Nagising ako mula sa pag kakahimbing ng tulog nang makarinig ako ng nabasag na bagay, ni hindi ko namalan na nakatulog pala ako sa kakahintay kay Kevin dito sa sofa ng sala. Nang maging mabuti kasi ang pakiramdam ko binalak ko mag try magluto ng pagkain para kay Kevin pambawi ko sa ginawa niyang pagalalay sakin kaninang umaga.Ewan ko pero parang gustong gusto ko ulit makita ang mga ngisi sa labi ni Kevin, para bang ang sarap niyang pagmasdan habang nakangisi.Nakakapanggigil!Bukod dun, may saya naramdaman ang puso ko nung makita ko yung pag-aalala niya para sakin Parang nagkaroon ng pagasa puso ko na maging totally okay kami, na baka this time ako naman.Kaya heto sa kakahintay ko sa kanya hindi ko na namalayan ang oras.Pakiramdam ko tuloy naghihintay lang ako sa bagay na hindi naman dadating, sa bagay na hindi naman magiging akin.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nawawalan ng pagasa nakatitig sa pintuan ng bahay na hanggang ngayon ay nakasara pa rin.Lumingon
Kevin POV"F*ck." Bulong d***g ko nang maupo ako mula sa pag kakahiga. Nang bahagyang mawala ang hilong nararamdaman mula sa biglaang pag bangon ay agad akong lumingon sa kabilang bahagi ng kama sa tabi ko, hoping that Rachel is here, sleeping beside me. But she's isn't here.Nag mamadaling tumayo ako mula sa pag kakaupo sa kama ng biglang pumasok sa isip ko ang lahat ng litratong natanggap ko kahapon sa kung sino man.Did she leave me?Did she really love that old friend of mine to leave me?Sumama na ba siya dun at iniwan ako?Maraming tanong ang pumasok sa isip ko, takot na malaman lahat ng sagot sa mga tanong kong to.Takot na baka talaga ngang iniwan niya na ako.Pero lahat ng pangamba ko ay nawala ng pag lingon ko sa bedside table malapit sa kamang kinahihigaan ko ay nakita ko ang isang sticky note nakadikit ito sa basong may laman na tubig at puno ng yelo at isang tableta ng advil."Life is like a mirror, it will smile at you if you smile at it." Good Morning!-AlatirisGirl ♥
Hindi ko alam kung paano ko itatago ang pagmumukha ko na panigurado akong namumula na sa sobrang pagkapahiya. Ang tanging ginawa ko nalang para maitago ang mukha ko ay ang isubsob ang mukha ko sa leeg ni Kevin. "Mom!" Tila saway ni Kevin sa ina niya."Anong ginagawa niyo dito?" Dagdag tanong pa nito. Halata sa boses nito ang pagkainis sa hindi ko malamang dahilan."Oh? Bakit? Masama ba na bisitahin namin ang baby boy ko?""Mom!" Apila pa nito."Bakit? Palibhasa may asawa ka na kaya ayaw mo nang maging baby namin ng papa mo." Saad ng ina ni Kevin. Bakas sa boses ng ginang ang pagtatampo sa nagiisang anak na lalaki.Hindi ko alam pero natatawa ako sa mga naririnig ko. Si Kevin?Kevin Sy Riego na sobrang laki ng katawan at mukhang barako kung tignan ay tinatawag palang baby ng mommy niya? I laughed in my mind. "bakit ngayon ko lang to nalaman?" "Dad.""Please." Tila humihingi ng tulong na saad nito sa ama.Kita ko ang pamumula ng batok at tenga nito."Melinda tigilan mo na nga yang a
