luxury Villa, set behind an automatic wide gate na kusang bumukas nang matapat siya roon. Lumabas ang may katandaang lalaki. Maitim, halatang babad sa araw. Nakasuot ng straw hat, cargo shorts, sando at crocs slipper na itim. Ito marahil ang care taker ng villa."Rented out na po dito, Sir." Anito. Meaning, nirentahang buo ng guest ang villa.Nagtaka kaagad si Mark. Ang paalam ni Cleo ay mag-isa lang nitong bibiyahe. Why would she rent the entire place if she's alone?"I'm with Cleo..." Aniya rito."Si Cleo Welsh po?""Yes, Sir. Miss Cleo Welsh. She wasn't expecting me pero susurpresahin ko sana siya." Ipinakita niya rito ang larawan nila ni Cleo sa pitaka. Kuha noong nasa Casa del Rio sila nina Cleo...two years ago.Napatango ito matapos kilatisin ang larawan."Sandali lang sir, tanungin ko muna sila.""Sila?" Lalong nagtaka si Mark."Anim po sila. Bale, ano ka ho ni Madam Cleo?""I'm his b-bestfriend, Mark Antonio." Humigpit ang hawak niya sa manibela. "You can ask her while I wait here outside.""Hindi na po kailangan.Kayo po yung nasa Japan?"So, he heard? Tumango siya si Mark. He is in the international trade business kaya kung saan-saan siya napupunta. His last business trip was in Japan. Executive meeting with the Japanese tycoon, Asami Dai."Just got back yesterday." Hindi rin niya iyon sinabi kay Cleo. Kasi nga, gusto niya itong i-surprise.The man smiled apologetically saka tumabi, signalling him to proceed inside. "Deretso po sa garahe, Sir." Itinuro nito ang covered parking sa kanang bahagi ng malaking bahay.Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang makita ang tatlong pamilyar na sasakyan sa garahe. Pero higit na nakaagaw sa atensyon niya ang blue Bentley Continental GT...sasakyan ni Logan Armani. Bestfriend ni Cleo. The two other cars belonged to Cleo's two other friends, Lance and Carl.Natanaw niyang may infinity pool sa likod ng bahay. Ang nakapagtataka, walang tao. Asan na si Cleo at ang mga kasama nito?He sank in his car seat, nagbuga ng hangin at nang sana ay gumaan ang namimigat na dibdib. But the deeper he sigh, the deeper the pain seemed to bore through his chest. Walang kasing sakit. Mariin niyang naipikit ang mga mata, deciding whether to turn back or stay.Clearly, niloloko lang pala siya ni Cleo. So...wala nang proposal na mangyayari. Why stay?And if he turns back...no. He could be wrong. Marami ang namamatay sa maling akala. He's got to know the truth.Mahinang katok sa bintana ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Si Manong na ngabukas ng gate."Hatid po kita sa magiging kuwarto ninyo, Sir." Anito.What choice does he have now?Kinuha niya ang backpack at umibis sa sasakyan."W-where's Cleo's room?" Tanong niya sa matanda nang marating nila ang main entrance ng guest house."Room one po sa second floor. Kasama yung nobyo."Muntik nang ikatisod iyon ni Mark, already regretting his decision to stay."U-uh...sumama din pala si Logan?" Aniya. Hindi niya alam kung paano napanatiling kalmado ang tinig sa kabila ng panginginig dahil sa matinding galit."Logan po ba 'yun? Yun pong maputi na maliit na lalaki.""Y-yeah. That's him." Sagot niyang nangangapa sa isip. This accidental discovery of Cleo's infidelity left him feeling stupid. For the longest time, naniwala siyang 'best friend' lang ni Cleo si Logan."Where is everybody?" He asked Manong."Nagsipahinga ho siguro. Kaninang umaga pa ho kasi sila umiinom, eh."How nice! Mapait niyang naisip."How unlucky of me. Lugi na naman ako." Tawa niya. Tawang pilit at punong-punonng pait. "Dapat pala inagahan ko ang luwas nang nakasabay naman ako sa kanila.""Bawi ka na lang po mamaya, Sir." Nakitawa na rin si Manong.They entered a spacious living area. May tatlong malalaking sofa doon na puti, nakaharap sa fireplace. Almost everything in the house are color white, liwanag sa nagdidilim na niyang paningin."Doon po tayo sa master suite. Iyon lang po ang hindi ukupado."Inakyat nila ang second floor. Dadaanan pa ang ukupadong kuwarto ng mga hudas bago ang master suite. As if a test of timing, narinig niya ang halakhak ni Cleo at ang kaharutan nitong lalaki sa kuwarto. The world seemed to spin around him as he realized the extent of Cleo's betrayal. Nilalatag sa mismo sa harapan niya...ang gagawin na lang niya, kumatok, kumprontahin sila."Sir...?" Tawag ni Manong na nasa harapan ng master suite, nakabukas na ang pinto.Lutang ang pakiramdam niyang nilisan ang tapat ng pinto ni Cleo. He put on a calm facade as he approaches the old man in the master suite.The old man was kind enough to turn on the AC for him. Saka hinawi ang kurtina ng compact door palabas ng veranda, exposing an amazing coastal lake view behind it. Outside the gate.Napa-wow si Mark. Nilapag niya sa king size bed ang bag at nagmistulang insekto na nabighani sa apoy. Lumapit siya sa glass door. "Can I go out there?" Tanong niya.Tumango si Manong. "Magpaalam lang ng maayos sa Mabalao sisters.""Maba-what?""Mabalao sisters. Sila po may ari niyan. Si Marlyn at Wanda. Mga mababait naman sila. Huwag mo lang pinagluluko." He headed for the door. "Namamaril sila, eh."Napatango si Mark. "Manong..."Nahinto sa pinto ang matanda. "Bart...tawagin po ninyo akong Tsung Bart, Sir.""S-salamat nga pala.""Walang anuman, ho. Tawag lang po kayo kung may gusto kayong ipagawa. Nasa baba lang ho ako...sa barracks."Ngumiti si Mark."Ano po tunay na pangalan ninyo?""Bartolome Acusta."Tumango siya. "Salamat.""Aalis na po ako."Hindi na niya ito tinapunan ng tingin at nahiga nang marinig ang paglapat ng pinto.Patayin kaya niya ang dalawa?Pero...anong klaseng parusa iyon kung hindi ni mararamdaman ni Cleo ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Death is just an escape, not a punishment.What if he pretends he knew nothing. Proceed with the proposal and then...?Kinuha niya ang kaheta sa bulsa ng backpack. He opened the box, took out the ring and stared at it. Yung tuwa at excitement na nararamdaman niya nang bilhin iyon ay naglaho na...galit at pagkamuhi na lang ang naroon.The ring cost nearly half a million peso, made with highly valued stone. Gold digger as she is, tiyak niyang hindi yun matatangihan no Cleo.Napangisi siya sa naisip.Hinanap niya sa contacts ang kilala niyang auctioneer. They'll be able to make a good deal out of it. Malaking tulong na yun kung sa nangngailangan niya iyon ibigay.Tinext niya kaagad ang auctioneer para maproseso na ang pagbebenta sa singsing, with one person in his mind...Tsung Bart don't seem to care for money. Mukhang kuntento na sa buhay nito sa Villa. Pero matanda na ito. At ramdam niyang mabuti itong tao. He deserve this more than anybody else.He secured the ring back into his backpack. Kinalma ang sarili bago bumaba sa barracks ni Tsung Bart.The breath taking surprise proposal he had in mind will carry on...only this time, with a threatening intension that will make Cleo and Logan regret ever betraying him.DINNER WAS SET AT SEVEN, at the outdoor dining near the pool. Mula sa veranda ng kanyang kuwarto ay pinanood niya ang walang tigil na pagi-istima ni Tsung Bart kina Cleo at sa mga barkada nito. Lance and Carl's girlfriends were there, too. Huling dumulong sa lamesa sina