Maging si Don Bernardo, labis na nagulat sa tagpong iyon. Sa sobrang galit ni Galen, ay kulang na lamang basagin niya ang monitor buti na lamang at napigilan siya ng security guard na kasama nila. “Nasaan si Gabriel?” nanginginig ang tinig ni Galen, na tanong sa security. “Wala po s’ya ngaun dito, sir,” maikling tugon ng security. “Apo, ako na ang bahalang kumausap sa pinsan mo tiyak na magpapang-abot lang kayong dalawa,” pakiusap ni Don Bernardo. “No, lolo, walang kapatawaran ang ginawa n’ya sa mag-ina ko malinaw sa footage na sinadya n’yang tisurin si Haya, sinadya n’ya lahat,” galit na galit na lumabas si Galen, patungo sa kanyang sa sasakyan. Pagpasok niya sa kotse ay nagtataka sa kanya si Haya, dahil sobrang galit na galit. “Hon, ok ka lang ba?” “Alam ko na kung paano ka na aksidente,” walang emosyon na tugon ni Galen. “Paano mo nalaman?” “Nakita ko sa CCTV sinadya ni Gabriel, na tisurin ka kaya ka nadulas,” binuhay na niya ang makina ng sasakyan, ngunit hindi pa sila na
Sabay-sabay silang napatakbo sa likod-bahay kung saan nila narinig ang malakas na sigaw. Nagulat silang lahat nang makita si Haya na nasa gitna ng swimming pool papalubog sa pinakamalalim na bahagi.Mabilis na tumalon si Galen, upang sagipin si Haya. Maging sina Manang Zeny at Cristy, ay nataranta rin sa nasaksihan na iyon.Ilang sandali pa ay papaahon na si Galen, habang dala-dala si Haya na tila nawalan na nang malay. Binigyan siya ng paunang lunas ni Galen, ilang beses din niyang inulit-ulit iyon.Halos pangapusan ng hininga si Haya, nang magbalik ang kanyang malay, “Hon,” mahigpit siyang niyakap si Galen. “Hon, ano bang nangyari?”“S-sorry, h-hindi ko napigilan ang s-sarili ko, sobrang bigat ng dibdib ko,” mahina at pautal-utal na saad ni Haya.“Please lang, huwag mo nang uulitin iyon ha. Ikamamatay ko kung pati ikaw ay mawala sa ‘kin.”“Ma’am, kapag kailangan mo ng kausap nandito kami ni Manang Zeny,” naluluha na rin na saad ni Cristy.“Kaya nga ma’am naiintindihan ka namin ni Cr
“SPO1 Ryan Legaspi, h’wag kang mabibigla ma’am. Dinala namin sa ospital ang asawa mo naaksidente po s’ya.” “Ano?” hindi ko ma-absorb ang kanyang sinabi nangingibabaw ang kaba na nararamdaman ko ay halos pangapusan ako ng hininga. E-sinend n’ya sa ‘kin ang address ng ospital na pinagdalhan nila kay Galen. Mabilis akong tumakbo pa labas ng aming silid at hinanap si Mang Canor, nagkataon naman na nasa garden lamang siya habang abala sila ni Donya Ysabel, sa pag-aayos ng halaman. Ibinalita ko sa kanila ang nangyari kay Galen, at dali-dali kaming nagtungo sa ospital. Hindi ako mapakali mula sa ‘king kinauupuan takot na takot ako at kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Napukaw lamang ang aking atensyon nang tumunog ang cellphone ni Donya Ysabel. Si Don Samuel, ang nasa kabilang linya. Sabi niya ay nasa ospital na rin siya. Ngunit wala kaming nakuhang detalye tungkol sa nangyari kay Galen.Kaya naman tinawagan ni Donya Ysabel si Tricia, nasabi niya na magkasama si Galen at Richard, n
