"Why is it so difficult for you to marry me?" muli ay tanong ng tao mula sa likod ko.Muli akong natigilan ng marinig ko ang matikas na boses na iyun ni Kevin, nagtataasan ang mga balahibo ko sa tuwing naririnig ko ang maotoridad na boses nito katulad ng sa akin ama.Pinakalma ko muna ang puso kong labis na naman kung tumibok sa tuwing nasa malapit si Kevin pero kahit anong pag-papakalma ko ay patuloy pa rin sa pag-kabog ng mabilis ang puso ko. Nanginginig man sa hindi ko malaman emotion marahan kong nilingon si Kevin.Nakita ko mula sa pintuan si Kevin seryoso itong naka sandal doon habang mataman akong tinititigan. Ang mga kamay nito ay nasa mag kabilang bulsa ng suot nitong itim na pans.Wala sa sariling napatayo ako mula sa pag kakaupo ko ng makita ko ito dun. Ewan ko pero bigla akong mas nakaramdam ng kaba?Takot? Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Heto ka na naman puso, tumitibok sa maling tao.Hindi ito ang unang beses nang makaramdam ako ng ganito sa tuwing nandyan si
Bakit kailangan gulo palagi ang dala ni Franz at Kevin sa tuwing nagkakatagpo sila?Sumasakit na ang ulo ko sa paulit ulit na pagbabangayan nila dalawa, ni hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan nila na mag away ng dahil lang sa maliit na bagay.At isa pa may iba pang bagay na nakakagulo sa isip ko yun ay kung bakit kailangan hanggang skuwelahan ay kailangan guluhin ako ni Kevin? Hindi ba pwede na mag pahinga na muna ako sa problema dala niya sa buhay ko? Ni hindi pa nga ako nakaka recover sa nangyari sa ama ko nang dahil sa puro kalokohan itinatanim niya sa utak ng ama ko tapos heto, hanggang skuwelahan papahiyain niya ako."Pwede ba Kevin, kahit dito man lang sa school patahimikin mo naman ako. Pagpahingahin mo naman ang utak ko sa kakaisip ng mga problema dala mo sa buhay ko." Hindi ko napigilan saad nang makita ko ang talim ng tingin nito kay Franz at ang paghigpit lalo ng kapit nito sa pala pulsuhan ko." Wag mo dalhin hanggang dito ang kagaspangan ng ugali mo at isa pa
"Paki abot nga yung gunting" Pakiusap ni Nica na nakapag balik sakin diwa.Nag tatakang tinignan ko ito pati din si Joselyn ay may pag tatakang tingin dito.Wala na pala ito sa likod ko at nasa sofa na ito nakaupo "Ha? Bakit anong gagawin mo sa gunting?" Tanong ni Joselyn kay Nica."Puputulan ko lang ang buhok mo Rachell tapos gagawin kong wig ko. Alam mo na, ipang hahalina ko sa bebe ko para naman mapansin na niya ako." Saad nito habang may kakaibang ngiti sa labi na parang nag i-imagine ito ng mga bagay bagay.Natatawang inilingan ko nalang ito.Agad na binato ito ni Joselyn ng unan sa sofa ng kinauupuan matapos marinig ang sinabi ng kaibigan. "Gaga! asa ka pang magugustuhan at papansinin ka ng fuckboy na yun. Suntok sa buwan yang pangarap mo girl kaya tigilan mo na yan. Ang dapat na ginagawa mo ay mag hintay hanggang sa dumating talaga yung lalaki na para sayo, yung hindi ka iiwan, at sasaktan yun dapat ang hinihintay mo hindi ang fuckboy na yun na walang ibang ginawa kundi gawin