Kevin POV" Mahal." Masigla at tila kumikinang ang mga mata nito ng makita ako nito mula sa entrance ng coffee shop kung saan gusto niya ako makausap.Hindi ko gusto patulan ang lahat ng kalokohan ng babaeng to pero hindi ko alam kung bakit nagpunta pa rin ako dito." What do you want?" Blangko ang tingin saad ko. Nababakas sa boses ko na hindi ko ito gustong makita o makausap man lang. Ayoko bigyan siya ng pagasa sa bagay na di ko kayang ibigay sa kanya." I want you-."" Yun lang ba ang sasabihin mo?" Putol ko sa nais pa nitong idugtong. Ipinapahiwatig na wala akong interest sa lahat ng sasabihin nito." Kevin di mo na ba ako mahal?" Bagkus ay saad nito. Nakakaloko at sarcastic ako nguniti dito. " I never love you, Arinne-." Ang kanina maamo at tila nagmamakaawa itsura ng mukha nito ay biglang nagbago, tila nang galaiti ito sa narinig."Kung ganun here, mga picture patunay na may nangyayari kay Franz at dyan sa santasintita asawa mo." Saad nito. Tinitigan ko lamang iyun ng saglit
Rachell POV"You're one month pregnant congratulations!" Masayang anunsyo ng doctor na tumingin sa akin. Marami pa ito sinabi pero hindi ko na ito napagtuunan ng pansin dahil sa halo halong nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na aaaring mangyari ito at nararamdaman ko naman na ang mga sintomas ng pagiging buntis pero hindi ko pa din naiwasan di mabigla sa nalaman ko.Totoong masaya ako sa biyayang ipinag kaloob sa akin ng taas. Blessing ito e. Ang iniisip ko ay ang magiging reaction ni Kevin.Magiging masaya kaya siya? Magsisigaw o hihimatayin ba siya sa saya? o kabaliktaran ang mangyayari?"Anong sabi?" Bungad tanong sa akin ni Franz ng makalabas na ako ng opisina ng doctor na tumingin sa akin."B-buntis ako." Bulong ko ngunit tama lamang para marinig nito."Buntis ka?"" Talaga?" Tuwang tuwang tanong nito na sinagot ko ng marahang pag tango. Nang makumpima nito ang narinig ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit " Congrats!" Masayang saad nito habang nakayakap sa akin.Si Kevin k
"Saan ka galing?" Tanong nito habang hindi pinuputol ang napaka lamig nitong titig sakin habang pababa ng hagdan.Malamig? Anong nangyari sa malambing nitong boses at pakikitungo na tila totoong mahal ako nito?Lahat ba yun ay hindi totoo? At Kailangan kong magising sa katotohanan na kahit kailan hindi nito magagawa sakin ang ganitong gestures dahil ang lahat ng meron kami ay matatapos din at may babaeng mahal ito na nag hihitay sa muli niyang pagiging binata oras na mawalan bisa ang kasal namin." S-sa... dyan sa tabi tabi lang kumain ka na ba?" Pinilit kong maging normal ang tunog ng boses ko at kilos ko. Humahanap pa kasi ako ng tiyempo para sabihin sa kanya ang kalagayan ko." Pwede ba Rachell wag mo akong pinagloloko." Madiing saad nito nang mahuli nito ang braso ko at hawakan nito ito ng napaka higpit para hindi ako makaalis sa harap nito."Saan ka nagpunta?!" Tanong muli nito sa mataas na boses na tila nag titimpi pa. Hindi ko maiwasan di magulat sa sigaw nito at matakot sa kak
It has been five years ago since Kevin's wife ran away from him. There are so many things in his mind, and that includes the what if's. Paano kung mas nagtiwala siya sa asawa kesa sa kung ano man sabihin sa kanya ng ibang tao, mawawala pa ito sa tabi niya?He finally realized the stupidity he used to do to his wife back then but no matter what he blames himself nothing will happen because the damages have been done. Nawala na ngayon sa kanya ang babaeng minamahal dahil sa katarantaduhan niya and up until now his wife still doesn't show up at all and he can't do anything about it.Kahit magbayad siya nang million million sa kung sino sinong tao inutusan niya upang hanapin ang asawa niya ay wala din siya napapala, kahit isang balita lang kung asan ang asawa ay hindi ng mga ito maibigay."Fuck!" I angrily whispered to myself when ever I couldn't do anything to find my wife.I have money and everything pero hindi ko man lang magawang makita at mahanap ang asawa ko."Hanggang ngayon ba h