“Ma’am, magre-resign na po ako,” bungad sa ‘kin ni Nurse Julius nang makabalik ako galing sa liko-bahay. “Bakit?” mahinahon ko pang tanong. “Hindi ko na po matagalan si sir, pinapaalis na rin po n'ya ako.” “Pasensya kana ha, sige, maraming salamat sayo. E-transfer ko na lang sa account mo yung sahod mo.” Malungkot kong sang-ayon sa kanya hindi ko na rin pinilit na manatili pa s’ya dahil nakikita ko rin na sadyang nahihirapan siya. Magdadalawang linggo na mula ng makauwi kami ay mahigit sampung nurse na ang nakuha ko na papalit-palit pero walang makatagal, mapababae o lalaki ang kuhanin ko ay hindi nakatatagal kahit operan ko pa ng malaking sahod. “Lyza, baka may mare-recommend ka pa sa ‘kin na nurse o caregiver na pwede namin makasama rito na titingin kay Galen?” “Ate Haya, halos lahat na ng kakilala ko ay napapunta ko na rito,” iritang saad ni Lyza. Madalas ang kanyang pagdalaw mula ng makauwi kami ni Galen, galing sa ospital. “Halos lahat ng ni-recommend mo ay sumuko na kay G
Kahit sobrang hapdi ng aking mata at nanakit ang aking mga binti ay pilit pa rin akong tumayo para pagbuksan ang kumakatok. “Manang, bakit po?” “Naku ma’am, buti nahanap na kita. Si sir, nagwawala akala ko ay nasa silid ka ninyo kaya dali-dali akong pumasok doon nang hindi kita makita ay umakyat ako sa taas. “Pasensya kana, manang, gusto ko lang naman magpalamig muna. Sige na manang, matulog kana ako ng bahala kay Galen.” Nagtungo ako sa silid namin totoo nga ang sabi ni manang, parang may gerang naganap sabog ang isang unan kaya nagkalat ang feather sa kabuuan ng silid. Madilim ang anyo ni Galen, habang nakaupo sa kama sadya sigurong hinihintay niya akong bumalik. “Where have you been?” “To hell,” hindi ko napigilan ang aking bibig mas lalong dumilim ang tingin niya sa ‘kin. Hindi ko s’ya pinansin inabala ko ang sarili ko na iligpit ang mga ikinalat n’ya, dis oras ng gabi pero naglilinis pa rin ako. “I’m asking you, Haya?” “Matulog kana, maaga ang check-up mo bukas. Ililigpi
Ibang saya ang naramdaman ko nang tawagin n’ya ulit ako ng “Hon.” mula nang maaksidente s’ya ay ngaun ko na lamang narinig iyon sa kanya. Tinugon ko iyon ng maalab na halik nakaliliyo, bumaba pa ang aking labi sa malapad niyang dibdib. Mas lalong akong nadadarang sa paraan ng paghaplos niya sa ‘king katawan dama ko ang init na tumatagos sa ilalim ng aking damit. “You are punishing me?” nahihirapan na saad niya, habang malayang naglalakbay ang aking labi sa kanyang kanyang malapad na dibdib. May hatid na saya sa ‘king pandinig iyon, he totally loses control pero hindi s’ya makagalaw dala ng kondisyon ng binti n’ya. “N-no, Hon., b-but I have an a-amazing idea,” umalis ako sa kanyang ibabaw kahit na nahihilo ay hinila ko ang tali ng robe na suot niya, ikinaliyad niya iyon. “Hey, what are you doing?” “W-wait, I think you want this,” nababaliw na nga talaga ako ibang klase ang tama ng alcohol sa ‘kin. Itinali ko iyon sa kanyang mga kamay. “What the hell?” “O-oops, gusto ko lang naman
“Tungkol naman saan?” usisa kong tanong sa kanya. “Hindi ko pa alam,” pinindot na niya ang push button ng kanyang wheelchair palabas sa aming silid. “Saan ka pupunta?” “Sa library, Hon, papuntahin n’yo si Ricahrd sa library kapag dumating s’ya.” “Ok, wala ka bang ipagagawa sa ‘kin ngaun?” habol ko pang tanong sa kanya. “Nothing. But we’ll talk later,” tumingin pa siya sa akin bago tuluyang lumabas. Nahihiwagan man ako sa kanya dahil sa pagbabago ng mood n’ya ngaun na tila bumait na tupa ay hindi ko na lamang pinansin iyon. Saglit lamang akong naglinis sa silid namin at nagpalit ng damit dahil nabasa ako kanina nang alalayan kong maligo si Galen. Nang matapos ako sa paglilinis ay nagtungo ako sa kusina upang maghanda ng aming pananghalian naisip kong dagdagan ang iluto para doon na rin pakainin si Richard. Natigil ako sa ‘king ginagawa nang may marinig akong kausap si Cristy, kaya naman lumabas din ako at tinignan. “Hello, Ma’am Haya,” si Richard ang aming bisita. “Richard, k