Cleo at Logan. And from the looks of it, they were having a great time while he is hanging back on the precipe of despair.They can't get enough of each other, too much PDA. Walang respeto sa mga kaharap at sa pagkaing nakahain sa lamesa.Malayung-malayo ito sa Cleo na kilala niya. Yung Cleo na handa niyang pakasalan. Yung Cleo na may self-preservation at mataas ang dignidad.Nakakadismaya.Nakakasuka.Mahigit kumulang dalawang oras din siyang naghintay na matapos ang dinner. Nang sa wakas ay maglabas ng alak si Tsung Bart, he straightened up. Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon.As he requested, pumailanlang ang God bless the broken road ng Rascal Flatts. Walang nagawa ang kahandaan niya dahil siya man ay parang tumigil ang mundo niya nang makita kung paano natigilan si Cleo, parang biglang nagising sa malalim na pagkakatulog. Guilt is all over her face. Napatayo ito at bahagyang lumayo kay Logan. Naguluhan na rin siguro ang lalaki sa nakikitang reaksyon ni Cleo.Umpisa pa lang yan pero nangangamoy drama na agad. Mapait siyang napangisi. Umalis siya sa veranda, deretso sa hagdan pababa, taking his time, diving deep to drown in his own anger, hatred and agony. Nangako siya kay Tsung Bart na hindi siya manggugulo. At paninindigan niya iyon.Naabutan niyang palabas ng dining area si Cleo, luhaan. Pigil ito ni Logan sa braso.Natigilan ang lahat sa biglaang pagsulpot niya. He heard the two other girls gasp in disbelief."M-mark...!?" Tigagal si Cleo.Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang babae na iproseso sa isip ang mga nangyayari. He seized her in his arms.He said, "I missed you."Naramdaman niya ang pag-aalinlangan ni Cleo. Bahagya pa nitong itinulak ang dibdib niya para bigyan ng distansiya ang pagitan nila. "Wait, Mark. Kailan ka pa dumating? How did you know where to find us?" Sunod-sunod na tanong nito habang kumakawala sa yakap niya."Don't trust Diane to book your travels if you intend to keep it from me." Ang secretary niya ang tinutukoy niya.Gumuhit ang matinding guilt sa magandang mukha ni Cleo. "L-look, Mark... There is something you needed to know.""What is it?" Pa inosente niyang tanong. Nagkunwaring walang nalalaman sa mga nangyayari. Gusto niyang paglaruan ang damdamin nito gaya ng ginawa nito sa kanya."I haven't been faithful to you." She looked him straight in the eye. Nakita niya doon ang pagsisisi and at the same time, relief. "I have been longing to tell you this...I'm sorry."Hindi niya iyon inaasahan. Ang buong akala niya, magsisinungaling sa kanya Cleo at subukang isalba ang relasiyon nila. Ang buong akala niya, magkakandarapa itong manghingi ng kapatawaran. It seems she have made up her mind for sometime now."How long has it been going?" Pumipiyok na tanong niya.lalong napayuko si Cleo. "Bago pa sila maghiwalay ni Sandi."Parang pinilas paisa-isa ang bawat himaymay ng puso ni Mark. Napakahabang panahon na iyon. Did Sandi lied to him about Cleo and Logan?There he was, sisingsisi at ginawa ang lahat ng paraang alam niya para makabawi sa isang gabing pagkakasala niya kasama si Sandi....Pero niloloko lang din pala siya ni Cleo. Kaya pala ang bilis naka-move on noon ni Logan. Parang hindi dinibdib ang pag-iwan noon dito ni Sandi."D-did Sandi knew?"Kagat-labing tumango si Cleo.Galit niyang ibinaling ang tingin kay Logan. Yumuko ang lalaki, showing total surrender to his intimidating demeanor."I loved you more than anything...it's just that I don't see a future with you anymore." Cleo's words made him drag his gaze back to her. Masakit yung malaman niyang pinagtataksilan