Nakakahilong ang iba't ibang kulay ng mga ilaw na paikot ikot at sumasabay sa daloy ng tugtugin ng dj, ang mga usok mula sa sigarilyo at amoy ng pinag halong usok ng sigarilyo at alak at ang mga taong kung ano anong kababalaghan ginagawa ang sumalubong sa kanilang mag kakaibigan ng makapasok na sila sa entrance ng isang sikat na club na pagmamaari ng kaibigan si Paul.Pagpasok pa lang ay agaw attention na agad sila sa mga babaeng tila nahalina sa gandang lalaki taglay nila, bukod don kilalang kilala din sila bilang mga bachelor at mga sikat na tycoon.Hindi pa lumilipas ang ilang segundo ay agad na nakita na nila ang kaibigan mag isang umiinom sa isang di kadiliman sulok sa loob ng club."Mark." tapik niya sa balikat nito. Kita ang pagkabalisa ng kaibigan na tila wala ito sa sarili, na para bang apaka lalim ng problema nito.Tahimik at walang nagsasalita ni Isa man sa kanila ng makita nila ang kalagyan ng kaibigan."So, what happen to you?" agad na tanong niya pag kalapag ng beer na i
Rachell POV"Boss?! saan ka pupunta? ano sinama sama mo ko dito tapos iiwan mo lang ako dito sa isang tabi?" Pag rereklamo ko nang akmang aalis ang boss ko may tatawagan daw kasi ito."Saglit lang ako mag liwaliw ka muna dito at pwede ba ms. santos engagement party ko ito hindi pwede na palagi akong naka dikit sayo baka kung ano pang isipin ng ama ko." Saad nito."Pero boss wala akong kakilala dito." Maktol ko pa dito."Makipag kilala ka or mag liwaliw ka mag isa kung gusto mo. sige na maiiwan na kita." Saad nito siyaka nag mamadali na umalis sa tabi ko."Tsk!" " bakit kasi sumama sama pa ako dito sana pala nag paiwan nalang ako edi sana kasama ko mga anak ko ngayon." Bulong maktol ko at saka ko tinungga ang isang bago ng alak na kinuha ko mula sa waiter na napadaan sa gawi ko."Pero teka, kailangan ko din pala sundin yun lalaking yun pinapamanman nga pala yun saakin ni Lizaira." Bulong ko pa ng maalala ko ang misyon ko.Aalis na sana ako ng may humarang sa harapan ko " Hi, I'm Jonat
Ilang buwan na ang nakakalipas magmula ng makilala ng mga anak ko si manang pasya, simula nun ay walang araw na di kinukulot ng mga anak ko si nanay pasya upang muli nila itong makasama.Wala naman pagtutal sakin kung palagi silang mamasyal at gumala kung saan saan dahil malaki ang tiwala ko kay nanay na hindi niya hahayaan makalapit si Kevin sa mga anak ko." Why saying goodbye to mommy my babies?" kunwari nagtatampo ko saad ng bigla na lamang mamaalam sakin ang mga anak ko mula sa telephono." Dada is here mommy!" tanging natutuwang tili ng mga ito habang pilit na bumababa sa kanilang kinauupuan sa loob ng kusina." Wag mamadali, be careful baby." I said.Dada?kumunot ang noo ko sa binitiwan nilang salita.Bumaling ang nagtataka ko tingin kay nanay pasya ng mawala ang dalawa sa screen at lumitaw ang nakangiwing ngiti ni nanay pasya sakin." Nay? sinong Dada ang tinutukoy nila?" I ask." Naku yung anak ko iyun, anal." saad nito Sakin.lalong kumunot ang noo ko. " Anak niyo po? Nag k