“Hon, hindi ka pa ba babangon? It’s already 8am,” saad ni Galen ng makalabas sa banyo. Kasalukuyang katatapos lamang niyang maligo. Magaling na rin ang kanyang mga paa kaya naman nakagagalaw na ulit siya ng normal. Iyon din ang unang araw ng regular na pagbabalik n’ya sa opisina. Dahil mula nang maaksidente siya, sina Donya Ysabel at Don Samuel ang nag-aasikaso sa company. Ang mga documents na kailangan niyang pirmahan at reviewhin ay dinadala ni Richard dito sa bahay. “Maya-maya na tinatamad pa ‘ko,” hindi ko alam kung bakit palagi akong tinatamad at ang gusto ko ay palaging nakahiga. “Kailangan ko ng umalis, Hon,” lumapit pa s’ya sa ‘kin, ngunit wala akong plano na magmulat ng mata. “Ingat ka, si manang, na muna ang bahala sa breakfast mo.” “Sure, no worries, kumain ka na rin mamaya,” humalik pa siya sa ‘king noo at labi. Nalanghap ko ang kanyang paboritong pabango. Biglang lalong sumakit ang aking sintido at kasunod ng pagbaliktad ng aking sikmura. Dali-dali akong bumangon at p
Masaya kong pinapanood ang aming mga anak ni Galen na naglalaro sa malawak na garden sa harapan ng aming bahay. Apat na taon na rin ang lumipas mula nang maipanganak ko ang mga anak namin. Ang malaking bahay at malawak na garden ng pamilya Sebastian ay mas naging masaya, nang dumating sa buhay namin sina Albie at Ashira. Ang buhay na dating pinapangarap ko lang ngayon ay tinatamasa ko, kasama ang mga mahal ko sa buhay. Ang pagpapatawad ko kay Papa Harold, ang lubos na nagpagaan sa aking pakiramdam. Itinuloy rin niya ang kanyang pag-awit at minsan ay nakakasama ako sa kanya. Si Galen, ang pinakamamahal kong asawa ay mas lalo ko pa s’yang minahal dahil napatunayan din niya ang tapat na pagmamahal niya sa ‘kin at sa aming mga anak. Tinanggap niya ako ng buo, siya ang pumuno sa lahat ng aking kakulangan at aking kalakasan sa tuwing nanghihina ako. Ngayon ay hindi na ako natatakot na mawala ang aking paningin dahil alam kong nasa sa tabi ko ang pamilya ko na magsisilbing paningin ko.
“Sino ka ba? Wala akong utang sayo,” sinikap kong itago ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng mamatay rito, kawawa ang mga anak ko.“Ikaw, wala, pero ang tatay mo meron.” Nagimbal ako sa narinig sa kanya. Tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya sinadya pa niyang e-loudspeaker iyon:“Hello my dear, husband, na miss mo ba ako kaya ka tumawag?” malandi niyang bati mula sa kabilang linya.“Walang hiya ka talaga, Mildred, huwag mong idamay ang anak ko. Pakawalan mo si Haya, at ibibigay ko ang perang kailangan mo,” boses iyon ni Papa Harold. Mildred pala ang pangalan ng babaeng baliw na ito. Sayang lang at hindi ko makita ang itsura n’ya, pero sigurado akong kamukha s’ya ng mga kontrabida sa pelikula.“Oh, come on, Harold. Hindi lang pera ang kailangan ko. Ikaw ang kailangan ko, ang pagmamahal mo,” pasigaw na saad ni Mildred.“Sige, kapalit ng buhay at kalayaan ng anak ko, ibibigay ko ang gusto mo.”“Talaga?”“Maawa ka sa anak ko, Mildred, pakawalan mo na s’ya.”“Pakakawalan ko,