Sana ang buhay ay palagi na lang masaya, yung walang lungkot at pait. Puro saya lang, pero kahit anong gawin ko alam ko hindi pwede ang gusto ko. Kasama ang lungkot, sakit at hinagpis sa buhay, hindi pwede puro saya lang. Dahil paano mo mararamdam buhay ka kung iisang emotion lang ang nararamdaman mo? Paano ka matutoo kung hindi mo mararanasan masaktan?Pero paano ako makaka-survive kung ang puso ko napaka hina pag dating sa bagay na to? Sa sakit at paghihirap na dulot ng taong akala ko, proprotekta sakin.Masayahin pero matapang at walang inuurungan babae ako noon, heto yung mga panahon totoong masaya pa ako, totoong naging masaya ako. Madalas ako laman ng pambubully noon pero kahit kaya ko naman sila labanan, palaging andyan si Kevin para ipagtanggol ako.He was my knight in shining armor.Wala ako pake sa paligid ko, at feeling ko sa tuwing ipinagtatangol ako ni Kevin sa mga nangbubully sakin, para akong lumulutang, ang saya saya ng puso ko kahit pa puro pasa ang buong katawan ko
Panaginip lang ba yun talaga?Ang hirap makatulog pag-ganitong gumugulo sa isip ko Ang senario nangyari kanina.Agad na napalingon ako sa beranda ng kwarto ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin mula don. "Sa beranda siya dumaan?" Pipiling tanong ko sa sarili. Dahil tanging ito lamang ang nag iisang bukas dito sa kwarto ko." Sa biranda kaya siya dumaan? o baka naman nag i-illusion lang ako?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga sa sariling kama ko. Nagbabalik tanaw ang isip ko sa nangyari kanina.Tanging yun lang ang laman ng isip ko dahilan hanggang sa makatulugan ko na ang pagiisip ng ng mga bagay bagay ng araw na yun."Good morning po." Bungad ko kay manang Pasya ng makita ko itong nag hahanda sa kusina para sa almusal."Good morning din iha, mukhang hindi na masama ang pakiramdam mo ngayon. Mabuti nalang at okay ka na iha nang hindi na nag aalala ang asawa mo sayo" Saad nito matapos akong lingunin nito habang nakangiti tapos ay pinag patuloy pa din nito ang ginagawa habang kaus
Napapikit ako ng makarinig ingay mula sa labas ng Cr ng kwarto ko."Rachell?" Rinig kong katok ni Kevin mula sa labas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko ito mapag buksan o masagot man lang dahil sa kalagayan ko ngayon.At kahit gusto ko man ito sagutin at pagbuksan ng pinto ay hindi ko talaga kaya gawin dahil walang tigil sa paghilab ang tyan ko na para bang pati bituka ko gusto niyang lumabas." Blargh! Blargh." I threw up again.Hindi ko alam pero heto na naman yung pag susuka ko akala ko pa naman nakaligtas na ako kasi ilang araw o linggo na ata na di humilab ang tyan ko, ngayon na lang talaga ulit. " Blargh! Blargh." Grabe ramdam ko yung pagragasa ng mga butil ng luha sa mga mata at sa nakikita ko at tila pakiramdam ko naglilitawan na ang mga ugat ko sa noo sa labis na pagsusuka ko." Ayoko na." Saad ko sa isip ko. Pinipilit ko patigilin na ang pagsusuka ko pero kahit anong gawin ko may lumalabas pa rin talaga sa bibig ko. Sinita kasi ni manang pasya kaninang umaga e ayan tuloy.