siya ni Cleo ngunit wala nang mas isasakit pa ang malamang wala itong tiwala sa kakayahan niyang bumuo ng pamilya. Gayung ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa paghahanda para sa pamilyang pinapangarap niya."Im so sorry..." Anas ni Cleo bago nagmamadaling umalis. Hinabol ito ni Logan.Hindi siya nakapagsalita. Itinulos siya sa kinatatayuan, his stone walls crumbled at kusang nalaglag ang luha sa mga mata niya. Ang laki niyang tanga!Bumagsak ang kaheta sa pavement ngunit hindi na niya iyon pinulot. He went straight to his car, still struggling to come to terms with the reality of Cleo's infidelity. He had believed their love was unbreakable, but now it lay shattered at his feet."Mark! Sandali..." Tinangkang humabol sina Lance. But he is too devastated to talk, let alone to face anyone in Cleo's circle.He have never felt so defeated his entire life. Parang gusto na niyang maglaho sa mundong ibabaw.Mark have no idea where to go. Basta nagmaneho siya palabas ng villa, following the dirty road to his right. He just wanted to be away. To be alone. Kailangan niyang mag-isip.Itinabi niya ang sasakyan sa gilid nang makasigurong nakalayo na siya sa villa at walang nakasunod sa kanya. Sumandal siya sa upuan matapos patayin ang makina ng sasakyan. He sat there staring at the darkness ahead of him. For some reason, he felt like an empty can all of a sudden. Gustuhin man niyang umiyak, wala na siyang iluluha. Gustuhin man niyang sumigaw at ibunton sa manibela ang galit, wala na siyang lakas. He desperately need to feel...to cry, to laugh, whatever emotion that might be. Basta may maramdaman man lang siya. Pero wala. Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal na nakatulala habang nag-iisip kung paano niya sasabihin sa pamilya na wala na sila ni Cleo. At ang dahilan ng paghihiwalay nila ay hindi katanggap-tanggap sa lipunang kinabibilangan niya. Because who cheats on Mark Anthonio?
Hindi na namalayan ni Mark ang paglipas ng oras. Masaya pala kasing kausap itong si Marlyn. She's smart and full of clever humor. He actually find everything that comes out of her mouth very engaging. And at some point, naisip niyang isa yata itong psychiatrist. Minsan din, akala mo pastor preaching the phases of earthly existence and the life after that. Ilang ulit silang nagdebate. Hanggang lumalim nang lumalim at gabi at maramdaman niyang tumatalab na sa sistema niya ang alak. Doon na pumasok sa usapan ang intimacy issue, emotional distress at detachment. At sa pagtataka niya ay bigla na lang itong tumayo. "Come here." Anito. Kinuha nito ang kamay niya at iginiya siyang tumayo. Nagpahinuhod si Mark. "Let's dance." She smiled. Lalong nanlamlam ang mga mata. "Without music?" Pagtataka niya. Gayun pa man ay niyakap niya ito sa baewang dahil sumuray ito. She leaned her head on his chest. "They said that if you are lonely and detached, dancing without music will help you find the
"We're going on a cruise!?" Bigla ay sagot ni Wanda sa likuran nila ni Bart. Gitla sila ni Bart na napalingon dito. "Kanina ka pa?" Ani Bart. Umiling si Wanda. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. "I got you carrot soup, Tiyong.""You're not coming this time. Masyadong delikado na sa'yo ang maglayag." Aniya. "Marlyn, if I get to spend my last days here on earth, I want it to be in the sea. Ipagkakait mo pa ba sa akin 'yun?" Inilapag nito sa coffee table ang dalang pagkain na umuusok pa sa init at animo batang nagtatampo, pabagsak itong naupo sa sofa. Nagkatinginan sila ni Bart. "Please, let me come with you. I won't be a pest...I promise."Makahulugang tingin ang ipinukol sa kanya ni Bart bago hinarap ang pagkaing inihain ni Wanda. "I'm not sure if Mark will agree to that...he and I...""I won't get in the way. I almost killed him. Pakikialaman ko pa ba kung ano ang naging usapan ninyo. Let me come. Babawi ako sa kanya. If we have to tour him for free then...that's on me.""It'