Kumalas ako sa pagkakayakap sa asawa ko. Naramdaman ko ang pagpunas niya sa mga luha ko, at ginawaran pa n’ya ako ng magaan na halik sa ‘king noo. “Do what you know will be good for you, Hon, nasa likod mo kami ng mga anak natin.” Masuyong saad ni Galen. Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalita. Sa sandaling ito ay ayoko ng umiyak tama na ang mga luhang pinakawalan ko para sa maling akala mula sa ‘king nakaraan. “Anak, mapapatawad mo ba ako? Please patawarin mo ako. Kahit anong kapalit ibibigay at gagawin ko patawarin mo lang ako. Gusto kong maging ama sa’yo kahit sa maikling panahon.” Pakiusap niya sa ‘kin. Tumango ako at ginawaran siya ng matamis na ngiti. Naramdaman ko ang paghalik ni Galen sa likod ng aking kamay. Ramdam ko rin ang presensya nila daddy at mommy na natuwa sa aking sagot. “Talaga anak?” Naramdaman kong lumapit sa ‘kin si Mr. Harold. Inabot ni Galen ang aking kamay sa kanya. Paulit-ulit na humingi ng tawad sa ‘kin si Mr. Harold at ginawaran n’ya ng halik ang kam
Tahimik din sila mommy sa susunod na mangyayari naramdaman ko ang paghawak ni Galen sa ‘king mga kamay. “Hon, pakinggan natin ang video na dala ni Mr. Harold. Baka ito na rin ang daan para mawala ang bigat na nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa ‘kin, alam kong tuwing hating gabi ay lumalabas ka sa balkonahe para doon umiiyak.” Nagulat ako sa sinabing iyon ni Galen, ibig sabihin ay narinig niya ang mga sinasabi ko tungkol sa tatay ko. Umiiyak ako dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya, nahirapan si mama dahil sa kapabayaan n’ya. Kung nasa tabi siya ni mama habang ipinagbubuntis ako at noong ipinanganak ako baka nasustentuhan ng maayos ang pangangailangan namin. Baka hindi ako ipinanganak sa labas ng orphanage habang malakas ang ulan. Baka hindi ako nabulag. Baka napagamot si mama ng mas maaga at humaba pa ang buhay n’ya at baka na tanggap na rin sila ng mga magulang ni Mama Hana, kung naging mabuting asawa at ama s’ya sa amin. “Sige, Harold, pakikinggan namin ang video,” ma
Dahan-dahan akong naglakad palabas nang aming silid patungo sa nursery room ng aming mga anak. Gamay ko na rin ang kabuuan ng aming bahay kaya kahit na wala akong kasama ay nakakapaglakad ako mag-isa. “Hon? Bakit hindi mo ako hinintay na makabalik sa silid natin para na alalayan kita.” Boses iyon ni Galen, katatapos lamang niyang mag-jogging. Mas naging health conscious din siya mula nang maaksidente siya, at tuwing weekend ay inilalaan niya ang kanyang oras sa mga anak namin. “Ok lang naman gamay ko na rito sa bahay.” “Ihahatid na kita sa room ng mga anak natin,” inalalayan niya ako sa paglalakad. “Good morning, Ma’am Haya, Sir Galen,” boses iyon ni Cristy. “Gising na ba ang mga baby namin?” “Tulog pa sila, sir, pero maya-maya gigising na rin po sila.” “Sige. Hon, maiwan na muna kita rito maliligo lang ako.” “Buti pa nga para paggising nila nakaligo kana rin.” mabilis naman siyang umalis. “Kumusta ang tulog ng mga baby namin, Cristy?” “Palagi po masarap ang tulog nila, ma’a
“Naniniwala akong babalik ang paningin mo, Hon,” saad ni Galen sa ‘kin. Nang makarating kami sa bahay ay nandoon ang mga malalapit naming kaibigan. Sina Sister Lucy, Sister Bea, Sir Bryan, Teacher Ann, Richard maging si Lyza na nasa ospital kanina ay nauhan pa kaming makauwi. Sabi n’ya ay s’ya ang punong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Nagkaroon ng salu-salo at masayang nagkuwentuhan sobrang na mis ko rin sila. Kahit na wala akong makita at naninibago sa sitwasyon ko ay pinilit kong maging masaya sa harapan nila. Ang pangarap kong pamilya ay nasa kamay ko na ngayon kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit tila may kulang pa rin sa ‘king pagkatao marahil iyon ang pagbabalik ng aking paningin “Haya, anak,” naagaw ang aking atensyon sa boses na tumawag sa ‘kin. “Sister Bea?” “Ako nga, hindi na kami nakabalik sa ospital may mga kailangan asikasuhin sa orphanage.” Inalalayan pa niya akong makaupo sa silong ng puno na madalas kong tambayan noong buntis pa ako. Nagtataka man ako