"Isa! Rachell Asteria Santos! kapag hindi ka pa bumaba dyan talagang magagalit na ako sayo!" Banta pa nito. Tila hindi natuwa sa biro ko.Nag hahabang ngusong humakbang na ako sa bawat gilid ng puno kung saan may pwede ako apakan pababa " Heto na nga po e bababa na." Ipinakita ko dito ang reaction ng mukha ko at ang tunog ng boses ko sa tuwing nagtatampo ako." Di mo ako madadaan sa ganyan." Saad nito. Ang lalim ng tunog na boses nito at tila hindi ito nakukuha sa pagpapaawa effect ko sa halip tinaasan lamang ako nito ng kilay pahiwatig na hindi ko ito maloloko sa pagpapaawa effect ko." Ano bayan!" reklamo ko dito ng makita ko ang reaction nito."Para ka talagang si papa kulang nalang palitan mo na si papa sa pwesto niya e. Mas malalala ka pa nga ata kesa kay papa kung mag bantay, para tuloy akong may lolo na, may kuya pa at may tatay na palaging naka bantay sa lahat ng kilos at gagawin ko." Saad ko habang bumababa at habang hawak ng isang kamay ko ang laylayan ng damit ko na may mga
Nagising ako mula sa pag kakahimbing ng tulog nang makarinig ako ng nabasag na bagay, ni hindi ko namalan na nakatulog pala ako sa kakahintay kay Kevin dito sa sofa ng sala. Nang maging mabuti kasi ang pakiramdam ko binalak ko mag try magluto ng pagkain para kay Kevin pambawi ko sa ginawa niyang pagalalay sakin kaninang umaga.Ewan ko pero parang gustong gusto ko ulit makita ang mga ngisi sa labi ni Kevin, para bang ang sarap niyang pagmasdan habang nakangisi.Nakakapanggigil!Bukod dun, may saya naramdaman ang puso ko nung makita ko yung pag-aalala niya para sakin Parang nagkaroon ng pagasa puso ko na maging totally okay kami, na baka this time ako naman.Kaya heto sa kakahintay ko sa kanya hindi ko na namalayan ang oras.Pakiramdam ko tuloy naghihintay lang ako sa bagay na hindi naman dadating, sa bagay na hindi naman magiging akin.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nawawalan ng pagasa nakatitig sa pintuan ng bahay na hanggang ngayon ay nakasara pa rin.Lumingon
Rachell POV"Boss?! saan ka pupunta? ano sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo lang ako dito sa isang tabi?" Pag rereklamo ko nang akmang aalis ang boss ko may tatawagan daw kasi ito."Saglit lang ako mag liwaliw ka muna dito at pwede ba ms. santos engagement party ko ito hindi pwede na palagi akong naka dikit sayo baka kung ano pang isipin ng ama ko." Saad nito."Pero boss wala akong kakilala dito." Maktol ko pa dito."Makipag kilala ka or mag liwaliw ka mag isa kung gusto mo. sige na maiiwan na kita." Saad nito siyaka nag mamadali na umalis sa tabi ko."Tsk!" " bakit kasi sumama sama pa ako dito sana pala nag paiwan nalang ako edi sana kasama ko mga anak ko ngayon." Bulong maktol ko at saka ko tinungga ang isang bago ng alak na kinuha ko mula sa waiter na napadaan sa gawi ko."Pero teka, kailangan ko din pala sundin yun lalaking yun pinapamanman nga pala yun saakin ni Lizaira." Bulong ko pa ng maalala ko ang misyon ko.Aalis na sana ako ng may humarang sa harapan ko " Hi, I'm Jonat
Ilang buwan na ang nakakalipas magmula ng makilala ng mga anak ko si manang pasya, simula nun ay walang araw na di kinukulot ng mga anak ko si nanay pasya upang muli nila itong makasama.Wala naman pagtutal sakin kung palagi silang mamasyal at gumala kung saan saan dahil malaki ang tiwala ko kay nanay na hindi niya hahayaan makalapit si Kevin sa mga anak ko." Why saying goodbye to mommy my babies?" kunwari nagtatampo ko saad ng bigla na lamang mamaalam sakin ang mga anak ko mula sa telephono." Dada is here mommy!" tanging natutuwang tili ng mga ito habang pilit na bumababa sa kanilang kinauupuan sa loob ng kusina." Wag mamadali, be careful baby." I said.Dada?kumunot ang noo ko sa binitiwan nilang salita.Bumaling ang nagtataka ko tingin kay nanay pasya ng mawala ang dalawa sa screen at lumitaw ang nakangiwing ngiti ni nanay pasya sakin." Nay? sinong Dada ang tinutukoy nila?" I ask." Naku yung anak ko iyun, anal." saad nito Sakin.lalong kumunot ang noo ko. " Anak niyo po? Nag k