"That can't be." Mariing napailing si Mark. Kumirot ang puso ni Marlyn sa nakikitang pagkalito sa maamong mukha nito. Pero andito na sila, eh. Kailangan niyang panindigan ang kasinungalingang naumpisahan na niya. Nila ni Bart. "Sinabi ko naman sa'yo na baka magbago ang isip mo kapag matino-tino ka na. You insisted. B-binalikan pa nga natin sa villa ang mga naiwang gamit mo. You gave us your supposed engagement ring as an advance payment."Pakiramdam niya ay sungay na lang ang kulang at puwede na siyang itabi kay Lucifer. She is a bad liar and she's just happy she's not faltering in front of Mark. "Urgh! Damn you Cleo!" Galit nitong nasabunutan ang sariling buhok. "If it wasnt for that woman, hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasiyon." Sensing Mark's surrender, pinagbuti ni Marlyn ang pagsisinungaling. "S-sabi mo, eh halos kalahating milyon ang halaga niyon and it should be enough to cover all your expenses on a two week cruise. S-sino ba kami para tumanggi?" Salamat na rin a
Just as usual, Wanda took the empty chair across from her, juggling the keys in her hands. At ramdam niya ang titig nitong nakasunod sa bawat galaw niya habang inaayos niya ang kubyertos sa lamesa. She can't help but feel nervous. Si Wanda ang tipo ng tao na mahirap pagsinungalingan kaya't hangga't maaari, ayaw niya munang kaharap ito nang matagal hangga't hindi pa niya nakukumbinsi at napapaniwala si Mark. "That dude is freagin' awesome. You should date him." Anito pagkaupo. Wala naman sa tono nito na gusto nitong manghuli ng katutuhanan. Nagbibiro pa nga. "Gifted ang loko." Wanda giggled. "I know." She blushed. Remebering the night before. Wanda gasped. Her eyes widened. "Nakita mo? Nahawakan?""Almost. Kung 'di ka dumating." Pinagdikit niya ang dalawang daliri sa tapat ng mga mata ni Wanda, kunwari ay gigil. "I am this close to touching it."Tumawa ito ng malakas. "I saw it.""You did?" Siya naman ang napamulagat sa kapilyahan ng kapatid. Pilya naman talaga ito kahit noon pa, tha
5AM. You've got to be kidding me! Dali-daling pinatay ni Wanda ang makina bago mabilis na tumayo at hinalukay ang lalagyan ng life jacket. Isinuot ang unang nahawakan saka mabilis na kumuha ng dalawa pa, one for Marlyn and one for Mark.Wala siyang inaksayang sandali, tinakbo niya ang crew cabin at kinatok nang walang tigil si Marlyn. "Ano na naman?" Pupungas-pungas na bungad ni Marlyn. "Storm advancing this way.""Shit!" Hindi na niya kailangang magpaliwanag. Alerto na rin si Marlyn. She grabbed the vest and ran to the port deck. "How far is it?" "About a mile away. And we are heading straight to it."As if to confirm, a gust struck on the leeward. Large thunderheads fast approaching ahead. They are fifteen miles from Dade Island and if they turn back now, there is no guarantee they can make it to safety before the storm hit the fan. "I'll stream the anchor!" Sigaw ni Marlyn."Gisingin mo si Mark. I'll meet you here in two minutes!"Wala na siyang sinayang na sandali. Tinakbo na