ILANG sandali lamang ay dumating na si Dr. Flores at Lyza. Dumistansya ako para mabigyan sila ng espasyo, nakita ko ang kanilang ginagawa sa ‘king asawa. Tinulungan pa s’yang makainom ni Lyza, may malay na s’ya, hindi ako nagkakamali sa nakikita ko. “Galen,” tawag sa ‘kin ni Dr. Flores. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “H-hon, Haya,” humigpit ang paghawak n’ya sa ‘kin, luminga-linga pa s’ya sa paligid bago tumingin sa gawi ko. “G-galen?” “Yes, Hon, kumusta na ang pakiramdam mo?” “B-bakit p-puro kulay puti ang n-nakikita ko?” nahihirapan niyang usal. Napatingin ako kay Dr. Flores at Lyza. “H-hon, ang b-baby natin s-safe ba s-sila?” naiiyak na s’ya. “Nasa incubator ang baby ninyo ate, safe na safe na sila. Kaya magpalakas ka para mabuhat mo na ang mga baby mo.” “L-lyza?” “Yes, ate.” “A-anong nangyayari, hindi ko kayo makita?” “Nakaranas ka ng temporary blindness. Habang wala kang malay nag-undergo ka ng cesarian session para ilabas ang baby ninyo. Bumaba rin ang pulse
Lyza: Oh, my God. Wala kayo sa ambulance?Galen: Wala.Lyza: Ok, sige, ituloy mong bigyan s’ya ng hangin hanggang sa makarating kayo sa ospital. H’wag kang mataranta, ok. Pupuntahan ko kayo.Nang makapagbigay ng instruction si Lyza ay naputol na ang aming pag-uusap. Ilang beses kong inulit-ulit ang pagbibigay ng hangin sa asawa ko bago makarating sa ospital. Pagdating namin ay sumalubong sa ‘min sina Dra. Mendez, Dr. Flores, Nurse Lyza at may dalawa pang doctor silang kasama.“Doc, please iligtas ninyo ang mag-iina ko.”“Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya,” saad ni Dra. Mendez bago sila tuluyang nagtungo sa emergency room. Sumama rin si Lyza sa loob ng Emergency Room.“Sir, tumawag si Donya Ysabel papunta na rin sila rito ng daddy mo,” saad ni Cristy.Ngunit tila wala akong narinig, wala akong tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. “Sir, nahihilo na ako sa’yo, maupo ka muna rito ipagdasal natin sila ma’am,” hindi na nakatiis si Cristy na sitahin ako. Tumigil naman ako at
Mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa company ay hindi na muli pumasok si Galen. Sa bahay na niya ginagawa ang kanyang mga gawain para masiguro niyang masamahan ako. “Hon, naka-prepare na ang breakfast. Kumain muna tayo,” tinulungan pa niya akong bumangon at inalalayan patungo sa balkonahe na nasa gilid ng aming silid kung saan nakahain ang pagkain. “Hindi ka ba papasok sa office?” “Hindi na muna, Hon, nagagawa ko naman ang trabaho ko kahit nandito ako sa bahay.” Masarap lahat ng nakahain kaya naman mas natuon ang atensyon ko na kumain muna. Nang matapos ako ay muli akong nagtanong tungkol sa kalagayan ngayon ng kumpanya. “Hon, kumusta na ang company ngayon? Wala bang na apektuhan na empleyado sa biglaang pagkuha ng share ni Mr. Harold, kahit hindi pa lubusan na nakakabawi?” pansin kong natahimik si Galen sa tanong kong iyon. “Meron, Hon, may mga pinagbakasyon muna ako, habang inaayos ang financial status ng company. Pero h’wag kang mag-alala dahil malapit ko ng matapos ang