" Mommy! wake up! " wala pa naman, mukhang sabik kilalanin at ma-meet ng babaeng anak ko si manang Pasya.Bukod kasi sakin, kay Frey at sa boss ko wala na akong ibang tao pinapalapit sa kambal, even the same age of them, hindi ko pinapayagan makalapit sa kanila or lapitan nila.Ni hindi ko sila pinayagan ienroll sa skuwelahan mismo, kung saan pwede silang makakilala ng ibang mga bata na kasing edad nila at maaari nilang maging kaibigan.I only enroll them online, ang pinagkaiba nga lang wala silang ibang kaklase kundi silang dalawa lang, hindi katulad sa normal na Online class na madami student sa isang section.At ang mismong prof nila ang pumupunta sa bahay upang turuan sila ng mga bagay na dapat sa mismong loob ng paaralan nila natututunan.I know na maaaring maka apekto iyun sa child hood nila pero nangingibabaw kasi sa puso ko ang wag mag-tiwala agad sa mga taong nakapalid samin lalong-lalo na sa mga anak ko.Nangingibabaw kasi sa puso ko ang takot na baka dumating ang oras na ma
" Upon ka, nak, ipinag-luto kita ng makakain mo." masigla at ngiti sa labing saad ni Manang Pasya ng maka punta kami sa loob ng kusina." Inuluto ko ang lahat ng paborito mo." dagdag pa nito habang isa-isang hinahain ang mga potaheng kanyang niluto para sakin.Nanuot agad ang mga halimuyak ng mga pagkain sa ilong ko pag-kalapag pa lang niya ng mga iyon.Namiss ko ang mga pag-kain na ito." Oh? Bakit tinititigan mo lang ako, nak? Hindi mo ba gusto ang lahat ng pagkain na inihain ko?" tanong nito ng matapos nitong mag-hain ay napansin nito ang paninitig ko lamang dito habang hindi ko pa din ginagalaw ang mga pag-kain kanyang niluto." Gusto ko po at nakakatakam po, pero mas masarap po kung sasabayan niyo po akong ubusin ang lahat nang to. Pwede po ba? Malungkot po kumain mag-isa." saad ko dito. Nakita ko ngumiti ito at tila may naalala. " Hay, naku, ikaw na bata ka, hindi ka pa din talaga nag-babago, ayaw mo pa rin kumain ng walang kasabay." saad nito bago ito kumuha ng sariling plato
Hindi ko alam kung papaanong naging mahimbing ang tulog ko matapos ang lahat ng nangyari. Tama ako, tauhan nga ni Kevin ang taong nag-maman-man sa labas ng bahay ko. Pinag-papasalamat ko na lang na hindi nakita ng tauhan niya ang mga anak ko nung mga araw na sinusundan ako ng inutusan niya tao mula sa trabaho hanggang sa bahay ko.At mabuti na lang masunurin sakin ang Xyxy at Tantan ko, kung hindi ay baka nung unang beses na sinundan ako ng tauhan ni Kevin sa bahay ko ay baka nakita na ng tauhan ni Kevin ang tungkol sa mga anak ko.Ipinag-papasalamat ko rin na muli akong tinulungan ni Frey na maitakas at maitago ang mga anak ko bago pa man utusan ni Kevin ng tao niya na lapitan ako at sapilitan kunin sa loob ng bahay ko.Gayun pa man, nararamdaman ko pa din ang kakaibang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung para sa kaba ng takot yun o dahil di Kevin iyun.Heto na naman siya, pinupuno na naman ni Kevin ng mga tanong ang isip ko.Bakit bumalik pa siya?Bakit kailangan niyang bulabu