Unti-unti nang humupa ang ang malakas na ulan ngunit malakas pa rin talaga ang hangin na nakadagdag sa takot at pangamba ni Mark, lalo at manakay-naka'y sinasalpok pa rin sila ng malalakas na alon.At nang tingnan niya si Wanda, nakapikit na ito. Parang hindi na humihinga. She was not left that long in the water but her face and lips are turning blue. Probably from the cold...?That better be right. Because he can't imagine staying with a corpse in a situation like this. The yacht was just a few feet away, kunting tulak na lang at ligtas na sila pareho ni Wanda. Ngunit parang gusto niyang takasan ng pag-asa nang makita sa loob ng helm station si Marlyn na hindi makamayaw habang sinusubukan nitong buhayin ang makina ng yate. He is already suspecting that the yacht has lost power...kung hindi ay kanina pa sana iyon napaandar ni Marlyn. She seemed to have given up after few more attempts. Nang wala itong magawa ay patakbo nang lumabas sa helm station at saglit na huminto, tumanaw sa g
"This way." Nagpatiuna na si Mark sa pag-akyat dahil naaasiwa siya sa dalawang kasama na nagkanya-kanyang bitbit sa mga hinubad na damit. Medyo masukal ang dadaanan nila. And he might just have forgotten to warn them about it. Kaya naman sa gitna ng daan ay nagpahintay ang dalawa at napilitang magdamit muli. Halos kalahating oras na inakyat nila ang burol dahil kung anu-ano ang nakikita ng dalawa na puwede raw ipunin at kakainin...red and purple berries na bago sa paningin niya."Are you sure those are edible?" Puna niya kay Marlyn dahil ito ang malapit sa kanya. "I know nothing about berries but the fact that those birds are eating it...my common sense tells me, yes, they're edible." Pasupladang sagot ni Marlyn bago siya tinalikuran para ipagpatuloy ang pamimitas sa prutas. Galit? Pero bakit?Napilitan na siyang namulot sa mga naglalaglagang bunga ng niyog sa dinaraanan niya. By the time they reach the rock chamber, natuyo na sa mga katawan nila ang basang mga damit at may tig d
Wala si Marlyn na higaan nito. Iyon ang unang napansin ni Mark pagmulat niya ng mata. He winced as he rose from his makeshift bed, his body still adjusting to the harsh conditions and all the hard work they did yesterday. Accustomed to the comfort of a soft mattress, he can't believe how he managed to sleep on a bed of leaves and twigs for days, habang pinagpipiyestahan ng lamok. He scratched his skin instinctively habang gumagala ang paningin sa kabuoan ng open hut na pinagtulungan nilang gawin ng dalawang dalaga. Nadako ang paningin niya sa gawi ni Wanda. She's still sleeping. Nakatalikod sa gawi niya. Napangisi siya sa sarili at napailing. Nasapo ang panga kung saan tumama ang kamao ni Wanda kagabi gawa ng pang-aasar niya rito. Hindi man lang siya nakaiwas. Maayos naman silang naghiwalay kagabi at nagawa pa nga nilang tumawa ni Wanda nang pareho silang makabawi sa nangyari. But that served him a warning, to always pick a line to cross with Wanda. Mahirap na. Baka sa susunod a
Nilinga ni Mark si Marlyn sa sarili nitong higaan na kanina pa nagpaalam na mauna nang magpahinga. She seemed to have totally surrendered to her fatigue at mukha namang tulog na tulog na. Iyon ang hinihintay niyang pagkakataon, ang makapagsolo at makausap nang masinsinan si Wanda. He wanted to have carity about what happened between them. Tumikhim siya at atubiling umisod palapit sa dalaga. "About this morning..." Umpisa niya. "I don't want to talk about it." Agad na sagot ng dalaga biglang namula ang mukha."Why not?" He needed to know what she was thinking dahil ang totoo, pakiramdam niya ay may pananagutan siya sa nangyari."Because..." She was tensed, dahil napansin ni Mark na nilalaro-laro nito sa kamay ang lata ng iniinum na beer. "Because...?""I don't want to complicate things by crossing the line we shouldn't be crossing." "Uhhuh..." Tumango si Mark. Not convinced with Wanda's answer lalo at ito ang nagpakita ng motibo kaya niya ito nagawang hawakan at muntik nang pak