" Mommy! wake up! " wala pa naman, mukhang sabik kilalanin at ma-meet ng babaeng anak ko si manang Pasya.Bukod kasi sakin, kay Frey at sa boss ko wala na akong ibang tao pinapalapit sa kambal, even the same age of them, hindi ko pinapayagan makalapit sa kanila or lapitan nila.Ni hindi ko sila pinayagan ienroll sa skuwelahan mismo, kung saan pwede silang makakilala ng ibang mga bata na kasing edad nila at maaari nilang maging kaibigan.I only enroll them online, ang pinagkaiba nga lang wala silang ibang kaklase kundi silang dalawa lang, hindi katulad sa normal na Online class na madami student sa isang section.At ang mismong prof nila ang pumupunta sa bahay upang turuan sila ng mga bagay na dapat sa mismong loob ng paaralan nila natututunan.I know na maaaring maka apekto iyun sa child hood nila pero nangingibabaw kasi sa puso ko ang wag mag-tiwala agad sa mga taong nakapalid samin lalong-lalo na sa mga anak ko.Nangingibabaw kasi sa puso ko ang takot na baka dumating ang oras na ma
" Upon ka, nak, ipinag-luto kita ng makakain mo." masigla at ngiti sa labing saad ni Manang Pasya ng maka punta kami sa loob ng kusina." Inuluto ko ang lahat ng paborito mo." dagdag pa nito habang isa-isang hinahain ang mga potaheng kanyang niluto para sakin.Nanuot agad ang mga halimuyak ng mga pagkain sa ilong ko pag-kalapag pa lang niya ng mga iyon.Namiss ko ang mga pag-kain na ito." Oh? Bakit tinititigan mo lang ako, nak? Hindi mo ba gusto ang lahat ng pagkain na inihain ko?" tanong nito ng matapos nitong mag-hain ay napansin nito ang paninitig ko lamang dito habang hindi ko pa din ginagalaw ang mga pag-kain kanyang niluto." Gusto ko po at nakakatakam po, pero mas masarap po kung sasabayan niyo po akong ubusin ang lahat nang to. Pwede po ba? Malungkot po kumain mag-isa." saad ko dito. Nakita ko ngumiti ito at tila may naalala. " Hay, naku, ikaw na bata ka, hindi ka pa din talaga nag-babago, ayaw mo pa rin kumain ng walang kasabay." saad nito bago ito kumuha ng sariling plato
Hindi ko alam kung papaanong naging mahimbing ang tulog ko matapos ang lahat ng nangyari. Tama ako, tauhan nga ni Kevin ang taong nag-maman-man sa labas ng bahay ko. Pinag-papasalamat ko na lang na hindi nakita ng tauhan niya ang mga anak ko nung mga araw na sinusundan ako ng inutusan niya tao mula sa trabaho hanggang sa bahay ko.At mabuti na lang masunurin sakin ang Xyxy at Tantan ko, kung hindi ay baka nung unang beses na sinundan ako ng tauhan ni Kevin sa bahay ko ay baka nakita na ng tauhan ni Kevin ang tungkol sa mga anak ko.Ipinag-papasalamat ko rin na muli akong tinulungan ni Frey na maitakas at maitago ang mga anak ko bago pa man utusan ni Kevin ng tao niya na lapitan ako at sapilitan kunin sa loob ng bahay ko.Gayun pa man, nararamdaman ko pa din ang kakaibang pagtibok ng puso ko, hindi ko alam kung para sa kaba ng takot yun o dahil di Kevin iyun.Heto na naman siya, pinupuno na naman ni Kevin ng mga tanong ang isip ko.Bakit bumalik pa siya?Bakit kailangan niyang bulabu
" Wag na wag mong aalisan ng tingin ang bahay na tinutuluyan ng asawa ko." saad ko sa kausap ko sa telepono."Yes, boss." sagot nito "Good." matapos ay binaba na niya ang tawag." Bitiwan nyo ako! Let me go!"" Ano ba? Ano bang kailangan nyo saakin?!" nasa malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang sigaw at tila galit na boses ng babae."Sorry po Mrs. Riego-." rinig ko pang saad ng isang lalaki bago ito sumigaw na tila nasasaktan."Santos! Santos ang apilyedo ko hindi Riego!" rinig ko pang sigaw ng babae mula sa loob ng isang kwarto." But, Mrs. Riego-"" Ang tigas ng bungo mo sinabi nang Santos Ang apilyedo ko hindi ang nakakasukang apilyedo na yan!" tila may tumarak na matalim na bagay sa dibdib ng marinig ko iyun, mas masakit pa iyun kesa sa mga balang natamo ng katawan ko sa nakalipas na taon.Gayon pa man ay nilunok ko ang lahat ng pait at sakit, kasalanan ko naman kung bakit galit sakin ang asawa ko.Tinuloy ko ang paglalakad ikinubli ang sakit sa seryoso at matigas na anyo