" Wag na wag mong aalisan ng tingin ang bahay na tinutuluyan ng asawa ko." saad ko sa kausap ko sa telepono."Yes, boss." sagot nito "Good." matapos ay binaba na niya ang tawag." Bitiwan nyo ako! Let me go!"" Ano ba? Ano bang kailangan nyo saakin?!" nasa malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tila galit na boses ng babae."Sorry po Mrs. Riego-." rinig ko pang saad ng isang lalaki bago ito sumigaw na tila nasasaktan."Santos! Santos ang apilyedo ko hindi Riego!" rinig ko pang sigaw ng babae mula sa loob ng isang kwarto." But, Mrs. Riego-"" Ang tigas ng bungo mo sinabi nang Santos Ang apilyedo ko hindi ang nakakasukang apilyedo na yan!" tila may tumarak na matalim na bagay sa dibdib ng marinig ko iyun, mas masakit pa iyun kesa sa mga balang natamo ng katawan ko sa nakalipas na taon.Gayon pa man ay nilunok ko ang lahat ng pait at sakit, kasalanan ko naman kung bakit galit sakin ang asawa ko.Tinuloy ko ang paglalakad ikinubli ang sakit sa seryoso at matigas na anyo
FLASH BACK" Ano ito ahh? Kevin? Anong katarantaduhan ang ginawa mo kung bakit iniwan ka ng asawa mo!" galit na galit na saad ng ama niya matapos bigyan siya ng mag asawang suntok sa mukha at sikmura."Nawala lang kami saglit para mag bakasyon pag balik namin wala na ang asawa mo? Anong ginawa mo para umalis siya sa poder mo? Sagot!" sigaw pa nito at mabilis na kinuwelyuhan siya."Dad, bakit ba napaka laking big deal ng biglang pag-alis ng malanding babae na yun-." hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng bigyan na naman siya nito ng malakas na suntok sa sikmuta at mukha. Nakita niya ang dugo nagmula sa labi niya ng punasan niya ang gilid ng labi habang nanatiling nakasalampak sa sahig."Hon, stop baka mapatay mo na ang anak mo." tili ng ina niya matapos mapigilan ang ama niya sa muling pansuntok sana nito sa kanya.Puno na ng dugo ang mukha at damit niya dahil sa sunod sunod na pag suntok ng ama niya sa kanya tila gigil na gigil itong basagin ang mukha niya. Naglalabasan ang mga ug
"Mommy bakit mo po kami iiwan ni kuya dito kay ninang?" Innocenteng tanong ng anak niyang babae nang makarating na silang mag-iina sa tinutuluyan ng kaibigan si black."Baby kasi may trabaho si mommy na kailangan asikasuhin at -." Matapos lumuhod sa harapan ng mga anak ay nag-paliwanag siya agad dito."At hahanapin mo na din po mommy si daddy? Narinig po kasi namin kayo ni ninang ganda na nag uusap about po sa daddy namin ni kuya." pigil nito sa sasabihin niya dapat."Baby anong sabi ko kapag naguusap ang matatanda?" Malumanay na tanong niya sa anak. "Wag po makikinig sa upang matatanda kasi baby pa po kami, pero mommy tungkol po kasi yun kay daddy yung pinag uusapan niyo po kaya po hindi ko na po napigilan di makinig." pagdadahilan pa nito. nang nakanguso ang labi nito at tila kinakabahan na nagpapaawa."Kahit na, hindi dapat kayo nakikinig ni kuya sa usapan ng mga matatanda." Mahinahong saad pa niya sa mga anak niya. " Sa susunod wag niyo na uulitin pa iyun, okay?" "Sorry po mommy,
"Friend anong ginagawa mo?" takang tanong ni Frey nang makita niyang nag iimpake ako ng mga gamit ng mga bata. Maging mga paboritong laruan ng mga anak ko ay pinagliligpit ko at inilagay sa isang bag.Matapos mailagay sa mga bag ang mga laruan at paboritong libro ng panganay ko ay sunod ko naman inasikaso ang mga mahahalagang papeles ng kambal at inipon ko yun lahat at inilagay ko sa bulsa ng maleta kinalalagyan ng mga damit ng kambal."Saka saan kayo pupunta ng mga bata?" dagdag tanong nito ng makita niyang tila nag mamadali ako sa pag iimpake."Ang mga bata lang ang aalis Frey." hindi lumilingon Saad ko habang chinecheck ko kung nailagay ko na ba lahat ng importanteng gamit na kakailanganin ng kambal ko." Plano kong pansamantalang itago ang mga anak ko sa puder ni black, panatag ako na di sila makikita ng ama nila pag andun sila sa bahay ni black." saad niya habang nag iimpake pa din ng mga gamit ng mga anak niya."Wait, teka friend, bakit parang ang bilis naman?" nalilito pa din sa