“Congratulations, Babe. Sabi ko na nga ba at ikaw ang makakakuha sa tiwala ng Daddy ko,” simula ni Avy sa pag-uusap nila nang maiwanan sila sa study room.“And I owe that to you. Thanks, Avy,” pasasalamat naman ni Reedz. Nawala na ang kaba niya kanina na hindi niya mapi-please si Mr. Dela Rocca. Mabuti na lamang at nagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho.Flirty and sophisticated, iniba ni Avy ang pagkaka-cross ng mga binti nito na nakaupo. Sinadya na ang magandang hita nito ay humantad.Mula sa dokumento na muling pinapasadahan ni Reedz ng basa—ang stock transfer document kung saan nakasaad na ligal na ibinenta na sa kaniya ng mag-amang Dela Rocca ang 25% na share of stocks nila sa kaniya—ay hindi sinasadya ay napasulyap siya roon. Nasilip pa niya ang pulang T-back ng dalaga. Gayunman, hindi na siya nagtaka sa kinikilos ng dalaga. Napailing na lang siya.“Hindi mo man lang ba ako na-miss, Reedz?” malandi ang pagkakangiti na tanong ng dalaga pagkuwan.He didn't miss Avy at all, she
Nabulabog ang ginagawang pagtulog sa hapon ni Calynn. May dumating sa Villa Berde dahil busina ng kotse ang bumalubog sa kaniya. Gayunman, dahil buntis ay maingat siyang bumangon. Naisip niya rin kasi na baka si Calex lamang iyon kaya walang pagmamadali ang kaniyang pagkilos. She took a bath and donned her house clothes. Kahit masama ang loob niya kay Reedz, tuloy ang kaniyang buhay sa Villa Berde. Hindi bale matatapos din ang lahat nito, at pag tapos na, makakalaya na siya. Konting tiis na lang siguro.Lumabas lamang siya sa inuukopang silid at pumanaog nang natiyak niyang maayos na ang sarili. Titingnan niya kung si Calex nga ang dumating. Balak niya ay magluluto siya at yayain niya itong kakain.Nag-crave siya bigla ng sinigang na bangus. Maasim na maasim na sinigang na bangus. Iyon ang lulutuin niya.“Hi, Ate Calynn!” ngunit hindi pa man siya nakakababa nang tuluyan sa hagdanan ay bati sa kaniya ng isang boses babae. Pamilyar ang boses.Nangunot ang noo ni Calynn na itinaas ang tin
Nakabusangot ang mukhang lumabas sa kaniyang kuwarto si Calynn pagsapit ng umaga. Hindi siya kasi nakatulog dahil sa pag-iiba-iba ng kaniyang pakiramdam. Hindi niya maintindihan kagabi kung ano ang gusto niya; kung gutom ba siya o hindi, kung nasusuka ba siya o hindi. Hindi rin niya mawari kung bakit ang bigat ng kaniyang dibdib. Parang gusto niyang umiyak na hindi.Mukhang tama ang sinabi ng doktor noong nahimatay siya na maselan ang kaniyang pagbubuntis. Idagdag pa ang sinasabi nila na hormonal changes kapag buntis ang babae. Katulad na lamang ngayon na uhaw-uhaw naman ang pakiramdam niya.Nadatnan niya sa kusina si Aling Cora. Naramdaman malamang ang presence niya kaya napalingon ito sa kaniya.“Magandang umaga po,” alanganing bati niya.Ngumiti ito. “Ayos ka lang ba? Pasensya ka na kung hindi na ako nakabalik kagabi. Nag-tanrums kasi ang anak ko. Hindi ko na maiwanan.”“Ayos lang po,” aniya’t dumiresto sa may fridge. Kumuha siya roon ng tubig.“Sino’ng nagluto nitong napakaasim na
“Damn it!” Malakas na naisuntok ni Denver ang kamao sa desk nito.Nagyuko naman ang ulo ang iilang Board of Directors. Sila kasi ang dahilan ng ipinag-iinit ng ulo ni Denver sa sandaling iyon—ang iilan nilang bilang na dumalo sa board of meeting nila. Ang inasahan ni Denver na labing-lima sila ay naging apat lamang sila. Ibig sabihin mas madami ang dumalo sa panig ni Reedz. Iyon ang hindi matanggap ng binata kaya galit na galit ito ngayon.“Bakit sila lang ang nandito, son? Nasaan ang iba?” hindik na katanungan din ni Mrs. Divina Rovalez-Manrigas nang dumating ito.Nagdilim lalo ang mukha ni Denver. Nag-igtingan ang mga bagang. “Kasalanan ito ni Reedz. Ginamit na niya ang secret fund. Ang mga tanga naman na iyon, nagpauto sa kaniya.”“What?!” Nanigas si Mrs. Divina sa kinatatayuan. Humigpit ang hawak nito sa luxury bag nitong bitbit. “Pa-paano na ang… ang inauguration ko bilang bagong chairman sa susunod na araw, son, kung ganito ang nangyayari?”Pumamulsa si Denver. Sa loob ng bulsa n