FLASH BACK" Ano ito ahh? Kevin? Anong katarantaduhan ang ginawa mo kung bakit iniwan ka ng asawa mo!" galit na galit na saad ng ama niya matapos bigyan siya ng mag asawang suntok sa mukha at sikmura."Nawala lang kami saglit para mag bakasyon pag balik namin wala na ang asawa mo? Anong ginawa mo para umalis siya sa poder mo? Sagot!" sigaw pa nito at mabilis na kinuwelyuhan siya."Dad, bakit ba napaka laking big deal ng biglang pag-alis ng malanding babae na yun-." hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ng bigyan na naman siya nito ng malakas na suntok sa sikmuta at mukha. Nakita niya ang dugo nagmula sa labi niya ng punasan niya ang gilid ng labi habang nanatiling nakasalampak sa sahig."Hon, stop baka mapatay mo na ang anak mo." tili ng ina niya matapos mapigilan ang ama niya sa muling pansuntok sana nito sa kanya.Puno na ng dugo ang mukha at damit niya dahil sa sunod sunod na pag suntok ng ama niya sa kanya tila gigil na gigil itong basagin ang mukha niya. Naglalabasan ang mga ug
"Mommy bakit mo po kami iiwan ni kuya dito kay ninang?" Innocenteng tanong ng anak niyang babae nang makarating na silang mag-iina sa tinutuluyan ng kaibigan si black."Baby kasi may trabaho si mommy na kailangan asikasuhin at -." Matapos lumuhod sa harapan ng mga anak ay nag-paliwanag siya agad dito."At hahanapin mo na din po mommy si daddy? Narinig po kasi namin kayo ni ninang ganda na nag uusap about po sa daddy namin ni kuya." pigil nito sa sasabihin niya dapat."Baby anong sabi ko kapag naguusap ang matatanda?" Malumanay na tanong niya sa anak. "Wag po makikinig sa upang matatanda kasi baby pa po kami, pero mommy tungkol po kasi yun kay daddy yung pinag uusapan niyo po kaya po hindi ko na po napigilan di makinig." pagdadahilan pa nito. nang nakanguso ang labi nito at tila kinakabahan na nagpapaawa."Kahit na, hindi dapat kayo nakikinig ni kuya sa usapan ng mga matatanda." Mahinahong saad pa niya sa mga anak niya. " Sa susunod wag niyo na uulitin pa iyun, okay?" "Sorry po mommy,
"Friend anong ginagawa mo?" takang tanong ni Frey nang makita niyang nag iimpake ako ng mga gamit ng mga bata. Maging mga paboritong laruan ng mga anak ko ay pinagliligpit ko at inilagay sa isang bag.Matapos mailagay sa mga bag ang mga laruan at paboritong libro ng panganay ko ay sunod ko naman inasikaso ang mga mahahalagang papeles ng kambal at inipon ko yun lahat at inilagay ko sa bulsa ng maleta kinalalagyan ng mga damit ng kambal."Saka saan kayo pupunta ng mga bata?" dagdag tanong nito ng makita niyang tila nag mamadali ako sa pag iimpake."Ang mga bata lang ang aalis Frey." hindi lumilingon Saad ko habang chinecheck ko kung nailagay ko na ba lahat ng importanteng gamit na kakailanganin ng kambal ko." Plano kong pansamantalang itago ang mga anak ko sa puder ni black, panatag ako na di sila makikita ng ama nila pag andun sila sa bahay ni black." saad niya habang nag iimpake pa din ng mga gamit ng mga anak niya."Wait, teka friend, bakit parang ang bilis naman?" nalilito pa din sa