Wanda's eyes fluttered open, her mind foggy as she struggled to process the chaos that had just erupted. Wala na ang mga unggoy sa paligid.She was met with a sight of utter devastation - her clothes now hung in tattered shreds, her arms and legs a mess of scratches and bites. The monkeys, those mischievous creatures, had left her looking like she'd been put through a blender. They had pulled her hair, bit her arms, and scratched her skin...it was as if she had been initiated into some sort of twisted monkey cult, forced to endure their brutal hazing ritual. Baka nga...If so...then she's a part of a monkey cult now? Natawa si Wanda sa kabila ng humahapdi niyang kalmot sa mga binti at braso. Tumayo siya para lang mapangiwi nang maramdamang sumasakit ang buo niyang katawan.Lesson learned, don't get in the way of monkey business, literally. This serves as a reminder of the unpredictable dangers that lurked in the jungle. Had she stayed at the camp site as she was told, none of these w
Namamaos na si Wanda dahil kanina pa niya inaamo ang unggoy. Ayaw nitong bumaba. Everytime Wanda attempts to climbed up--naked--the monkey would climb higher, leaving her no other choice but to stay on the ground and talk to it like it was a child. She felt so exposed kahit walang ibang tao sa paligid. Pikon na siya at gigil na sa hayop. She picked up some rocks...bahala na. Ayaw niyang manakit but it is giving her no choice."Give me back my clothes, you little thief or I'll hit you." She threatened the animal. Pero parang wala iyong narinig. Para pa nga itong nang-iinis at inamoy ang..."Hoy! Putang inang ito!" Nanghihilakbot niyang pinukol iyon ng bato.Alam niyang walang malisya iyon sa unggoy but she felt violated. Sa puntong iyon ay gusto na niyang sakalin iyon. Why of all things, iyon pa talaga!The monkey seemed to...Grimace...? Then it threw her panty like it was some kind of junk. Tumikwas ang kilay ni Wanda. Marunong mang-insulto ang unggoy. It was important at tha
Ang problema ngayon ni Wanda ay kung paano harapin si Mark pagkatapos ng nangyari. Hiynag-hiya siya sa sarili at sa binata. Baka iniinisip na nitong isa siyang ababeng kaladkarin. Well...masisisi ba niya ito kung iyon ang iniisip nito? She made the first move. She provoked him. Totoo ngang ang pagsisisi ay laging nasa huli. Had she put a thought on her actions first, wala sanang ganitong problema ngayon. Should she go to the camp site and talk to Mark o magpalipas muna ng sandali sa kagubatan?Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan. Sa kakahuyan ay dinig niya ang tila nag-aanyayang huni ng mga ibon mula doon.She suddenly felt the urge to explore the jungle. A hike may help clear her mind. Pero kabilinbilinan ni Marlyn na huwag na huwag siyang aalis. Huwag lumayo sa camp site. Oh! Fuck that. She doesn't see Marlyn anywhere. Mapipigilan pa ba siya nito kung nakaalis na siya bago pa man ito bumalik? Nagmamadali siyang pumunta sa yate at nagbihis--fitted jeans at itim na long s
"MORNING." Nakangiting bati sa kanya ni Wanda na nagisnan niyang nagsisiga. Wala si Marlyn. Hula niya ay nasa gubat o kung saan man ito at mag-isa na namang naghahanap ng makakain. Inis siyang bumangon. Masyadong ipinapamukha ng dalawang ito ang kawalan niya ng silbi. Nilampasan lang niya si Wanda at hindi nag-aksaya kahit sandali na tapunan ito ng tingin. He went straight to pick up Marlyn's fishing rod. "Mangingisda ka?" Nakasunod na tanong ng dalaga."None of your business." He headed to the vegetation to his right. "Water is that way, Sir." Tila nag-inis na sabi ni Wanda. "Walang fish sa kakahuyan." Dugtong pa nito. Biglang buwelta siya rito dala nang matinding ngitngit. Balak sana niyang duruin ito at murahin pero walang lumabas na salita sa bibig niya kaya naihilamus na lang niya ang palad sa mukha. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Para kang babae na may regla. Hindi maunawaan. One minute, you're okay. The next, you're angry.""Leave me alone. I'm not stupid so stop treatin
Bart sat in his living room, staring at his phone. Relief was evident in his face. Katatanggap lang niya ng mensahe mula kay Marlyn. The three made it through the storm. They're alive. Wasak ang yate, wala na raw pag-asang makakalayag pang muli ngunit, buhay sila! Iyon ang mahalaga. Gusto niyang tumawag sa coast guard. Ipaalam ang kalagayan ng tatlo nang makapagpadala sila ng tulong sa lalong madaling panahon...ngunit, ang bilin ni Marlyn, ipagpaliban muna iyon. Bigyan lang niya ang mga ito ng pagkakataong makasalamuha si Mark, makuha ang loob nito. She was asking for one week.Marlyn promised they're going to be okay. Wanda is going to be okay. But one week is too long. There would be news, casualties...may mawawala, may maghahanap.Can he shut his mouth that long? It would be easier if they were only on a cruise. Kaso...hindi. Isa pang problema, bigating tao pala itong si Mark Anthonio. According to what he heard from Cleopatra Welsh and her friends, isang business tycoon pala
Mabigat ang loob ang pinalibot ni Marlyn ang paningin sa kabuoan ng flybridge. Warak ang helm station ng yate, malinaw na doon ang binagsakan ng mainsail nang mabuwal iyon. Binaha na rin iyon ng tubig ulan dahil sa pagkakabasag ng fiber glass na nagsisilbing bubong nito. The radio, the engine and everything at the helm station had been submerged in the water. Wala nang pakinabang!The vessel is in total knockdown.Ngayon, paano na sila makakaalis sa islang ito? Ni hindi nila alam kung nasaan sila. This island was off their usual course kaya hindi niya alam kung nasa coastal territory pa ba sila ng Pilipinas o kaya ay nakalayo na. She sigh. She wanted to believe that these all happened for a reason. Dahil sa kabila nang lahat, they all came out alive. Hindi yun coincidence lang. Diyos ko, ano ba itong napasok niya...nila ni Wanda? Parusa kaya ito sa masamang balak nila ni Tiyong Bart kay Mark? No. She shook her head.Mark is a stranger to them. Walang mawawala sa kanila ni Bart kun
"This way." Nagpatiuna na si Mark sa pag-akyat dahil naaasiwa siya sa dalawang kasama na nagkanya-kanyang bitbit sa mga hinubad na damit. Medyo masukal ang dadaanan nila. And he might just have forgotten to warn them about it. Kaya naman sa gitna ng daan ay nagpahintay ang dalawa at napilitang magdamit muli. Halos kalahating oras na inakyat nila ang burol dahil kung anu-ano ang nakikita ng dalawa na puwede raw ipunin at kakainin...red and purple berries na bago sa paningin niya."Are you sure those are edible?" Puna niya kay Marlyn dahil ito ang malapit sa kanya. "I know nothing about berries but the fact that those birds are eating it...my common sense tells me, yes, they're edible." Pasupladang sagot ni Marlyn bago siya tinalikuran para ipagpatuloy ang pamimitas sa prutas. Galit? Pero bakit?Napilitan na siyang namulot sa mga naglalaglagang bunga ng niyog sa dinaraanan niya. By the time they reach the rock chamber, natuyo na sa mga katawan nila ang basang mga damit at may tig d