“What was that?” nabahalang tanong ni Meredith.“May banggaan yata sa kalsada,” hula naman ni Calynn.Mahina ang narinig nilang parang banggaan ng dalawang malalaking lata sa may malayo pero ay gulat na gulat pa rin sila, pati na rin ang mga bantay nilang mga kalalakihan. Katunayan ay nagsilabasan pa ang iba. Mga naalarma.“Come, Ate, let's see what happened,” susog ni Meredith.“Huwag na, Meredith. Baka delikado,” tutol niya. Nagsimula na siyang nerbyusin.“I don’t think so, Ate. Parang accident lang naman.” Subalit dahil bata pa ay matapang na tumakbo patungo nang gate si Meredith.“Meredith, sandali lang!” tawag niya rito ngunit parang wala nang naririnig ang pasaway na dalagita. Wala na siyang choice kundi ang sundan ito.“Hindi po kayo maaaring lumabas.” Laking pasalamat niya’t hinarang sila ni Calex. May hawak-hawak itong shotgun. Handang-handa sa anumang gulo na mangyayari.“Give me a way, Kuya Calex. They might need help,” pangungulit ni Meredith. Nakipagpatintero ito kay Calex
Gabi na pero ayaw pa ring dalawin ng antok si Calynn. Patuloy kasi sa pagkabog ang kaniyang dibdib. Nasa may balcony siya ng inuukupang kuwarto. Nakasandal ang ulo niya sa poste at nakahalukipkip. Tagusan ang tingin niya sa mga puno sa lalim ng kaniyang iniisip.Nagpapa-palpitate rin siya’t nanlalamig. Kinakabahan pa rin siya na hindi naman niya maipaliwanag kung bakit. Basta ang alam niya ay may nangyayari sa labas ng villa. Ang hindi nga lang niya alam ay kung ano.Hindi mapakali na kinagat niya ang hinlalaking daliri. May nangyaring bang hindi maganda? Kay Reedz? Kay Gela? Kay Lola Salome? Sino? Sino sa mga mahal niya sa buhay? She sighed. “Hindi. Mali. Walang nangyayaring maganda sa kanila. Siguro ay dala lang ulit ito ng pagbubuntis ko. Mabuting iinom ko na lang ito ng gatas nang makatulog na ako,” at naiinis sa sarili litanya niya. Hindi na niya nagugustuhan ang itinatakbo ng isip niya. Exaggerated na.Lumakad siya palabas ng kuwarto at bumaba sa hagdanan. Ang hindi niya inasaha
Nagmulat ng mga mata si Reedz. Subalit dahil mahilo-hilo siya ay muli siyang napapikit. Pakiramdam niya ay wala rin siyang lakas, nanghihina ang buong katawan niya.“Do everything to protect and ensure nothing happens to the Chairman,” ang narinig niyang tinig ni Secretary Dem.“What happened? Nanganganib ba ang buhay ni Dad?” anang isip ni Reedz. Hindi puwedeng mangyari iyon. Maipapanalo na niya ang laban. Malapit na at mababawi na niya ang Regal Empire. Dapat makita iyon ng dad niya. Siguradong magiging proud pa ito sa kaniya.Isa pa, paano ang usapan nila? Kailangan niya ang basbas ng ama niya kapag—“Tingnan niyong maigi si Madam Divina. Sundan niyo lagi ang kilos niya,” ang narinig niya pang sabi ni Secretary Dem sa kausap nito.Lalong nakunot ang noo ni Reedz. Hindi na talaga niya nauunawaan ang nangyayari. Napilitan siyang imulat na talaga ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan, hanggang sa kaniya ring nagawa. At last, he did it!“Sir!” Nataranta ang kaniyang tauhan nang makitang gi
Init na init ang pakiramdam ni Calynn sa araw na iyon kaya nagkayayaan silang mag-swimming nina Meredith at Aling Cora. Ipinalinis nila ang pool sa likod ng villa sa mga kalalakihan. At dahil sila ang naglinis, kasama na rin sila sa picnic na kasiyahan nila sa gilid ng pool.Hindi pinapansin ni Calynn ang swimming pool sa mga nagdaang araw na pananatili niya sa villa dahil ang totoo dahil hindi naman siya marunong lumangoy. Ngayon lang talaga na naakit siya ng tubig ng pool dahil para siyang nasa tapat ng impyerno sa kaniyang pakiramdam sa init, na malamang ay epekto ulit ng kaniyang pagdadalang tao.“Ate, you want juice?” alok sa kaniya ni Meredith. Iniabot sa kaniya ang isang tall glass of orange juice na may nakalagay nang reusable straw.“Thank you, Dith.” Ngiting-ngiti na kinuha niya iyon. “Ah!” At na-refresh niyang dighay matapos niyang sumimsim.Habang ang mga bodyguards nila’y ini-enjoy ang paglangoy sa isang bahagi ng pool, sila naman ni Meredith ay sa sinag ng araw pansamanta
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul