Hindi niya namalayang nakatulog pala siya habang umiiyak at malakas ang ulan. Nagising na lamang siya na basang- basa ang buong katawan niya dahil sa sobrang lakas na ulan kagabi. Doon niya napansin na nanginginig pa rin ang kaniyang katawan, ngayon ay hindi na lang dahil sa takot kundi dahil na rin sa lamig.Napatingala siya sa kalangitan umaga na pala. Napakagat ang kaniyang labi ng mga oras na iyon, umaga na pero wala pang dumadating para hanapin siya. Ganun ba talaga siya hindi ka- importante para hindi hanapin? Sa mura niyang edad ay tumatak sa kaniyang isip na hindi siya mahalaga sa kaniyang pamilya.Pinilit niyang bumangon sana para umuwi na ngunit hindi niya nagawang igalaw ang kaniyang katawan. Nanghihina siya at pagkatapos ay nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa sobrang ginaw. Hindi niya alam kung gaano na katagal nababad ang katawan niya sa tubig ulan, hindi na niya napansin pa.Ilang sandali pa nga ay muli siyang pumikit at muli na namang nagtubig ang kaniyang mga
Napapikit at napakagat labi na lamang si Serene dahil sa hapdi ng nasugat niyang paa. Dahil nga kasi sa sobrang dilim ay wala siyang makita kaya hindi niya napansin ang vase na nasa counter pala. Nakalimutan nga pala niyang may vase nga pala doon kaya hindi niya sinasadyang matabig iyon at pagkatapos ay nahulog sa sahig dahilan kung bakit ito nabasag at tumilansik ang ilang piraso ng basag na bote sa kaniyang paa. Tapos ay ngayon sinesermonan pa siya ni Luther habang ginagamot nito ang kaniyang paa. Sino ba naman kasi ang napakatanga na hindi man lang nag- isip na napakadilim at wala siyang makita. Hindi niya inisip na napakaimposibleng maghanap sa napakadilim na paligid. Tumahimik na lamang siya habang sinesermonan ni Luther dahil wala siyang maisagot rito. Sadyang umarya lang talaga ang kaniyang katangahan kaya ganun. Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang natapos nito ang paggagamot sa kaniyang mga paa. Nasa sala na sila ng mga oras na iyon. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inipo
“Thats not what I mean.” humihinging paumanhin na saad nito at pagkatapos napakamot ng ulo.Bigla naman siyang natigilan sa ginawa nito. Unti- unting sumilay ang isang sinserong ngiti sa mga labi nito ng mga oras na iyon. Ang inis na nararamdaman niya ay tila ba unti- unti ring nalusaw ng masilayan niya anng ngiti nito. Bigla tuloy niyang namura ang kaniyang sarili dahil rito. Nag- iwas siya ng tingi rito at pagkatapos ay muling hinila ang kaniyang kamay.Ayaw niyang ipahalata rito na naaapektuhan siya sa ngiti nito. Kailangan niyang maging matapang at hindi siya papayag na mahulog sa ngiti nito. Dahil nga mas hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kaniyang kamay ay hindi niya iyon nabawi mula sa pagkakahawak nito at dahil nga doon ay muli na naman siyang nakaramdam ng inis.Muli siyang napalingon rito at handa na sana niyang sigawan ito dahil ayaw pa rin nitong bitawan ang kaniyang kamay ngunit napigil siya dahil sa ngiti nito. Hanggang sa mga oras pala na iyon ay hinid pa rin n
Pinaupos siya nito sa sofa nang maitayo siya nito. Hindi siya nagsalita dahil wala din naman siyang alam na sabihin rito ng mga oras na iyon idagdag pa na madaming tumatakbo sa kaniyang isip ng oras na iyon. Naupo rin ito sa tabi niya.“Pwede bang sa kwarto ko na lang ikaw matulog?” nahihiyang tanong nito sa kaniya.Napalingon naman siya rito at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. Ang kaniyang puso ay nagsusumigaw sa tuwa ngunit ang kaniyang isip ang nakikipagtalo na huwag dahil baka mas lumalim lamang ang nararamdaman niya para rito. Sa huli ay sino ba ang magigng kawawa at masasaktan hindi ba’t siya rin? Kung hindi nga naman niya pipigilan ang nararamdaman niya ay alam niyang masasaktan nga lang talaga siya.Bubuka na sana ang kaniyang bibig upang tanggihan ito ngunit napigil siya dahil muli na naman itong nagsalita at sa puntong iyon ay hinawakan pa nito ang kamay niya.“Natatakot kasi ako sa dilim…” mahina nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag- iwas siya ng tingin.Bigl
“Tabi na tayo dito sa kama.” sabi nito at pagkatapos ay nauna ng humiga.Tumagilid ito kung saan ay nakatalikod ito sa kaniya at siya naman ay nahiga na rin sa kama. Tumalikod din siya rito kaya magkatalikod silang dalawa. Narinig niya ang muli nitong paghikab ng mga oras na iyon at masasabi niyang antok na antok na nga talaga ito ng mga oras na iyon.Tahimik lang siyang nahiga, sa mga oras na iyon ay alam niyang hindi pa siya inaantok. Bigla na lamang siyang nagulat ng bigla na lamang may luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahang tutulo ang luha niya. Napakababaw naman nito para tumulo. Napapikit siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang dibdi, ramdam na ramdam niya doon ang kirot ng mga oras na iyon.Bakit ba kasi kailangan niya pang masaktan dahil lang sa isang larawan? Isa pa bakit ba siya nasasaktan e wala naman sila hindi ba? Wala siyang karapatan na masaktan. Wala naman itong sinabi sa kaniya na mahalin niya ito kusa na lang kasi talagang nahulog ang loob niya
Hindi namalayan ni Serene na muli pala siyang nakatulog nang magising siya kanina. Pagkamulat niya ng kaniyang mata ay wala na siyang katabi sa kama at mag- isa na lamnag siya. Hindi niya tuloy alam kung gaano na katagal na wala siyang kasama doon. Tumihaya siya at pagkatapos ay napainat siya at pagkatapos ay napahikab.‘Anong oras na ba?’ ilang beses siyang pumikit at dumilat pagkatapos ay napatitig sa kisame at lumingon sa bintana ng silid na iyon. Maliwanag na sa labas ngunit rinig na rinig niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang buhos ng malakas na ulan. Umuulan pa rin hanggang sa oras na iyon at hindi niya alam kung may plano pa ba itong tumila.Kagabi pa umuulan at ganun rin kalakas ang buhos nito. Gusto niya tuloy isipin na may sama ng panahon at hindi nila iyon nabalitaan dahil hindi naman sila nanunuod ng balita. Dahan- dahan na nga siyang bumangon. Tanghali na siguro dahil maliwanag na. Lalabas na siya dahil baka mamaya ay magutom na si Luther at sisihin siya nito na tu
—---------------------Nakauwi na sila sa bahay na tinutuluyan nila at nakapalit na rin siya ng kaniyang damit. Naligo nga siya kaagad pagkauwi nila dahil nga baka lagnatin siya, sobrang nabasa pa naman siya ng ulan kanina.Si Luther naman ay binilin na niyang maligo din ito kaagad pagkauwi nila, hindi ito sumagot sa kaniya bagkus ay nagtuloy- tuloy lang itong pumasok sa silid nito. Hindi pa niya ito tiningnan dahil ininit niya muna ang niluto niyang ulam kanina at pakakainin niya ito at paiinumin niya ng gamot dahil baka mamaya ay lagnatin ito.Hindi pa naman niya alam kung gaano na ito katagal na nakababad sa ulan nang maabutan niya ito. Idagdag pa na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit ito nandoon at umiiyak sa gitna ng ulan. Wala naman siyang alam na dahilan dahil wala naman tong sinasabi sa kaniya at isa pa ay hindi naman sila ganun ka- close kaya hindi naman ito nagkwekwento sa kaniya.Nang mainit na nga niya ng tuluyan ang niluto niyang ulam ay n
Ilang oras na ang nakalipas simula nang makalabas si Serene sa silid ni Luther. Kaninang paglabas niya mula doon ay naupo siya sa sala at pagkatapos ay napatulala na akala mo ay nawawala siya sa kaniyang sarili at hindi niya maiwasan ang hindi mainis sa kaniyang sarili dahil halos hindi niya mautusan ang kaniyang sarili at tila ba tamad na tamad siya. Dahil kaya iyon sa nalaman niya? Napatitig siya sa screen ng telebisyon ng mga oras na iyon, pinili na lamang niya ang abalahin ang kaniyang sarili na manuod na lamang ng paborito niya korean drama ngunit kahit ilang oras na rin siyang nanunuod ay tila ba hinid niya naiintindihan ang kaniyang pinapanuod. Inis na ibinagsak niya sa mesa ang hawak niyang chichirya na kinuha niya kanina sa ref. Pagkatapos kasi niya tumunganga ng kalahating oras sa sala ay napagdesisyunan niyang kumain ngunit hindi niya naman nagawang kumain dahil nawalan siya ng ganang kumain ng mga oras na iyon dahil sa nalaman niya. Hinid niya akalaing magiging ganuon ang
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni